webnovel

Chapter 3

Tama na ba o tuloy pa?

Yaan ang mga tanong sa aking isipan noon pa.

Alam ko naman na hindi ako mahalaga.

At kahit mawala ako ay hindi iyon problema.

Mahal kita pero ang sakit na.

Kaya tamang manatili pa ba o suko na?

Lalo't alam ko naman na nandiyan siya.

At handa kang samahan mula pa noong umpisa.

Gusto kong manatili sa iyong tabi

Gustong lumaban hanggang sa huli.

Laging iniisip na ako'y manatili.

Pero tama ba ito o mali?

Nagpapasalamat ako at nakilala ka.

Ikaw ay isang napakasayang alaala.

Salamat at paalam na.

Dahil hindi siguro tayo para sa isa't isa.

Arrette

Nabulabog ang tulog ng mga lalaking Pascual ng madinig nila ang ingay sa kanilang kusina. Halos takbuhin nila Logan, Elijah, at Oliver ang kusina sa pag-aakalang may nakapasok ng magnanakaw sa kanilang bahay. "Sino ka!?" Tanong ni Logan sa taong natatakluban ng kaserola na bumagsak sa kanyang ulo habang naghahanap ng kanyang magagamit sa pagluluto. "Hi!" Sabi ni James habang naka-peace sign at tinatanggal ang kaserola sa ulo niya. Dinig sa buong bahay ang halakhak nila Elijah at Oliver ng makita ang binata.

"James Oliveros, ano'ng ginagawa mo dito sa ganito kaagang oras?" Seryosong tanong ni Logan. "Ipagluluto ko kayo ng breakfast." Simpleng sagot ng binata. "James, alam kong may hidden agenda ka kaya ngayon pa lang ay tumigil ka na." Sabi ni Logan at sinimulan ng lumakad palayo sa kusina. "Dre, seryoso ako kay Billie at lahat ay gagawin ko para lang mapatunayan iyon sa inyo." Hindi nilingon ni Logan ang binata pero alam niyang gagawin ni James ang sinabi. Sa pagkakakilala niya dito, kapag may ginusto ito ay ibibigay ang lahat para lang makuha ito. "Fighting!" Bulong ni Oliver at Elijah at iniwan na din ang binata.

Naunang lumabas si Billie sa kanyang kwarto dahil tuwing uuwi siya ay siya ang nagluluto para sa lahat. Kumunot ang noo niya ng may maamoy siyang masarap at alam niyang pagkain iyon. "Sino'ng nagluluto?" Takang tanong niya sa sarili. Nagulat siya ng pagpasok niya sa kusina ay nakita niya agad ang mga pagkain nakahain sa kanilang mesa pero kumunot ang noo niya na makita ang nakahigang lalaki sa mga upuan na pinagtabi-tabi nito para maging higaan. Dahan-dahan siyang lumapit sa natutulog na binata at nakilala niya agad ito. Pinaglipat-lipat niya ang tingin sa pagkain at sa binata. "Siya kaya ang nagluto ng mga ito?" Bulong niya. Maingat siyang kumuha ng kutsara para tikman ang isa sa niluto nito.

"Wow, may talent ang mokong." Nakangiting sabi niya at muling tiningnan ang binata. "Sa totoo lang ang gwapo mo sana kaya lang ang weird mo." Sabi niya habang nakatitig sa binata. "Gwapo naman talaga ako pero hindi ako weird ha?" Napatili si Billie ng biglang magsalita si James. "Sorry, sorry." Sabi ni James na nagmamadaling tumayo. "Nagulat ba kita? Sorry ha." Muling sabi ni James sa dalaga na nakahawak pa sa kanyang dibdib dahil nagulat sa binata. "Okay lang." Sagot naman ni Billie na namumula naman dahil nadinig ng binata ang kanyang sinabi. Naging awkward ang paligid para sa dalawa. Si Billie ang unang nagsalita.

