webnovel

7.16 Rush Hour

"So ganun ang idadahilan niya sa akin para majustify ang kademonyohan na pinaparamdam niya sa akin?! What a shame!" bulong ni Sandy sa kanyang isip at tila natutuwa naman si Yuriko habang inoobserbahan ang kanilang pakikitungo sa isa't isa.

It's almost past 7 pm already at panigurado sa kanilang kaisipan na pagagalitan silang dalawa ni Sandy at Kozue sa paglalakwatsang ginawa nila at ginabi pa sila sa pag-uwi. Samantala ay tila hindi na mapakali si Yuriko nang madaanan ng sinasakyan nilang taxi ang kalsadang papunta sa pamilyar na lugar mula sa alaala ng kanyang kabataan.

[Yuriko Maki…]

Minsan talaga ay masasabi kong paladesisyon si Kozue sa lahat ng mga gusto mong gawin. Siya lagi ang umaako ng responsibilidad sa mga gawaing hindi niya rin naman dapat pang pinanghihimasukan.

Kailan nga ba ang huli kong pagtapak sa lugar na ito? Sa loob kasi ng halos dalawang dekadang lumipas ay hindi ko aakalaing babalik pa ako sa pinanggalingan ko. A paradise of waves in Kanagawa is supposed to lighten up my mood but I guess at this night and age eh mukhang hindi na iyon mahalaga pang bahagi ng buhay ko.

I'm already twenty-six years old para magdrama pa ng ganito sa loob ng taxi. Pamilyadong tao na ako sa madaling sabi ngunit hindi pa napag-uusapan ang tungkol sa plano sa aming baby na binabalak naming gawin pagbalik niya rito sa puder ko. Naluluha ako ngayon dahil mahirap ikubli ang galit at pagdududa sa puso ko at mukhang pinag-alala ko pa ang dalawang kasama ko sa biyahe.

"Ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong ni Sandy na katabi ko sa back seat. I wiped away my tears and said, "Wala ito. Masaya lang ako na kasama ko kayo." pagdadahilan ko sa kanila.

"Naku! Gayon din naman ako Yuriko. Sana makapagbonding tayo ulit na gaya ng kanina sa arcade." Tuwang-tuwa namansi Kozue sa tabi ng driver's seat.

"Heh! Kayo na lang. Mauubos lang ang pera ko sa paglalaro mo pa lang doon at muntik mo ng limasin ang budget ko para sa vacation trip ko dito." reklamong saad ni Sandy.

"At sino namang nagsabi sa'yo na kasali ka sa lakad namin ni Yuriko?" banat ulit ni Kozue kay Sandy at muntikan na kaming mabunggo sa gilid ng tulay dahil sa kakulitan nila sa loob ng taxi.

"Ma'am, saan nga po kasi ulit tayo pupunta?" tanong ulit ni manong driver.

"Oh! andyan ka pala kuya. Masyado ka kasing tahimik kaya akala ko tuloy display ka lang dito. Just tell me the truth, natulala ka ba sa ganda ko?" bulong ni Kozue sa driver sabay kindat sa nangungusap nitong mata.

Halos dumikit ang labi niya sa tenga ng kausap niya na tila nagpoprovoke ng kiliti sa pandinig ng driver. It was a shocking news to me na mukhang much worst ang naging social etiquette niya kumpara sa dating mahinhin at kilos disente.

"Hoy manong! Sa kalsada ka tumingin huwag dyan sa impaktang katabi mo. Ikakamatay nating lahat ang kapabayaan mo manong kaya umayos ka!" bulyaw ni Sandy at tila nabigla kami sa paparating na truck sa harapan namin.

Bumusina ang truck sa amin at agad rin namang nakaiwas ang taxi na sinasakyan namin patungo sa kabilang dako ng kalsada. "Hays! Thank you at buhay pa kami. Sa Plantitos Ville mo kami ibaba. Maliwanag na ba sayo ha kuya?!" inis na sabi ni Sandy at mukhang sasabog na siya sa kawalan ng pagtitimpi.

Sa totoo lang, celebrating Christmas alone for almost twenty years is not an easy burden for me. Kalaban ko lagi ang inggit sa ibang batang kasama ang kanilang magulang sa masayang kaganapan ng kanilang buhay. Apat na taon na rin naman akong kasal sa asawa kong foreigner na si Ezekiel Thompson na piloto sa isang international airline and I'm still patiently waiting for his comeback sa mga susunod na taon.

