NAPAKAINGAY ng pinuntahan naming disco bar ni Cindy. Ngayon lang ako nakapasok sa ganitong lugar. Maingay at madilim. Pero ayos lang kasi libre naman nya.
"Sayaw tayo!" yakag nya ni Cindy sa akin.
"Ikaw na lang, hindi ako marunong n'yan," tutol ko, "babantayan ko na lang 'yang bag mo."
Gumulong ang mga mata nya, "napakaboring mo naman palang kasama," iniwan na ako agad at pumagitna sya sa dance floor.
Nalunod sa lalim ng iniisip ko ang ingay na nagmumula sa malalaking speakers ng disco. Kailangan ko nang maghanap ng ibang trabaho. Para makapagbigay rin ako ng mga regalo kay Ate Issa na kasing-laki gaya ng niregalo ng Sir ni Cindy kanina. Hindi ko nga lang alam kung saan ako mag-uumpisa. Ang pinakamalayo ko lang na napuntahan ay itong lugar na ito. Naisip kong maghahanap-hanap ako ng trabaho sa dyaryo. Bukas, bibili ako.
Maghanap ng maayos na trabaho naman kasi talaga ang pakay ko nang lumuwas ako ng Maynila, naaantala lang dahil sa kabaliwan ko sa pag-ibig.
Tiningnan ko si Cindy habang nagdi-dirty dance sa gitna. Siguradong hindi nya kilala ang mga kasayaw nya dahil dalawa lang naman kaming pumasok dito kanina.
Sexy rin naman pala itong anak na ito ni Ate Issa, at napakagaling kumembot. Parang nanay rin nya kapag sinasakyan ako.
Napailing ako. Si Ate Issa pa rin talaga ang nasa isip ko.
*************************************
"Napakalallim naman ng iniisip mo!" pinitik ni Cindy ang tenga ko habang naglalakad kami pauwi. Paano'y tahimik lang akong nakatungo habang naglalakad.
"Wala, may iniisip lang ako. Maghahanap kasi ako ng trabaho bukas."
"Ano ba'ng natapos mo?"
"Business Management."
Nagliwanag ang mukha ni Cindy.
"Ipapasok kita sa sa pinagtatrabahuan ko, gusto mo? Naghahanap kasi sila ng purchasing assistant. Mahilig ka ba sa numbers?"
"Ah, oo. Kahit na ano."
"Sige bukas isasama kita, magdala ka ng kopya ng resume at transcript bukas… Yehey!" napapalakpak pa ito, "magiging magkatrabaho na tayo… Pero ano ha, bawal ang mag-jowa doon kaya dapat secret lang natin 'to," sabay kindat nya.
"A-ano?!" napamaang ako sa sinabi nya.
"Huh?" aniya na tila nadulas lang sa sinabi nya.
Natawa ako sa sinabi nya, napakamot ako sa ulo.
"Hindi pwede 'yung ganyan na hindi mo alam ang sinasabi mo, lasing ka ba?" biro ko sa kanya.
Tiningnan lang nya ako kaya hindi ko na inulit.
"Sige Janjan, bukas na lang, 6:30 ako umaalis. Basta ha, resume at transcript of records. Susunduin mo ba 'ko sa bahay?"
"Dito na lang tayo magkita bukas, baka tanghaliin ka ng gising eh."
Ayokong sunduin pa sya sa bahay nila, makikita kami ni Ate Issa paniguradong magagalit 'yon kapag nakitang magkasama kami. Sa may kanto lang na papunta sa bahay ng aking tiyahin kami naghiwalay.
*************************************
Naninigas ang katawan ko sa pagkakaupo ko sa bus na katabi si Cindy. Paano'y dikit na dikit sya sa akin. Hindi alam ni Ate Issa na magkasama kami ngayon, kaya dumoboble ang kaba ko.
Para rin naman sa amin 'to, mapapaulanan ko rin sya ng regalo kapag nagkaroon na ako ng maayos na trabaho, sabi ko sa sarili.