"Ikaw ba ang nagluto lahat niyan?" Tanong niya. "Oo." Nakangiting sagot ni James. "Gusto mo ng kumain?" Tanong ni James. "Mamaya na kapag nandito na silang lahat. Minsan ko lang kasi silang makasabay sa pagkain." Sagot ni Billie. "Ah, okay." Muling natahimik ang paligid. "Ahm, mauuna na siguro ako. Pinagluto ko lang talaga kayo ng breakfast." Paalam ni James. "Ha? Hindi ka dito kakain?" Tanong ni Billie at isang ngiti lang ang sinagot ni James. "Dito ka na kumain, sabayan mo kami. Mag-coffee na lang muna tayo habang iniintay sila." Nagdiwang ang kalooban ni James ng madinig ang invitation ng dalaga.

Nang lumabas si Logan mula sa kanyang kwarto ay nadinig mula sa sala ang masayang tawa ni Billie. "Naloko na..." Bulong niya sa sarili. Kilala niya ang pinsan, aloof ito sa mga lalaki lalo at hindi niya pa lubos na kilala. Sa tuwing tatawagan niya ang mga "minions" niya sa university, gaya ng tawag ni Billie sa kanila, ay iisa lang ang sinasabi ng mga ito sa kanya. "Mataray" si Billie sa mga lalaking nagpapahiwatig ng pagkagusto sa kanya. Mga kaibigang babae lang ang lagi nitong kasama, kung may lalaki man ay tiyak na pusong babae ito. Madalang nilang makita si Billie na nakikipag-usap sa mga kaklaseng lalaki maliban na lang kung ito ay importante.

Dumiretso si Logan sa sala at sabay namang lumingon sa kanya ang dalawa. "Wala ka bang gagawin ngayon James?" Tanong ni Logan na umupo sa pagitan nila dahil magkatabi ang dalawa. "Sa ngayon ay wala pa. Nasa Europe pa sila Papa at Mama pero tiyak na pagbalik ni Dad ay haharapin ko na ang business world." Sagot ni James na halatang nadismaya ng pumagitna sa kanila ang kaibigan. "Nakwento ni James na dentist ang mama niya." Singit ni Billie. "I want to know her para naman makapagtanong ako ng mga hints sa board exams." Nakangising sabi ni Billie. "Kapag bumalik na sila Mama ay isasama kita sa bahay para magkakilala kayo. Alam ko ay nakatago pa ang mga notes and reviewers niya." Sabi ni James. "Talaga, that would be great." Excited na sabi ni Billie. Biglang na out of place si Logan dahil kahit nasa gitna siya ng dalawa ay para namang hindi siya pansin ng mga ito.

Sunud-sunod ng lumabas ang iba pang Pascual cousins kaya ininit na ni James ang mga pagkain na niluto niya dahil lumamig na din ang mga ito. Walang nagawa si Logan ng tulungan ni Billie ang binata. Nagkatinginan naman sila Oliver, Elijah, Angela, at Lyza dahil biglang naging close ang dalawa.

Lahat sila ay nasarapan sa luto ni James. "Pwede ka ng mag-asawa, Dre." Biro ni Oliver. Tumingin naman si James kay Billie pero binawi din niya ng makitang nakatingin si Logan sa kanya. Nang matapos silang kumain ay hindi na pumayag si Billie na si James pa din ang mag-uurong kaya tiningnan niya si Oliver at Elijah na nakatoka talaga sa pagliligpit. Walang nagawa ang dalawa kungdi gawin ang kanilang trabaho.

