"AHHHHHHH!!!!"
Nagulat si Ricai na katabi nya sa kama si Chase kaya naitulak nya rin ito at nahulog sa kama.
"Ano ba?! Ang sakit nun ah!"
"Ba— Bakit ka kasi nasa kama ko?!"
Chase sighed "here we go again."
"Ano nga? Bakit ka nandito?!"
"Tsk! Ano ba naman? Ganyan ka nalang ba parati kapag mag katabi tayo sa kama? Para namang ito ang unang pagkakatabi natin sa kama."
"AHHHHH!!!"
Nag sisigaw na naman nga si Ricai at tinakpan naman ni Chase ang bibig nito.
"Tumigil ka kung ayaw mong putulin ko yang dila mo."
Nag pupumiglas si Ricai pero mahigpit ang pagkakahawak sa kaniya ni Chase.
"First of all walang nangyare satin! Kaya kumalma ka!" At binitawan nya Na nga si Ricai.
"Ba— Bakit kasi nandito ka?!"
"Jusko naman Ricai! Ano may amesia ka na? Ganito nalang ba tayo parati pag ikaw yung humingi ng pabor? Ayaw mo kong paalisjn sa tabi mo ka gabi dahil bata takot ka. Hanggang sa nakatulog ka na at nakatulog na rin ako dito ng di ko namamalayan."
Binato ni Ricai si Chase ng unan.
"Hoy!"
"You take advantage!"
"Huh! Ako pa ngayon?! Eh ikaw itong makayakap sakin parang tuko!"
"Na... Nagawa ko lang yon kasi takot Na takot ako kagabi! Syempre ikaw ba naman yung muntik ng mabaril di ka ba matatakot?!"
"Ewan ko sayo. Nakakapagod ka sige na inaantok pa ko."
At nung papalabas na ng room si Chase tinawag sya ni Ricai.
"What now, Ms. Villamor?"
"Tha— Thanks for taking good care... BYE!"
At pandalas syang nag talukbong ng kumot.
Chase smiled at lumabas na s'ya ng room ni Ricai.
"Boss!"
"Ay kabayo! Ano ba Belj?!"
"Boss, parang ang saya nyo ah. Good ba ang morning?! Eiiii..."
"Heh! Anong balita?0
"Cleared na ang lahat Boss."
"What do you mean? Nahuli na ba yung namaril?"
"Opo. Kasalukuyan po syang nasa police station."
"Si dad? Anong sabi? Alam nya na ba kung sino ang pumupuntirya samin?"
"Opo Boss nag salita na rin kasi yung suspect napag utusan lang daw s'ya ni Mr. Carlos Villarin."
"Villarin? Yung may ari ng Villarin Construction?"
"Yes Boss nitong nakaraan kasi nakaalitan ng daddy nyo ito kaya gumati nabili kasi ng daddy nyo ang lupang gusto ni Mr. Carlos."
"Anong ginawa ni dad?"
"Gaya ng inaasahan mas malaki ang ibinayad ng daddy nyo para lang mabili ang lupain na gusto ni Mr. Carlos. Sa pag kakaalam ko dati n'yong hardinero ito na nanalo sa lotto kaya biglang yaman."
"What? How come?"
"Sa pag kakaalam ko po pinalayas si Mr. Carlos ng daddy nyo sa kadahilanang pagnanakaw. Pero ang sabi po napag bintangan lang at ang malala po dito nakulong si Mr. Carlos ng walang kalaban laban. Kilala nyo naman ang daddy nyo hindi nya hahayaang may mang aagrabyado sa kaniya pero nakakaawa yung taong wala namang kasalanan."
Chase made a facepalm "I don't know what to say bro my dad is son of evil."
"Si Don Arnulfo po?"
"Sira! Its just na idiomatic expression parang tanga naman."
"Hehe sorry Boss. Nga po pala may narinig akong ingay kanina ayos lang po ba si Ms. Ricai?"
"Alangan! Ako nga yung nasaktan tinulak nya ko sa kama. Anyways, mamaya Uuwi tayo sa mansion cancel all mu schedule for today."
"Yes Boss pati po ba yung kay Mr. Xitian?"
"Did you understand what I'm saying? Cancel all my schedule for today kaya malamang!"
