webnovel

Chapter 60

Kinabukasan, pagising ni Mira ay hindi niya nadatnan si Sebastian sa kwarto. Agad siyang bumaba matapos maligo at magbihis at naabutan niya si Sebastian na may hawak-hawak na tasa ng kape sa kusina.

"Hindi ka ba natulog?" Tanong ni Mira at napangiti si Sebastian. Lumapit ito sa kaniya at marahan siyang niyakap at hinalikan sa labi.

"Natulog kami, hindi na ako nakapanhik sa kwarto dahil doon kami nakabantay sa study room. Sa ngayon wala pa tayong nakikitang movements galing sa Orion. Kamusta ang tulog mo?" Masuyong tanong ni Sebastian habang inaamoy ang mabangong buhok ni Mira.

"Ayos lang naman. Mahimbing ang tulog ko at hindi ako nanaginip ng masama. Siyanga pala Bastian, kahapon napag-usapan natin kung ano ang gagawin natin. Maari kayang maging pain ako para mapasok natin ang Orion?" Tanong ni Mira at naningkit ang mata ng binata. Kumunot din ang noo nito at napahigpit ang hawak nito sa braso niya.

"No! Hindi ako papayag Mira. Delikado ang lugar na iyon." Tutol ni Sebastian at nakita ni Mira ang takot sa mata nito.

"Hinahanap nila ako, maari sigurong ako na lang Kuya." Sabad ni Dylan at nasapo ni Sebastian ang noo.

"No, isa ka pa. Walang susubok sa inyo. Hindi kayo pwedeng makuha ng Orion. Mira, please stop being so stubborn this time, okay? Ikaw rin Dylan. Kapag sinuway niyo ako ngayon, magagalit talaga ako sa inyo." Pinal na wika ni Sebastian bago ito lumakad papalayo sa kanila. Nagkatinginan naman si Dylan at Mira bago nagkangitian.

"Ikaw kasi, nagalit tuloy si Kuya. "

"Ikaw din naman ah," balik na sabi ni Mira at nagtawanan sila pareho. Tinungo na din nila ang study room at doon nakita nila sina Leo at Carlos na halos namumugto ang mata dahil sa puyat.

Agad naman nilang pinagpahinga ang mga ito at sila ni Dylan ang nagbantay sa monitor. Nasa tabi lang din nila si Sebastian habang nakapikit ito at nakahiga sa binti ni Mira.

"Sa tingin mo Dylan, kailan kaya sila ulit magpapasok ng mga bata sa lugar na iyan. Isang buong gabi na ang pagbabantay nila Leo pero wala pa ring lumalabas o pumapasok man lang sa lugar." Wika ni Mira habang marahang sinusuklay ng daliri niya ang buhok ni Sebastian.

"Hindi ko din alam, pero siguradong gagalaw sila. Sabi ni Kuya Leo, noon halos linggo-linggo may mga bagong batang ipinapasok sa Orion." Sagot naman ni Dylan, ang mga mata nito ay nakatuon sa monitor at kahit pagkisap ng mata ay hindi nito ginagawa.

"Dylan, maari ko bang makita ang alaala mo?" Tanong ni Mira, bigla niya kasing naalala na kahit minsan ay hindi pa niya nagawang basahin ang isip ng binata. Bahagyang tumango naman si Dylan at iniabot ang isa nitong kamay habang hindi inaalis ang mata sa monitor.

Maagap din itong hinawakan ni Mira at sandali siyang natigilan dahil ang unang pumasok sa isip niya ay ang mapait nitong buhay sa piling ng kaniyang biyolohikal na pamilya. Mabilis na iniiwas doon ni Mira ang kamalayan niya at muli niyang hinalungkat ang alaala ni Dylan hanggang sa umabot siya noong bata pa ito. Ngunit napakalabo ng alaalang iyon at ang tanging naging malinaw lamang ay noong panahong na-rescue na siya ng grupo ni Sebastian sa gubat.

Bahagya pang napabuntong-hininga si Mira nang bitawan nito ang kamay ni Dylan.

"Malabo ang alaala mo Dylan, hindi ko rin nakitang napunta ka sa orion. Lahat ng alaala mo ay naroroon sa gubat." Salaysay ni Mira at tumango si Dylan. Alam niya ito dahil kahit siya ay walang alaala ng Orion. At kung bakit siya hinahanap nito ay hindi rin niya mawari.

"Kahit ako Mira, hindi ko maalala kung saan ba talaga ako galing matapos ako mawala sa poder ng mga magulang ko." Wika ni Dylan. Muling namayani ang katahimikan sa pagitan nila at itinuon na lamang nila ang pansin sa binabantayan nilang monitor.

