webnovel

Chapter 30

Lubos ang kanyang ginawang pagpapasalamat sa panginoon habang ang kanyang mukha ay nakasubsob na sa lupa. Di niya inalintana ang dumi o mga insekton naroroon dahil ang mahalaga sa kanya ay maipakita nag taos puso niyang pasasalamat sa Amang may likha ng lahat.

Nang tuluyan na ngang matapos si Miguel sa kanyang ginagawa ay tumayo na ito at maiging tinitigan ang nilalang na nasa harapan niya. Nakita niyang tila ngumiti ito bago ito maglaho sa kanynag paningin.

"Mina, alam mong may gabay ako?" tanong ni Miguel dahil napansin niya ang gulat s amukha ng iba nilang kasama maliban kay Mina.

"Unang kita ko pa lang sayo Miguel, nakita ko na siya. Napakapalad mo." nakangiting wika ni Mina at napangiti na rin si Miguel.

"Ano ang nakakasilaw na nilalang na iyon? Purong puti lamang ang nakikita ko." wika ni Amante.

"Ako rin." saad naman ni Gorem.

Napangiti naman si Mina at hindi na magsalita pa. Dahil sa tagumpay ni Miguel ay umuwi na sila para magpahinga.

Kinabukasan ay panibagong paghahanda na naman ang kanilang ginawa. Matapos kasi ang araw na iyon ay magsisimula na silang lakbayin ang bundok ng Siranggaya.

Habang nagpapatalas ng sundang si Luisa, ay sila Mina naman ang nakatoka upang ihanda ang mga kakailanganin nila, tulad ng pagkain, tubig, mga libreta, talandro at kung ano-ano pa. Si Miguel naman ay hinayaan muna nilang magnilay kasama ang gabay nito upang mas lalong lumalim ang ugnayan nila.

Naghanda naman si Gorem at Amante ng isang matibay na kangga para sa kalabaw na gagamitin nila. Kahit tanaw mo ang Siranggaya sa bayan ng Belandres ay may kalayuan din ito. Hindi naman maaring magamit ni Mina ang kanyang lagusan dahil siya lang din ang bukod tanging nakakagamit nito.

Hindi din nila maaring gamitin ang lagusan na nagkokonekta sa mundo ng mga tao at mga engkanto dahil maari itong malason o mapasok ng mga kampon ni Sitan.

Sa kanilang paghahanda ay natalakay din nila ang mga bagay na maari nilang gawin pagdating sa kabundukan. Dahil sa tagal ng paninirahan doon ng mga nilalang sa kaliwa ay kailangan nilang linisin ang kagubatang iyon. Naghanda na si Mina ng mga sangkap at gamit na gagamitin nila bilang pundasyon ng gagawin nilang ritwal ng paglilinis.

Hindi din basta-basta ang mga sangkap na inihanda nila. Nariyan ang mga buto ng namayapang engkanto at mga tubig at buhangin na galing pa mismo sa mundo ng mga ito. Dahil sa malalim na koneksyon ni Gorem ay siya na din ang naatasan ni Mina sa pagkuha ng mga ito.

Habang naghahanda sila ay nasipat naman nila si Tata Teryo na masayang naglalakad patungo sa kanila. Tila ba sabik na sabik ito at meron itong magandang balitang ihahatid sa kanila.

"Mina, hulaan mo kung sino ang dumating." Masayang wika nito. Napalingon naman si Gorem kay Tata Teryo sa likuran nito ay mga kalalakihang nakasunod dito. Napatalon naman si Gorem sa kanggang inaayos niya at masayang sumalubong sa mga ito.

"Tandang Ipo." Masayang bati ni Mina at yumakap sa matanda. Isa-isa rin niyang binati ang mga binatang kasama nito na sina Kuryo, Obet at Emer. Naroroon din si Tandang Karyo na nagpapalinga-linga na tila ba may hinahanap ito.

"Nasaan si Isagani?" Tanong ng matanda at biglang napatigil si Mina nang marinig ang pangalang iyon. Bigla na lamang siyang nakaramdam ng pananakit ng kanyang ulo na tila ba may pumipitik roon.

Agaran naman ang paghatak ni Amante sa mga bagong dating upang kausapin ito. Naiwan naman si Luisa kasama si Mina at Gorem.

"Pasensiya na ho kung bigla ko kayong hinatak rito. Ako nga po pala si Amante, isang mambabarang. Kasamahan ho ako nina Mina at Isagani. Medyo mahirap po ang sitwasyon namin ngayon dahil sa mga nangyari. " Paunang wika ni Amante.

Napakunot naman ang noo ni Karyo dahil rito. Batid niyang may hindi magandang nangyari kay Isagani ngunit ang ipinagtataka niya ay ang mukha ni Mina kanina na tila ba naguguluhan.

"Ano ba talaga ang nangyari dito iho?" Tanong ni Tandang Ipo at maigi niyang isinalaysay ang mga pangyayari sa kanila. Alam ni Amante na dating kasamahan iti nila Mina basi na rin sa ikinilos nito at ni Gorem. Kung kaya, walang pag-aatubiling sinabi niya ang lahat sa mga ito.

"Diyos ko, ito na nga ba ang sinasabi ko Ipo, malakas talaga ang kutob ko na may masamang nangyari kay Gani." Nanlulumong wika ni Tandang Karyo. Parang tunay na anak na din niya si Isagani dahil buhat nang mawala ang mga magulang nito ay ang matanda na ang tumayong Ama ni Isagani. Napaupo na lamang si Karyo sa lupa habang nanlulumo ito sa sinapit ng binata.

