webnovel

Chasing Her Smile

What if isang araw “housemate ” mo na pala ang taong naka destiny sayo? Anong gagawin mo? A. Basic lang, gaya ng sabi ng iba sundin ang sinisigaw ng puso mo. B. Hayaan ang destiny mismo ang gumalaw para sa inyong dalawa. C. Wag nalang maniwala na may itinadhana para sayo. Kung ang ugali naman ay kasumpa sumpa at higit sa lahat nakakairita at ang sarap ibaon ng buhay. D. Manahimik nalang at sumunod sa agos ng buhay pero magiging palaban para sa naka destiny sayo. E. Last and but not the least tatakbuhan mo ang taong naka tadhana sayo pero masasaktan ang pride mo dahil natutunan mo ng mahalin ang taong ito dahil nakilala mo na ito simula bata palang kayo. . . . Kung ikaw si Ricailee anong pipiliin mo? Halina’t basahin natin ang aso’t pusang istorya ng RiChase. Kung curious ka kung ano ang ibigsabihin ng RiChase basa ka na dahil maikli lang ang buhay kaya mag basa tayo at mag sulat ng short story. Malay mo makarelate ka. (:

lyniar · Masa Muda
Peringkat tidak cukup
90 Chs

Just Stick To The Plan

Kinaumagahan...

Hindi pa nakakauwi si Chase ng mansion kaya hinanap syang agad ni Ricai ng magising ito.

"Ha? Umalis sya kagabi?"

"Yes Miss. Pero naiwan po si Sir Belj." Sagot ni Felly na binigyan ng coffee si Ricai na nasa dining table.

"Alam mo ba kung bakit umalis si Chase?"

"Hindi ko po alam pero nag mamadali po si Sir nung umalis sya tapos si Sir Belj naman po nasa labas minamanduhan ang mga guard sa labas."

"Ha? Nasan si Belj?"

"Nasa main gate po."

"Okay sige pakitimpla mo ng gatas si Baby pababa na rin yon."

"Opo Miss."

Dali-Dali namang lumabas ng mansion si Ricai.

"Ano bang nangyayare?" Tanong ni Leleth isa sa mga kasambahay at matalik na kaibigan ni Felly sa mansion.

"Di ko rin alam pero mukhang may nagaganap na kung ano pero wag na nating yung intindihin dahil nasa side naman tayo nila Sir Chase kaya sure walang mangyayareng kung ano."

"Sabagay... Sana lang maging okay kung ano man yun."

"Oo mag tiwala lang tayo tsaka halika na mag titimpla pa ako ng gatas ni Baby."

"Sige, sige."

At ng nasa labas naman na si Ricai nag tataka sya kung bakit ang daming body guard ang nasa labas bukod pa ang na sunod sa kaniya.

"Ano bang meron? May parada ba ng mga guards ngayon?"

At dahil palinga linga di nya napansin na makakasalubong na nya si Ysmael.

"Are you okay?" Sambit ni Ysmael kay Ricai na tumama sa dibdib nya ang mukha.

Patay malisya naman yung mga body guard na sumusunod kay Ricai at napansin rin iyon ni Ysmael na maraming guards ang nasunod rito.

"Ay nako... sorry di kita na pansin."

"Its okay. Pero bakit ka nasa labas?"

"Ah... pupuntahan ko kasi si Belj pero ang laki kasi dito ang layo ng main gate andun daw kasi si Belj."

"Ohhh... bakit may kailangan ka?"

Hinila naman ni Ricai sa isang gilid si Ysmael at bumulong "bakit ang daming guards dito ngayon? May parade ba?"

Sa sobrang lapit ng mukha nila sa isa't isa namula ang mukha ni Ysmael at natulala.

"Mael? Huy!"

"Ha? Ano yon?"

"Ano ba naman ire ang binge eh. Sabi ko bakit ang daming guards dine ngayon? May parada ba?"

"Parada? San?"

"Dito. Ang dami kasi nila mukhang paparada."

"Pffft... hahaha... sorry pero di sila paparada pangkaraniwan na yang mga yan dito."

"Eh? Bakit di ko ata napapansin?"

"Ahhh... pag pangkaraniwang araw lang mga naka tago yang mga yan kung san-san dyan minsan nasa taas ng puno sa gilid ng mga pader nasa pool."

"Eh?"

"Oo. Pero pag andyan sila sa labas may nangyaring kung ano sa isa sa mga Alcantara."

