webnovel

Behind The Bars

Read at your own risk!

Ofilossou · perkotaan
Peringkat tidak cukup
4 Chs

Kabanata 3

Maaga kameng nagsasara ng tindahan dahil na rin, hindi maaaring maunahan kame ng tatay umuwe sa bahay.

Siguradong pagbubuhatan na naman niya ng kamay ang nanay. Wala kameng magawa. Lalo na ako, dahil kapag ako'y nangi-alam tiyak na, ako naman ang pagbubuhatan ng kamay. Ayoko ng ganoon. Hangga't maaari, gusto na lang namin sundin ang tatay.

"Anak, magsaing kana"

Utos ni nanay. Inilapag ko sa maliit na sofa namin na gawa sa pinagtagpi tagping plywood, ang mga bayong na may lamang gulay na tinda namin.

Habang nagtatakal ako ng bigas, nakita ko ang nanay na umupo sa upuan at Pinaupo sa dalawa niyang hita si Sunny at Sunshine. Napangiti ako, kahit ganito ang buhay namin, hindi nagkulang sa pagkalinga si nanay.

Isinalang ko na ang bigas namin sa parikitan at umupo sa tabi ni nanay. Nilaro laro ko sila Sunny at Sunshine. Puro hagikgik lamang nila ang maririnig sa bahay. Maliit lang ang bahay namin, gawa sa kawayan, ilang ulit na rin kasi kaming binagyo, sa kasawiang palad, laging nasisira ang bahay namin.

Maya maya naman narinig ko na ang ingay ng mga kapatid ko.

"Nay, ate, andito na po kame" Sigaw nila Sally, Saniel at Samuel. Nagmano sila kay nanay at humalik kay Sunny at Sunshine.

"Magbihis na kayo" Utos sa kanila ni nanay.

Sumunod naman ang tatlo at pumasok sa maliit naming kwarto. Maya maya pa'y dumating na si Tatay, may kasamang bisita.

Nakakapag taka dahil seryoso silang naguusap, at may isa pang himala. HINDI NAKA INOM SI ITAY! MAY HIMALA.

Nagmano kame kay tatay at iginayak ang kanyang bisita sa upuan naming tagpi tagpi. Kapansin pansin ang hitsura nito. Malayong malayo sa estado ng buhay namin. Napaka kisig niya at naka formal Attire pa siya. Isang business man? Ngayon ko lang napag alamang may kaibigan pala si tatay na mayaman.

Paglingon ko sa kwarto, nakadungaw ang tatlo sa amin.

"Nandito si sir Davidson para sunduin si Savana."

Napasinghap naman si nanay, ako naman naguguluhang tumingin doon sa Davidson na, nakatingin na pala sa akin. Walang ekspresyon ang mukha niya.

"Magiging sekretarya ka na niya mula ngayon, total naman bente anyos kana. Para makatulong kana rin sa 'min ng nanay mo. Mabait na tao itong si Sir"

Gusto ko sanang umapila pero ayokong singhalan ako ni tatay sa harap ng bisita. Respeto ko na lang din. Sa kanila at pati sa sarili ko.

"Pero, Sir. Ayos lang po ba iyon? High school lang ang natapos ng anak ko"

Napatingin ako kay nanay, dahil sa pagtatanong niya. Nilingon ko si sir Davidson na hindi pa rin nagbabago ang ekspresyon. Hindi mo mawari kung galit ba siya o natural ng ganiyan siya.

"Mag tre-training muna siya bago maging official secretary ko."

Ang boses niya. Lalaking lalaki. Buo at Malalim. Napailing ako sa naiisip ko. Masyado kong hinahangaan ang lalaking ito.

Napatingin ako kay tatay na seryosong nakamasid sa akin. Nginitian ko lamang siya pero inilingan niya ako.

"Bukas ng umaga, luluwas na kayo. Mag uumpisa kana mag training at pansamantala, doon ka titira sa condo ni sir" Napasinghap naman ang nanay.

Nilapitan si tatay at niyaya sa labas ng bahay.

Naiwan naman kame dito sa loob ni sir. Nakatingin lamang ako sa kanya, na abalang sinusuri ang loob ng aming bahay. Nahiya naman ako dahil alam kong ang kagaya niyang tao na marangya, hindi nakadanas ng ganitong buhay. Nakakainggit . 'Yon ang totoo.

"Uhm, si-sir ano pong gusto niyo kape? Juice? O tubig?"

Pagtatanong ko, tinignan niya ako at sinuri ako mula ulo hanggang paa. Nahiya naman ako doon kaya hindi ako makatingin sa kanya ng maayos.