"Ye— Yes Boss pero kasi si Mr. Xitian po yun at alam n'yong kuya s'ya ni Miss."
"Anong pinagsasabi mo? Isang anak lang si Ricai at never syang nag ka kuya. At yung Xitian na yon di nya yon kuya! Tsaka wala akong pakialam sa taong yon!"
"Pero Boss s'ya na po ngayon ang bagong may ari ng buong Building na ito."
"Huh! So what? Unit ko parin ito sa kaniya lang ang lupa at Building pero sakin ang Condo Unit na ito! Naiintindihan mo?!"
"O— Opo."
"Then do what I've said cancel all my schedule for today!"
"Opo Boss noted."
Samantala sa room ni Ricai kausap nya si Xitian over the phone na alalang alala sa kaniya.
Ricai: Kuya ayos lang po ako nakatulog naman po ako ng maayos kaya kumalma ka na.
Xitian: Ang sabi ko naman sayo lumayo kana sa mokong na yan. Tsaka ibibigay ko sayo ang isang unit diyan dun ka na manirahan.
Ricai: Ha?
"Sa kuya Tian-Tian mo na ang buong Building na yan binili nga kagabi alalang alala kasi sayo." Pag singit ni Brilliant na narinig ni Ricai.
Ricai: Ano? Binili mo ang buong Building na ito kuya?
Xitian: Monte is not issue I can buy What I want pero bwiset na Chase yan hindi ako pinapasok diyan kaya susunduin na kita diyan.
Ricai: Kuya, kumalma ka ayos lang ako! Tsaka dahil lang nag alala ka sakin binili mo na ang buong Building na ito? Grabe naman!
Xitian: I don't care I must protect you kaya mamaya susunduin na kita dito ka na muna habang di pa ayos diyan.
Ricai: Ayoko!
Xitian: Baby, listen to me I'm your kuya right? Gusto ko lang na safe ka kaya mamaya susunduin na kita mag prepare ka na.
Ricai: Thankyou for your concern kuya pero ayokong pati ikaw madamay problema ko ito at hindi ka kasali don.
Xitian: Excuse me? Baby, listen hindi mo yan problema nakasali ka lang dahil sa lintek na mga Alcantara na yan. Kaya kukunin na kita sa kanila.
Ricai: Hindi nga pwede.
Xitian: At bakit naman hindi ka naman Alcantara kaya hindi mo problema ang problema ng nga lintek na yan!
Ricai: Kuya naman... alam mo naman boyfriend ko si Chase ayokong iwanan sya.
Xitian: Lintek na boyfriend yan maki pag hiwalay ka na di mo s'ya deserve! Marami pa syang iba tantanan mo na ang Alcantara.
Ricai: Pero mahal ko sya.
Xitian: Ricai, bata ka pa marami ka pag makikilalang mas better kesa sa lintek na Chase Alcantara na yan.
Ricai: Ayoko ng mag paliwanag kuya pero salamat sa concern pero hindi ko iiwan si Chase.
Xitian: Pero Ricai...
At binabaan na sya ni Ricai ng phone.
*Toot...Toot...Toot....*
Xitian: Hello? Ricai? Andiyan ka pa? Hello? Ricai? Can you here me? Hello??!Hello!!! Ricai!!!
At kinuha na nga ni Brilliant ang phone kay Xitian.
"Boss, wala na kumalma ka na."
"Tsk! Concern lang naman ako sa kaniya! Big deal ba yon?"
Nasa balcony yung dalawa at nakaupo.
"If you think di yon big deal maybe kay Ricai talagang big deal yon. Bro Boss, tandaan mo di ka nya totoong kapatid o kuya. We all know naman na you guys are strangers."
"But I know her!"
"Oo nakilala mo s'ya ng ilang taon. Pero wala ka parin sa posisyon para mag desisyon para sa kaniya dahil di ka naman nya totoong kapatid ni hindi nga kayo blood related eh kung maka pag react ka kasi wagas."
"Syempre I treat her as my lil' sis mahal ko s'ya bilang nakababatang kapatid ko."
"Kapatid nga lang ba? Ha Xitian?"
Sabay na napalingon yung dalawa sa biglang nag salita na boses lalaki.
