webnovel

EPISODE-FIVE

"Smoke of Death and The Superstitious Beliefs"

Sa pagpapatuloy,

Sigaw pa din ng sigaw si Arke sa loob ng shower room ngunit ni isang studyante ang walang nakarinig sakanya hanggang sa may nalanghap syang usok na sobrang sakit sa mata.

"May nakakarinig ba? Sambit nya sabay tulak ng malakas sa pintuan palabas ng shower room.

Inilibot nya ang kanyang paningin, may nakita syang maliit na bintana pero napakataas nito. Kahit mahapdi na ang kanyang mga mata dahil sa usok, pinilit nya pa ding gumawa ng paraan upang makahingi ng tulong.

Tyempo namang may nakita syang upuang maliit, agad nya itong ginamit upang maabot ang mga bakal na nasa maliit na bintana.

Ngunit sa kasamaang palad, Hindi na sya maka hinga ng maayus dahil sa usok na napagtanto nya kung anong klaseng usok ito. Bigla nyang naalala ang kanyang ginawa sa yumaong kaklase na si Mark sa Yacht na sinakyan nila, kinandado nya ang pintuan ng comfort room. At saka nilagyan ng Hydrochloride ang isang maliit na sisidlan. Kapag nabuksan ito, isang nakakalasong hangin kapag itoy nalanghap ng tao, dahil maninikip ang iyong dibdib hanggang sa tuluyan kanang bawian ng buhay at iba pa dyan napaka hapdi nito sa mata.

Pumatong sya sa maliit na upuan at sinubukang muling tumalon ngunit isang aksidente ang nangyari. Nawalan sya ng balanse at nabagok ang Ulo nya sa Isa mga gripo.

Mabilis na lumabas ang pulang likido at halos naliligo na sya sakanyang sariling dugo.

Ngunit bago paman sya nawalan ng malay ay nakita nyang nagbukas ang pintuan .

Nang unti-unting nawala Ang usok. Isang pamilyar na mukha ang kanyang nakita.

"M~mark?!" Huling naisambit ni Arke.

Samantala tumawag ang nanay ni Zina. At tila nagulantang pa ito sakanyang nalaman.

"What happen Zee?" Tanong ni Marife.

"Oo nga, ayus ka lang Zina?" Dagdag ni Akira.

"Tumawag si mama, nasa Ospital si Arke. Kelangan kung makapunta doon." Sagot ni Zina at nagmamadali itong umalis.

"So yung ambulance kanina si Arke pala ang nandoon." Sabi ni Akira.

"Malamang Sino pa ba?" Mahinang sabi ni Marife.

"May sinasabi kaba Fe?" Tanong ni Akira.

"Ah~ Wala, ang Sabi ko kawawa naman si Arke. Sguro itutuloy nalang natin yung pag iimbestiga." Sabi ni Marife.

"Fe alam mo? Wag kang mabibigla sa aking sasabihin ha. Kung Hindi ka lang babae. Pareho kayo magsalita ng kaibigan naming si Mark. Pero that's impossible right? Kasi namatay na si Mark. " Sabi ni Akira.

"Naku! Tara na nga.. Una nating puntahan ay ang Library dito Tayo pinapapunta ng clue natin. Para sa kaso ni James." Sabi ni Marife na agad silang nag tungo sa library.

Habang si Zina naman ay nakita nya ang kalagayan ng kanyang kapatid sa Ospital.

"Ma, anong nangyari kay Arke? Hindi ko alam na sya na Pala yung nasa ambulance kanina sa school." Tanong ni Zina.

"Suffocation, maraming nalanghap na gas o usok na Hindi alam ng mga doctor natin dito kung anong klaseng usok yun.~" naputol ang sasabihin ng mama ni Zina nang magbukas ang pintuan at dito pumasok ang doctor.

"Mrs, ito na po yung test tungkol sa usok na nalanghap ni Arke. Nakalanghap ng Mercury at Ammonium chloride ang anak mo. Masasabi kung gusto talaga patayin ng suspek ang anak mo. Mabuti nalang at lumaban ang anak mo. He will do further test but as of now, he is table na. Maiwan ko muna kayo. " Sabi ng Doctor at lumabas ito ng silid.

"Zina, may nakaaway ba si Arke sa school nyo? Akala ko ba tumigil na sa pagiging bully tung kapatid mo.?" Sabi ng nanay ni Zina.

