webnovel

The Prophecy

Prologue  

In a faraway kingdom, the strongest and oldest donjon was made to protect the gigantic castle of the most powerful lineage in the world of vampires. 

No one has been there yet to ramble not even the trusted high ranks of vampires in other regions unless the king summoned them. The only way to go there is by facing the dangerous passage through their world. The castle will be found between hills and the highest mountain called Montaña Vieja in the pathway of the valley.  

The darker the night, the more strange and powerful the aura of a King sitting on the throne next to the  queen and their four children that supposed to be five.  

"Where's my son Loki Thaddeus?" Tanong ng hari habang unti-unting pinulupot ang kamay sa baywang ng reyna.  

Ang tatlong magkakapatid na sina Octavian, Cornelius, at Apollo ay inaasar ang kanilang bunsong kapatid na babae na si Zipporah na patuloy sa pag-eensayo ng bilis sa pagkilos.  

 Ang kanang kamay ng hari na nagmula sa angkan ng mga pinakamagigiting na bampira sa pakikipaglaban ay lumuhod ng biglang tumayo ang reyna. 

"Mahal kong hari, huwag kang magmadali dahil ang paghihintay sa iyong anak ay palaging may kapalit." Mahinang wika ng reyna habang diretsong nakatingin  sa espasyo ng kaharian. 

Matamis na ngumingiti ang reyna na sinusundan ng tingin ng hari. Mabilis na hinawkan ng hari ang maputing kamay ng reyna at ginawaran ng halik ang ibabaw ng kaniyang palad. 

Hindi nagtagal ay biglang umihip ang malakas na hangin dahilan para mapahalakhak ang hari at ang reyna naman ay magaan na napabuntong hininga. Ang panganay na si Octavian ay mariing napatingin sa malaking tarangkahan na iniilawan ng buwan. Habang sina Cornelius at Apollo ay parehong napangisi sa reaksyon ng panganay na kapatid. Ang bunsong si Zipporah naman ay matamis na napangiti sa amoy na dala ng hangin sa labas ng palasyo. 

"Lumabas ka na Loki" Walang emosyong utos ng nakakatandang kapatid.

Wala pang dalawang segundo ay nasa tapat na ito na kaniyang ina at magaang hinalikan ang ang pisngi ng kaniyang ina. Loki Thaddeus eyes were like crimson red as he bowed to the King and Queen.  

"Kuya!" Tawag naman ng bunsong si Zipporah at mahigpit na niyakap ang kapatid. 

Naging maamo ang mga mata ni Loki ng biglaang yakapin ito ni Zipporah. Walang kinakatakutan si Loki at kung may isang bagay man ay iyon ang buhay ng kaniyang pinakamamahal na ina at bunsong kapatid na babae. 

"My son, Loki Thaddeus. What's your plan for tomorrow? Ang propesiya ay nagsasabi na bukas ay ikalabing-walong kaarawan ng nag-iisang anak na babae ng ating kaaway." Tanong ng hari habang nakatingin sa malaking litrato ng kaniyang ama sa palasyo. Biglang lumitaw ang mapulang mata nito at wala pang ilang segundo ay nasa harap na ito ni Loki.

"Don't worry my dear father. Tomorrow will be the downfall of werewolves existence and I will make sure that they will pay for what they have done to my grandfather starting with the only granddaughter of the werewolf King. Expect nothing but bloodshed. Ama, pinapangako ko. Sa alaala ng dakilang hari na namayapa, sa tapat ng puntod ng aking lolo, iaalay ko ang ulo ng nag-iisang prinsesa ng hari ng mga lobo."

Bab berikutnya