Sa kanilang pagmamasid ay isnag kotse ang nakita nilang huminto sa lugar. Naningkit naman ang mata ni Dylan nang makita ito. Pamilyar sa kaniya ang plate number ng kotse'ng iyon. Subalit hindi niya maalala kung saan niya ito nakita. Mayamaya pa ay bumaba ang isang binata roon at agad na napalatak si Dylan. Kilalang-kilala niya kasi ang taong iyon. Walang iba kundi ang kaniyang kapatid na si Antonio.

"Ano ang ginagawa ni Antonio sa lugar na iyan?" Malakas na bulalas ni Dylan na ikinagising naman ni Sebastian. Kinusot ni Sebastian ang mata at agad na tumitig sa monitor.

"Sinasabi ko na nga ba't walang magandang ginagawa ang taong iyan. "Wika ni Sebastian at tinapik ang balikat ni Dylan.

Maigi nilang pinagmasdan si Antonio at walang kahirap-hirap nitong binuksan ang pader gamit lamang ang mukha nito.

"It's either a face detection lock or an eye detection lock. Hindi tayo makakapasok kung wala ang mga piling taong nakaregister sa kanilang system." Anunsyo ni Sebastian at bumangon ito para kunin ang isa pa niyang laptop.

"Ang pamilya ni Christy?" Tanong ni Mira at umiling si Sebastian.

"Hindi na natin magagamit ang access ng pamilya ni Christy, malamang ay matagal na iting nabura sa system ng Orion."

"Kung ganun, imposible pa ring mapasok natin ang base nila," nalukungkot na wika ni Mira.

"Hindi totally imposible, wala ka bang tiwala sa asawa mo Mira." Nakangiting wika ni Sebastian bago nagsimulang magtipa sa gamit nitong laptop.

Napatitig naman si Mira sa seryosong mukha ng binata habang abala ito sa ginagawa sa laptop. Madalas na niya itong nakikitang nagtatrabaho sa opisina nito subalit ito ang unang pagkakataong nakita niya itong ganoon ka seryoso. Ika nga nila, hindi na gumagwapo ang isang lalaki kapag nagtatrabaho ito at nagiging seryoso.

Nagpatuloy sa pagmamasid si Mira at Dylan hanggang sa makita nilang lumabas si Antonio.

"Sa tingin mo Dylan,ano ang ginawa ng Kuya mo sa lugar na iyon?"

"Hindi ko alam at hindi ko naman siya Kuya, inampon lamang siya ng aking ama. Hindi ko alam bakit pero narinig ko dati nang makabalik ako sa kanila na anak si Antonio ng matalik na kaibigan ng Daddy, at dahil sa utang na loob kaya niya inampon si Antonio nang mamatay sa aksidente ang mga magulang nito." Sagot ni Dylan. Napatango naman si Mira at doon niya naintindihan kung bakit ganun na lamang ang pagkairita ni Sebastian kay Antonio.

"Ganun pala, kamusta na kaya ang huling batang naipasok sa Orion?" Biglang naitanong ni Mira at muli silang natahimik.

Ilang araw pa ang lumipas at sa kanilang pagbabantay ay ilang beses pa nilang nakita si Antonio na pumapasok at lumalabas sa lugar.

"Kailan kaya tayo makakakuha ng tyempo para pasulan ang lungga nila? Katingkati na ang kamay ko na upakan amg mga taong nandiyan." Gigil na saad ni Leo.

"Konting tiis pa, inilalakad na ni Gunther ang mga tao at gamit na ating gagamitin sa pagsalakay. Kailangan natin sumunod sa batas at iyon ang tama." Wika ni Sebastian, siya man ay naiinip na din sa paghihintay subalit iyon lamang ang paraan upang wala silang malabag na batas. Hindi siya maaring gumawa ng aksyon na maaring ikasira ng kanilang mga pangalan lalo pa't sa kaniya umaasa si Mira.

"Bastian, pwede ba tayong lumapit sa lugar, may susubukan lang ako." Mayamaya pa ay tanong ni Mira. Nais niyang subukan kung kaya niyang makipag-ugnayan sa boses nang kong sino sa loob. Kung hindi siya nagkakamali ay isa sa mga bihag na naroroon ay may kakayahang makipag-usap gamit ang utak. Kung magagawa niya itong kausapin ay malalaman nila ang mga nangyayari sa loob.

"Anong gagawin mo?" Tanong ni Sebastian.

"Susubukan ko lang kung merong tayong owedeng makausap gamit ito." Tugon ni Mora sabay turo sa ulo niya.

"Kahit ilang mtero lang. Maari din tayong manatili sa katabing hotel. Hindi ba't may hotel diyan na pagmamay-ari ng mga Bernardo. Subukan natin doon." Suhestiyon ni Mira.

"Sang-ayon ako kay Mora, bro. Walang mangyayari kung maghihintay lang tayo rito. " Sang-ayon naman ni Carlos.

Bab berikutnya