webnovel

Broken Promises

Pangako? May mga tao pa bang tapat sa mga binibitawan nyang pangako? Paano kung yung taong inalayan mo ng mga ito ay committed na sa iba? Kaya mo bang panindigan pa ito hanggang huli?Aasa ka pa rin ba na matutupad mo ang pangakong sakanya'y ipinangako mo ?Aasamin mo rin ba ang ipinangako nya sayo kung Hindi na ikaw ang priority nya? Hanggang kailan ka mangangarap na sa huli kayo pa rin ng pinakamamahal mo? Matatanggap mo ba sa sarili mo na hindi lahat ng pangako kayang panindigan ng lahat,dahil ANG ISANG PANGAKO AY NAKATAKDA PARA MAKASAKIT

Burnpaolo · Realistis
Peringkat tidak cukup
27 Chs

Chapter 7

Tristan's POV :

**McLibee Coffee Shop

Alas siete na pala ng gabi,tapos na rin ang duty ko dito sa shop,pero parang ayaw ko pa muna umuwi.Kasalukuyan akong nakaupo dito sa dining,wala naman masyadong customer.Nakatingin ako sa salaming bahagi ng shop na ito,pinanunuod ko ang mga nagdaraang sasakyan na may kabagalan ang pagusad,may mga iilan ding estudyanteng nagdaraan marahil pauwi na sakanikanilang mga tahanan.Napaka bilis talagang lumipas ng panahon,ilang buwan na lang at mag papasko na naman,nakakita kasi ako ng isang tindahang nasa harap nitong coffee shop na nagtitinda ng mga parol at iba pang pampaskong dekorasyon.Isang taon na rin pala ang nagdaan simula nung huli kaming nagkita ni Lyrics.Mauulit pa kaya yun ?Hanggang kailan ko ba ikukulong ang sarili ko sa nakaraan ?Bakit ba hindi ko kayang kalimutan ang babaeng minahal ko pero iniwan ako?Haynako,pwede ba akong mag time out?pwede bang kahit sandali makalimutan kita.Pero paano?

Inihiga ko ang aking ulo sa ibabaw ng lamesa,nagiisip kung paano ba makalimot,kahit isang gabi lang.

"Tris,problema ?"

Napatingin naman ako bigla sa taong nagsasalita,si Miguel pala,umupo sya sa katapat kong upuan.

"Wala."- sagot ko

" Pwede ba yun?Kanina ka pa namin ni Hikari tinitignan e,tingin namin Hindi mo poproblemahin ang parents o kapatid mo masaya naman kasi kayo sa bahay,kung sa trabaho naman pagod lang ang iindahin mo kaya hindi naman siguro ganyan ang magiging reaksyon at kilos mo."-miguel

"Ha?ano bang napapansin nyo ni alien sa reaksyon ko at kilos?"-tanong ko

Sabay ng pagtatanong ko Kay Miguel napatingin ako kay Hikari na nasa counter ngayon,tumingin din sA akin ang alien na yun at inirapan ako.Bwiset ngayon lang Ako nakakita ng alien na tumitirik ang mata,ano ito?bagong species ng mga kalahi ni kokey si hikari?

" Bigong bigo ka par!"- Sigaw ni miguel na may kasama pang suntok sa braso ko

"Nako,tigilan moko ngayon Miguel wala ako sa wisyo para makipag biruan"-sagot Kong may halong pagkapikon

Pagkatapos kong sabihin Kay Miguel ang mga salitang yan,narinig Kong tumawa ng malakas si alien.Bwiset talaga ang dalawang ito ako na naman ang nakitang pagtripan.

