webnovel

Chapter 3

Pagdating ni Lizzy sa Castelan Resto ay nakaabang na ang kanyang head chef.

"Lizzy, buti at nakarating ka agad. Hindi kita makontak sa telepono kaya nag-iwan lang ako ng mensahe sa email mo."

"I know, Pops. Explain the situation."Sambit niya habang papasok sila sa restaurant.

Ayon dito ay biglang dumagsa ang mga tao sa restaurant at may mga reserve functions sila na kailangan i-cater. At ang problema ay kulang sila sa tao sa kusina.Matapos tingnan ang mga order slips ay isinuot na niya ang kanyang apron at chef hat. Tinawagan na din niya ang mga kaibigan na available sa mga oras na iyon.. Isa sa mga dumating si Ady na halatang kagagaling lang din sa supreme court.

"Bes, anong nangyari, bigla-bigla yatang dumagsa ang mga tao sa restaurant mo? Mukhang kailangan mu pang palakihan ang lugar na ito. Kawawa naman yung mga nasa labas na nakatayo para maghintay." Puna ni Ady at tumingin siya sa labas.

"Tama ka. Pero mas kailangan ko muna ang tulong mo, so stop talking and start cooking." wika niya at itinuloy na ang paghihiwa ng mga ingredients na kailangan nila.Dumaan and maraming oras at tila ba walang katapusan ang kanyang ginagawa. Tuloy tuloy ang pasok ng mga orders at hindi na din sila magka-ugaga sa paghahanda.Halos gabi na nang sa wakas ay makaupo sila para magpahinga.

"I think I broke my hands." reklamo ni Ady habang hilot-hilot ang mga kamay.

"I think so too." sang ayon niya. Magkakakalyo pa yata ang kamay niya. Kailangan na talaga niyang magdagdag ng trabahador. Napatingin siya sa relo at nasapok ang noo. Mabilis niyang kinuha ang cellphone sa bag and true enough. May mga tawag at text na galing kay Theo. Nag-type siya ng mensahe at ipinadala dito. Wala pang ilang minuto at muling nagring ang cellphone niya at mabilis niya itong sinagot.

"Sorry, masyado kaming busy sa restaurant, hindi ko agad nasagot ang tawag mo.""That's okay, are you done? I'm picking you up."

"Ohh." napangiti siya nang marinig ang sabi nito. Kahit minsan ay hindi siya sinundo ni Joseph sa trabaho. Not even when they were at school.

"Nasa Castelan resto ako."

"I know that place. I'm hanging up."

"Okay, take care." wika niya at pinatay ang phone. Napangisi siya at tila ba nakaramdam siya ng kilig.

"Take care? Bruha sino yun?" tuksong tanong ni Ady.

"Asawa ko." wika niya at napipilan si Ady. Asawa? Hindi ba't kabi -break lang ng bruha sa asungot nitong boy friend. Paanong asawa? Tanong ni Ady sa isip.

"Don't play games Lizzy.""It's true." sambit niya at itinaas ang kaliwang kamay. Doon lang napansin ng dalaga ang maliit na singsing na nasa kamay ng kaibigan.

"totoo ba yan?" dehadong ranong ni Ady sa kaibigan. Tumango si Lizzy at muling napangiti.

"He said he'll pick me up. Want to meet him?"

"Naman. Bruha ka, di ka man lang nag imbeta sa kasal mo." Wika pa nito habang pabiro siyang sinasabunutan kuno.

"It's a long story. I'll explain everything soon." nakangitiniyang sambit at inayos ang mga gamit.Samantala, paalis na si Theo sa opisina nang makasalubong niya ang kanyang pinsang si Gregory.

"Bro, I heard you got married to someone you barely know." walang paligoy-ligoy na tanong nito. It seems that the news of him getting married was like wildfire. Mabilis na kumakalat.

"Your point?"

"Are you sure about that girl, what if she only married you for your wealth and name?" wika ni Gregory at napaisip si Theo. He doesn't really mind. Mas gugustuhin pa yata niyang gastahin ni Lizzy and pera niya kisa ng ibang mga babaeng nakilala niya noon. Yes, hindi niya pa lubusang kilala si Lizzy but his guts tells him that she was a good woman and he trusted her.

"I won't mind losing everything if it will make her happy. And perhaps that is my problem not yours, so stay out of it."Hindi makapaniwala si Gregory sa narinig. Anong gayuma ang ginamit ng babaeng iyon para paamuhin ang demonyo niyang pinsan. He won't mind? nakalimutan na ba nitong muntikan na niyang ipapatay ang buong angkan ng unang babaeng nanloko dito?

"If you don't have anything else to say, I will go now."

"Where?"

"Picking up my wife." simpleng sagot nito at nilisan ang opisina.Lizzy was talking to her staff when Theo arrived.

Kasalukuyan siyang nakaupo sa isa sa mga upuan at nakapalibot sa kanya ang mga staff nang dumating ito. Si Ady naman ay tahimik nang gumagawa ng report sa laptop nito.Theo patiently waited for her to finish. Nakatingin lang siya sa dalaga nang lumapit ang isang waiter upang asikasuhin siya.

