webnovel

PAIN (season one finale)

Tulad ng ipinasya, pagkatapos kumain ay humanda sila sa muling paglalakbay. Pinili ni Veronica ang lumakad upang kahit papano ay bumaba at matunaw ang kanilang kinain. Kaya lang, hindi pa man sila nakakalayo mula sa pwestong kanilang inabandona, isang tinig ng babae ang kanyang narinig na sinundan ng boses na literal na nagpakabog ng kanyang dibdib.

"Yohan, hindi mo naman kailangan na samahan pa ako. Pwedeng si Jevro na lang pinasama mo sa akin."

Napalingon si Veronica sa nag-salita. Ilang metro ang layo mula sa kanilang pwesto. Si Rowel at ang mga kasama niya ay napahinto at napalingon rin.

"Forget Jevro. At tsaka, kahit pa si Jevro ang sumama sayo, mahihirapan siyang dalhin ka sa labas ng barrier dahil ako ang may control. At isa pa, bakit ba kasi kailangan mo pang lumabas? Sinabi ko naman sayo na pwede kang manirahan sa Palasyo. Hindi mo na kailangang pumunta pa sa kaharian ng mga Huluwa dito sa Terra crevasse."

Boses yun ni Yohan, hindi pwedeng magkamali si Veronica. At para makasigurado, mabilis ang mga hakbang na tinahak niya pabalik ang pwesto nila kanina. She was right, Yohan is currently outside of the barrier. Iniwan ng binata ng kaharian para lang samahan ang babaeng kasama nito ngayon. Ang mas hindi niya maintindihan, ay kung bakit parang pamilyar sa kanya ang boses ng babae. Nakatalikod ito sa kanya kaya hindi niya mamukhaan kung sino. Pero kung babasehan niya ang narinig sa takbo ng pag-uusap ng dalawa, the girl is a Huluwa.

Pero diba galit si Yohan sa mga Huluwa? Bakit niya isinakripisyo ang tungkulin sa palasyo para lang sa babaeng kaharap nito ngayon? And....

"Paola?!" Narinig niyang bulalas ni Rowel sa kanyang likuran.

Dahil dun, ang babaeng nakarinig sa binigkas ni Rowel ay mabilis na napa-lingon. Nakalimutan ni Veronica ang sakit sa kanyang dibdib. Nakaramdam siya ng tuwa at masayang humakbang palapit sa pwesto nila Yohan at Paola na parehas pang nagulat.

"Paola!!" Masayang tawag ni Veronica sa pangalan ng kaibigan. Kasunod niya si Rowel na tumatakbo rin.

Subalit ang saya nilang dalawa ay napalitan ng pagkagulat ng bigla nilang lumutang ang espada ni Yohan at itinutok yun sa kanya. Nakita din niyang mahigpit na kumapit sa braso ni Yohan si Paola at sumiksik sa tagiliran ng binatang hari. Anong nangyayari? Yan ang tanong ni Veronica sa kanyang isip.

Kumunot ang kanyang noo at seryosong tiningnan ang espada na naka-tutok parin sa kanyang leeg. Pagkatapos ay inilipat niya ang kanyang paningin kay Yohan bago kay Paola.

"Your Highness, anong ibig sabihin ng ginagawa mo?" Si Ravi ang mabilis na nakabawi at nagtanong.

Nakita ni Veronica nang kabigin ni Yohan si Paola na para bang itinatago nito ito sa kanya. Sa ganitong klaseng aksyon, malinaw pa sa mineral water ang ibig sabihin. Yohan is protecting Paola against her. Pero bakit?

"Bakit hindi mo tanungin si Veronica kung anong ibig sabihin ng ginagawa ko? Hindi ba at kaibigan ninyo si Paola? Then why did they do it to her?!" Malakas at puno ng galit ang tinig ni Yohan.

Bawat bigkas nito ng salita ay parang punyal na sumasaksak sa puso ni Veronica. Paanong nangyari ang ngayon? Noong una silang magkita ni Yohan, halos patayin narin siya ng binata. Naintindihan niya iyon dahil nalaman niyang galit nga ang binata sa mga Huluwa. Pero ngayon, sa kabila ng ginawa niya, sa kabila ng pagpapatunay na hindi siya masamang tao. Sa kabila ng magandang bagay na ginawa niya sa lalake, at sa kabila ng pagtulong niya dito upang makasama nitong muli ang mga magulang. This man, dared to point his sword to her neck?! At iyon ay dahil sa isang Huluwa?! Akala niya ba galit si Yohan sa mga Huluwa?

"Suzerain, I understand why is he acting like that towards you." Si Agartha ang nagsalita sa gilid niya.

Si Rowel ay hindi nakakibo dahil gulat parin sa nangyayari.

"Tell me.. So I at least can understand." Sabi ni Veronica habang tuwid ang tingin na nakatitig kay Yohan.

"The woman besides him told him that she was abandoned by you. She said, brother Rowel only helped you during the accident." Paliwanag ni Agarang.

Ang tinutukoy ni Agartha ay ang aksidente sa eroplano na kinabibilangan nilang tatlo at ng iba pang pasahero. Pero sa pagkakatanda niya, siya ang niyakap ni Rowel dahil siya ang malapit. At nang nga oras na yun, Paola was too far away from them. Nakita din niya kung paanong sumabog ang eroplano habang nasa loob pa si Paola. So paanong naka-ligtas ang babae?