"Kuya Wram?" Anila.
"Aha, I'm back from the dead."
Niyakap naman agad ni Brilliant si Wram.
"Oh? Hindi mo ba ako na miss lil'bro?"
"Tsss!"
At napilitan na ngang yakapin ni Xitian ang kuya Wram nya at nabatukan pa s'ya nito.
"Kuya!!!"
"Oh? Bakit may reklamo? Sinong may sabi sayong bilhin mo ang buong Building sa Zone 8?"
"Ha? Pa— Paano mo nalaman?"
"Aba! At hindi mo pala balak pang sabihin sakin? Ha aber?"
Ang sama ng tingin ni Xitian kay Brilliant.
"Bro Boss, wa—wala akong alam diyan."
"Tigilan mo si Brilliant dahil hindi s'ya ang nag sabi sakin nun I have my sources anong tingin mo ikaw lang ang may kakayanan na malaman ang lahat?"
"Hi— Hindi naman sa ganun kuya..."
"So tell me ano na naman ang pumasok sa kokote mo at binili mo ang Building na yon? At sa zone 8 pa talaga of all buildings there? Yung sa mga Alcantara pa?"
"Ah hindi Bro di naman talaga sakanila yon Well may shares sila pero wala na ngayon kasi nga kay Xitian na ang Building na yon."
Binatukan din ni Wram si Brilliant.
"Isa ka pa! Ang sabi ko ikaw ang maging adviser ni Xitian hindi ang maging taga pag kunsinte."
"Ahm.. kasi Bro... ano..."
"Enough! Bukas na bukas ipapadala ko ka kayo sa Europe doon muna kayong dalawa ako ng bahala dito."
"Ano?! Hindi pwede kuya!" Sagot agad ni Xitian.
"Then tell me the truth, sino ba si Ricai para sayo?"
"Ha? Ano bang klaseng tanong yan? Syempre nakababatang kapatid ay hanggang doon lang yon."
"Really? Kahit na binili mo ang buong Building para lang makapasok ka at makita si Ricai? Kapatid lang yon? At kahit na nag papasunod ka ng tao mo para lang bantayan si Ricai? Kapatid lang yon? At sobra kang mag alala dahil ang akala mo si Ricai yung na baril? Kapatid lang yon? At higit sa lahat nag seselos ka kapag kasama ni Ricai si Xitian. Sa tingin mo ba kapatid lang talaga ang tingin mo kay Ricai? Na handa kang gumawa ng kahit ano para lang kay Ricai. Sa tingin mo ba talaga kapatid lang ang ganyan?"
"Oo! And why should I ask myself? Kung ganon lang naman talaga ang tingin ko kay Ricai na simula palang ng makilala ko s'ya kapatid na ang turing ko sa kaniya."
"Boss Bro, hinde... Hindi ka mag kakaganyan kung kapatid lang ang turing mo kay Ricai. Dine-deny mo lang kasi pinipigilan mo ang sarili mo na mafall sa taong kapatid lang ang turing sayo." Opinyon ni Brilliant.
"In short ayaw mong lang na ma-reject nag taong alam mong may minamahal na. Kaya parati mong sinasabi sa sarili mo na kapatid ko lang si Ricai na kahit deep inside iba na talaga ang tingin mo sa kaniya."
"That's enough kuya! Ayoko ng pag usapan ito!" Then he walked out.
Brilliant sighed "poor Xitian... Bakit kasi hirap na hirap syang aminin sa sarili nya na may gusto naman na talaga s'ya kay Ricai. Ang simple lang ng sitwasyon pinahihirapan nya pa ang sarili."
"Kaya ba madali na rin sayong burahin ang feelings para kay Ricai?"
"H— Ha? A—Ako? May feelings para kay Ricai? Asa naman!"
"Tsss! Mag pinsan nga kayo ni Xitian!"
At umalis na nga rin si Wram.
"Ho— Hoy!!! Teka lang! Mag pagpaliwanag ako."
"May feelings ba ako kay Ricai? Bakit di ko alam? Sandali nga! WRAM!!!"
***
Isinama ni Chase si Ricai sa mansion nila at natuwa si Don Fernan.