"May nangyari? Ikaw? Ayos ka lang ba? San may masakit sayo?"

"Hehe... don't worry I'm still in a good shape."

"Salamat naman pero bakit nga?"

"Ah... di pa siguro sayo na banggit ni Chase na nawawala ang Lolo namin."

"Ha? Nawawala si Don Arnulfo?"

"Oo, actually kagagaling ko palang sa hospital para makibalita kaso wala pang update gang ngayon ang mga pulis."

"Oh... ganun pala nasan si Chase? Ayos lang ba s'ya?"

Nag iba namang bigla ang mood ni Ysmael "ayos lang s'ya wag mo syang alalahanin."

"Mabuti naman kung gano'n. Pero bakit di pa s'ya bumabalik dito? Di mo ba s'ya kasama?"

Pabulong bulong naman si Ysmael "ni minsan di ko pa nakasabay umuwi o umalis ang taong yon."

"Ano yon?"

"Ha? Wa— Wala naman hindi pa s'ya makakauwi kasi may inaasikaso pa s'ya sa kumpanya tsaka knowing Chase may ibang binabalak yon para mahanap si Lolo."

"Alam na ba ni Don Fernan?"

"Oo, pero hindi pa s'ya makakauwi may overseas business kasi s'ya."

"Oh... I see. Ikaw? Bakit parang chill ka lang? Knowing na Lolo n'yo yung nawawala."

"Ha? Ah... alam mo kasi kahit na isa akong Alcantara di naman ako tanggap ni Lolo tanging si uncle Fernan lang ang tanggap ako sa pamilyang ito."

Ricai pat him to Ysmael's shoulder "don't worry magiging okay rin kayo ng Lolo mo at eventually matatanggap ka ng buong pamilya n'yo kasama na si Chase. Kaya don't give up!"

Ang ganda naman ng ngiti ni Ysmael habang naka akbay na sa kaniya si Ricai.

"Thanks for comforting me always, Rica."

"Cough!" Reaction naman ni Chase na bigla nalang sumulpot at hinila si Ricai sa tabi n'ya.

"Cha— Chase." Sambit ni Ricai.

"Anong ginagawa n'yo?"

Ang sama ng tingin ni Chase kay Ysmael.

"Sige Ricai see you around."

"Um. See yah."

At umalis na nga si Ysmael na di pinansin si Chase.

"Bakit mo kasama si Ysmael?! At anong pinag uusapan n'yo?!!!"

Di napansin ni Chase na napapahigpit na ang hawak nga sa braso ni Ricai.

"Nasasaktan ako!"

Hinila ni Chase si Ricai sa isang puno at sumenyas sa mga guards na tumalikod dahil hahalikan pala nito si Ricai ng pwersahan.

"Mmm!"

Hindi makagalaw ng ayos si Ricai dahil hawak ni Chase ang kamay n'ya na para bang nakapako s'ya sa puno.

Mag kick sana si Ricai sa may private part ni Chase pero nahawakan agad nito ang binti n'ya.

"Too slow."

"Lemme go!"

Hinalikan uli ni Chase si Ricai sa leeg...

"Tama na!!! Promise di na mauulit!" Sambit ni Ricai na naiyak na.

Ibinaba naman ni Chase ang kamay at ang legs ni Ricai at lumayo.

Sob... Sob... "ano bang problema mo?! Gusto mo kong maging girlfriend pero anong ginagawa mo? Hindi na kita maintindihan!" Sob... Sob...

Hinubad naman ni Chase ang coat n'ya at pinatong kay Ricai.

"Sorry."

Nagulat naman si Ricai sa pag bigay sa kaniya ni Chase ng coat at sa sorry.

"Guards." Sambit ni Chase at yung nga guards na nasunod kay Ricai ang lumingon.

"Boss."

"Ihatid n'yo na sa mansion ang Ma'am Ricai n'yo."

"Yes Boss."

At umalis na nga ng di nag papaalam si Chase kay Ricai.

Lumapit naman na ang mga guards kay Ricai para sana alalayan ito.

"No need kaya ko." At hinabol n'ya si Chase.

"Hoy!!!"

Huminto si Chase at lumingon.

"Ricai?"

Nang maabutan ni Ricai si Chase may iniabot s'ya rito.

"Bumalik ka agad." Sambit ni Ricai pag abot niya ng panyo kay Chase at kumaripas na ng takbo.

