Kinaumagahan na gising si Ricai na good mood pero ng may makapa sya sa right side niya na medyo matigas…
"Hmm? Bakit ang tigas ata ng unan ko?" Pag tingala nya nakita nya si Chase ang katabi nya kaya napairit sya at napatalon sa kama.
"Ano ba? Aga-aga ang ingay mo diyan." Ang sabi ni Chase na naiinis kay Ricai.
"Ba— Bakit ka na sa kama ko?"
"Kama mo? Huh! For your information lahat ng nasa loob ng condong ito ay sakin…pati nga ikaw eh." Yung last line naman na sinabi ni Chase pabulong nyang sinabi yon kaya hindi narinig ni Ricai.
Binato naman ni Ricai si Chase ng unan "pervert ka talaga!"
"Bahala ka kung anong gusto mong isipin alam mo nakakapagod kang unawain una, ibinuwis ko ang buhay ko para sayo pangalawa pinukpok mo ako saulo ng mamahalin kong vase samantalang gusto ko lang namang kumain tapos eto? Inalagaan ka na nga buong mag damag kasi inaapoy ka ng lagnat ganito lang ang igaganti mo sakin? Ang mag titili ng ganitong ka aga? Tapos babatuhin mo pa ako ng unan?"
"Oh? Tapos ka na? Haysss…ang drama mo. Bakit babayaran ko naman yung vase ah edi thankyou kung inalagaan mo ko ka gabi, wow nakakahiya naman sayo eh noh? Parang hindi kita inalagaan nung nasa hospital ka ah. Utos ka kasi ng utos kung kailan hating gabi! Ayan tuloy napuyat ako tapos humina na ang immune system ko kaya ayan nilagnat ako!"
"Huh! Ibang klase ka talaga!"
Tumayo si Chase at umalis ng kwarto ni Ricai "huh!kala naman nya matatakot ako sa kaniya….pero…inalagaan nya kaya talaga ako?"
Pagkalabas naman ng kwarto ni Chase na gulat si Belj na nakikinig pala sa labas ng kwarto "go—good morning po Boss."
"Hindi maganda ang morning kung badtrip ako!" Ang pagalit na sambit naman ni Chase at bumalik na sa kaniyang silid.
"Eh? Anyare na naman don?"
Nagulat naman si Belj ng biglang may nagsalita sa likod nya "mo---morning Miss."
"Nasan ang kamahalan?"
"Ah…nasa kwarto nya po medyo badtrip po ata nag away po ba kayo?"
"Hmm? Hinde."
At umiwas na si Ricai at tinanong si Belj kung anong pagkain "haysss…hindi daw sila nag away kaya pala naman iniba agad ang topic. Ang hirap talaga nilang intindihin."
"Belj!!!"
"Opo Miss andiyan na."
"."
Tanghali na at nag aayos si Ricai para umalis pero hindi iyon alam ni Chase kaya nung nalaman nya paalis na ito.
"Ano? Bakit mo naman pinayagan? Nasan sya? Paalis na?"
"Ahm.,. opo boss kasi kala ko pumayag kayo."
"Ano? Eh hindi nya nga ko kinakausap. Bilis, tulungan mo ko."
"Boss?"
"Tulungan mo kong tumayo para makita ko ang babaeng yon."
"Ah…Si—Sige po."
Nang makalabas si Chase sa kwarto nya nakasalubong nya si Ricai na papaalis na…
"Hey!"
"Ano na naman kamahalan?"
"Hindi ka aalis!"
"Ano? Sisimba lang ako! At alam yon ni Belj."
Ang sama naman ng tingin ni Chase kay Belj na umiwas sa kaniya ng tingin.
"Belj, ikaw na nga sa isang yan aalis na ko."
"A…eh…"
Hindi naman na nakapag salita si Belj dahil hinarangan ni Chase si Ricai "hindi ka aalis ng hindi ako kasama."
"Ano?! Baliw ka na? Ka oopera mo pa lang at alam mong hindi ka pa pwedeng mag aalis kung ayaw mong bumuka yang tahi mo!"
"A…Ahm…gusto ko lang din naman mag simba…" Ang pabulong bulong na sambit ni Chase pero hindi sya narinig ni Ricai.
"Ano? Hindi kita maintindihan."
"Kainis! GUSTO KO RING MAG SIMBA!"
Napatingin naman si Ricai kay Belj na para bang nag tataka "pffft…ikaw nag sisimba? Huh! hindi bagay sayo. Belj, ipasok mo na nga ito baka masapak ko ang isang ire."
"Hoy!!!"
"Sige sumama ka pero wag kang aarte sakin kapag nasa simbahan ka na at wag ka ring eepal!"
"IKAW!!!"
"Bleeh…" she teasing Chase.
Bumalik naman si Chase sa kwarto nya para mag bihis at na upo naman sa sofa si Ricai para intayin ito.
"Belj."
"Boss?"
"Sa tingin mo anong isusuot ko?"
