webnovel

CHAPTER FOUR

"ano bang kailangan nyong malaman tungkol sa kaibigan ko, kay Jasmin?" nagtatakang tanong ni Kim. "bakit kailangang dito pa sa dorm ninyo mag-usap?" tanong muli niya saka inilibot ang kanyang paningin sa loob ng aming silid.

Nakaupo ito ngayon sa harapan naming tatlo. Dumating sya katulad ng sinabi ni Ichiro kanina mas maaga pa nga ata roon.

"kailangan lang naman namin ng mga mahahalagang impormasyon tungkol sa kanya, sagutin mo lang ng maayos ang itatanong ni Ichiro sa'yo at paniguradong walang magiging problema" mahinahong tugon ni Acxius.

"para saan ba ito at bakit ninyo kailangan malaman ang mahahalagang bagay tungkol sa kanya?" nalilito na ata siya. Kanina pa ito nagtatakang nakatingin sa amin.

"para ito sa gagawing obserbasyon tungkol sa hindi malamang pagkamatay ng mga estudyante, kailangan lang kasi naming ilista ang pangalan at maikling impormasyon tungkol sa kanila para mamonitor namin ang bawat estudyante rito" tugon ko saka pilit na ngumiti.

Binuklat ko ang hawak kong brown na notebook saka isinulat ang pangalan ni Jasmin sa unahan ng aming listahan. Kinakabahan ako dahil baka magkamali ako at ako pa ang maging dahilan para mabuking kami jusko.

"I am the one who will ask not you Kim, so stop throwing some unnecessary questions" mariing saad ni Ichiro. "Only speak when I am done asking, understand?" matatalim itong tumingin sa nalilitong si Kim.

Napatungo si Kim saka napahawak sa kanyang magkabilang palad.

"don't worry we'll not going to hurt you" walang buhay na saad ni Ichiro. Nahalata ata nitong natakot sa kanya si Kim, paano ba naman para siyang mangangain.

"a-anong impormasyon ba ang kailangan nyo?" tanong niya saka kami marahang tiningnan.

"tell us about the performance of Jasmin inside your room" diretsong saad ni Ichiro. "including her grades and rank" dagdag pa nito saka nagcross arms bago diretsong tumingin kay Kim.

"ah- si Jasmin hindi gaanong active sa loob ng aming silid, palagi siyang pinapagalitan dahil bukod sa hindi siya makasagot sa mga recitation ay hindi rin sya nakakapagpasa ng mga proyekto at takdang aralin" malumanay na saad nito saka bumuntong hininga. "sinasabihan ko naman sya na dapat syang magpasa pero wala syang ginagawa kundi matulog lang habang nagtuturo ang Prof namin hanggang sa ibinigay na ang mga grades at..... bagsak sya at sya ang nasa pinakadulo na rank" dagdag pa nito bago tumingin sa kanyang palad na namamawis na.

"how about her attitude? is she rude, nice or what?" kunot noong tanong ni Ichiro, napakamainipin talaga ng taong ito.

"wala namang mali sa ugali niya, mabait naman sya at marunong makisama yon nga lang ay lagi siyang napag iinitan ng mga kaklase namin dahil bobo raw sya pero sigurado akong mayroon lang syang problema kaya hindi sya makapag focus hindi nya lang sinabi sa akin kung ano yon" tugon nito saka kinuyom ang kanyang kamao. "napakabait nya, hindi sya marunong gumanti kaya palagi nila syang pinagtatawanan" dagdag pa nito.

Bago pa man tumulo ang kanyang luha ay agad na siyang tumingala at mabilis na pumikit pikit upang pigilan ito.

"maaari bang malaman kung sino ang huli niyang kasama noong nagpaalam siyang pumunta sa banyo?" nagtatakang tanong ko sa kanya.

"ako, ako lang naman palagi" diretsong tugon nito. "sa akin sya nagpaalam non, mahigit 30 minutes ay nag-alala na ako non dahil hindi pa sya nakakabalik kaya tinawag ko ang ilan sa aming kaklase upang tingnan kung bakit siya natagal ngunit hindi namin inaasahan na ganon ang mangyayari" dagdag pa niya.

"napaka biglaan nga ng pagkamatay niya, wala naman akong kilalang kaaway nya, oo binubully siya pero hindi naman magagawa ng mga kaklase namin na pumatay kahit nga sila ay hindi mapaniwalaan ang mabilis na pangyayaring iyon" mahinang saad niya pero sapat lamang upang marinig namin.

