webnovel

Chapter 32

"Alright, ipapaayos natin yung hardin sa bahay para naman may paglibangan ka." Pabulong na wika ni Sebastian. "For now, let's go inside—masyado nang malamig dito sa labas baka magkasakit ka pa." Wika niya ay hinatak na ang dalaga papasok ng mansyon.

Agad naman silang sinalubong ng kawaksi at ng mga katulong. Ito na din ang nagpasok ng kanilang mga gamit sa loob.

"Maligayang pagdating, kamusta ang naging byahe niyo?" Bungad na tanong ni Gunther na noo'y pababa na ng hagdan. Kasunod nito ang isang lalaki na sa pakiwari ni Mira ay siyang ama ng binata. Napatitig lang siya dito at may kung anong kumurot sa kaniyang puso nang masilayan ang tila mahinang paglalakad nito.

"Ayos naman, wala pa ring pinagbago ang lugar na ito. Napakaganda. " Wika ni Sebastian at agad na nilapitan si Liam upang tulungan ito sa pagbaba ng hagdan. Magkatuwang na inalalayan ni Sebastian at Gunther si Liam at pinaupo na ito sa malapag na sofa sa sala.

"Uncle, kamusta na ang pakiramdam niyo?"

"Maayos na hijo, salamat sa kapatid mo at sa gamot na ibinigay niya. Napapabilis ang paggaling ko." Nakangiting wika ni Liam at napatingin kay Mira.

"Ito na ba ang asawa mo? Halika nga dito hija at nang matingnan kita sa malapitan." Wika ni Liam. Agad naman lumapit si Mira dito at nabigla pa siya nang bigla nitong hawakan ang kanyang kamay.

"Napakalaki mo na hija. Ayos naman ba ang buhay mo?" Tanong ni Liam, hindi niya alintana ang pagkagulat sa mukha ng dalaga. Hindi din naman nakaramdam ng pagkabahal si Mira sa ginawa nito at agaran din siyang ngumiti.

"Ayos naman po, inaalagaan po ako ni Sebastian." Sagot ni Mira at humalakhak naman si Liam.

"That's great, alam kong maaalagaan ka ni Sebastian. Magpahinga na muna kayo. Gunther ihatid mo muna sila sa guest room para makapagpahinga sila bago ang party. " Masayang wika ni Liam. Bakas sa mukha nito ang saya at sigla. Napalingon pa dito si Mira bago sila tuluyang pumanhik sa second floor ng mansyon na iyon.

Kinahapunan, bumaba na sila sa main garden ng mansyon. Doon kasi gaganapin ang party para sa kaarawan ni Liam Von Kreist. Halos lahat ng panauhin ay nakagayak na at nalula naman si Mira habang nakamasid sa mga ito. Hindi niya lubos akalain na ganito pala kalaki ang main garden nila Gunther. Magkahawak-kamay sila ni Sebastian habang tinutungo ang center table kung saan naroroon sina Dylan at Mikaella.

"Mira, you're here finally." Bungad ni Mikaella na agad namang yumakap sa kanya. "Kanina ko pa kinukulit itong si Dylan na tawagin ka eh, maya-maya pa magsisimula ang party gusto mo bang mag-ikot-ikot muna sa garden?" Alok nito na agad din naman sinang-ayunan ni Mira.

"Bastian, mag-iikot lang kami ni Mikaella." Paalam niya sa binata. Pumayag naman si Sebastian at agad na hinalikan si Mira sa noo.

"Mag-iingat kayo." Sambit pa ng binata na ipinagtaka naman ni Mira. Kalaunan ay ipinagkibit-balikat na lamang niya ito at agad na silang namasyal no Mikaella sa hardin.

Iba't-ibang klase ng mga bulaklak ang kaniyang mga nakikita — may rosas, peonies, tulips at mga camelia na may iba't-ibang kulay din. Nangingislap ang mga mata ni Mira sa sobrang ganda ng hardin. Tila ba nai-excite siya habang pinagmamasdan ang buong paligid. Sa sobrang lawak ng hardin ay halos hindi na rin rinig ang malakas na musika sa kinaroroonan ng party. Umupo sila sa ilalim ng isang canopy at doon pansamantalang nagpalipas ng oras.

