Pag-pasok sa kwarto na hiwalay sa kwarto ng dalawang lalake na kasama niya, mabilis na hinubad ni Veronica ang balabal na inilagay ni Yohan sa kanyang leeg kanina. Kailangan niyang alamin ang lahat ng pag-babago sa Terra Crevasse. Sa totoo lang, pwede naman niyang linisin ang buong Terra Crevasse sa pamamagitan ng kapangyarihan na alam niya. Subalit hindi niya pwedeng gawin dahil na rin sa mga bagay na pwedeng mag-resulta ng hindi pag-balanse ng buong firmaments.
Katulad na lang ng White and Black crystals na ngayon ay lubhang nakaka-apekto sa buong kalupaan ng Terra Crevasse. Iniisip niya kung may ginawa na rin ba si Siyuha sa mundong ibabaw? Kung totoong may tao sa mundong ibabaw na kayang pigilan ang energy wave na pinakawalan niya sa Cloud Mountain, ibig sabihin ay mayroon na rin cystal sa mundong ibabaw na siyang bumukas sa mga tao upang magkaroon ng kapangyarihan.
"This is quite difficult. Kung ako lang ang susubok na alamin ang buong pangyayari, isn't it a bit unfair on my side? Nag-aalala ako sa kaligtasan ng lahat ng nilalang sa bawat firmaments pero bakit parang ako lang ang nag-iisip?" Pabulong na sabi ni Veronica sa sarili.
Napa-kunot pa ang kanyang noo ng maramdaman niya ang pag-lukob ng kadiliman sa labas ng kanyang silid. Mabilis niyang ginamit ang telepathy or mind communication para tanungin si Ravi. However, she can't reach him. Weird, anong kapangyarihan ang may kakayahang I-block ang kanyang divine power?
Marahas siyang napa-lingon ng biglang lumitaw sa kanyang likuran ang Reyna ng Sediorpino. Ah-huh! So, the woman is the responsible of the darkness na lumukob kanyang kwarto. At ito rin ang dahilan kung bakit hindi niya magamit ang kanyang divine power to contact Ravi.
"You.. You are the one who temporary free me from Nexus string. How'd you do that?" Ani ng babae.
Antangkad talaga ng mga divinian. Nasa 12 feet ang height ng mga ito. Ang kulay ng buhok ay silver gayun din ang kulay ng kilay ang pilik mata. Ang mga mata nito ay kulay gold at silver naman kapag under control. Ang mga divinian lang naman ang pinakamagandang nilalang sa bawat firmaments na nilikha ni Nyuweku. Ang kapangyarihan ng mga ito ay kaya nitong basahin ang laman ng iyong isip, control your mind to protect themselves.
Kaya lang, paanong na-control ni Nexus ang isang divinian na may ganitong kapangyarihan?
"It's not important, I'm more curious kung paanong naging alipin ng isang taga abys ang isang divinian? Paano ka napadpad sa mundong ilalim?" Deretsahang tanong ni Veronica.
Ang body array na nilagay niya sa babae ay pansamantalang kalayaan. Mayroon lang silang 20 minutos para makapag-usap kaya dapat ay mabilis nilang matapos ang pag-uusap.
"Tell me first. How'd you do it?" Pangungulit ng babae.
"Agartha, ang array na binigay ko sayo ay tatagal lang ng 20 minutos, kung itutuuon mo ang sarili mo sa pag-tatanong, then I'm afraid, I can't help you anymore after the array has been fully used." Sagot ni Veronica habang nakatitig sa babae.
Normally, Divinian language is english. Ang kanilang accent ay mixed with British and Native American accents. Siguro dahil na rin sa kakayahan ng mga ito, kaya nitong gayahin ang bawat lengwahe ng bawat firmaments.
"I'm sorry.. Please, help me. I can't use my power against Nexus dahil hawak niya ang kapatid ko. He imprisoned him somewhere in this place. Back to the divine world, me and my little brother was just playing in our palace garden. However, the 10 crystals dropped from above. The two cystal which are gold and red dropped on our firmaments. Kaya lang, ang white and black firmaments ay nahulog kasama naming magkapatid dito sa mundong ilalim. Sa kasamaang palad--
"Hold on.. Hindi ko masyadong naintindihan." Ani Veronica habang naka-pause ang palad sa harapan ng babae. "Ang ibig mong sabihin, hindi lang dalawang cystal galing sa 7th firmaments ang bumagsak kundi sampu? Then where are the other six crystals?" Gulat na tanong niya. "At paano kayo nasama sa pag-bagsak ng crystals dito Terra Crevasse?" Kunot noong tanong niya.
Kung babagsak lang ang mga crystals, paanong nangyari na pati ang mga nasa ibabaw ng firmaments ay nahulog sa ibaba? Wait, parehas ba nangyari sa kanya ang nangyari sa divine world? Nasapo ni Veronica ang noo ng marealize ang sitwasyon sa itaas. Tama nga ang hinala niya, bumukas ang pintuan ng bawat dimensiyon sa pitong firmaments. Ang tanong, paano tumawid paitaas kung kayang bumagsak paibaba ng bawat nilalang galing sa itaas?!
"During the dropping, biglang nagkaroon ng portal kung saan kami nag-lalaro ng kapatid ko. That portal swallowed us at dito kami dinala." Ani Agartha.