She let out a heavy sigh saka mahigpit na hinawakan ang magkabila niyang kamay.

"okay I think that's enough, you can now go back to your room" walang buhay na saad ni Ichiro. "make sure that no one will know what we're talking about, what's inside this dorm will stay inside and if someone knows about it I'll make sure that you'll follow Jasmin" seryosong saad pa nito na ikinakunot ng aking noo.

"kidding, go ahead and keep safe" muling saad niya.

Akala ko naman ay seryosong seryoso na sya roon. Napailing na lamang ako.

Tumango lamang si Kim saka kami tinalikuran.

"naisulat mo ba lahat ng sinabi niya?" tanong ni Acxius nang makalabas na ang babae. "masyadong mahaba at marami iyon kaya mas mabuti siguro kung yong mahahalagang impormasyon lamang ang isulat mo riyan" dagdag pa niya saka sinipat sipat ang aking sinusulat.

Tumango lamang ako bilang pagtugon, nagpatuloy lamang ako sa pagsulat. Itong Acxius na'to para namang tingin sa'kin ay hindi nag-iisip pft.

"who's the bestfriend of Aicel?" biglang tanong ni Ichiro.

Natahimik naman si Acxius at nagtatakang napatingin dito ngunit si Ichiro ay nakatingin lamang sa kung saan.

"we need to know who's the bestfriend of Aicel for us to know her performance and attitude inside their room" saad ni Ichiro saka tiningnan si Acxius.

"bakit hindi na lang ako ang tanungin ninyo?" kunot noong tanong niya. "pwede namang ako na lang ang sumagot dahil kuya naman nya ako hindi ba?" saad pa niya saka tumingin sa amin.

He looks upset.

"didn't you hear me? I'm asking for her bestfriend to know her performance inside their room" mariing saad ni Ichiro. "You and Aicel didn't see each other for almost two years and I think there's so many things that change" mariing saad pa nito saka diretsong tiningnan si Acxius.

"yeah I get it, maybe we should find her friends and ask them about my lil sis " nayukot ang mukha ni Acxius saka napanguso. Aw so cute.

"Look, I'm doing this not to embarrass you or something we just really need to talk to her friends because after two years didn't you think that something has change and maybe she discover or learn new things that will make her different than before" seryosong saad ni Ichiro. "there's no permanent in this world Acxius" mariing saad pa nito.

tumango tango si Acxius tila malalim ang iniisip nito.

"you're right and to be honest, I didn't know her that deep" pilit na ngiting saad nito. "sounds like I am worthless and useless brother, isn't me?" dagdag pa niya saka nagpakawala ng malalim na buntong hininga.

"Ofcourse you're not, you're the best brother I've ever known!" saad ni Ichiro to make him feel better though totoo naman talaga yon.

"masyado kayong maingay, mamaya baka yang pinag uusapan ninyo ang mailagay ko rito" tatawa tawang saad ko.

"do you need some help?" walang buhay na tanong ni Ichiro.

"no, it's fine kayang kaya ko 'to ako pa ba" nakangiting tugon ko saka ipinagpatuloy ang pagsusulat.

"may inaasahan ba kayong bisita?" nagtatakang tanong ni Acxius nang mayroong kumatok.

Agad kong iniangat ang aking paningin upang makita kung sino ang iluluwa ng pintong iyon.

"woah, woah Bryx it's been a long time what are you doing here?" nalilitong tanong ni Acxius saka nagpapalit palit ng tingin sa amin. "did you guys invited him or what?" tanong nito saka ibinalik ang tingin kay Bryx.

"uhm actually -"

"come in Bryx, have a seat" saad ni Ichiro saka ito hinarap. Baliw talaga sya hindi man kang pinatapos magsalita yong tao.

"bakit ka nandito? I mean what brings you here, we didn't know that you're coming or should I say Hyacith and I didn't know you're coming" saad ni Acxius saka tumingin kay Ichiro.

Hindi namin alam kung bakit nandito yan kaya ganon na lamang kung magtanong si Acxius, sunod sunod.

"uhm Ichiro invited me" maikling tugon ni Bryx saka tumingin kay Ichiro.

"woah you didn't tell us bro" saad ni Acxius saka marahang tinapik ang balikat ni Ichiro.