"Alam kong mababagot ka sa lugar na iyon kaya dinala kita rito. Ang totoo, naiingayan kasi ako sa mga anak ng mga bisita ni Uncle. Puro sila payabangan." Agad na reklamo ni Mira.

"Mira, napanood ko ang live broadcast ng anniversary ng kompanya ni Sebastian, bakit hindi mo sinabi sa amin na ganoon ang naging trato sayo ng pamilya mo? Kung sana sinabi mo, sinugod na agad namin sila ni Gunther. "

"Hindi naman kailangan, nasanay na din ako. Pero huwag kang mag-alala hindi na ako magpapaapi kahit kanino." Nakangiting wika naman ni Mira. Habang nag-uusap sila ni Mikaella ay napansin niya ang isang matangkad na lalaki na papalapit sa kanilang kinaroroonan.

"Hi ladies." Nakangiting bati nito sa kanila. Napakunot naman ang noo ni Mikaella nang makilala kung sino ang lalaking iyon.

"Mind if I sit with you?" Muling tanong nito at napatayo si Mikaella para harapin ang binata.

"We mind. Maraming upuan doon sa party Mr. Kristoff, this is a private space at nag-uusap pa kami. " Tutol ni Mikaella. Pansin na pansin ang lagkit ng pagkakatitig nito kay Mira na animo'y nakakita ito ng bagong laruan.

"Oh, Ms. Von Kreist, right? Ipakilala mo naman ako dito sa kasama mo." Nakangiti pa ring wika ng binata na tila ba hindi nito nakikita ang inis sa mukha ng dalaga.

"Wala akong ipapakilala sayo. Tara na nga." Wika pa ng dalaga at hinatak na si Mira papalayo. Napangisi naman si Antonio habang pinagmamasdan ang likuran ni Mira.

"Sir?"

"Give me all her data. I want that girl." Wika pa niya sa isang lalaking bigla na lamang lumapit sa binata.

"Mira, huwag kang lalapit sa taong yun ha. Mapapahamak ka lang sa taong yun. Hindi siya mabuting tao. " Paalala ni Mikaella.

"Sino ba yun?"

"That's Antonio Kristoff, kuya ni Dylan. Rumor said that he's a maniac and a playboy. Kung makapagpalit ng girlfriend ay parang nagpapalit lang ng damit at lahat ng naging girlfriend niya—kung hindi nabaliw, nagpapakamat*y. Kaya huwag kang lalapit sa kaniya. Pakiramdam ko ay may balak siya sayo." Wika pa ni Mikaella at napatango naman si Mira.

"Yun pala ang Kuya ni Dylan." Sambit lang ni Mira.

Nang makabalik na sila sa naturang party ay doon na lamang sila umupo sa table kung saan naroroon si Dylan. Tahimik itong nakaupo habang nilalaro nito ang isang maliit na tuta na nakaupo sa kanyang hita.

"Wow ang cute naman ng tutang iyan, saan mo nakuha?" Tanong ni Mira bago umupo sa tabi ni Dylan. Agad namang ibinigay ni Dylan kay Mira ang tuta na hindi naman tinanggihan ng dalaga.

"Dala iyan ni Kuya Jacob. Regalo niya sa akin." Sagot lang ni Dylan bago hinimas ang ulo ng tuta.

Sa kanilang paglilibang ay hindi nila napansin ang pagdaan ni Antonio sa kanilang mesa. Nakangisi iti habang nakatitig kay Mira at Dylan.

"Malapit na ang kaarawan ni Dylan, maghanda ka nga nang regalo para sa kaniya." Utos ni Antonio sa kaniyang assistant.

"Yes Sir. " Tugon nito at lumagpas na sila sa mesang kinaroroonan ni Dylan.

Maya-maya pa ay nagsimula na ang party para sa kaarawan ni Liam Von Kreist. Paisa-isa nang nagbigay ng regalo ang mga kaibigan at kakilala niyang dumalo sa pagdiriwang na iyon.