"Par sabi nga sa isang kanta ang problema  sa babae dapat di iniinda hayaan mo sila ang maghabol sayo diba ?! Kaya par kalimutan mo na si miss chinita madami diyan iba Hindi ka mauubusan."-mala demonyong sabi ni Miguel

Tinignan ko lamang si Miguel at ang loko nginitian lang din ako,nakangisi na parang demonyo

" Paano ba makalimot?kahit ngayong gabi lang?"-tanong ko Kay Miguel

"Sows yun lang ba par ?madami akong alam diyan,pero ang pinaka dabest na suggestion ko sayo para maka limutan mo na yung babaeng yun ay..."-miguel

Nakatingin ako Kay Miguel, tingin ko talaga sa mokong na ito ngayon ay isang Demonyong nagkatawang Miguel Arnaiz.

" Ano naman yun?baka kalokohan lang yan ah,wala akong oras para sa ganun."-pagtanggi ko

"Haha tingin mo ba sakin par lokoloko?gusto mo diba makalimot ?gusto mong magsaya ?pwes mag wawalwal tayo !"- Miguel

" Ano?walwal ?ano yun ?baka naman bastos yan o labag sa batas .Ayoko."-pagtanggi ko muli

"Loko loko!Mag iinuman tayo may Alam akong lugar "-Miguel

Mag iinuman?parang wala sa bokabularyo ko ang gawin yun.

" Hindi ako umiinom par"-sagot ko

"Kapag nilagyan mo nang alak yang tyan mo aakyat yun sa puso at isip mo at  lulunurin nya ang mga ito at Boooooom malilimutan mo na si ex !"-Miguel

Napaisip ako sa mga sinabi nitong isang to,isang beses ko lang naman ito gagawin at ngayong gabi lang,gusto ko lang talaga pansamatanlang makalimutan yung sakit na nararamdaman ko.Gusto ko lang maalis sa isipan ko kahit saglit lang yung pangalan ni Lyrics,pagod na pagod na kasi kong mag antAy.

" Ano par ?Tara na?tapos na duty ko e iwan na natin dito si himari sya na magsara nitong shop"-Miguel

"Sige,saglit at kukuhanin ko lang yung mga gamit ko sa crew room."-sagot ko

" Ayos!!!Par!nauuhaw na ako sa alak haha "-miguel

Sabay na kami ni Miguel pumunta sa crew room kinuha lang namin ang gamit namin at nagpalit ng damit,pagkatapos namin,mabilis din kaming lumabas ng crew room.Nang madaanan namin si Hikari na kasalukayang nasa counter,tinignan kami ng masama ng alien na ito.

" Hoy Miguel Saan ka pupunta?closing ka ah ?"-hikari

"Ikaw na magsara aling hikari,may lakad kami ni par tristan."-Miguel

" Saan?sama ako"-hiling ni hikari

"Anong sasama ka ?Hindi ka pwede dun tao lang tinatanggap dun,kuha ka muna ng requirements na hinahanap para sa pagiging legit na tao hahaha"-pang aasar ni Miguel

" Ang kapal talaga ng mukha mo?siguro kaya ka nakakapasok dahil complete na requirements mo ."-asar talong sagot ni hikari

Para matapos na ang tuksuhan at asaran ng dalawang ito naglakad na ako palabas ng coffee shop ,narinig ko pa na may hinagis na kung anong bagay si hikari Kay Miguel.Nasa labas na ako ng sumunod si Miguel namumula pa ang kaliwang pisngi nya tinamaan siguro ng binato ni alien,mapanganib na nilalang na ang besspren ko.Mabilis kaming nakasakay ng jeep ng kasama kong uhaw na uhaw sa alak,papunta kami ngayon sa isang bar sa fairview ,Padis point yata ang pangalan ng lugar na yun.

Mabilis kaming nakarating sa bar na ito,tingin ko wala pang 30minutes ang binyahe namin.Pumasok na agad si miguel sa loob,habang ako nanatili muna saglit sa labas,first time ko kasing papasok sa lugar na ganito,Hindi naman kasi ako pala labas ng bahay,kung walang pasok sa trabaho nasa loob lang ako ng kwarto o di kaya tumutulong Kay mommy sa pagluluto ng ulam.

