5 Quatro

WARNING:THIS CHAPTER WILL CONTAIN SOME MATURE CONTENT,SEXUAL THEMES,PHYSICAL ABUSE,ATTEMPTED RAPE,DRUG,ALCOHOL USAGE,SELF-HARM AND STRONG LANGUAGE!!

IF THIS CHAPTER MIGHT TRIGGER YOU,YOU CAN ABSOLUTELY SKIP IT^_^

I've warned you,ok?

~•~

After a week bumalik na rin si kuya sa Australia,mas lalong humigpit ang security ko at ng mansion.

Katulad ng sinabi ni kuya everywhere i go is dapat kong kasama si Mang Rey,dinagdagan narin yung mga body guard ng mansion.

Lumalabas lang kami ni Addy kung kailangan lang,kung hindi man ay nasa mansion lang kami,si Addy ay nagbabasa samantalang ako ay kadalasang nagmumukmok lamang sa kwarto ko.

Simula ng gabing iyon ay kadalasan na akong binabangungot paulit ulit na naririnig ang boses ng lalaking iyon.

Isang beses nga ay nagising na lang ako dahil sa pagtapon ng tubig sa akin ni manang.

Kadalasan ay nagigising nalang ako dahil pawis na pawis na ako o di naman ay nagigising ako dahil tinatawag at ginigising na ako ni Addy.

Pero iba ngayon,hindi ako nanaginip at naging maayos rin ang tulog ko.

Natratrauma na rin ako sa mga paulit ulit kong napapanaginipan tila ba ay sa kahit saang anggulo ako tumingin ay nakikita ko ang mukha niya.

Ngunit nitong mga nakaraang araw ay tila ba naging bagong normal na iyon para sa akin.

Gumising ako ng higit pa sa normal ngayon walang takot na dinadala at hindi na ganoon katamlay.

Napag isip isipan kong mag shopping ngayon ng school supplies at mga damit na rin para sa pasukan.

Naligo muna ako bago tawagan si Kuya para mag paalam.

Nang nakapag bihis na ako ay kinuha ko na ang cellphone ko sa study table at dinial ang number ni Kuya.

"Good morning Tana,kamusta ang gising ng kapatid ko?"bungad ni Kuya sa tawag halata sa boses niya na bagong gising lang siya.

"Good morning Kuya,did i wake you up?"nag aalala kong tanong sa kanya.

"Okay lang malalate din sana ako sa business meeting kung di ka pa tumawag,so is there anything wrong there?"

"There's nothing wrong here,I guess?Magpapaalam lang sana ako Kuya I'll buy some stuff."pagpuputol ko sa sinasabi ko at hindi iyon patanong

"It's like you woke up good,huh?Parang di ka ata nagtatanong Tana?At sino naman ang dadalhin mo papuntang mall?Are you using your car or your commuting?Thou you can bring Addy too if you really want so."Tuloy tuloy na pagtatanong ni Kuya sa akin,but I think I couldn't blame him dahil toh sa mga nangyari.

"Since this will going to be a girl stuff only i would be taking Manang,the newest one with me.They can protect me invade of emergency though,as you've said they are well trained in their agency.And yes Kuya I'll be bringing my Car but i won't bring Addy with me she've mentioned to me last night that she will going to be busy,she'll be meeting someone else today."Sinagot ko na ng isahan ang tanong ni Kuya.

Naririnig ko sa kanilang linya ang pagliligpit niya na higaan niya.

"I smell something fishy about Addy's the thing she said someone else"inartehan niya pa ang pagkakasabi niya ng dalawang huling salita.

"Let's not bother on what her doing Kuya it is her private life,alam na niya ang tama at mali,and maka arte ka naman dyan eh special someone mo din naman si ate Stella"pang aasar ko sa kanya.

Pumuntong-hininga muna siya bago sumagot sa sinabi ko.

"Estella Haven is just my ex Aitana"he sound so pissed.

"And by the way dad told me that Alexandra is dating i don't know that boy's name but Dad said that his not that rich but it doesn't matter for me hindi naman tayo si Alexa para diktahan siya sa gusto niya,and yes you can go,I'll end this call na,bye and always take care Tana"pagtatapos niya sa usapan namin.

So ate was dating someone,huh?who siguro yung si Caleb Wilford minsan na kasi siyang na wrong send sa akin di pa siguro sanay sa pag tetext.

I know Kuya still love Ate Stella kahit matagal na silang nag break.

And Addy i know her hashtag special someone it's one of the son of our companies partner,he is Harris Jaspher,if I'm right.

I'm happy for all of them.

Bumaba na ako para mag agahan nang narinig ko sina Yaya Mirang at ang pinaka bagong pasok na si Manang,hindi ko pa alam ang pangalan niya.

"Esther ikaw daw ang sasama kay Ma'am Aitana sa mall"Esther pala ang pangalan niya..Manang Esther..pagtatawag ko sa kanya sa isip ko.

"Babantayan ko namang mabuti si Ma'am Aitana kaya wag kang mag alala Almira"nakangiti niyang sabi kay Yaya Mirang.

