webnovel

UNEXPECTED PRINCE

Kanina pa walang imik si Veronica habang naka-upo sa harap ng mahabang dining table sa loob ng dining hall ng palasyo. Kasalukuyang kaharap niya ang dating Reyna at Hari habang kumakain. Si Yohan ay wala ring imik habang tinatapik-tapik ang lamesa gamit ang kanyang hintuturo. Sino ba naman ang hindi matatahimik sa naging daloy ng usapan kanina lang.

A while ago..

Magalang na binati ni Veronica ang mag-asawa nang makapasok sila sa loob ng palasyo. Niyakap pa siya ng Reyna habang pasimpleng tinapik ng Hari ang kanyang likod. Kasunod nun ay binati rin ng mga ito ang dalawang kasama na malapit sa kanya. Sina Ravi at Rowel. Wala namang problema during that time. Masaya ang lahat habang hinahain ang pagkain ng mga katulong sa loob ng palasyo. The problem starts when the conversation begins.

"Mabuti naman at nailigtas mo ang dalawang bata, Nika. Kawawa naman, lalo na si Devaugn." Malungkot at puno ng awa na sambit ng ina ni Yohan.

Katabi niya ang magkapatid na Devinian at inaalalayan niyang kumain. Nung una ay nahihiya pa ang dalawa at ayaw talagang humiwalay sa kanya, kaya napilitan siyang umupo sa pagitan ng dalawa.

Isang marahang pag-tango lang ang isinagot ni Veronica sa inang reyna habang marahan niyang hinaplos ang ulo ng batang lalake. Ano kaya ang magiging reaksyon ng Reyna kung makikita nito ang totoong anyo ng dalawang Devinian?

"Pwede mo silang iwan dito sa palasyo, habang nag-lilibot ka sa Terra Crevasse, Nika. Aalagaan ko sila, wag kang mag-alala." Ani pa ng Reyna.

"Ma, nakita mo naman na halos ayaw nilang lumayo kay Nika. Sa palagay mo ba papayag ang mga iyan na mag-paiwan?" Si Yohan ang sumagot sa ina.

"Pero, nakita at narinig mo naman na masyadong delikado sa labas ng barrier ng Drakaya. Paano kung makita sila ng mga Embers at ng kalabang kaharian?" Nag-aalala talaga ang tono ng boses ng Reyna.

Nababakas sa buong mukha nito ang takot para sa mga bata. She has a point. Kung tutuusin nga, hindi talaga ligtas para sa mga bata ang sumama sa pag-lalakbay, lalo na at maraming mga kalaban ang naka-palibot sa buong Drakaya Kingdom. Subalit, iyon ay kung normal na mga bata lang sina Agartha at Devaugn.

"Kasama nila si Veronica at ang Dyos ng buong Terrace Crevasse na si Drakaya, sa palagay mo ba mapapahamak pa sila? They even annihilated the entire kingdom of Sediorpino." Sagot ulit ni Yohan habang sumusubo ng slice na roasted meat.

Ahh.. Drakaya parin ang alam nilang pangalan ni Ravi. Alam na ng mga ito, at ng buong Drakaya na si Ravi ang Dragon at Dyos ng mga ito. Kaya lang, hindi naman Drakaya ang pangalan niya.

"Ehem, excuse me, hindi Drakaya ang pangalan ko. Sino ba ang nag-bigay ng pangalan ko na yan?" Hindi na rin nakatiis, nagsalita na rin si Ravi.

"Ah.. Ehem." Ang dating Hari ang may-ari ng boses. "I'm sorry my Lord. Ang kauna-unahang Hari ng Drakaya ang nag-pangalan sa inyo. Dahil na rin nga sa anyo ninyong Dragon. With all my respect, pwede ko bang malaman ang tunay na pangalan nyo?" Tanong ng ama ni Yohan.

Napa-sulyap ang inang reyna at si Yohan sa deriksyon ng pwesto ni Ravi. Si Veronica naman ay tahimik lang na kumakain katulad ng dalwang bata sa kanyang tabi.

"My real name is, Leviathan Ravine. My master and one and only Lord gave me that name. Hindi Drakaya ang pangalan ko. Pwede nyo rin akong tawaging Ravi, at isa pa, hindi ako ang Dyos ng buong Terra Crevasse. Kung tatawagin ninyo akong Guardian, maari pa." Sagot ni Ravi.

Ang tatlong may dugong bughaw ay parehas na natigilan. Lalo na si Yohan na ngayon ay seryosong naka-tingin sa kanya.

"Wait, your master?" Naninigurado nitong tanong kay Ravi. "Then, sinasabi mo ba na si Veronica ang nag-bigay ng pangalan sa iyo?"

"Who else? Siya lang naman ang tinatawag kong Master." Sagot ni Ravi na ngayon ay umiinom ng red wine sa kulay gintong kopita na hawak nito.

Lahat ay napa-sulyap sa pwesto ni Veronica maliban kay Rowel at Ravi na busy na ulit kumain. Hindi halatang nagutuman.

"Imposible, Isang Huluwa si Veronica. Paanong siya ang nagbigay ng pangalan sa Guardian ng buong Terra Crevasse? Isang buwan palang siyang nananatili dito sa Abys. Paanong nangyari na siya ang nag-bigay ng pangalan mo?" Ipinilig pa ni Yohan ang ulo pakanan habang seryosong nagtatanong.

Hindi man umiimik ang mga magulang nito, halata naman sa ekspresyon ng mga mukha ng mga ito na sang-ayon sila sa sinabi ng kanilang anak.