"Karyo, may awa ang Ama, huwag kang mawawalan ng pag-asa. Hindi si Sitan ang magiging katapusan ng buhay ni Isagani. Alam kong alam mo iyan." Wika ni Tandang Ipo upang palakasin ang loob ng kaniyang kaibigan.

"Paanong nawala amg alaala ni Mina kay Isagani?" Tanong ulit nito kay Amante.

"Ayon sa kasangga ni Isagani, hiniling nito sa diwatang si Mapulon na alisin ang anumang alaala ni Mina kay Isagani. Kapalit iyon ng pagkakaligtad ng buhay niya. At iyon din ang ginamit na kapalit ni Isagani para makuha ang lunas sa sakit ni Mina. Kaya umabot kami sa ganito. "

"Minsan na naming nakaharap si Sitan na nasa katauhan ni Isagani at base sa obserbasyon ko ay tila wala din ang huwisyo nito sa katawan niya. " Dagdag pa ni Amante.

Napaisip naman si Karyo dahil sa sinabi ni Amante. Kung magkakaroon lang sana sila ng pagkakataong gisingin ang natutulog na huwisyo ni Isagani ay mas mapapadali sa kanila ang pagpigil kay Sitan. Subalit malaki din ang magiging parte doon ni Mina, ang problema lang ay wala itong alaala kay Isagani.

"Pasensiya na ho talaga. Pero, maaari bang iwasan muna natin ang pagbabanggit kay Isagani?" Wika ni Amante at tumango naman ang mga ito bilang pagsang-ayon. Wala silang magagawa kundi ang sumang-ayon dahil ito lang din naman ang landas na tinatahak nila.

Dahil sa pagdating ng dalawang ermetanyo at tatlong antinggero ay may napadali ang kanilang mga trabaho. Hindi paan din lumulubog ang araw ay nagawa na nilang maihanda ang lahat ng kanilang kailangan.

Kinagabihan ay maaga naman silang nagpahinga upang magkaroon sila ng lakas kinabukasan. Aabutin din kasi sila ng isang araw bago marating ang paanan ng bundok. At isang araw uli para maitanim ang mga pundasyon sa buong bundok.

Sa pagtatanim, ay sina Gorem at Mina ang gagawa dahil sila ang mas mabilis na makakaikit sa buong bundok gamit ang mga lagusan nila. Ang mga antinggero naman ang magiging kalasag at depensa ng kanilang grupo habang nag-iikot pa sila Mina.

Kinaumagahan, hindi pa man din pumuputok ang bukang-liwayway ay kasalukuyan na silang naglalakad sa daan.

"Antinggero ka din ba iho?" Tanong ni Tandang Ipo kay Miguel .

"Naku hindi po Lolo, sakristan po ako sa simbahan." Sagot naman ni Miguel na ikinagulat nila. Hindi kasi ito naipakilala kahapon dahil na din sa abala ito sa pagdarasal.

"Sakristan? Simbahan?"

"Ah, opo. Mahirap ipaliwanag, pero parang katulad din ho sa inyo, may sinasamba kaming panginoon. Ang sabi ni Padre Dama, ang Panginoong may likha namin ay kagaya din naman ng Amang may likha na sinasamba ninyo. Nagkakaiba lang ng tawag. " Magulong paliwanag nito na ikinatawa naman ng matanda. Naging masaya naman kahit papaano ang kanilang paglalakbay dahil sa masyado kwela at palabiro si Miguel na lubha naman kinahiliwan ng dalawang matanda.

"Naku, ikaw talagang bata ka. Eh paano ka naman makakalaban sa mga aswang, wala kang gamit ni isa." Puna ni Karyo habang naghahalukay sa dala nitong sisidlan. Mula doon ay may binunot itong isang di kahabaang punyal. Ang sukat ng haba nito ay kalahati lamang ng braso ng isang ganap na tao habang ang hawakan at taguban naman nito ay gawa naman sa isang uri ng kahoy. Napakatalas din ng talim nito nang bunutin iyon ni Tandang Karyo bago muling ibalik sa taguban.

Agaran din ang pag-abot niya sa punyal na iyon kay Miguel.

"Ayan, balutin mo iyan ng mga dasal mo. Paniguradong walang aswang ang makakaligtas diyan." Wika pa nito.

Taos puso naman ang ginawang pagpapasalamat ni Miguel dito. Noon lamang siya nakahawak mg ganoong klase ng sandata dahil kalimitang nahahawakan lamang niya ay yung kutsilyo sa kusina kapag siya ang nakatokang magluto.

Hindi naman iyon pinigilan ni Mina dahil wala din mamang aksyong ginagawa ang gabay nitong naroroon lang din sa tabi nila. Nakatitig lamang ito kay Miguel habang bahagyang tumatango.

Nagpatuloy pa ang kanilang paglalakad hanggang sa sumapit ang gabi at narating na nga nila ang hangganan bago ang paanan ng bundok Siranggaya. Hindi na muna sila lumapit doon at nagkubli na muna sila sa kasukalan para magpahinga. Upang hindi sila mamataan ng mga tagamasid ni Sitan, ay naglagay ng sabulag si Mina sa lugar na kanilang pagpapahingaan.

Bab berikutnya