"Anong nangyayare Boss? Kayo yung anak di ba? Bakit parang mas aliw na aliw si Don Fernan kay Miss?" Sambit ni Belj kay Chase na pinag mamasdan sila Ricai at Don Fernan na para bang masayang nag uusap as father and daughter.
"I don't know pero nag simula yan nung bago mag birthday si Dad parang naging close silang bigla."
"Eh? Akala ko ako lang po nakapansin kayo rin pala."
"We need to do something baka mamaya may binabalak si Dad I know him and hindi ganyan ang kilala kong Don Fernan."
"Yes Boss."
"Go."
"Opo."
At lumapit nga sa dalawa si Chase pag alis ni Belj.
"Cough! Parang ang saya nyo. Dad, can we talk?"
"Hmm? Para san? If about yan sa kahapon don't worry ayos na ang lahat."
"Different matter. Ricai pwede bang iwan mo muna kami?"
"Um. Sige po Don Fernan mamaya nalang po."
"What did I said to you? Sabi ko call me dad nalang tutal girlfriend ka naman ni Chase."
"Pero kasi po..."
"Dad don't push her to do something na hindi s'ya masaya."
"It's okay Chase siguro Tito nalang nakaka ilang lang kasi kung dad agad tatawag ko hindi naman tayo mag asawa."
"Pero soon naman mag pagpakasal na kayo di ba Chase?"
"Dad!!!"
At hinila na nga ni Chase ang daddy nya palayo kay Ricai...
"Nyare sa mga yon?"
"Miss!"
"Felly!"
Niyakap agad nila ang isa't isa...
"Buti naman po bumalik kayo dito. Na miss na po namin kayo nga po pala nasan si Baby?"
"Ah... kinuha na s'ya ng Lola nya eh uuwi daw kasi sa Province nila pero babalik pa rin naman samin si Baby kapag malapit na mag pasukan uli."
"Ah... Oo nga pala bakasyon na ng mga student."
"Um. Nakakamiss na nga din si Baby ang tahimik sa condo. Pero okay na din na di namin s'ya kasama baka kasi na trauma pa s'ya nung nagkaroon ng pamamaril kahapon."
"Ay opo nga totoo po ba na muntik na kayong mabaril? Kamusta po kayo? Okay lang po ba kayo?"
"Hehe... Um. Okay lang ako Chase and Belj saved me."
"Buti nalang po talaga andun sa tabi nyo si Boss."
"Um. He helps me to calm down sobrang takot na takot ako kagabi nung muntik na akong mabaril at di ako iniwan ni Chase na mag isa."
"Eiiii... ang sweet naman ni Boss."
"Tuh naman! Kilig agad syempre kasama nya ako sa condo kaya nararapat lang na alagaan nya ako dahil naman kasi sa kanila kaya muntik na ko mabaril. Tsss!"
"Miss naman eh. Sweet naman po talaga si Boss eh. Alam nyo ba kayo lang ang dinala nya dito sa mansion?"
"Sus! Kaemehan naman. Anyways, wala ba dito yung bruha?"
"Wala po Miss sumama sa mga ka amiga nya."
"Wow may amiga."
"Wag nyo nalang pansinin halika po kayo may niluto po kaming macaroni salad at leche flan."
"Eh? Bakit anong meron? Sinong may birthday?"
"Wala po nag pa luto lang po si Don Fernan kasi nabalitaan nya pong pauwi kayo dito ngayon."
"Oh? Pero ngayon lang si Chase nag plan na uuwi kami dito."
"Actually, order lang po yung leche flan yung macaroni salad lang po ginawa namin. Hehe."
"Ang cute naman ni Don Fernan nag pa ganun pa talaga. Laki na ng pinag bago nya no?"
"Pero alam nyo ba sa tuwing andito lang po kayo nakikita naming masigla at nakangiti si Don Fernan."
"Hmm?"
"Opo Miss. Parang giliw na giliw po kasi sa inyo si Don Fernan he really treats you as his real daughter."
"Pero parang tatay ko na din naman s'ya di ko nga ma explain kung bakit parang naging attouch ako sa kaniya nung parehas naming nakita na may balat kami sa braso."
"Balat po?"
"Um. As in birthmark."
"Talaga po?"