Pumasok na ako sa loob ng bar,sa entrance pa lang kitang kita ko na agad ang ibat ibang ilaw na nagliliwanag sa madilim na lugar na ito.May maliit na stage sa harap at may dance floor,may nagsasayawan siguro dito.Pinagala ko ang aking mata,nakita ko si Miguel sa kanang bahagi ng lugar na ito, bale nasa gilid sya ng mini stage,agad ko syang nilapitan at naupo.

"Ano par?anong oorderin natin?"-tanong ni Miguel

" May juice ba dito?"-tanong ko naman sakanya

Tinawanan lang ako ng mokong na ito,alam Kong wala akong alam sa mga ganitong bagay,ngayon ko pa lang kasi ito gagawin.

"Nako par ,pumunta tayo dito para makalimot ka Hindi para mag piknik walang juice dito haha.Redhorse gusto mo ?San mig light ?"-Miguel

" Hmmp kahit ano,basta yung kayang bumura ng mga alaala ng isang buong gabi."-pagmamayabang ko

"Woooh!!!sige par."-masiglang sagot ni mokong

Mya mya pa'y may lumapit na lalaki sa amin,marahil sya ang waiter dito .Nagtanong sya kung ano ang oorderin namin,bale si Miguel,na ang kumausap sakanya,naririnig ko lang na may nabanggit syang dalawang bucket ng San mig light at emperor's tower basta hindi kasi ako pamilyar sa mga yun.Pinagala ko na lamang muna ang aking mata,marami rin palang tao sa ganitong lugar,Ako na talaga ang walang muang sa mundong ito

Napadako ang tingin ko sa stage ng bar na ito?wala pa ang banda  na tutugtog sa mga oras na ito.Panigurado iingay ang loob ng bar na ito kapag nagumpisa na ang kantahan mamaya.

Mya mya pa'y naidala na ng waiter ang mga inorder ni Miguel,marami rami na sa tingin ko ang una nyang inorder pero nagpadagdag pa ito ng apat na mucho ng Redhorse at apat na Plato ng sisig,sugapa talaga sa Alak ang isang ito,sanay na sanay sa lunuran  ng atay.

" O ?Par?kung nakukulangan ka pa sabihin mo lang oorder pa tayo,at Huwag ka nang mag alala ako ang taya ngayon,libre ko to lahat."- Miguel

Napangiti lang ako sa mga sinabi ng mokong na ito,minsanan lang kasi ito kung manlibre.Habang nagsasalita sya hawak hawak nya ang dalawang bote ng San mig light ,pinagdikit nya ang magkabilang dulo nito,bale sa parte ng mga takip neto,sa puntong iyon nabuksan nya ang isa sa mga bote at iginaya ulit sa isa pang bote,eksperto na talaga ang isang to sa mga ganitong bagay.

"Heto par !inumin mo para sa isang gabi na makakalimutan mo si Binibining singkit!" -Miguel

Inabot ko ang basong punong puno ng San mig light,kahit ngayon ko lang matitikman ang inuming ito,nakaramdam ako ng panandaliang kasiyahan

"Cheers!!!Kalimutan ang mga babaeng manloloko at paasa!"-sigaw ni Miguel

Sabay naming ininom ang mga basong punong puno ng alak.Dumating na rin ang pahabol na order ni Miguel at pagkalapag ng waiter  ng mga yun sa lamesa namin nagpatuloy na kami sa isang gabi ng kasiyahan isang gabi na inaasam ko para makalimutan si Lyrics.

Lumipas ang mga oras pakiramdam ko naniningkit na ang mga mata ko,habang si Miguelito haha lasing na yata nagsasalita na ng kung ano ano.