"Hold on again, nag-lalaro? Don't tell, you're still a child?!" Hindi napigilan ni Veronica ang mapa-sigaw.
Divine people from fifth firmaments can live longer up to 1000 years! Kung nag-lalaro pa ang sinabi ng babae sa harapan niya, then this girl is still a teenager kung ikukumpara sa edad ng mga tao sa mundong ibabaw!
"I'm.. 209 years old, and my little brother is just 135 years old." Sagot ng babae na ngayon ay umiiyak na.
Lihim na napa-mura si Veronica. 209 years old is equivalent of 6 years old in the human world. At ang 135 years old ay kaparehas ng 3 years old. Fuck! They are just a kids! Gustong bugbugin ni Veronica si Nexus oramismo! Tapos, ikinulong pa ng lalake ang batang Divinian?!
Naramdaman niya ang paghawak ng babae este ng bata sa damit niya. Umiiyak ito na mukhang nag-mamakaawa.
"Please, help us. I miss my mom and Dad. We want to go back home. And please, help me find my brother. He's still young.." Anito na sa pagitan ng pag-iyak.
Nakagat ni Veronica ang ibabang labi at tsaka napa-pikit. Pinipiga ang kanyang puso sa natuklasan.
"Then, tell me, where is the Black Cystal?" Tanong niya habang naka-patong ang palad sa ulo ng babae este ng batang babae.
Napa-singhot pa ito bago nag-salita. "Its inside Nexus body." Sagot nito.
Namilog ang mga mata ni Veronica. Kaya pala, kaya pala kayang kontrolin ni Nexus ang katulad ni Agartha, dahil sa black cystal na hawak nito. Sa madaling sabi, ang kapangyarihan ng black cystal ay halos kalahati sa kapangyarihan na hawak ni Ravi. Or maaring kapantay ng kapangyarihan ng kanyang alaga.
"Alright, then wait for a little longer. Don't worry, I'll help you." Sagot ni Veronica habang naka-tungin sa collar bone ng babae na kung saan ay may kulay gold na marka.
Naikuyom niya ang mga kamao. Kapag hindi niya na secure ang kaligtasan ng dalawang dayuhan sa kanyang mundo, katapusan na ng kanyang pagiging Dyos. These divinians are Obviously the prince and princess of the fifth firmaments dahil sa marka na nakikita niya sa collar bone ng babae!
"Really? You'll help us?" Pumupunas ng luha na paniniguro ng babae.
"Yeah.. So go back to where you are staying right now. Don't let Nexus find out about me, okay?" Aniya.
Pakiramdam niya ay nakikipag usap siya sa anak ng kanyang pinsan na dapat sana ay aanakin niya sa binyag. So cute!! Napa-tango lang ang babae at tsaka nawala na sa paningin niya. Ngayon, muling nagliwanag ang palibot ng kanyang kwarto. Ano na ang gagawin niya ngayon? Should he just kill Nexus? Pero kung gagawin niya iyon, saan naman niya makikita ang pinag-kulungan nito sa batang prinsipe ng divinian?!
Narinig niya ang kalansing ng espada sa labas ng kanyang silid. Kunot noong napa-tingin siya sa labas ng kwarto at nanlaki ang kanyang mga mata ng makita ang nangyayari sa labas. Rowel is currently fighting the three men under control by Nexus. And Ravi is also being surrounded by 10 men.
"Damn it! I told them to do not do anything!" Galit na bulalas ni Veronica.
Lalabas na sana siya ng silid ng biglang bumukas ang kanyang kwarto. Nexus entered the room together with 4 men. Mabilis ang mga itong lumapit sa kanya at tsaka siya kinaladkad palabas. Marahas siyang itinulak ng mga ito kaya pabagsak siyang napa-upo sa lupa. Ravi and Rowel are also kneeling on the ground.
"What's going on?" Kalmadong tanong ni Veronica kay Nexus na ngayon ay galit na naka-tingin sa kanya.
"I told you, don't use the Huluwa power in this kingdom." Madilim ang anyo na sambit ng lalake. "Yet, you dare put an array to our queen?!" Sigaw na dugtong ni Nexus.
Marahas na napalingon si Veronica sa deriksyon kung saan narinig niya ang boses ng lalake. Nakita niya ang lalakeng may mahabang buhok na kulay silver. That is no other than the prince of the Divinian. Isang ngiti ang sumilay sa kanyang labi saka siya unti-unting tumayo at sinulyapan si Nexus na ngayon ay naka-kunot na ang noo.
"Thank you for bringing me that child, your Highness. Hindi ko na kailangang mag-panggap pa hanggang sa makita ko siya." Ani Veronica.
Si Rowel at Ravi ay napa-tayo na rin at tsaka nag-unat ng mga braso.
"What are you saying?! Anlakas naman ng loob ng mga baguhang Huluwa na ito. Tsk! Hold them down!" Sigaw ni Nexus sa mga tauhan.
Nakita ni Veronica si Agartha na tumatakbo palapit sa kapatid nitong puro sugat ang katawan. Lalong tumaas ang dugo ni Veronica ng sa isang iglap lang, tumalsik ang katawan ni Agartha palayo sa kapatid na umiiyak.
At sa isang iglap lang din, nakulong ang buong Sediorpino Kingdom sa isang barrier na walang takas.