Nang natapos na silang mag usap ay tuluyan na akong bumababa sa hagdan at binati sila ng magandang umaga.

Tapos na silang mag agahan kaya ako na lang ang kumakain ngayon.

Habang kumakain ako ay nakitang kong umalis si Manang Esther ng kusina para mag bihis na dahil ako ay bihis na.

Pagkatapos kong kumain at mag tooth brush ay saktong rin tapos ng mag bihis si Manang.

Nginitian niya muna ako kaya ngumiti rin ako sa kanya bago kinuha ang susi ng kotse ko sa bag na dala ko.

"Tara na po manang"tumango siya bilang pag sang ayon.

"Mauna na po kami"

Nang nag simula na akong mag maneho ay naisipan kung tanungin si Manang para kahit papaano ay di kami maboryo papuntang mall.

"Pwede po ba akong mag tanong Manang?"

"Opo naman Ma'am Aitana"

"Taga Pangasinan ho ako Ma'am,pero bago dito ay sa Agency po ako sa Cebu nag tratrabaho na siya rin pong pag mamay ari ng Pamilyang Humphries na siya ring may ari ng Elegasia Flower Farm na minsan ko rin pong nirarakitan para dagdag pero po"sagot sa akin ni Manang.

"So may pamilya po ba kayo Manang Esther?"curios kong tanong kay Manang.

Biglang lumungkot ang kaninang masayang mukha ni Manang siguro ay namimiss niya iyon.

Nakita ko siyang umiyak,naawa ako kay Manang dahil siguro ay sobrang miss na niya ang pamilya niya samantalang siya nandito nagsisilbi sa amin.

Pinahid muna ni Manang ang luha niya bago sumagot sa akin.

"Wala na po akong pamilya Ma'am Aitana"

Nagulat ako sa sinabi ni Manang,pero paano?

Balak ko na sana siyang tanungin kung bakit pero inunahan na niya ako.

"Noong mga araw na iyon may kambal na lalaki ang mag-asawang Humphries,bagamat kambal ay mag kaiba silang dalawa,kahit mukha nila ay magkaiba,ang isa ay nakuha ang mukhang parang kastila sa kanyang Ama gwapo man ay sutil ito,hilig mag laro ng babae at palaging umuulit ng high school dahil sa pag bubulakbol at pagbabarkada.Samantalang ang isa naman ay moreno,namumukud tangi ang dugong Pinoy sa kanya,kabaliktaran ng kambal niya,siya ay may angking katalinuhan na kahit ang kanyang ama ay di mapantayan,puno ng medalya at tropiyo niya ang kanyang kwarto,seryoso din ito sa babae pero tanging isa lang ang minahal niya ng sobra pero niloko siya nito para sa kambalsa rason na mas gwapo ang kambal niya sa kanya.Pero laking gulat namin ng habang lumalaki sila ngayon ay pawang siya palang pagkakadevelop ng mukha ng isa sa kanila,lalaking lalake siyang tingnan kumpara sa isa,ngayon ay mas marami na ang naghahabol sa kanya.Lalo namang sumasama ang ugali ng isa.Isang gabi,gabi ng selebrasyon dahil sasabihin na ng Padre de Pamilya ng mga Humphries kung sino ang mag mamana ng Kompanya at ng Flower Farm,alam na namin lahat kung kanino ibibigay ang kompanya nang mapatunayan,ay nagalit ang isang suwail sa kanilang Pamilya,sa sobrang galit niya ay lumikha siya ng sunog sa mismong event na iyon,dahilan kung bakit maraming nandon ang namatay kasama na ang pamilya ko.Pagkatapos ng gabing iyon ay di na ulit pa nakita ang suwail na Humphries,kahit kailan ay di na niya inapak pa ang kanyang paa sa lupaing pag mamay ari nila.Hanggang ngayon ay hinahanap parin iyon."naging kalmado na siya pagkatapos niya iyong sabihin.

"Sorry po Manang Esther at nag tanong pa ako"

"Okay lang po Ma'am"sabi niya sabay ngiti sa akin.

Maya-maya pa ay narating na namin ang parking lot ng mall.

Sinalubong kami ng malamig na hangin mula sa aircon ng tuluyan na kaming makapasok sa mall.

Una muna kaming pumasok sa National Book Store para bumili ng school supplies pagkatapos ay binayaran narin.

Ako na ang nagdala dahil magaan lamang iyon.

Sunod ay bumili na rin ako ng black shoes at dalawang bag,habang si manang ay si Manang na ang nagdala nun.

Pumunta na kami sa Ladies Department para mamili ng damit.

"Manang pumili po kayo ng gusto niyo"

Nahihiya man ay tumango na lang si Manang sa akin.

Naghiwalay na kami ni Manang para makapili ng maayos na damit.

Nang nakuntento na ako sa pinili ko at nakita ko na rin si Manang na may dalang tatlong damit at dalawang pantalon lang.

Ngumiti kami sa isa't-isa bago pumunta sa counter at magbayad na.

Nag grocery na rin kami para sa mga rekados na kulang sa lulutuing ulam mamaya at bukas.