"yeah, remember when I talk some student of Section 1 earlier and you're waiting for me outside, right? I asked Sam to find him" tugon ni Ichiro.

Kung ganon ay inutusan nya pala si Samantha para hanapin ang lalaking ito kanina, kung hindi ako nagkakamali ay siya ang boyfriend ni Jasmin for 5 years.

Baka kailangan namin sya para magkaroon pa ng ibang impormasyon tungkol kay Jasmin, he'll be useful I'm sure.

He looks uncomfortable sitting in the front of us. Baka naninibago lang antagal ko rin siyang hindi nakita rito.

"nakakaintindi ba sya ng tagalog?" kunot noong tanong ni Acxius saka tumingin sa amin.

Hindi kasi marunong umintindi at magsalita ng tagalog noon si Bryx nang dumating sya sa Unibersidad na ito.

"ow yeah, I understand and speak a little bit" saad ni Bryx saka kinuha ang iniabot sa kanyang maiinom.

"uhm, do you mind if I ask?"

"you're already asking" walang buhay na tugon ni Ichiro.

"oh yeah sorry uhm why did you invited me here? did I break a rules and regulations or something?" nagtatakang tanong nito. "ow maybe it's about the upcoming awarding ceremony isn't it?"

Seriously? Napangiwi ako sa tanong nyang iyon.

I rolled my eyes into him.

"no" maikling tugon ni Ichiro.

Isang tanong isang sagot ata ito. Tahimik lamang ako rito sa gilid na nakikinig at pinagmamasdan sila mag-usap.

"what do you mean? so what's the purpose of inviting me here?" wala pa ata itong alam tungkol sa nangyari.

Ang alam ko ay buong unibersidad ay alam na ang balita tungkol sa nangyari ngunit bakit ang isang ito ay parang nahuhuli sa balita.

"are you damn serious?" napangiwi si Acxius matapos sabihin iyon.

"why? is there any other reason?what's going on Ichiro?" nalilito na ito sa pinagsasabi nila. Sandali nyang ininom ang juice saka muling tumingin sa amin.

Napailing na lamang ako. Akala ko ba ay boyfriend sya ni Jasmin, nakakairita naman sya. Anong klaseng boyfriend yang ganyan.

"it's about Jasmin" diretsong tugon ni Ichiro.

"okay, what about her?" parang gusto ko na talaga siyang sapakin, is he even real? as in for real? girlfriend nya pero hindi nya alam kung anong nangyayari roon jusko kumukulo na ang dugo ko sa kanya.

"damn it, I can't believe this! I thought you're her boyfriend!?" kunot noong tanong ni Ichiro bakas ang inis sa tono ng pananalita nito.

Ayan nanaman ang anger issues nya tumataas kaagad grabe na talaga sya.

"no we're not, we broke up months ago" tugon nito saka kami seryosong tiningnan.

Napanganga ako sa sinabi nito. Hindi man lamang nakarating sa amin ang balitang yan. Napalunok na lamang ako, nahihiya tuloy ako sa kanya ngayon.

Para akong matutunaw sa kinauupuan ko.

"she broke up with me" mahinang saad nito pero sapat lamang upang marinig namin.

"in what reason?" diretsong tanong ni Acxius.

Dahan dahan kong nilingon si Acxius, nakatayo lamang ito sa tabi ng kinauupuan ni Ichiro habang nakatingin din kay Bryx ngunit si Ichiro ay wala man lamang ekspresyon ang mukha.

"she tell me that I need to focus on my studies because if I failed something bad will happen on me, she pushes me away while I'm begging her to stay and she keeps saying that I need to get a high grades in order to be safe" seryosong tugon ni Bryx.

Naguguluhan ako sa sinabi nya, bakit naman grades ang basehan para maging ligtas sya? ano bang meron?

Sa katititig sa mukha niya ay napansin ko ang mabagal na pagtulo ng mala crystal na luha nito, mabilis niya naman itong tinuyo saka pilit na ngumiti.

"Even I'm so confused, I still did all my best to study like what she said and now I am the rank 1 in our room, it's all because of her and I know that she's proud of me" pilit niyang pinipigilan ang pagtulo ng kanyang mga luha. "I thought if I got a high grades she will let me to continue loving her, I thought she'll let me back into her life again and continue what we started but... wala na pala akong babalikan" doon na bumagsak ang kanyang mga luha.