"Hindi na. Hindi rin ako magtatagal rito"

Tinanguan ko lamang siya. Sinilip ko si nanay at tatay sa labas. Nagtatalo sila. Kapag ganito ang pangyayare mas mabuting wag maki alam dahil magkakanda letche letche lang ang lahat.

"Mukhang ayaw ng nanay mong umalis ka rito"

Napalingon ako kay Sir Davidson, napangiti naman ako ng pilit.

"Ako din naman Sir."

Tinignan niya ako ng ilang minuto at saka nag iwas ng tingin.

"Grab the opportunity. Maaahon mo sila sa hirap kung makikipagsapalaran ka" Napaisip naman ako sa sinabe niya.

"Bakit pa ako lalayo, kung pwede naman po ako dito makipag sapalaran?" Inilingan niya ako.

Hindi rin nag tagal si sir Davidson sa amin. Nang mapapayag ng tatay si nanay. Umalis na rin ito. Buong gabi akong nakamulat, kakaisip sa mga posibleng mangyari sa akin sa maynila. Hindi ko alam. Tiyak, para akong bulag roon, mangangapa. Hindi ko rin lubos maisip na si Sir Davidson ay mabait pala, dahil wala naman sa mukha niya. Awtoridad at karangyaan ang sinisigaw ng presensya niya, ramdam mong wala siyang sasantuhin, pero. Pumayag siya na maging Sekretarya ako kahit na, High School Graduate lamang ako. At, pumayag pa siyang manuluyan ako sa kanyang tirahan. Napaka bait naman niya. Pero, natatakot akong baka may kapalit iyon. Kailangan ko maging wais. Kung kailangan maging tuso. Kailangan ko maging. Para sa pamilya ko at para na rin sa akin.

Kinaumagahan, nag impake lamang kame ni nanay ng gamit ko. Puro paalala at habilin lamang siya, alam kong ayaw niya akong umalis, maski ako ayoko. Pero kung tutuusin, malaking tulong ito, dahil oportunidad nga naman na ang lumalapit. Naalala ko nanaman ang pag uusap namin ni sir Davidson kagabi, hindi ko sinasadyang maging marahas sa mga salitang binitawan ko pero, wala e. Nasabi ko na.

Tinawanan lamang niya ako sa sinabe ko kagabi at sinabihan na ...

"Kung dito ka makikipag sapalaran, tiyak sa palengke lang ang bagsak mo o kaya naman ... sa Bar" Hindi ko napigilan ng sarili ko, nabastusan ako sa mga sinabe niya. Kahit na mahirap lamang kame, hindi iyon pumasok sa isip ko kahit na, niyayaya ako ni Marky na mag ganoon. Hinding hindi ko papasukin ang ganoong trabaho. Hinding hindi.

"Kung ganyan ang tingin mo sa aming mahihirap Sir, mukhang nasa maling lugar ka!"

Naiinis ako. Kumukulo ang dugo ko sa kanya. Mapagmaliit siya. Matapobre.

"Anak, pagbutihin mo doon ha? Lumayo ka sa mga gulo at mag-iingat ka. Mahal ka namin ng mga kapatid mo"

Napangiti ako sa sinabi ni nanay. Kahit papaano ... Salamat pa rin sa Diyos dahil meron akong nanay na mapagmahal at mga kapatid na mabubuti. Salamat sa Diyos.

Habang inilalabas ko sa kwarto ang backpack at bayong nadadalhin ko pagluwas mamaya, nakita ko ang mga kapatid kong, nakamasid sa akin. Malulungkot ang kanilang mga mata. Pumunta ako sa direksyon nila at umupo sa tabi ni Samuel.

"Wag niyo naman ako tignan ng ganiyan, baka mag bago ang isip ng ate at hindi na tumuloy"

Natawa naman ako, dahil sa lalo pa silang nagpa-awa sa akin. Niyakap ko ang kambal. Mahal na mahal ko sila.

"Sandali lamang doon si Ate. Mag-tra-trabaho para makatira na tayo sa magandang bahay at maka-kain tayong masasarap na pag kain, diba ganoon ang gusto niyo?" Sunod sunod namang tumango ang kambal.

Ang gusto ko lang naman para sa pamilya ko ay magandang buhay at malulusog na pangangatawan. Sa estado ng buhay namin ngayon, handa akong magpakalayo layo para lang mai-angat ang buhay namin. Ayokong mamatay na mahirap.