Naabutan kami ng Alas Onse ng tanghali kaya napag isip isipan kong doon na lang din kami kumain dahil gutom na rin kami.

Pumasok kami sa isang restaurant at umorder na ako,nang nakitang kong parating na ang order ko ay umupo ako ng tuwid,tapos na niyang mailapag ang pagkain at drink ni Manang nang ilalapag na niya ang drink ko,ay sadya niya iyong tinapon sa dress ko dahilan kung bakit ako nabasa.

"Naku!sorry po Ma'am di ko po sinasadya"halatang hindi siya seryoso sa sinabi niya.

Nainis man ako ay di ko na nagawa pang ipakiya at magreklamo sa kanya.

Kundi ay kumuha na lang ako ng isang dress galing sa mga binili ko kanina.

Nagpaalam muna ako kay Manang na pupunta sa Cr para magpalit.

Saktong wala namang tao sa cr pero chineck ko muna lahat ng cubicle kung may tao nga ba.

Sinarado ko muna ang pintuan ng cr para sigurado.

Pumasok ako sa cubicle para mag bihis pagkatapos ay lumabas para manalamin at maayos ang sarili ko.

Ng saktong pipihitin ko na ang door knob ng pintuan ay pinuno ng kadiliman ang cr,kaya binuksan ko na ang pinto ngunit tanging dilim lang din ang nakikita ko galing sa labas.

Tanging ilaw ng cellphone at boses ng mga tawo ang nakikita at naririnig ko.

Lalabas na lang sana ako ngunit may kamay na pumulupot sa bewang ko parang pinipigilan ako sa paglabas,nang sisigaw na sana ay biglang niyang tinakpan ng panyo ang bibig at ilong ko hindi ko naman napigilang hindi iyon amuyin.

I felt dizzy and my feet weakened and trembled as my nose smell that handkerchief then everything went black....

Nagising ako sa di malaman na rason ang katawan ko ay pawang nakahiga sa malamig na sahig pinilit kong bumangon pero hindi ko kaya sa sobrang sakit ng ulo ko,wala akong makita tanging dilim lamang ang meron sa kung saan man ako naroon sibukan kong sumigaw pero walang boses na lumabas sa sobrang panghihina at pag kakabusal ng bibig ko,sinubukan kong igalaw ang kamay ko pero lalo akong nasaktan ng lumikha iyon ng sugat galing sa mahigpit na pagkakatali ng kamay ko.Pati paa ko ay nakakadena,sinubukan kong gumapang pero naglikha lang iyon ng tunog galing sa kadena ng paa ko papunta sa kung saan man iyon nakatali.Nawalan na ako ng lakas ng loob ng mga oras na iyon kahit pagpatak ng mga luha ko ay diko na namalayan tanging takot lamang ang lumulukob sa bawat sulok at parte ng katawan ko.Tinipon ko ang lahat ng lakas na natitira sa katawan ko pinilit ko ang sarili ko na umupo lang pansamantala.

Nakarinig ako ng pabukas ng pinto at yabag ng paa na papunta sa akin.

Kinabahan ako ng sobra na kahit tibok ng puso ko at nararamdaman ko na ngayon.

Nasilaw ako ng ilaw na nanggagaling sa flashlight na hawak ng di ko alam kung sino man iyon,tanging nakatutok sa mga mata ko kaya naipikit ko iyon para miwasang masilaw.

Naramdaman kong lumapit na ito sa akin umupo sa unahan ko at itinapat ang mukha niya sa mukha ko kaya kahit hininga niya ay ramdam ko minulat ko na ang mata ko para makita kung Sino man ang lalake sa harapan.

Nanlaki ang mata ng nakumpira kung sino ito.Ang lalaking laman ng mag bangungut ko gabi-gabi,ang lalaking sa kahit saan ako magpunta ay binabantayan ako,ang lalaking simula ng nakita ko ay nagsimula ng maging empyerno ang buhay ko.

Nanigas ako sa haplos niya sa pisngi ko tila lahat ng balahibo ko ay nag sitayuan nagdadasal na sana panaginip na lang ang lahat.

Iniwas ko ang mukha at paningin ko sa kanya sa taong kinamumuhian ko.

Hinawakan niya ng mahigpit ang mukha at pinipilit na tinitingin sa makasalanan niyang mata.

Pinilit kong lakasan ang loob ko para maipakita na galit ako sa kanya.

Umigting ang panga niya.

Nilapit niya ang sarili niyang mukha sa tenga ko para makabulong.

Tanging takot ang naramdaman ko ng maramdam ko ang hininga niya sa leeg ko.

Nandiri ako sa kanya ng sinubukan niyang amuyin ang leeg na agad kong iniwas sa kanya dahilan para mas lalo niyang higpitan ang pagkakahawak niya sa panga ko.

"Akin ka lang Aitana,akin lang!"galit man ay mas angat parin ang kalaswaan sa boses niya.

Nagsimula na uling tumulo ang mga luha ko dahil alam kong wala na akong takas sa bagay na ito.....

C o n t i n u a r á

-A-

avataravatar
Bab berikutnya