Mariin siyang napapikit matapos banggitin ang mga salitang iyon. He let out a heavy sigh.

"thankyou" saad niya nang tanggapin ang panyong ibinigay ko saka marahang tinuyo ang kanyang basang pisngi.

"So all this time you're acting like you didn't care and didn't know what happened to her?" nagtatakang tanong ni Acxius. "pinapakita mong you're not affected but the truth is you're dying inside" dagdag pa nito.

Hindi ito makapaniwala. Napatunganga na lamang si Acxius.

"I know Jasmin won't be happy if she'll see me destroying my life" diretsong saad niya saka pilit na ngumiti. "I don't want to see my girl sad because of me" dagdag pa niya.

Nadudurog na ang puso ko sa sinasabi niya. Pakiramdam kong muli ay nararamdaman ko ang sakit na nararamdaman nya katulad ng kung paano ko naramdaman ang sakit na naramdaman ni Acxius noon nang mawala si Aicel.

They're so strong.

"I know she didn't die for no reason, I know that someone killed her and I am dying to know who's the person behind all of this. He or she will regret doing it on my girl, I swear!" bakas ang galit sa mukha nito. Matatalim ang mga mata nitong nakatingin kay Ichiro.

"Calm down, we're on your side and that's why I invited you here beacuse I need your help. We are investigating just like you, we wanted to know who's the murderer Bryx" mariing saad ni Ichiro. "like what you've said, we need to know who's the person behind all of this" dagdag pa nito.

"and I apologize for judging you earlier" labag pa ata sa loob nito ang pagsabi non.

"it's fine Ichiro, I can't blame you I am the who actually act like a fool" tugon ni Bryx.

Napatawa roon si Acxius ngunti agad ding natigil dahil tiningnan siya ni Ichiro.

"anyway, I know you're kind Ichiro. I'm on your side, just tell me what i can do to help and I'll do it with all my heart" malumanay na saad ni Bryx. "i won't break your trust" dagdag pa nito.

Inilahad niya ang kaniyang palad tinanggap naman iyon ni Ichiro at nakipagkamay sa kaniya.

Well, I guess they made a deal.

"Hyacith, right?" tanong nito.

Sa akin naman nabaling ang atensyon nya, kanina pa kaya ako nakaupo rito tapos ngayon nya lang ako napansin gosh ayaw ko na tampo na ako charot.

Tumango lamang ako saka bahagyang ngumiti sa kanya.

"You and Ichiro look good together huh" mahinahong saad nito na ikinalaki ng aking mata.

sunod sunod akong napalunok, nais kong malaman kung ano ang reaksyon ni Ichiro ngunit hindi ko magawa. Magkatabi lamang kasi ang kinauupuan namin kaya siguro ganon na lang ang nasabi niya.

Kapag mayroong ganitong eksena ay bigla na lamang bumibilis ang tibok ng puso ko, pakiramdam ko rin ay napakalakas ng pagtibok nito na halos marinig ko na.

"magkaibigan lang sila" saad ni Acxius.

Laking pasasalamat ko nang magsalita sya ngunit muling nagpalipat lipat ng tingin sa amin itong si Bryx saka napangiti.

Ano nanaman kaya ang sasabihin ng engot na ito.

"fine, Hyacith looks upset" tatawa tawang saad nito kayat napanguso ako.

"anyway, Ichiro you can always call me just go to our room. Section 10 is always open for you" malumanay na saad pa niya saka inayos ang kanyang sarili.

Sinigurado nitong kung ano sya nong pumasok ay ganon din syang lalabas. Sandali pa niyang sinuklay gamit ng kamay ang kanyang mahabang buhok saka kami tinalikuran.

"I'll go ahead, see you around" paalam niya saka lumabas ng aming silid.

I let out a heavy sigh, dalawang tao pa lang ang nakakausap namin pero parang andami na naming natuklasan.

Marami akong nalaman at natututunan, marami pa lang pangyayari rito sa Unibersidad ang hindi pa namin natutuklasan. Kahit gaano pa karami ang taong magkukwento ay mayroon pa ring ilan na hindi nila nalalaman.

Kaya dapat talaga ay maging mabuti at mabait sa mga taong nakakasalamuha natin dahil hindi natin alam kung mayroon silang pinagdaraanan. Makinig din muna bago manghusga ng tao dahil "don't judge the book by its cover" ika nga nila.

---------------------

---------------------

Bab berikutnya