Sa una lang masaya maghintay lalo na pag kinikilig ka pa .
Pero pag matagal na , dun ka nalang mapapaisip kung magiging worth it paba ang paghihintay mo o baka sign n yung pagod n nararamdaman mo para sumuko .Pero kapag mahal mo Hindi nawawala ang pag asa mo sa puso mo .
Andrew: ( Bryan calling ... ) Pasensya kana bro pero Hindi ko masasagot tawag mo . ( Malungkot na saad ni Andrew sa sarili . )
( Sa bahay ni Andrew )
Tita Shorie: Bakit kase hindi mo pa sabihin Bryan kung nasaan si Andrew ?!Malapit na dumating ang parents nyo .
Bryan: Don't worry tita 4 days pa lang naman siyang Hindi umuuwe .
Tita Shorie: Anong sabi mo ?! ( galit na tanong ) .
Bryan: Napaka seryoso mo naman Aunty . Don't worry puntahan ko na siya .
Tita Shorie: Asaan ba siya ?
Bryan: Wag na maraming tanong basta pauuwiin ko na .
( Pinuntahan sa sine ang kaibigan )
Bryan: Sabi ko na nga ba andito ka lang eh.
Andrew: Pagod nako bro .Hindi ko na ulit siya muling nakita .Maghapon nakong nag da- drive .
Bryan: Huwag mo kaseng madaliin .Makikita mo rin siya o baka naman Hindi na .Saka ni Hindi mo nga alam baka kasal na yun o kaya naman bakla .
Andrew: No .Bro , sa tingin ko siya na talaga ang babaeng seseryosohin ko .
Magkikita kaming muli .