" Alam mo par kapag ganitong nakainom ako gumaganda sa paningin ko si Hikari,humahawig sya Kay yaya dub pramish ang ganda niya ang bango pa ."-Miguel

"So sinasabi mo,kapag lasheng ka lang maganda si alien?Whahahaha."-Tristan

" Huwag kang ganyan par trishtan Hindi alien yon lab lab ko ung unggoy na yun ."-Miguel

"Hoy mokong ka!bakit mo magugustuhan si Leandra ?lalake yon haha nagkatawang alien lang whahaha."-miguel

Nagpatuloy kami sa pagtawa ni Miguel medyo antok na ako pero Hindi pwedeng matulog dito magagalit si manager Joan ,sasabihin nun Hindi boarding house tong coffee shop.

" Hoy mokong bakit ganito tong lasa ng kapeng tinimpla sa atin ni Hikariii,parang nakaka lasing ?"-Tristan

"Ewan ko nga e nilalagyan nya siguro ng pampalasing para pagsamantalahan tayo!whahaha."-Miguel

" Papalitan natin sakanya ito mokong eyaw ko malasheng magagalit si Lyrics magaaway kami nun."-tristan

"Ayun sya sa counter !tawagin mo!ipapolice mo."-Miguel

Napadako ang tingin ko sa counter,kailan pa nagkaroon ng mic stand sa station ni Hikari?bakit yung mga kasama nya sha likod may hawak hawak na gitara at tambol?Bakit Hindi naka uniform tong alien kong bespren?iba din ang mukha nya parang si lyrics ?Nakatitig ako sakanya ngayon.

" mokong kamukha ngayon ni Hikari shi lyricsssh."-Tristan

"Tanga!nilalashing lang tayo ni hikari kaya tingin no shakanya shi binibining pango ang mata.Magfocus na lang tayo sa pag inom ng espresso na nakakalashing."-Miguel

Mawala lang talaga ang pagkalasing ko humanda sakin si alien pinagtitripan kami.

" Magandang gabi sa inyong lahat,may maganda ba sainyong mga gabi ?Alam ko yung iba diyan may mga hugot.Tama ba ?."

"Bakit ba nagsasabi niyan si alien?diba sabi ko gusto Kong kalimutan si Lyrics kahit ngayong gabi lang?e bakit puro hugot ang topic nya sa counter mokong?-Tristan

" Hayaan mo na lang yan paaar."-Miguel

Kinakausap ko si miguelito pero bakit mukhang inaantok na sya.

"Mokong huwag kang matulog,ikinukwento ko pa sAyo si lyrics,alam mo mahal na mahal ko yun,ang sakit sakit nga sa akin nung ano sabi nya magbreak natayo,balikan mo na lang ako pagtapos ng pitong taon!E mahal ko nga kaya pinalaya ko.Ang sakit kaya nun,pero ginawa ko pa rin! diba sabi nila kapag mahal mo ibibigay mo ang gusto set her free.ayun pinalaya ko nga nakulong naman ako sa kalungkutan,sa sakit at sa pag aantay ,nangako kami sa isat isa e?pero ano ?ayun nagboyfriend!paano na ako ngayon?Iniwan nya na nga ako pinagpalit pa nya ako sa Ram na yun!."

Hindi na nagsasalita tong kasama ko ah,nakakaiyak na rin pala ang uminom ng espresso?si alien talaga oh nilasing

na nga  ng kape nya pinapaiyak pa ako nakakahiya.

"Wishing I'm the one for you and you for me then suddenly it all just disappeared when you said goodbye"

Parang inaantok na rin ako ah,pero bakit ang dami pang tao dito sa shop?At bakit tumigil na yung kumakanta ?Ang ganda naman ng gimik namin ngayon,coffee shop na KTV bar pa.Inihiga ko muna ang aking ulo sa ibabaw ng lamesa na ito,ngayon lang ako inantok sa ininom Kong kape.