"No thanks, I'm just waiting for someone." Turan niya at patuloy na tinitigan ang dalaga. Never in his line of imagination that he could get married in an unusual way. Basically, it was not his plan to get married on the first place. Ngunit dahil na din sa pressure na nasa ulo niya, dahil sa kanyang pamilya ay napilitan itong magpakasal ng wala sa oras. And that girl happen to be Lizzy. And he doesn't mind marrying her. Weird.Hindi pa din niya maisip kung bakit siya nakapagdesisyong magpakasal dito. Maybe because he feel no ill intention coming from her. She married him with carelessness but no scheme against him.

On the other hand, Lizzy was about to finish her discussion with her staff when she notice a tall man sitting not so far from her. Napansin niyang nakatitig ito sa kanya at nagtama ang kanilang mga mata. Nginitian niya ito at mabilis na kumaway dito bago tinapos ang usapan nila.Tumayo na siya at tinungo and kinauupuan nito. Saglit na tiningnan ng binata ang relo bago siya hinarap.

"Done?" tanong nito.

"Done!" masayang sagot niya at mabilis na tinawag ang kaibigang si Ady. Bago pa man niya ito natawag ay nakanganga na itong nakatitig sa binatang kasama niya. Her friend's expression was priceless.

"This is my friend Adellaine Suarez. Ady, you know him, Theodore Van kristoff, my husband.

"Napakunot ang noo ni Ady habang nakatitig sa kaibigan at sa binata. Why? Bakit? Anong nangyayari sa mundo? How come this two monster is togeher?Napakamot lang ng ulo si Lizzy dahil alam niya kung anu-ano na ang pumapasok na tanong sa ulo ng kaibigan and she owe her an explanation.

"Ady, I'll explain to you soon. We have to go." Turan niya at hinatak na palabas ang binata bago pa matauhan ang kaibigan at masabunutan pa siya ng wala sa oras.

"Tired?" tanong ng binata habang nagmamaneho ito.

"Hmm... Not really. How was your day?" Lizzy asks, trying to engage themselves in a normal conversation.This will be their first night together after signing the marriage contract. Kahit na matagal na niyang inihanda ang sarili sa oras na ikasal siya. Iba pa din ang pakiramdam kung nasa kasalukuyang sitwasyon ka na. She felt rather nervous and Theo could see through her.

"I have a good day. Why the sudden change of plans?" Si Theo naman ang nagtanong. Lizzy smile.

"Something came up. Kailangan kung tumulong sa resto, dahil kunulang kami sa tao at biglang dumagsa ang mga guest. But don't worry, sanay na ako."

"No wonder, you were hailed as the goddess of business."

"Hahaha. Those were baseless title given by someone. I am not really that good compared to you." Lizzy put a smile on her face as she talk. Samantalang ang mata niya ay patuloy na nakatigtig sa labas ng sasakyan.

There was a hidden bitterness behind those words and this was noticed by him.

The rest of the ride was in utter silence.

Pagdating nila sa mansyon ay agad naman silang sinalubong ng mga katulong. Agad na silang nagpahinga habang naghahanda naman ng hapunan ang mga maids nila. Theo was busy signing documents even at home kaya naman minabuti na rin niyang tingnan ang mga bagong updates sa Castellaine Ville. Its been months since she last visited Castellaine's portal. Kabubukas pa lamang niya ng portal ay agad na tumambad sa kaniya ang napakaraming messages an nanggaling sa kaniyang mga kaibigan. Para siyang inulan ng batikos nang mga oras an iyon kaya dali-dali siyang nag-log out ulit. Sapo-sapo ang dibdib na pinatay niya and kaniyang laptop at kinuha ang cellphone sa tabi nito, pagkuwa'y naupo siya sa kanilang higaan.

Kakaupo pa lamang niya nang pinaulanan naman siya ng messages ng kaniyang mga kaibigan sa kaniyang messenger. Marahil ay nakapagreport an sa base si Ady kaya nalaman na din ng iba pa niyang kaibigan ang kasalukuyan niyang sitwasyon. Wala na siyang nagawa kun'di ang sagutin ang mga katanungan ng mga ito sa kanilang GC, ayaw din kasi niyang isa-isahin ang mga ito kaya inisang bagsak na niya. Matagal bago nakapagreact ang mga ito kaya naman pinatay na din niya ang kaniyang cellphone at napabuntong-hininga. Mukhang kailangan niyang bumalik na sa Castellaine para makapagpaliwanag ng maayos sa mga ito. Pero sino ba naman ang mag-aakala na magkakaroon siya ng flash marriage na noon ay nababasa lang niya sa mga pocketbooks at mga online reading app.

But who is she? She is Alyzzana Mondragon, kahit sinong lalaki ay kaya niyang pakasalan kahit pa isang Theodore Van Kristoff pa yan. Muli siyang bumuntong-hininga at napatitig na lamang sa kaniyang bagong asawa na noo'y abala pa rin sa ginagawa nito.Nangalumbaba siya at muling nagpakawala ng buntong-hininga. Sa pagkakataong iyon ay napalingon na sa kaniya ang asawa kaya naman nginitian niya agad ito.

"Don't mind me, I am just appreciating the view," wika pa niya at narinig niya ang mahinang pagtawa ni Theo na agad namang tumagos sa puso niya.

"Maganda naman ba ang view mo?" Tanong nito at napaawang ang kaniyang mga labi bago tinugunan ito ng isang matamis na ngiti.

"Naman, ito na yata ang pinakamagandang view na nasilayan ko sa buong buhay ko," nakangiting tugon pa ni Lizzy at may kung anong kumiliti sa puso ni Theo nang marinig ito.