webnovel

BEAUTIFUL SCANDAL

On the night of her wedding, Oshema Yzabella woke up next to a man who is not her husband. Gumuho ang mundo niya lalo na nang matuklasan niya kung anong ginagawa ng kanyang asawa sa kabilang kwarto. Para pansamantalang makalimot, lumayo siya at nagtrabaho. Pero kung hindi nga naman niya hawak ang tadhana, wala siyang magagawa kung anong kababalaghan ang ihahambalang nito sa kanyang daraanan. Sa pamantasan kung saan niya sinimulan ang panibagong buhay ay muling nagtagpo ang landas nila ng pangahas na lalaking nakasama niya sa honeymoon. Ang malala pa ay isa ito sa mga estudyanteng kailangan niyang hasain ang kakayahan. Susuko ba ulit siya at tatakas? O, tanggapiin ang panibagong hamon ng kapalaran kahit ito ay mauwi sa isang eskandalo.

Ashley_Grace_Puno · perkotaan
Peringkat tidak cukup
56 Chs

Chapter 25

MABILIS na dinampot ni Joul ang cellphone nang tumunog iyon. Pero nadismaya ang binata nang makitang hindi si Oshema ang tumawag. It was Jinkee Rodriquez.

"Ms. Rodriquez?" Tiningan niya ang mga litratong isa-isang inilatag ni Alexial sa desk.

"Ahm, Joul?" Her voice is a little shaky.

Napakunot-noo siya. Hinintay ang sunod nitong sasabihin pero di ito nagsalita. He could only hear her startled breathing. "Yes, can I help you?" He's getting impatient at hindi niya iyon naitago sa kanyang tono.

"Ahm...gusto ko lang sana itanong kung sinong muse nyo bukas para sa pre-opening."

"Vanessa." Natanaw niya ang pagbukas ng pinto ng opisina. At pumasok si Roelle na may dalang wine. Sinalubong ito ng Ninong William niya.

"Umuwi siya ng Maynila." Pumiyok ang boses ni Jinkee at narinig niya ang maingay na tawanan ng girls sa background nito.

"Then ask Gwendel. He might have someone to replace Vanessa. Or you could do it if you want. We're open for volunteers."

Malakas na tili ang pumuno sa kanyang eardrums. Bahagya niyang inilayo ang phone. Shit, she's putting the damn phone in loud speaker. Problema ng mga babaeng ito?

" Gonna go, Ms. Rodriguez. I'm working." Di na niya hinayaang makahirit pa ang kausap. Agad niyang tinapos ang tawag.

Tinanggap niya ang basong iniabot ni Alexial sa kanya na may wine. At isa-isang sinusuri ng maigi ang mga pictures na nasa desk. Dalawang pinoy, tatlong Thailanders, dalawang Chinese at isang Filipino-Taiwanese.

"These are the psychos who killed my father?" Tanong niya.

Tumango si Alexial. Lumapit sa kanila sina Roelle at William. Sa wakas may mukha na ang mga salaring pumatay sa kanyang ama. Apat na taon niyang pilit mina-materialize sa kanyang utak ang hitsura ng mga kriminal na gusto niyang patawan ng pinakamasamang parusa at paghihiganti na kaya niyang ibigay.

"Where did you put these maniacs now?" Ibinaba niya ang basong hawak sa desk bago pa mabasag iyon sa higpit ng kanyang pagkakahawak.

"Isa na lang ang buhay sa kanila. The rest are dead." Sagot ni Alexial. Uminom ng wine. Saka itinuro ang litrato ng Filipino-Taiwanese. "This guy. Detained at our underground prison."

"Can i see this dumbass?" Ungot niya. Dinampot ang litrato ng buhay na salarin.

"No, Randall. You can't." Mahigpit na tutol ni William. " We are protecting your profile from these people. Kahit nakakulong na yan, di natin alam kung may paraan yan para makausap pa rin ang mga kasamahan niya."