"Relate ba lahat sa kinanta ni Lyrics?haha dami niyong sawi!!Haha,so guys palungkutin pa natin ang mga may sakit sa puso diyan?Tara dito sa stage! Request mo na song,ikaw na mismo ang kumanta para hugot na hugot."

Naiangat ko bigla ang ulo ko mula sa pagkakahiga ng marinig ko na binaggit ni manager Joan yung pangalan ni Lyrics ?Paano sila nagkakilala?Teka kakanta ba si lyrics ?sAndali sasamahan ko sya dyan sa counter.Itinaas ko ang aking kamay.

"Kuyang naka puting T-shirt!Tara dito sa stage at kantahin mo na yung request mong kanta.

Ako ba yung tinawag ni manager Joan?Teka ma'am tatayo lang ako,Hindi ako nahihilo ah!Nakaka lasing lang talaga yung espresso na binigay ni alien.Malapit na ako sa counter bakit ganun may hagdan na tong counter.?Nandito na ako sa itaas ng counter,may mga bago bang crew ?Music team na ?

" Anong pangalan mo kuya.?

"Trishtann po."-sagot ko

Ano bang nangyayari sa mga tao dito?nagkaron lang ng mikropono ang shop na ito kunwari hindi na kami magkakakilala.

" Ti-Tristan?"

Nakaka bigla ba ang pangalan ko.

"Mag retequesh Shana ako sayo ng kanta para sha ex girlfriend ko na haha iniwan ako."-sabi ko

Narinig ko na naghiyawan ang mga customer namin dito sa shop.Hindi ako broken hearted,alam ko babalikan pa ako ni Lyrics.

" Lasing si kuya,pero sige pagbigyan na natin para makahinga naman sya ng konti,mukhang matindi pinagdadaanan nito."

Kahit medyo inaantok at nahihilo ako at kahit may kadamihan ang customer namin dito sa shop,hindi ako mahihiya.Gusto ko lang mailabas yung nararamdaman ko,masakit na kasi,apat na taon ko nang kinikimkim ang sakit ng paghihiwalay namin ni Lyrics,pagod na pagod na ang puso at isip ko na magkunwari na okay lang ako,na tanggap ko na,na wala ng take two sa relasyon namin,na kahit ang mga pangako namin sa isat isa ay imposible nang matupad pa.Dahil may iba na syang mahal ngayon.May iba nang laman ang puso nya,Hindi na ako,burado na ako sa buhay nya.Pero kahit ganon ang nangyari handa pa rin akong umasa at maghintay ng tatlo pang taon.Nagbabakasakali na sa natitirang mga taon na yun ,sumagi muli sa puso nya na naghihintay ako,at handa syang tanggapin muli.Nagumpisa na akong kumanta.

Lagi na lang ganito,

Isipan ay gulong gulo

Lagi na lang nabibigo

Ngunit ikaw pa rin,sigaw ng puso.

Ilang liham na ang sinulat Sayo,

Ilang luha na rin ang natuyo.

Kailan kaya,muling makakatawang

Di ko pinililit

Walang lungkot na sumisilip

Kailan kaya muling makakamit

Ang yong yakap at halik ng Hindi sa panaginip

Kailaan,kailaaan,kailaaan

Ang dating tayo.

Wala akong pakielam sa mga taong naririto at gusto ko lang ay maibsan ang sakit na nararamdaman ko,kahit mali mali ako sa mga lyrics ng kantang ito,bahala na.

Kung ano man ang to too

Isip man ay litong lito

Handang handa akong sumalo

Pagkat ikaw pa rin sigaw ng puso

Sana nakikita at narrinig mo ako sa mga oras na ito..bumalik kana sa akin miss na miss na kita.

Kailan kaya muling matatamasa

Ikaw ay makasama,sabay tayong kakanta

Kailan kaya muling mararanasan

Sa pagdilat ng mata,ika'y Hindi lang alaala.

Mananatiling iyong iyo ang puso ko mahal kong Lyrics.

***black out***

[End of Tristan's POV ]