Chase smiled at napansin nyang may name ni Ricia yung white na panyo "huh! May sweet side rin pala s'ya pag dating sakin."

"Boss?" Ang bungad ni Belj na bumaba sa kotse at nagulat dahil naka ngiti si Chase habang tinitignan ang panyo ni Ricai. "Ayos lang ba kayo?" Dagdag pa niya.

"O— Oo naman." Ibinulsa agad n'ya yung panyo ni Ricai.

"Anyway, nakahanda na po ang kotse nyo may mga damit na rin po kayo sa loob." Iniabot n'ya kay Chase yung susi

"Okay." Kinuha naman niya ang susi ng kotse kay Belj.

"Boss..."

"Hmm?"

"Hindi po ba kayo muna mag papakita kay Miss? Tsaka kay Baby baka hinahanap na nila kayo. Kagabi pa kayo wala dito eh."

Chase smiled and rise his right eyebrow "don't worry Ricai knows that I'm here."

"Hmm? Nagkita po kayo ni Miss? Nasan po sya?"

"I need to go ikaw na munang bahala dito."

"Yes Boss, wag kayong mag alala kila Miss at Baby di ko po sila pababayaan habang wala kayo. Pero... sinabi nyo ba kay Miss na di muna kayo makakabalik dito? Mag aalala yon sa inyo."

"Ikaw ng bahala pero wag mong sasabihin kay Ricai na pupunta ako ng Japan."

"Pero Boss..."

"No more pero... Basta sundin mo lang ang napag usapan at were good ."

"Copy Boss."

"Okay then I'll go ahead."

"Yes Boss ingat po kayo sa biyahe."

"Um. Kayo rin ingat kayo dito at ingatan mo ang 2girls ko lalong lalo na wag mong papalapitin si Ricai kay Ysmael. Understand?"

"Yes Boss wag kayong mag alala ako na pong bahala."

"Sige aasahan kita."

"Opo Boss."

At sumakay na nga ng kotse si Chase at umalis.

Paglingon ni Belj sa may right side nya nakita nya si Ysmael at Basty na papalapit rin sa kaniya.

"Belj!" Sambit ni Basty dahil hindi sila nito pinansin.

Lumingon si Belj at biglang naging poker face.

"Hindi ka marunong gumalang? Dinaanan mo lang si Sir Ysmael?!"

"Huh!" Reaction ni Belj.

"Aba't!"

"Basty, tama na yan." Ang pag awat na sambit ni Ysmael.

"Pero Sir."

"I said enough!"

Natahimik lang si Basty at aalis na sana si Belj pero tinawag sya ni Ysmael.

"Si lolo, alam na ni Chase kung na saan sya tama?"

"May pakialam ba ang isang anak lang labas?"

"Aba't, ikaw!!!" Ang pagalit na sambit ni Basty na susugurin sana si Belj pero pinigilan sya ni Ysmael.

"Enough Basty. Di natin kailangang makipag talo sa isang bodyguard lang na loyal sa kaniyang amo. Am I right Belj?"

Belj smirked and walked away.

"Sir! Bakit di nyo ako hinayaan na sapakin ang isang yon?! Di na nya kayo ginalang!" Ang naiinis na sambit ni Basty kay Ysmael.

Pinagmamasdan naman ni Ysmael si Belj papalayo at sinagot nya si Basty "wag kang mag alala oras na dumating na si uncle Fernan lalambot rin ang isang yan at sinisigurado ko sayong lintek lang ang walang ganti."

"Ano pong pinaplano nyo Sir?"

"Wala."

"Sir?"

"Hindi kailangan ng plano dahil sigurado akong planado ng lahat ni Chase and we will just go with the flow for the meantime."

"Sir? Pero paano ang lolo nyo? Paano kung maunahan kayo ni Sir Chase na makita ito? Pag nagkataon sa kaniya na naman ang pabor maiitsapwera na naman po kayo."

"I know, pero gaya ng sabi ni Belj ano bang pakialam ko eh anak lang naman ako sa labas."

"Pero Sir, may backup na kayo si Don Fernan pabor sya sa inyo at nag titiwala sa kakayahan nyo."

"Di sapat ang tiwala Basty. In this world full of schemes kailangan talaga nating makisugal dahil kapag wala kang pera wala kang kwenta."

Have some idea about my story? Comment it and let me know.

lyniarcreators' thoughts