May iilang nagbigay ng mga mamahaling antique at may iilan din naman na nagbigay ng mga lumang paintings na gawa ng mga kilalang pintor at artist. Sa pagkakataong iyon ay manghang-mangha si Mira sa mga regalo ng mga bisita. Napatingin naman siya sa simpleng paper bag na bitbit niya at nakaramdam siya nang pag-aalangan na ibigay iyon kay Liam.

Kung alam lang niya na ganito ka-engrande ang pagdiriwang ay sana bumili siya ng mamahaling regalo para dito.

"What's wrong?" Tanong ni Sebastian nang makita niya ang pag-aalala sa mukha ng dalaga.

"Bastian, hindi ba nakakahiya itong regalo ko para kay Uncle Liam? Tingnan mo ang gaganda ng regalo nila at mukhang mamahalin. Samantalang itong regalo ko..." Hindi na natapos ni Mira ang sasabihin dahil napayuko na siya habang tinititigan ang kanyang regalong ibibigay dito.

Napangiti naman si Sebastian at marahan hinaplos ang ulo ng dalaga.

"Don't worry, sa lahat ng regalong matatanggap ni Uncle Liam, ang regalo mo ang pinakamagpapasaya sa kanya. " Sambit naman ni Sebastian.

"Totoo?"

" Mira, kailan ba ako nagsinungaling sa iyo?" Agap na tanong ni Sebastian at napangiti naman nag dalaga.

Nang oras na para si Mira naman ang magbigay ng regalo niya ay marahan siyang nagalakad papalapit sa mesa ni Liam. Kausap pa nito ang isa nitong kaibigan na agad ding nahinto nang makita niyang papalapit sa kaniya si Mira.

Napangiti si Liam at agad na ibinigay ni Mira ang kaniyang regalo dito.

"Hindi ko po alam nag mga bagay na nais niyo kaya ito lang po ang naisip kong ibigay sa inyo. Nawa'y bigyan pa kayo ng mahabang buhay ng panginoon at ng malakas na pangangatawan." Wika pa ni Mira.

"Salamat hija." Sagot ni Liam at maingat na binuksan ang regalo ng dalaga. Nangislap naman nag mata nito nang makita ang nilalaman ng paper bag na bigya ni Mira.

Tinitigan naman ni Mira nag reaksyon nito at lihim siyang natuwa nang makita ang maganda nitong ngiti.

"Sana po magustuhan niyo ang regalo ko. Babawi na lang po ako sa susunod na kaarawan niyo." Nakangiting wika ni Mira.

" Of course, I love it. Thank you." Walang paglagyan ang kaligayahang nadarama ni Liam. He felt warm inside. Seeing Mira smile is enough for him to treasure it. She is his only princess and yet he can't tell it to her. God only knows how he badly wanted to embrace his little girl and tell her he is her Dad.

Subalit, ayaw din naman nilang mabulabog ang mga taong naghahanap pa rin sa nawawala niyang anak. Kung ang paglayo at pagtatago nila ng katotohanan ang siyang magliligtas sa buhay ni Mira ay gagawin nila kahit masakit. Makita lang nila na nasa maayos na kalagayan si Mira ay sapat na sa kanila para mabuhay ng may kapanatagan.

Saglit pa silang nagkwentuhan ni Liam bago siya bumalik sa kaniyang kinauupuan.

"See, I told Uncle Liam will love it." Wika ni Sebastian nang makabalik na si Mira sa kanilnag pwesto. Agad na napatango si Mira at bahagyang natawa dahil nabunot na ang malaking tinik sa kaniyang dibdib.

"By the way Mira, this guy is Jacob. Siya nag pangalawa sa aming lima. Jacob, this is Mira—my wife. " Pakilala ni Sebastian sa isang binatang bago sa paningin niya.

"Hi Jacob." Bati niya at napangiti lang naman si Jacob bago inabot sa kaniya ang isang maliit na box . It was a black box—about three inches wide and 3 inches in length.

"Ano ito?" Tanong ni Mira.a

"Buksan mo, para makita mo. " Sagot nang binata at napatango naman si Mira.

Bab berikutnya