"Mga kasamahan niya? That means marami sila?" Palipat-lipat ang matalim niyang tingin kina Alexial at sa kanyang ninong. Kailan ba sasabihin ng mga ito sa kanya kung ano at sino talaga itong tumutugis sa kanya? For the past years they've been protecting him like he is a sheltered prince. Di siya nagtatanong. Di nagrereklamo. At sinusunod kung anong sasabihin ng mga ito dahil para iyon sa kanyang kaligtasan.

Pero hindi na siya bata. Karapatan niyang malaman ang katotohanan at kung bakit hindi niya hawak ang buhay na para sa kanya? Pagod na siyang tumakbo ng di alam kung ano talagang tinatakasan niya. He's tired of being so clueless in everything. Tired of being so confused in the truth unraveled within his identity.

Why did these people killed his father? Why are they after him? Ang tagal na niyang tinatanong iyon pero wala siyang makuhang matinong sagot.

Lumapit sa kanya si Roelle. Tinapik-tapik siya sa balikat. Si Alexial ay nakatuon ang paningin sa mga litrato habang pinipisil-pisil ang baba. Parang may tinitimbang.

"Alex, tell me who am i running from?" It was not a plea but an order with absolute authority.

"Red Scorpion." Nag-angat ng paningin si Alexial at mariing tumitig sa kanya.

"Red Scorpion? Who are they?" He settled on his swivel chair and Alexial went for another glass of wine.

"They're one of the largest and notorious syndicate operating all over Asia." Sinulyapan siya nito habang nagsasalin ng wine sa baso.

"Why did they killed my father?"

"Your father was a devoted advocate for justice. Ten years ago, he funded an organization to assist the victims of Red Scorpion. It is called Ragnarok. The dome of gods. Marami ang sumuporta sa kanya. Hindi man sa financial na aspeto pero sa pagbabahagi ng impormasyon na makakatulong para mabuwag ang sindikato. Over time, their forces weakened. Some of the members at large fled, scattered at some parts of the globe. But your father did not stop chasing them. When their chance came to regroup, una nilang naging target ay itumba ang iyong ama at ang kanyang tagapagmana na pinaniniwalaan nilang magpapatuloy ng kanyang sinimulan. And that's you."

"You are Darius' legacy to us, sir. Red Scorpion's greatest fears. Your survival means destruction to them that's why they're hunting you before you reach at the age where you could completely crash them down." Pahayag ni Roelle.

"Do i even have the authority to pull a trigger?" Hindi niya alam kung matatawa siya o maiinis. Anong tingin sa kanya ng mga ito, superhero? Not that he despised his father's ideals to fight for justice but crashing a demonic syndicate? Is that really his thing?

Napailing siya sa pagkakatuliro. Maybe, it is. It should have. It'll be damn too late to back off now. These people had done so much for him. And now, he understood it so well why he has to live as a different person. Giving him a fake identity was the best choice they had to ensure his safety. Ilang taon pa ba ang kailangan niyang hintayin para magiging malaya na siya? When can Jairuz Randall Monte-Aragon come out in the open? Darating pa ba talaga iyon o habang-buhay na lamang siyang magtatago sa katauhan ni Joul?

"Alex," he shut his fists tightly. "Tell me everything about this Red Scorpion. I need to know all that there is to know." Deklarasyon niya.

Tumango ang lalaki. Just when he open his mouth to speak, nagring ang cellphone niya na nasa desk.

Oshema is calling.

Lumundag ang puso niya. Pakiramdam niya ngayon siya na talaga ang superhero na kailangan ng mundo dahil sa babaeng ito. Sige na, kahit magkalasog-lasog pa ang katawan niya, wawasakin niya ang sindikatong iyon, alang-alang sa kinabukasan niya kasama si Oshema.

"Babe?"

"JOUL?" Napakagat ng labi si Oshema para pigilan ang luha nang marinig ang namamaos na boses ng binata. She shouldn't have left him. She should've let him come. Buong sistema niya ngayon ang naghihimagsik at nagrerebelde. Para siyang pinarurusahan sa sakit na di matukoy kung saan nagmumula.