"So, ano'ng gagawin natin ngayon?" Tanong ni Elijah. Dahil linggo ay sarado ang Pascual Motors. Tuwing weekdays lang sila bukas dahil kapag weekends ay doon sila sumasali sa mga off road challenges. Pagkagraduate nila Logan, Elijah, at Oliver ay sinumulan na agad nila ang Pascual Motors dahil suportado naman sila ng kani-kanilang magulang. "Nagtext si Bo, meron daw off road challenge sa kabilang barangay, gusto n'yong pumunta?" Sabi ni James. "Sama ako." Sabi ni Billie. Dahil madalang nga siyang umuwi ay hindi pa siya nakakakita ng off road race ng personal. Puro sa video niya lang nakikita ang mga pinsan na pinapadala ng mga ito sa kanila nila Angela at Lyza. "Sigurado ka? Baka mamaya ay katulad ka din nitong dalawa na 'to na hindi nakita ang buong race dahil mas madalas na nakatakip ang mga mata nila." Nakangising sabi ni Elijah habang nakatingin kay Angela at Lyza. "Kasi naman, nakakatakot talaga, parang tatagilid yung sasakyan lalo kapag lulusong o aakyat sa mga obstacles sa track." Paliwanag ni Angela. "Kaya nga, parang mauubos boses ko kakatili lalo kapag kayo ang nasa track." Dugtong naman ni Lyza. "Hhhmmm, exciting." Tumingin sila Angela at Lyza sa pinsan. "Sige, exciting ha? Tingnan natin mamaya." Sabi ni Logan na inakbayan ang pinsan.

"Ang daming tao." Sabi ni Billie na pilit sumisiksik sa pagitan ng mga taong nandoon na sa race track. Hawak-hawak siya ni Logan. Nasa likod naman niya si James. Nakasunod sa kanila sila Elijah na hawak si Angela at sila Oliver na hawak naman si Lyza. "Bo!" Sigaw ni Logan ng makita ang binata. Kumaway naman ito sa kanila. Nang makarating sa pwesto ni Bo ay nakita nila na nakatayo na din doon sila Arlo at Aidan. Maganda ang pwestong nakuha nila Bo kaya kitang-kita nila ang mga kasama sa off road race. Ang iba ay familiar sa kanila, ang iba ay alam nilang mga baguhan lang.

Nang magsimula na ang race ay hindi mapigilan ni Billie na humanga kung paano lagpasan ng mga racers ang mga matataas at malalalim na obstacles sa race track. Pumapalakpak pa siya kapag nakakaahon ang mga 4x4 na sasakyan kahit ba hirap na hirap ito sa pagkakabalaho sa putik.

"Wow, adrenaline rush 'to." Sabi pa niya. Natawa si Logan sa nadinig mula sa pinsan. "Gusto kong matuto n'yan." Dugtong pa ni Billie pero isang "NO" ang sagot na nakuha niya mula kay Logan. "Bakit? Marunong naman akong mag-drive besides..." Hindi natapos ni Billie ang sasabihin dahil nakita niya ang seryosong mukha ni Logan. "NO and that's final." Kapag nagsalita na si Logan ng final ay alam niyang wala na siyang laban.

"I'll teach you, don't worry." Bulong ni James pero isang batok ang natanggap niya mula kay Logan. "Subukan mo lang, mata mo lang walang latay." Banta ni Logan pero isang peace sign lang ang binigay sa kanya ni James.

Natapos na ang race at sobrang nag-enjoy si Billie. Paalis na sila sana pero may tumawag sa pangalan ni Logan.

"Nandito pala ang mga champions!" Sabi ng lalaking tumawag kay Logan. "At may kasama pang magaganda, baka naman pwede silang mahiram sandali. Magcelebrate lang kasi kami dahil nakuha namin ang 1st, 2nd, at 3rd place." Pagmamayabang pa nito na hindi inaalis ang mga mata kila Angela, Lyza, at lalo na kay Billie. "I'm Riggs, and you are?" Sabi ng binata na nakatingin kay Billie sabay lahad ng kamay. "Hi, I'm James." Biglang kinamayan ng binata si Riggs na ikinatawa ng iba. Binawi naman agad ni Riggs ang kamay sa nakangising si James. "Huwag mong isama ang mga pinsan ko sa kalokohan mo, Riggs." Seryosong sabi ni Logan. "Woah, off limits pala." Nakangising sabi ni Riggs. "Anyway, ready na ba kayo next week? Palagay ko ay doon na tayo magkakaalam kung sino talaga ang hari ng daan." Sabi ni Riggs. "See you again, beautiful." Sabi ni Riggs bago tuluyang lumayo sa grupo ni Logan.

Thanks again for the views.

Comment, vote, review lang po kayo.

Enjoy reading!

arrettecreators' thoughts