webnovel

THE PAST

AUTHOR'S NOTE

This is a work of fiction. Names , characters , places , events and incidents are either the products of author's imagination. Any resemblance to actual persons or dead are merely coincidence.

W A R N I N G ‼️

This is unedited. Maraming typos. Grammatical errors.

( Please be aware of some unappropriate words I used like cursing or some of it)

Don't judge me either. I am just new and trying to make a story out of my own imagination.

AGAIN ...

DON'T JUDGE. Kamsahamnida mwaaa. Please support.

-----------------------------------------------------

Prologue

One word : "REVENGE"

One rule : "KILL MERCILESSLY. DON'T LET YOUR TARGET SURVIVE"

I sitted on his lap while he was drinking his champagne. He is the CEO of a very well known Conglomerate Company. He's looking at me with eyes full of lust and desires. He caress my legs until to my breast. I just let him. He slowly lifted me up at dahan-dahang inihiga sa malambot na kama. He's now on top of me. Unti-unti nyang tinatanggal ang strap ng red dress na suot ko nang bigla akong pumaibabaw sa kanya. Bahagya syang nagulat pero sa huli ay may pagnanasang nakangiti parin sakin.

He slowly close his eyes , naghihintay sa susunod kong gagawin. I took the oppurtunity para bunutin ang baril ko. Glock 43 , with a caliber of 9mm and a capacity of 6+1. And when he opens his eyes itinutok ko sa kanya ang baril and before he could do such thing I pull the trigger and shot him directly to his head. Tumalsik pa sakin ang dugo nya. No one could hear us. Since this is a private room specialized for him. Sinigurado ko ring walang magbabantay sa labas.

I stood up and I just clean myself up at prenteng naglakad palabas na animo'y parang walang nangyari.

I smirk. Mission Accomplished !

I am Audenzia Salazar , the woman who kills mercilessly.

------------------------------------------------------

Audenzia's POV

(Year 2002)

"Hahahahaha tama na po pa. Nakikiliti na ako" natatawang sabi ko sa papa ko. Kanina nya pa kasi ako kinikiliti eh.

"Pag ikaw talaga hindi umayos sa pag-aaral mo Audenzia ha nakooo lagot ka talaga sakin. Kikilitiin kita ng husto" pagpapaalala nya. Hayst. Si papa talaga. Hindi naman talaga ako magbubulakbol ih.

"Papa. Nangako na po ako sa inyo ni mama diba ? Hinding hindi ko gagawin yun" nangangakong sabi ko. Totoo naman talaga ih.

"Nako. Lagot ka talaga. Wag na wag ka munang magboboypren ha" haha hindi nya talaga malilimutan ang pangaral nya na yan.

"Pramis po" at nagpaalam na rin sa kanya dahil papasok pa ako sa skwela.

Kinagabihan ay matagal umuwi si papa dahil sa pagbebenta nya ng balot. Oo yan yung ikinabubuhay namin. Naglalako din si mama minsan ng mga gulay. At hindi ko ikinakahiya iyun. Wala namang matinong rason para ikahiya pa yun. Minsan nga ay tumutulong ako lalo na't walang ibang inaasahan na tumulong dahil maliliit pa ang dalawa kong nakababatang kapatid. Tumutulong ako kapag wala akong pasok. O kaya kung umuuwi ako kada hapon. Nagsisilbi rin namang bonding namin tung magpamilya.

Mayamaya lang ay dumating na din sila. Nagmano ako at pinaghanda ko na din agad sila ng makakain.

"Maraming salamat Audenzia" sabi ni papa. Eto talaga nagpapasalamat pa.

Umupo na muna ako sa labas ng bahay namin. Dito ako gumagawa ng mga assignments ko. Hindi ko namalayan ang paglapit ni papa.

"Alam mo bang maswerte ako dahil naging anak kita Audenzia ?" panimula nya. Nabigla ako. Inihinto ko saglit ang sinusulat ko at tumingin sa kanya. Seryoso ang mga mata nya.

"Maswerte din naman ako pa dahil ikaw yung naging papa ko" nakangiti at buong puso kong saad. Ngumiti sya sakin.

"Alam mo ba kung bakit Audenzia ang ipingalan ko sayo ?" tanong ni papa sakin. Nagtataka akong lumingo.

"Audenzia ang ibig sabihin ay fearless. Itinadhana kang maging malakas at harapin ang lahat ng walang kinatatakutan" paliwanag nya sakin. Ganun ba talaga ?

Matapos ang pag uusap namin na iyon ay pumasok na rin ako sa loob at natulog na.

Kinaumagahan ay maaga akong naghanda para sa pagpasok. Nasa pasilyo ako para maligo ng biglang umingay sa labas. Ano ang nangyayari ? Hindi ako nag abalang lumabas dahil na rin sa nakahubad na ako. Pinakinggan ko muna kung ano ang nangyayari ng sa isang iglap bigla akong may narinig na putok ng baril. Sunod-sunod ang pagputok nito. Nagbihis ako bigla. Sinilip ko sa konting butas ng pasilyo namin kung ano ang nangyayari , kung bakit may putok ng baril at kung sino ang binaril.

Nakita kong may mga armadong at nakaitim na suot na mga lalake. Binaling ko ang tingin ko sa taong pinatay nila. At nagimbal ang mundo ko ng makita kung sino ang nakahandusay sa sahig. Naninikip ang dibdib ko. Tinakpan kong maigi ang bibig ko nang sa ganun ay hindi ko magawang gumawa ng ingay. Umiiyak na ako dito. Umiiyak ako dahil alam kong wala akong magagawa.

Mga ilang minuto pa silang nanatili sa bahay namin at di kalaunan ay umalis na rin ito. Hindi ko alam kung ano ang naging pakay nila at humantong sa ganitong pangyayari. Akala ko ay si papa lang tanging taong pinatay nila pero nang pumasok ako sa loob ng bahay isang malagim na pangyayari ang nadatnan ko. Duguan habang nakaupo sa isang bangko ang dalawa kong kapatid. Duguan rin si mama habang nakahandusay malapit sa kusina. Ayokong paniwalaan ang lahat ng nangyayari ngayon. Ayokong maniwala sa katotohanang wala na silang buhay lahat.

"Aaaaaaaaaarrrrgh !!!!" sigaw ko. Habang unti-unting namumuo ang galit at paghihiganti sa puso ko.

Hindi ako mapapanatag hangga't hindi mabibigyan ng hustisya ang pagkamatay nila.

A/N

Trying another genre. Please do support this one mga bhe. Mwaa.

-lil_pink20