Naalala ko pa, noong nasa elementarya ako ang sabi sa amin ng guro namin, Hindi kasalanang mabuhay na mahirap, ang kasalanan ay mamamatay ka na mahirap. Sa paglipas ng panahon, unti-unti kong naintindihan ang palaisipan na 'yon. Hangga't may buhay at pangarap patuloy na iikot ang mundo. Madami pa tayong pwedeng gawin para mabago ang ikot ng sarili nating mga tadhana. May kaya pa akong gawin para sa pamilya ko.

"Ate, kapag naroon kana wag ka makakalimot sumulat ha" Tinanguan ko naman si Saniel.

"Bakit sa sulat pa? May selpon naman na ngayon ah"

Inosenteng saad ni Samuel. Natawa naman ako sa dalawa dahil pinagtatalunan nila kung paano ako makakapag padala ng mensahe sa kanila.

"Bakit sa selpon? Bakit may pambili ba tayo? Yung selpon nga natin dito isa lang, lobo pa yung baterya tas basag pa yung screen"

"Eh! kaya nga mag tratrabaho si ate para magkapera, edi pag nagkapera bibili siya ng selpon tas staka niya tayo tatawagan"

"Eh, kung yung pinangbili niya ng selpon, pinangbili na lang natin ng bigas, edi may mas pakinabang pa!"

Napailing na lamang ako sa mga naririnig ko mula sa kanila. Naaawa ako, sa murang edad naiintindihan na agad nila kung ano kame at kung hanggang saan lang kame sa lipunang ito.

Noong bata ako, hindi ko naranasan maging normal na bata gaya ng iba na nakakapag ten twenty, habul-habulan, langit-lupa. Dahil sa buong buhay ko, halos lahat noon nasa Palengke kame ni nanay para magtinda ng mga gulay. Nagpapasalamat na din ako sa mga tanim namin, dahil kung wala ito, wala kameng pagkakakitaan. Dahil ang tatay, suma-sideline lang, mas madalas pa ang pagtambay kaysa sa pagtratrabaho.

Matanda na ako, pero hindi ko kaya sumbatan ang tatay, dahil kung tutuusin pareho lamang kame. Umaasa kay nanay at palamunin. Wala akong pinag kaiba, kaya naman nananahimik na lamang ako kahit na sa loob loob ko madami akong gustong isatinig.

"Kayong dalawa, kapag wala na ang ate, huwag mag aaway ha? kayo ang magkapatid dapat sa lahat ng bagay kayo ang magkakampi. Magmahalan kayo ha" Tumango naman ang kambal.

Sa huling pagkakataon, niyakap ko sila ng mahigpit. Sa huling pagkakataon, naramdaman ko ang init ng yakap ng pamilya ko. Sa huling pagkakataon, nasilayan ko sa kanilang mga labi ang mga matatamis na ngiti.

"Nay, aalis na po ako ha. Kayo na po ang bahala, mag iingat kayo rito at wag ka magpapaka pagod, mahal na mahal kita"

Nagyakap kame ni nanay, hindi namin mapigilan maging emosyonal dahil ito ang unang pagkakataon na magkakalayo layo kame sa isa't isa.

"Sally, tulungan mo si nanay ha? Ang kambal wag mo pababayaan" Nagyakap rin kame ni Sally.

Hindi na ako nakapag paalam sa kambal dahil sa ayaw nilang lumabas ng kwarto, iyak lamang sila ng iyak. Gusto sumama sa akin, wari mo ba'y ako ang ina nila at ayaw nila akong mawala sa paningin nila.

Hinalikan ko si Sunny at Sunshine na kapwa buhat ni nanay.

"Aalis muna ang ate."

Wala pang isip ang dalawa kong kapatid na ito, sana'y pag balik ko, kilala pa rin nila ako.

Nagpaalam na ako sa kanila at sumakay na ng tricycle papuntang terminal ng Bus pa maynila. Hindi na ako nag aksaya ng oras para makapag paalam kay tatay dahil masama rin ang loob ko sa kanya. Kahit kailan hindi siya naging mabuting ama at hindi siya naging ama sa aming magkakapatid. Si nanay ang tumayong ilaw at haligi namin. Hinahangaan ko ang nanay ko para sa lahat ng sakripisyo niya sa amin, lalo na sa ama naming walang kwenta.

Napapaisip ako, paano kung hindi si tatay? Maayos kaya ang buhay ni nanay? Pero kung wala naman si tatay, walang ako dito sa mundo, walang Sally, Samuel, Saniel, Sunny at Sunshine. Sa lahat ng nangyare, ang pinaka maganda lang doon ay, mayroon akong mapagmahal na ina at mabubuting kapatid. Yun lamang. Wala ng iba. Sana naman,

Madagdagan ang magandang mangyayare sakin, sa amin ng pamilya ko sa pagluwas ko ng maynila. Sana mayroon.