Maraming kinuha si Chase sa closet nya na mga formal na kasuotan na inilatag nya sa kama kaya hindi sya makapili.
"Ah…Ahm…Boss hindi naman po sa ayaw ko sa taste nyo ng damit pero po Boss simbahan po yung pupuntahan natin at hindi po meeting."
"Ay…oo no?"
"Opo. He…He…"
"So, ano ang magandang isuot sa tingin mo? Kailangan ko kayang ternuhan si Rica?"
"Ho?"
"Kasi naka white dress sya ang ganda nya di ba?"
"Boss?"
"A…Ano…kasi…oo maganda yung dress nya pero sya hinde kailan naman gumanda sa paningin ko ang babaeng yon? Huh! Asa sya."
Pabulong bulong naman itong si Belj "tsss…kaya pala kagabi titig na titig sya kay Miss na nakatulugan na nga nya. Haysss…ewan ko sayo Boss."
"Belj ano na?"
"Ah...opo sandali lang ipipili ko kayo."
Makalipas ang isang oras natapos rin sa pag bibihis si Chase na naka coat na black at naka white v-neck shirt at naka denim pants with leather shoes na black rin.
"Sigurado ka ba ayos na?"
"Yes Boss poging pogi na po kayo."
"Nice, sige na tawagin mo na si Ricai aalis na kamo tayo."
"Yes Boss."
Pero ng pinuntahan ni Belj si Ricai sa sala naka tulog na pala ito…
"Ha? Tulog?"
"O—Opo Boss."
At para makita mismo ng mga mata ni Chase sya mismo ang nag tungo sa sala at nakita nya ngang tulog na tulog na si Ricai na hawak pa ang phone.
"Itong babaeng ito ba eh pinaglihi sa koala? Parati nalang syang tulog."
"Eh…Boss kasi naman kagagaling nya lang po sa sakit kaya baka pagod pa ang katawan nya."
"Yun na nga tapos gusto nya na agad lumabas? Hindi ko talaga maintindihan ang babaeng yan.
Sa isip-isip naman ni Belj "sus, eh parehas naman kayo mahirap intindihin."
Dahan-dahan namang kinuha ni Chase ang phone ni Ricai at hindi sya nakatiis kaya binuksan nya ito "boss…anong gagawin nyo?"
"Shhh…wag kang maingay."
Kinuha ni Chase ang right thumb ni Ricai para ma-open nito yung phone.
"Boss…"
"Shhh... may titignan lang ako."
"Pero Boss."
"Wag kang mag alala wala naman akong gagawin kung ano dito gusto ko lang malaman kung ano ang pinag gagawa nya."
Belj sighed "bahala na nga po kayo…"
Nakita ni Chase na mahilig palang mag selfie si Ricai "wala naman palang makikitang importante dito…gimme my phone."
"Boss?"
"Yung phone ko."
"Opo eto na."
Ipinasa ni Chase ang picture ni Ricai sa cellphone nya at nilagyan nya rin ito ng tracker.
"Sige na gisingin mo na ang babaeng yan."
"Sige po Boss."
Gigisingin na sana ni Belj si Ricai ng bigla syang inawat ni Chase "boss? Kala ko gusto nyo na syang gisingin?
"Last nalang may titignan lang ako."
"Si—Sige po."
Tinignan ni Chase kung sino ang mga ka text o chat ni Ricai at nakita nya na marami pala itong kinakausap "aba't sino si Beiley? Hiro? at si Shaun?"
"Hi—Hindi ko po alam Boss."
"At itong si JK na parati nyang ka chat? Goodnight, sweetdream bebe ko? Huh! Bebe ko? Bilis, gisingin mo yan!"
"O—Opo Boss chill lang baka dumugo ang sugat nyo."
"HEH!"
***
Bumisita si Fernan sa tatay nya sa hospital na hindi kasama si Eulla…
"Kailan pa nagkaroon ng bodyguard dito sa labas ng room ni dad?" Ang patanong na sambit ni Fernan kay Dante ang kaniyang kanang kamay.
"Hindi ko rin po alam Boss pero hayaan nyo aalamin ko."
"Wag na sa tingin ko alam ko na kung sino ang nag utos sa mga yan."
"Si Sir Chase…"
"Oo, mukhang nakakaradar na ang anak ko kaya kailangan nyong mag ingat sa mga galaw nyo."
"Yes Boss."
Papasok na sana si Fernan sa kwarto ng tatay nya ng biglang may lumabas na isang babaeng naka mask at naka black sunglasses at bucket hat at simpleng white t-shirt at naka palda na gang tuhod na kulay black at may dalang short brown envelope.
Nakalayo layo naman na yung babae bago naisip ni Fernan na pa sundan kay Dante yung babae.
"Yes Boss ako na pong bahala." tumakbo na si Dante at tumawag rin sa iba ring mga tauhan ni Fernan. "oo siguraduhin nyong wala kayong papalabasin na babae na naka mask at sunglasses naka white t-shirt at naka black na palda sumakay sya sa elevator."