"Paano ko ba ipapaliwanag sa inyo? Kung sakaling ipaliwanag ko, maniniwala kaya kayo?" Makahulugang sagot ni Ravi.

"That's depend on your..."

"Wala pang pangalan si Ravi ng makita ko siya sa tabing dagat ng mapadpad kami ni Rowel dito sa kaharian niyo. Kaya niya nasabi na ako ang nag-bigay ng pangalan sa kanya ay dahil binigyan ko siya ng pangalan before we went to Black Fog Mountain." Pag-sisinungaling ni Veronica.

Alam niya, kahit pa sabihin nila ang buong katotohanan, malabo pa sa bagong baha na ilog ang posibilidad na maniniwala ang mga tao sa buong kaharian. Maliban na lang kung bukas ang isipan ng mga ito para maintindihan at paniwalaan ang ano mang sasabihin niya. Kaya mas pinili niya ang sabihin ang alam niyang mas kapani-paniwala.

"So that's it.." Ani ng ama ni Yohan.

"Yes.. That's it." Sagot naman ni Ravi.

"Then, Si Rowel ay kasama mong napadpad dito?" Ang ina ni Yohan ang muling nag-salita.

"Yes, Your Highness." Sagot ni Veronica. "Katrabaho ko si Rowel sa mundo namin. He saved me during the explosion." Paliwanag ni Veronica.

"Hah.. Masyado talagang delikado at konti lang ang posibilidad na makaligtas sa aksidente bago kayo mapadpad dito sa Terra. Naalala ko rin nung lumubog ang barko na sinasakyan namin ng kuya ko." Malungkot at mahinang sambit ng Reyna.

Natigilan din si Yohan ng sabihin iyon ng kanyang ina. Gayun din ang kanyang ama na ngayon ay hawak na ang kamay ng asawa.

"Kung hindi lang sana nagalit sa akin ang kuya ko, baka kasama ko parin siya ngayon. Alam ko, kasalanan ko dahil naging makasarili ako. Pero ano rin ang magagawa namin? Wala kaming alam kung paano bumalik sa mundong ibabaw." Ani pa nito.

"Mom, forget it already. Uncle has own reason. At isa pa, alam naman niya na walang paraan, pero ikaw ang sinisi niya sa lahat. It was his fault." Madilim ang anyo na sabi ni Yohan.

"I know.. But, he has a son back in the surface. Kaya naiintindihan ko ang nararamdaman niya. Iyun din ang dahilan kung bakit mas pinili ko ang manatili sa piling ninyong mag-ama."

Si Veronica ay nanatiling tahimik at kumakain lang. Gayun din si Ravi at Rowel.

"Kumusta na kaya ang buong pamilya Sifyola sa mundong ibabaw? Veronica, narinig mo ba ang apilyedo na yan sa earth?" Biglang harap sa kanya ng Reyna.

Back to present...

Walang sino man ang naka-imik sa tanong ng Reyna. Si Yohan ay patuloy na tinatapik ang lamesa, si Ravi ay naka-pause ang Kopita sa labi. Inilipat ni Veronica ang paningin kay Rowel na ngayon ay namumutla ang mukha habang napansin din niya ang pawis sa noo nito. Nanginginig ang kamay ng kanyang kaibigan. Bumuka ang bibig ni Rowel para mag-tanong.

"B-Bakit nyo po natanong?" Pigil ang panginginig ng boses na tanong niya.

"Sifyola is my family name. Ramil Sifyola ang pangalan ng kuya ko na leader na ngayon ng mga Embers. He's the one who leads the monsters to attack us before. Alam kong galit siya sa akin pero, ano ang magagawa ko?" Naiyak na nga ang Reyna.

Pero hindi iyon ang nag-pagulat sa lahat. Bigla na lang kasing napatayo si Rowel habang nanginginig. Namilog ang mga mata nito habang naka-titig sa Reyna. Ilang sandali pa ay napa-kurap ito ng ilang beses kasabay ng paghabol nito sa kanyang pag-hinga.

"Hey, Rowel. Are you okay punk?" Tanong ni Ravi na naka-tingala sa lalake.

"What's wrong?" Tanong din ng Hari habang naka-kunot ang mga noo.

Nilunok muna ni Veronica ang laman ng kanyang bibig bago nagsalita.

"Tinatanong ninyo kung narinig ko ang apelyidong Sifyola? Well, what a coincidence, my friend here named, Rowel Sifyola." Ani Veronica habang ang tingin ay nakapako kay Yohan na ngayon ay kuyom na ang mga kamao.

Isa lang tumatakbo sa isip ni Veronica, matagal nang nagdududa ang binatang Hari. Iyon na rin siguro ang dahilan kung bakit halos patayin sila nito noong una silang magkita. Inakala nito na ipinadala sila ng leader ng Embers na ama ni Rowel, para salakayin ang palasyo.

"Y-Your my niece?!" Bulalas ng inang reyna.

Hindi sumagot si Rowel. Halatang ang katotohanan na narito sa Terra ang kanyang Ama ang siyang nakatatak sa isipan niya ngayon. Hindi na rin nakapagtataka kung bigla na lang itong magdesisyon na hanapin ang kanyang ama at sumama na dito.

The question is, papayag ba si Veronica na sumama si Rowel sa ama nito na ngayon ay galit sa mga taong may koneksyon sa kaharian ng Drakaya? Paano kung humingi ng tulong si Rowel sa kanya? Hindi ba at ang ama nito ang muntik ng pumatay kay Veronica gamit ang lason sa latigo?

Bab berikutnya