"Hmnn, i'm here. You okay? Did they hurt you?" Nasa tinig nito ang labis na pag-aalala.

Hurt her? Hindi pa. Anumang pisikal na sakit ang ipapataw sa kanya, makakaya niya iyon. Lahat ng pang-iinsulto ay handa siya. Pero ang mawalay sa binata...

"Oshema, i'm asking if they hurt you."

She looked outside. They're half-way to Manila. Sinalubong sila ni Rune dito sa terminal ng bus patungong Puerto Luiza. Kung tatakas siya, di rin siya makakalayo. Nagkalat ang tauhan ng mga Olivares at Madrigal.

"Oshema?"

"N-no," she stammered, bahagyang nag-panic nang matanaw si Rune na papalapit kasunod ang mga tauhan nito.

"Why the uncertainty, baby? Tell me!"

Bumagsak na ang mga luhang pinipigil niya kanina pa. "Joul..." Napahikbi siya sa sobrang disperasyon. "Joul, mahal kita."

"Are you crying? Damn it, Oshema! What happened? Nasaan ka na?" She sensed fury lit up from his voice.

"I'm sorry, Joul." Pinutol niya ang tawag at nagpunas ng mga luha. Eksaktong binuksan ni Rune ang pinto ng sasakyan sa tapat niya at sinilip siya sa loob.

"Okay ka lang ba? Di ka ba nagugutom?" Tanong nitong tinangkang hawakan siya sa braso pero mabilis niyang tinabig ang kamay nito at umusod patungo sa kabilang dulo. "Shem, come on." Napabuntong-hininga ito at umiling.

She hates him. Patawarin siya ng Diyos pero hindi niya kayang maging civil sa taong ito. Pinilipit niya ang mga daliri. Kailangan niyang makatakas. Hindi siya sasama kay Rune. Kahit ikamatay pa niya.

"JAIRUZ, where are you going?" Galit na sigaw ni William at pilit hinahabol na mapigilan ang pagsara ng elevator lulan si Joul pababa ng underground parking ng gusali.

Oshema is in trouble. His girl needs him right now. At papatay siya kung may pipigil sa kanya na puntahan ang babae. He lost his father already. He is not going to lose her too. No fucking way. Dapat kasi sumama na lang siya kanina. Dapat hindi siya pumayag na uuwi itong mag-isa. Gwendel is right, damn it! Why did he is such a klutz? Sinuntok ng binata ang wall ng bumababang platform.

Lumapag ang elevator sa distinasyon at agad bumukas. Pero napatda siya pagdating sa labas nang masumpungan ang nagkalat na mga kalalakihang armado ng matataas na kalibre ng baril. They're all in black suites and in combat stance. Agad humarang ang iilan sa mga ito sa kanyang daraanan.

"Who the hell are you? Out of my way, damn it!" Nanggigil niyang sigaw at sumugod. Pero bago pa man siya nakapagbitaw ng suntok ay may yumakap sa kanya mula sa likod. Pinning off his arms from behind. Pag sinubukan niyang umalpas siguradong mababali ang mga braso niya.

"Get your shit back together, Jairuz!" It was Alexial. How did he get here that fast?

"Let go of me!" Matigas niyang utos rito.

"Where do you think you're going? Kung pupuntahan mo siya ngayon, pwede kang mapahamak at madadamay lang siya. Nakapasok na rito sa siyudad ang mga kaaway. Kaya nandito ang mga tauhan natin para siguruhin ang kaligtasan mo." Mabilis nitong paliwanag.

"Are you suggesting that i should leave my girlfriend alone? Now, that she's in trouble? Are you? Not having her with me is good as death, do you understand?" He tried to slip away from Alexial's iron grip pero napasigaw lang siya sa sakit. This guy's strong, damn it!

"Where is your fucking cool, Jairuz? Huminahon ka, pwede ba? Hindi ko sinasabing papabayaan natin ang girlfriend mo. Ako mismo ang pupunta para ibalik siya sayo."