Sana kapag nagkaroon na kami ng anak ay hindi sila matulad sa sitwasyon ko na broken family. Malaki naman ang tiwala ko sa aking Daddy bear na hindi niya ako iiwanan o ipagpapalit sa kahit kaninong babae pero hinahanda ko na rin ang sarili ko in case na may mangyaring worst case scenario sa aming savings.

Ang hirap talagang maging illegitimate child dahil lagi kang napagbubuntunan ng galit ng mga "legal" na miyembro ng pamilya sa side ng nanay o tatay mo kaya kahit mahirap pakisamahan ang stepmother ko, sana ay nakalimutan na niya ang galit niya sa mama ko dahil aksidente lang ang lahat kung bakit at paano ako nabuhay sa panahong ito.

- BACK TO SCENE -

Nang makarating na ang mga girls sa Plantitos Ville ay agad silang sinalubong ng engrandeng dekorasyon sa buong bahay. Ang mga kumukutitap na pailaw sa mga bintana ay nagbigay sigla sa diwa ng Pasko sa kanilang lahat.

Habang nakaupo na ang mag-anak sa labas ng kanilang bahay para sa Christmas dinner ay tila dismayado na ibinalita ni Maki sa kanyang magulang ang rebelasyon na sinabi ni Dra. Azure sa tunay niyang kundisyon.

"Ma, pa… May gusto sana akong sabihin sa inyo." paunang salita ni Maki at natigil ang kanyang mga magulang sa kanilang paglalambingan.

Bago pa man sila makatugon sa panawagan ng kanilang anak ay ang biglaang pagdating nina Sandy at Kozue mula sa paglalamyerda sa shopping mall at pagpapalipas-oras sa loob ng arcade center.

"MERRY CHRISTMAS PO SA INYO!" Puno ng saya ang bati nina Sandy at Kozue kina Maki at isa-isa nila binigay ang kanilang mga regalo sa kanilang mahal sa buhay.

"Thank you, ah! For sure naman maganda ang mga ito." ngiting sabi ni Mrs. Maki habang kinakapa ang laman ng gift wrap- per na galing sa dalawang dilag.

As a certified fashionista herself, si Kozue mismo ang namili ng mga ireregalo nila sa mag-anak ni Maki samantala ay naisipan na lamang ni Sandy na bilhan ang kanyang kinakapatid ng kanyang magagamit sa pang-araw-araw niyang gawain.

Kinalabit ni Sandy ang balikat ni Maki upang mapansin siya niyo. "Psst! Ayni ing para keka." (Psst! Ito ang para sa'yo.) tawag atensyon niya sa binata at nawirduhan si Maki sa iniregalo sa kanya.

"Tuwalya ini? Ot balamu mengupas ne jo?! Nokarin me ibat ini?" (Tuwalya ba ito? Bakit parang kumupas na ang kulay nito?! Saan mo ba ito galing?) Sunod sunod na tanong ni Maki na tila nang- aasar pa.

"Nung ali mu ne man buri iyan, pangupitan ta ne ampong gawan tayang basan bang kanita agamit mung tune keni." (Kung ayaw mo naman iyan, pwede naman nating gupitan at gawing basahan para naman may silbi sa buhay mo.) Resbak ni Sandy na tila masama ang loob sa sinabi Maki kung kaya't biglang binawi niya ang kanyang mga sinabi.

"Huy! Balu mu naman na mang-good time ku ngeni di- ba?" (Uy! Alam mo naman na nagbibiro lang ako diba?) paglilinaw ni Maki ngunit malakas ang sapak ngayon ni Sandy dahil sa stress na idinulot sa kanya ni Kozue.

"Jusko! Kung alam lang ni Shinichi na ginawa akong personal ATM ng hitad na iyon. Argh! Pigilan mo ang high blood mo self. Hindi naman si Kozue ang gusto mong makasama sa pasko." Bulong-bulungan school of acting ang peg ni Sandy sa kanyang monologue on her mind.

Dahil sa pangungulit ni Maki sa kanya ay nagdemand na lang siya ng ibang bagay upang maiba na ang usapang nakakauyam sa pandinig ni Sandy. "Nokarin ne man itang regalu ku?" (Nasaan naman ang regalo ko?) wika ni Sandy na tila walang pag-aalinlangan niyang hiningi ang nararapat niyang matanggap sa abot ng makakaya ng binata. Maki answers her inquiry on a serious note through silent treatment. "Bukas ku ne mu ibiye." (Bukas ko na lang ibibigay.) sabi ng binata kay Sandy.

Bab berikutnya