webnovel

Ang mga text message sa phone (6)

Editor: LiberReverieGroup

Kaya pagkatapos ng huli niyang paliwanag, bigla siyang natahimik at napayuko

nalang sa harap ni Lu Jinnian. Sobrang nahihiya talaga siya kahit pa sabihing

magasawa na sila kaya naisip niya na imbes na magpatuloy ay hihingi nalang

siya ng pasesnya sa pagiging masyado niyang isip bata, pero noong

magsasalita na sana siya ay bigla naman siyang naunahan nito. "So, kaya mo

ba ako pinapunta rito kasi gusto mong patunayan sa lahat na talagang

makapangyarihan ang boyfriend mo?"

Hindi na talaga alam ni Qiao Anhao kung anong gagawin niya kaya noong

marinig niya ang tanong ni Lu Jinnian, pakiramdam niya ay para siyang

mamatay noong oras na 'yun mismo. Naku naku naku! Galit na ba si Lu Jinnian?

Panno kung bigla itong magwala sa harap ng maraming tao…

Sa pagkakataong ito, wala ng lakas ng loob si Qiao Anhao na magsalita kaya

tumungo lang siya. Para matapos na ang lahat, gusto niya sanang sabihin na

"Nagkamali ako" pero noong gagawin niya na ito ay bigla niya namang

naramdaman na hinimas ni Lu Jinnian ang ulo niya.

Sobrang nagulat si Qiao Anhao kaya hindi na siya nakapagsalita pa dahil parang

biglang bumara sakanyang lalamunan ang mga gusto niya sanang sabihin. Dali-

dali siyang pumikit, wu wu wu… Sobrang galit na ata talaga ni Lu Jinnian. Ibig

bang sabihin ay sasapakin na siya nito ngayon.

Ey?

Bago niya pa makalma ang kanyang sarili, naramdaman niya na maingat na

hinihimas ni Lu Jinnian ang kanyang ulo….

Hindi niya maintindihan kung ano ba talagang gustong gawin sakanya ni Lu

Jinnian kaya muli niyang iniangat ang kanyang ulo para silipin ito. Pero laking

gulat niya nang makita niya ang mukha nito na sobrang salungat sa iniisip niya–

masaya itong nakangiti at wala man lang bakas ng kahit anong galit o inis.

Akala ni Qiao Anhao ay guni-guni niya lang ang nakikita niya kaya sinubukan

niyang kumurap ng dalawang beses para mahimasmasan, pero laking gulat niya

na masaya pa ring nakangiti si Lu Jinnian sakanya. Hindi talaga siya

makapaniwala kaya tinitigan tinignan niya ito ng diretso sa mga mata.

Base sa nakikita niya kay Lu Jinnian….Hindi lang ito basta bastang hindi

mukhang galit, dahil parang sobrang saya pa nito…

Habang tinitignan ni Lu Jinnian si Qiao Anhao, hindi niya mapigilang kiligin sa

napaka cute at halatang gulat na gulat nitong itsura at hindi nagtagal ay dahan

dahan niyang hinawakan ang kamay nito.

Sa totoo lang, hindi talaga maintindihan ni Lu Jinnian kung anong tumatakbo sa

isip ni Qiao Anhao. Kung praktikalidad ang paguusapan, wala naman talagang

rason para tawagan siya nito kahit gaano pa kasama ang loob nito sa naging

pagbabago ng script, tama ba? Isa pa, bakit naman ito magaaksaya ng halos

kalahating araw para lang makipagkumpetisyon sa boyfriend ng iba?

Pero sige, aaminin niya. Noong narinig niya kay Qiao Anhao na

nakikipagkumpetisyon ito sa boyfriend ng iba, naisip niya na para itong batang

nakikipagparamihan ng candy. Sa totoo lang, napaka immature at walang punto

hindi lang ni Qiao Anhao kundi lahat ng mga kasama sa nangayari. Pero, hindi

niya rin itatanggi na sobrang kinikilig siya tuwing sasabihin nito ang mga

salitang 'boyfriend ko', at sapat ito para makuha ang loob niya balewalain ang

pagiging immature ng rason Qiao Anhao.

Dahil si Qiao Anhao ang nagumpisang makipagkumpetisyon, hindi naman

pwedeng basta basta nalang itong umatras sa kalagitnaan.

Pero higit sa lahat, iisa lang ang asawa niya at kung hindi siya ang poprotekta

rito, edi sino nalang ang gagawa nito?

Pinaupo muna ni Lu Jinnian si Qiao Anhao sa make up chair nito at tinignan niya

ang mga boteng may iba't-ibang kulay na nakahilera sa isang gilid. Pamilyar

siya sa mga ito dahil sa tuwing bubuksan niya ang ref nila sa Mian Xiu Garden,

lagi niyang nakikita ang mga ito na nakasalansan sa loob.

Sigurado siyang mga baon ito ni Qiao Anhao kaya kumuha siya ng isang kulay

pink na bote. Binuksan niya muna ito bago niya ibigay sakanyang asawa bilang

sensyas na uminom muna ito ng fruit juice. Nang masigurado niyang mas

kalmado na ito, naglakad siya papalapit sa lamesa at kinuha ang isang script,

"Ito ba ang binagong script?"

"Hindi, ito 'yun." Nagmamadaling naglakad si Zhao Meng para ipalit ang dala

niyang script sa hawak ni Lu Jinnian.