Habang hinahabol ni Dante yung babae nawala ito sa paningin nya "lintek!" kinuha nyang agad ang phone nya at tinawagang muli ang tauhan nila "oo siguraduhin nyong hindi makakalabas ang babaeng yan sa hospital na ito!"
Ang hindi alam nila Dante nag iba ng kausotan yung babaeng kaninang simple lang ang pananamit ay naging elegante pag labas nito sa c.r na para bang isa sa mga asawa ng mga C.E.O dahil sa branded nitong kasuotan at handbag isama mo pa ang kaniyang mga nagkikinangang alas. Kaya kahit na dumaan na ito sa harap ni Dante ay hindi sya nito nakilala hanggang sa nakalabas na ito ng hospital at sumakay sa isang itim na kotse.
"Bwiset! Natakasan tayo!" Ang sabi ni Dante kasama ang kanilang mga tauhan.
Samantala, sa simbahan…
Taintim naman na nag dadasal si Ricai at nakaluhod pa nga ito…
"Kanina pa sya nag dadasal hindi kaya tulog na naman sya?" Ang pabulong na sambit ni Chase kay Belj na nakaupo naman sa kabilang linya dahil ayaw silang katabi ni Ricai.
"Boss, ganyan po kasi talaga mag dasal ang mga Catholic."
"Bakit eh Catholic rin naman ako pero hindi naman gaya nya ako kung mag dasal."
Sa isip-isip naman ni Belj "eh paano naman kung mag dasal kayo nag sisimula palang eh "amen" na agad pambihira."
Nag sign of the cross naman na si Ricai at tumayo "salamat naman natapos rin sya pang buong baranggay ata ang ipinagdasal nya eh."
"Boss talaga."
May lumapit naman kay Ricai na isang batang lalaki na nag lalako ng sampaguita "ate bili na po kayo pangkain lang."
"Hoy, alis…wag mo syang lapitan." Ang sabi naman ni Chase.
Ricai rolled her eyes "wag ka nga nag titinda lang yung bata tantanan mo sya…bata wag mo ng pansinin ang bulag na yan." Nag taka naman yung bata sa sinabing iyon ni Ricai.
"Si—Sinong bulag? Ako?"
Naka sunglasses kasing black si Chase para hindi sya mapansin ng mga tao bilang isa syang celebrity chef.
Ricai smirked at Chase then she talked to the lil'boy "bata, magkanong lahat ng sampaguita mo? Bibilhin ko ng lahat yan."
"Talaga po?"
"Um. Para makauwi ka na sa pamilya mo."
"Ang bait nyo naman po sige po 150 nalang po ito 200 po dapat pero dahil mukha po kayong anghel at napaka bait nyo po binawasan ko na po."
Napangiti naman si Ricai at tinaasan nya ng kilay si Chase na para bang sinasabi na "ano ka ngayon? angel raw ako."
"Sige wag mo ng bawasan bibigyan kita ng 500 para makabili ka ng pagkain sa pamilya mo. Ayos ba yon?"
Napaiyak naman yung bata sa sobrang kasiyahan nya "oh, bakit ka naiyak?"
"Ang bait nyo po kasi yung iba po hindi gaya nyo minsan po tinataboy nila ko tapos minsan wala pa po akong benta."
Nagulat naman sila Chase at Belj dahil kahit na madungis yung bata niyakap ito ni Ricai "wag ka ng umiyak hayaan mo dadalasan ko ang pag sisimba ko dito para ako papakyaw ng sampaguita mo. Okay ba yon?"
"Maraming salamat po talaga Ate."
"Wala yon ang importante masaya ka."
Habang nag uusap naman yung dalawa napatingin si Chase kay Belj "wag mong sabihin na naiyak ka?"
"Po? Hi—Hindi po Boss na puwing lang po ako, opo yun lang."
"Tsss…wag ako."
"Boss talaga hindi ba kayo na touch? Napakabait po ni Miss."
"Tsss… wala akong panahon sa ganyan."
"Napaka tigas talaga ng puso ng isang ito." Ang pabulong-bulong ni Belj pero ang hindi nya alam narinig iyon ni Chase.
"Ikaw!!!"
Dali-dali namang nag tago si Belj sa likuran ni Ricai na tapos ng makipag usap doon sa bata "ano naman? nasa simbahan tayo umayos kayo."
"Si Boss kasi Miss."
"Ano? Ikaw…yung…"
"Tama na…tara na umuwi na tayo iinum ka pa ng gamot mo."
Napangiti naman si Chase "ahm…pwede naman muna tayong kumain bago umuwi kung gusto mo."
"Ikaw bahala iniisip ko lang naman yang tahi mo."
"Ahm…okay lang naman ako wag mo kong alalahanin." Ang nahihiyang sambit naman ni Chase na noon lang nakita ni Belj na mag ka ganoon ang kanyang boss.
Sa isip-isip ni Belj "blurghhh…hindi bagay kay Boss ang maging pabebe nakakasuka."
"BELJ!!!"
"Opo Boss andiyan na."