Namangha ako sa taas ng building ng pinagtatrabahuan nila Cindy. Pawang mga naka-business suit ang mga taong naglalabas-masok at naglalakad sa loob nito. Kagyat akong nahiya sa polo at medyo bitin na slacks na pinahiram sa akin ni Tiya Dela, pero hindi bale na, kapag natanggap ako sa trabaho makakabili na rin ako ng maaayos na damit. Naupo ako sa mahabang upuan na tinuro ni Cindy kasama na ang ibang mga aplikante. Nagmamadali syang umakyat ng elevator at iniwan na ako doon.
"Goodluck!" sabay kindat nya bago sya nakipagsiksikan sa mga taong papasok din ng elevator.
Dala ang aking resume, transcript of records, at ang aking mga pangarap ay nilakasan ko ang loob ko habang naghihintay tawagin sa HR office.
"Southern Leyte State University, hmm…" wika ng babaeng makapal ang salamin na nakaupo sa harap ko. Sinusuri nya nang maigi ang dala kong requirements.
"Varsity ka pala, no doubt," seryosong sabi nya habang tinititigan ako mula sa dibdib pabalik sa mukha.
"You're 23, and as I look into your resume, you are still a fresh graduate, no experience?"
"Yes, ma'am, but I'm eager to put my skills and education to work in a dynamic and challenging environment. As I have written in my resume, I completed a six-month internship at Rockefeller Industries. Through this I developed a strong understanding of business marketing concepts, as well as the ability to work independently and as part of a team. I also had a part-time job as an off—"
Naputol ang pagbibida ko nang itaas nya ang kanyang kanang kamay na tila sumesenyas na tumigil na ako sa pagsasalita. Nagtahip ang dibdib ko. Hindi yata interesado ang HR sa mga credentials ko.
"Are you okay to start tomorrow? Office starts at 8 AM. There is no room for tardiness kaya I expect you to be here 30-45 minutes early. Bukas na kita ibi-briefing. Sabihin mo sa mga naghihintay sa labas na magsiuwi na sila, the position has been filled," walang kagatol-gatol na sabi nya habang nililigpit ang mga papel sa kanyang lamesa.
Tanggap na ako?
Ang tagal mag-sink ng lahat ng sinabi nya. Lalo na iyong parte na pauuwiin ko na iyong mga kasama kong nagnanasa rin na makakuha ng trabaho. Hindi ako agad nakatayo sa kinauupuan ko.
Tumaas ang dalawa nyang kilay na tinapunan ako ng tingin. Nakatingin din lang ako sa kanya.
"Tanggap ka na, Mr. Delfin," paglilinaw nya.
"Thank you po, ma'am. I will make sure you won't regret hiring me to—-"
"Oo, Mr. Delfin, do not make me regret hiring you. Come here tomorrow morning," walang damdamin na sabi ng striktong hiring manager.
"Salamat po, ma'am. Iyon lang at tumayo na ako at pinihit ang door knob ng kanyang opisina.
"Mr. Delfin, you can dress casually at work," pahabol na saad ng hiring manager.
"T-hank you po ulit, ma'am," nahihiyang tugon ko. Napansin nya siguro ang suot kong slacks na bitin na halatang nahiram ko lang.
Nangingiti akong lumabas ng opisina ng HR. Ngunit agad napawi ang ngiting iyon nang lingunin ko ang mga kasabayan kong mag-apply at isa-isa silang magtayuan. Magandang balita para sa akin ang pagkakatanggap ko sa trabaho, masamang balita iyon para sa kanila. Pero hindi ko hawak ang desisyon ng masungit na hiring manager na iyon.
Sobrang saya ko na sa isang apply lang, mayroon na ako agad trabaho. Pakiramdam ko ay abot-kamay ko na ang mga pangarap ko. Ang iniisip ko na lang ay kung paano ko sasabihin ito kay Ate Issa.