"I see..." Tipid na sagot ni Veronica. Isang mapait na ngiti ang sumilay sa kanyang labi habang itinataas ang kanyang kamay at ipinatong iyon sa espada ni Yohan. "Hindi mo naman kailangang tutokan ako ng espada mo kamahalan. Bagamat hindi ko inaasahan na sa pangatlong beses nating pagkikita sa labas ng palasyo, ang una mong gingawa ay ipakita sa akin na kaya mo akong patayin." Nilagyan ni Veronica ng inner strength niya ang espada ni Yohan.

"Paola, kung natatakot ka sa lugar na binagsakan mo ngayon at gusto mong may pumrotekta sayo, hindi mo naman kailangan magsinungaling. Alam mo sa sarili mo na imposibleng sagipin kapa namin ni Veronica during accident. Napakalayo mo sa aming dalawa at nasa loob tayo ng eroplano. And you, Mr. King, wala bang ibang laman ang isip mo kundi ang patayin si Veronica?! Wow! Sa kabila ng lahat ng ginawa niya para sayo at sa buong kaharian mo, ito talaga igaganti mo?" Lumabas na nga ang galit ni Rowel na halatang inipon nito sa dibdib.

"Malayo? Isang diba lang ang layo ko sa inyong dalawa. Pero sa halip na marinig ninyo ang paghingi ko ng tulong, you guys even covered your ears!" Sigaw ni Paola na muling humigpit ang pagkakahawak sa braso ni Yohan na ngayon ay bahagyang natigilan. "Yohan, don't listen to them. They abandoned me. Ang sabi mo malaki ang utang na loob mo kay auntie Hadana. Protect me from them!" Utos ni Paola kay Yohan na muling nagpabalik sa malamig na ekspresyon ng mukha ng binata.

"Hadana? I see, so pamangkin siya ng babaeng tinutukoy mo na nag-sakripisyo ng buhay niya para sayo. I understand.. But, sa palagay mo ba, ilang beses kong itinaya ang buhay ko para din sa kaligtasan mo, kaligtasan ng mga magulang mo at sa kaligtasan ng buong nasasakupan mo, Your Highness?" Sa wakas, nagsalita na si Veronica. "Nevermind, by the way... She is not the real Paola that your benefactor's niece. Hinahangaan ko ang pagiging protective mo sa kanya dahil may utang na loob ka sa auntie nya. Pero, sana lang, inalam mo muna ang totoo bago ka pumanig sa isang side. You're a king, but you're not wise enough to see the truth." Mahabang dugtong ni Veronica bago niya ikinumpas ang kamay.

Habang nagsasalita si Rowel kanina, ginamit niya ang kanyang divine vision upang malaman ang totoong sitwasyon. Hindi kasi siya makapaniwala na iniwan ni Yohan ang palasyo para sa isang Huluwa. At ngayong nakita at naintindihan na niya ang totoo, mas lalong sumakit ang kanyang dibdib.

Sa pag-kumpas ng kanyang kamay, nagbago ng anyo si Paola. She turned into green mermaid na parang paniki ang itsura ng mukha. Ang ganitong serena ay tinatawag na hunter sa ilalim ng karagatan. Pagsisihan man niya o hindi, siya din ang lumikha sa ganitong serena noong panahon na ginagawa palang niya ang Abyssal territory.

Sa gulat ni Yohan, mabilis nitong binawi ang espada at isinaksak sa serena. Kung tama ang hinala ni Veronica, maaring kinain ng serena ang walang buhay na katawan ni Paola. At dahil bumagsak ito sa karagatan ng kailaliman, ang nabuhay na kapangyarihan ni Paola ay na absorbed ng serena. Iyon ang dahilan kung bakit pagkatapos ng isang buwan, bago lang lumutang ang nagpakilalang Paola. Pero hindi doon naka-focus ang isip at puso ni Veronica.

"Nika..." Banggit ni Yohan sa palayaw niya.

"Hey, hey, hey! Wag mong sabihin na humihingi ka ng sorry ngayon sa kaibigan ko pagkatapos ng pangatlong beses mong pagbabanta sa kanya? Wow naman Sir! Pakinipisan ang pagmumukha mo. Hindi porket maunawain si Veronica ay paulit-ulit mo na siyang sasaktan! Wait, hindi kaya you hate her so much? At sinusubukan mong saktan siya ng husto dahil alam mong gusto ka niya?!" Makahulugang sabi ni Rowel na nag-patuwid sa pagkakatayo ni Veronica.

"That's it?" Kunot ang noo at seryoso ang anyo na tanong niya sa hari.

"No! Of course not! I did that a while ago dahil sa utang na loob ko kay Hadana. Nabanggit ko na sayo ang babaeng nagligtas sa akin 20 years ago, right?" Mabilis na paliwanag ni Yohan.

"Yeah.. I remember." Mahinang sagot ni Veronica.

"Nika, I know you like me. Pero hindi ko ginagamit ang katotohanang yan para saktan ka. Kahit kailan hindi ko naisip na saktan ka dahil gusto mo ako, I swear!" Makikita mo ang pagkabahala sa mukha ni Yohan this time.

"I see.." Muli, tipid parin ang naging sagot ni Veronica. "Then, kalimutan mo na ang araw na sinabi kong gusto kita. Sa kabila ng mga ginawa ko para sayo, napatunayan ko ngayon na kahit ialay ko pa ang buhay ko para sayo, kaya mo paring kitilin ang buhay ko dahil lang sa simpleng dahilan. Yohan, you don't deserve to be loved by me.. So this will be our last meeting. Goodbye." Sabi ni Veronica, bago niya ginamit ang teleportation.

Bab berikutnya