Doon lang siya kumalma at napanatag matapos iyon marinig. Alexial never fail him. Malaki ang tiwala niya sa kakayahan nito. Ganoon pa man, kung pupuntahan nito si Oshema, gusto niyang sumama. Siya mismo ang babawi sa kasintahan.

Pinakawalan siya ng lalaki. Hinugot nito ang cellphone at may tinawagan. Karagdagang pwersa sa palagay niya. Nilibot niya ang paningin. Are these people not good enough to handle their enemies? Ano bang klaseng mga kriminal itong mga kalaban nila? Demonyong nagkatawang-tao? At kailangan nila ng halos isang batalyong warriors?

"They are not just warriors, Jairuz. They are your shields too. Ihaharang nila ang mga sarili nila sa bala para lang hindi ka tatamaan." Nabasa ni Alexial ang kanyang iniisip.

Sinipat niya ito ng matalim na tingin habang binabalikan nito ang kausap sa cellphone. God, this man is unbelievable. He's got a psychic powers too.

"DUMAAN muna tayo sa amin bago mo ako dalhin sa gusto mong puntahan." Galit na sabi ni Oshema habang nakabusangot pababa ng sasakyan. Agad siyang pinaliligiran ng tatlong tauhan ni Rune na akala mo ay tatakbo siyang bigla. Nasa labas sila ng paliparan ng Puerto Luiza.

Huminto sa paghakbang ang lalaki at nilingon siya. " Please, Shem, don't make this more difficult for us." Nagsusumamo ang tono nito.

Lalo lamang siyang naiinis. "This definitely was already difficult from the beginning. And you're still pushing the damn thing, Rune."

"Nagkasundo na tayo. Di ba pumayag ka naman na makipag-ayos sa akin?" Humarap ito sa kanya. Natutuliro kung anong gagawin para mapaamo siya.

Ano ba kasing nilalaro ng lalaking ito? Di ba bakla ito? Wala silang pupuntahang dalawa.

"Pumayag akong magkaayos tayo pero hindi ibig sabihin makikisama akong muli sayo." Sigaw niya. Pinagtinginan sila ng mga on-lookers na papasok ng airport. Pero wala siyang pakialam.

"Shem," he pursed his lips like he is the most pitiful victim here.

"Iuwi mo muna ako sa amin. Gusto kong makita at makausap sina Papa at Mama." Apila niya. Kontrolado na ang boses pero naroon pa rin ang poot.

"Pupunta sila bukas ng Cebu para sa birthday ni Mommy. Doon mo na lang sila kausapin."

"I can't really understand you." Naiiling niyang sabi at umatras nang tinangka nitong lumapit.

Napamura na lamang ito. "Anong hindi mo naintindihan? Na mahal kita? Mahirap ba talagang intindihin iyon, Oshema?" Disperado nitong pahayag. Namumula ang mga mata dahil sa nagbabadyang likido na papatak.

"How can you say that after I saw you with someone of your kind?" It was not meant to insult him pero parang ganoon na rin iyon kung pakinggan.

Pain overshadowed his tears making it look like a burning fire. "Mahal kita. Maniwala ka. Lahat ng iyon, lahat sila ay wala na sa buhay ko. Ikaw na lang ang natira, Oshema. Kung pati ikaw mawawala pa, di ko na alam kung anong mangyayari sa akin. I get that you love Joul, if this is the prize of realizing my feelings so late, tatanggapin ko. Just don't leave me."

She smiled bitterly. "Kung nagpakatino ka sana, wala tayo dito ngayon." Tumalikod siya at bumalik sa loob ng sasakyan. Hindi siya nito mahal. Ayaw lamang nitong masira ang perpektong imahe ng pamilya nito sa lipunan.

Tumingin siya sa labas. Sa madilim na kawalan. Sana mahanap siya ni Joul pag tumakas siya. Saan ba siya pwedeng pumunta na mabilis siyang mahahanap ng binata? Hindi na siya makatawag kasi kinuha ni Rune ang cellphone niya kanina nang subukan niyang magtext. Saan ba pwede?