Biglang may naalala si Zina tungkol sa Mercury at Ammonium chloride gas. Naalala nya noong buhay pa si Mark. Si Mark ang naka imbento ng Ammonium chloride and Mercury gas.

"Hoy! Zina, wag mong buksan yan. Poison gas yan." Saway ni Mark sakanya noon. Noong nasa Science Labaratory sila.

"Itapon mo yan, Teka ano bang ginamit mo Dyan?" Tanong nya.

"Ammonium Chloride and Mercury, kaya nga itatapon ko nalang to mamaya." Sagot ni Mark sabay kuha ng Maliit na bote.

Nagbalik sa kasalukuyan si Zina at agad syang umalis.

"Saan ka papunta?" Tanong ng nanay nya.

"Babalik din ako ma. " Sagot nya at nagmamadali itong nag tungo sa kanyang kotse.

Sina Akira at Marife naman ay nasa Library na.

Hinanap nila ang susunod na clue.

"Dito ako at doon ka Akira" Sabi ni Marife.

"Sige mag iingat ka." Sabi ni Akira sakanya.

At nagmamadali naman syang nag tungo sa mga libro at hawak pa din ni Marife ang isang pirasong papel at hinanap nila ang numero na nakalagay sa papel.

Si Akira naman ay nakita abala sa pag hahanap sa libro na nasabi ni Marife sakanya.

Nang biglang may itim na pusa ang biglang tumalon at muntik na syang makalmot ng pusa.

Nagpatuloy pa din Ang lalaki sa kanyang hinahanap, nang di nya namalayan na may itim na pigura sakanyang likuran ang naka abang at nag-aantay ng tyempo upang saktan sya. Hanggang Sumigaw si Marife.

"Marife" pag-aalalang Sabi nya. Naging mabilis ang mga pangyayari. Isang matigas na bagay ang humampas sakanyang likuran at syang dahilan kung bakit sya nawalan ng Malay.

Samantala si Zina naman ay nagtungo sa Bahay ni Mark at dito pinayagan sya ng nanay ni Mark na pumasok sa kwarto nito.

"Maiwan na Kita rito Ija. Asikasuhin ko muna Ang mga nakikiramay." Sabi ni Mrs. Castro at iniwan na si Zina sa loob ng kwarto ni Mark.

Inilibot ni Zina ang kanyang paningin sa kwarto. Ganun pa din ito noong Huli nyang bisita sa kaibigan upang kumbensihing sumama sa galaan Nila sa beach. At yun ding araw na yun kung saan naiwan si Mark sa Yate na sumabog.

Agad niyang hinanap ang ginawang poison gas na ginawa ni Mark. Naalala nyang nilagay iyon ni mark sa isang cabinet na pula. Agad nya itong nakita at binuksan.

"Wala Ang poison gas.. impossible si Tita? Tanging kami ni Mark lang ang nakakaalam sa poison gas na yun, tanging kami lang ang nakakaalam kung saan ito nakalagay. Naririto pa din ang mga pictures namin. Impossibleng si Mark." Sabi ni Zina..

Samantala...

Nagising si Akira na nakagapos ang kanyang paa at kamay, habang naririnig nyang humihingi ng tulong si Marife.

"Marife! Sandali ililigtas Kita!" Sigaw nya habang pilit nyang kumawala sa pagkakagapos.

May nakita syang basag na salamin sa sahig. Gamit ang kanyang paa ay pilit nya itong inabot. At matagumpay naman nyang nakuha ito. Dito sinimulan na nyang putulin ang lubid na nakagapos sa kanyang kamay.

Balik Kay Zina, bago pa makaalis si sa Bahay nina mark.

"Zina, sandali bumisita Pala dito yung dayo nyong kaibigan na si Marife. Nakakatuwa sya." Sabi ni Mrs. Castro.

"A~anong ginagawa nya dito tita? Sino pong kasama nya?" Tanong ni Zina.

"Wala sya lang, Sabi nya inutusan mo syang manghiram ng libro ni Mark." Sabi ni Mrs. Castro.

Kahit nagtataka man, ay ngumiti nalang sya at...

"Opo, inutusan ko nga po sya. Pero tita isasauli ko rin bukas yung libro ha." Sambit ni Zina.

"Walang problema yan Ija!" Sagot ni Mrs. Castro.

Nagmamadaling nagtungo si Zina sa skwelahan, upang hanapin sina Akira at Marife.

"Sino ka ba talaga Marife?" Sambit nya habang tinatawagan nya si Akira.

Itutuloy....

Bab berikutnya