webnovel

CHAPTER TWO

"Parating na si Prof" saad ni Saji saka bumalik sa kanyang upuan.

"Si matandang dalaga nanaman" inaantok na saad ni Hailey saka naupo sa kanyang upuan.

"Good morning" diretsong bati ng aming Professor saka ipinatong ang kaniyang mga aklat sa ibabaw ng aming table sa harap.

"Nagbasa ba kayo ng notes ninyo?" seryosong tanong nito saka tumingin sa amin. "wala kayong klase kahapon kaya inaasahan kong kahit papaano ay nagbasa man lamang kayo"

"bakit po Prof, magkakaroon po ba ng recitation?" nagtatakang tanong ni Xyreign saka tumingin sa amin.

"yes" maikling tugon ng aming Professor kung kaya nagkaroon ng bulungan sa loob ng aming silid.

"tumahimik kayo! kung nagbasa at nakinig kayo sa ating discussion ay may maisasagot kayo ngayon. tingnan natin kung sino ang nakinig at sino ang hindi" mariing saad nito saka kinuha ang kaniyang listahan. "tumayo kapag tinawag ko ang pangalan, sagutin ang ibibigay kong tanong maaari ninyo itong sagutin batay sa naunawaan ninyo sa ating aralin at kapag hindi nakasagot ay squat ang punishment, naiintindihan ba ninyo?" seryosong saad nito.

Wala nang nag-abala pang magreklamo dito kaya naman tumango na lamang kami sa sinabi nito. Wala na ring naglabas pa ng kanilang mga notebook dahil tiyak na sisitahin lamang sila.

"So, let's start unahin natin ang inyong Class President, stand up Ichiro" maawtoridad na utos nito.

Agad namang tumayo si Ichiro at nagcross arms.

"Enumerate the five branches of Philosophy" seryosong saad ng aming Professor.

"The Branches of Philosophy are Metaphysics, Ethics, Epistemology, Logic and Aesthetics" sa tono ng pananalita nito ay batid kong hindi man lamang ito kinabahan at nahirapan sa naging tanong sa kaniya.

"Give a brief description about that five branches you mentioned"

"(1) Metaphysics is an extension of a fundamental and necessary drive in every human being to know what is real, (2) Ethics is a branch of Philosophy that explores the nature of moral virtue and evaluates human actions, (3) Epistemology deals with nature, sources, limitations and validity of knowledge (4) Logic etymologically it means a treatise on matters pertaining to the human thought and (5) Aesthetics -" huminto ito dahilan upang mapatingin kami sa kanya.

Nakalimutan ba niya ang definition non? kapag hindi nya yan nasagot ay mapapa- squat sya.

"why did you stop Ichiro, hindi mo na ba alam ang kasunod?" seryosong tanong ng aming Prof .

Hindi man lamang siya tinapunan ng tingin ni Ichiro.

"Aesthetics is the science of the beautiful in it's various manifestations including the sublime, comic, tragic, pathetic and ugly. To experience aesthetics, therefore, means whatever experience has relevance to art, whether the experience be that of the creative artist or of the appreciation" saad nito saka tiningnan ang aming Prof bago siya confident na naupo kahit na hindi pa naman siya pinapaupo.

Hindi na nagsalita pa tungkol doon ang aming Prof hinayaan niyang makaupo si Ichiro at tumingin na lamang siya sa kanyang list.

"next, Acxius" nagulat siya nang marinig ang kanyang pangalan ngunit agad rin siyang tumayo upang harapin ang aming Prof.

Sinusunod sunod ata niya ang Class Officers sa aming silid kung ganon nga ay tiyak na ako na ang kasunod ni Acxius.

"What is Philosophy and why it is Important?" diretsong tanong nito kay Acxius saka siya seryosong tiningnan.

Saglit na napaiwas ng tingin si Acxius at lumunok bago ito tuluyang magsalita.

"Philosophy came from the Greek words Philo means to love and Sophia means wisdom, it is a science that by natural light of reason studies the first causes or highest principles of all. It is important because Philosophy examines assumptions, asks questions, seeks to clarify and analyze concepts, and seeks to organize fact into a rational system for all disciplines furthermore, philosophy makes us more humans" napangiti ako sa sagot niyang iyon.

"okay sit down, stand up Hyacith" sinasabi ko na nga ba eh.

Agad akong tumayo kasabay ng pag-upo ni Acxius.

"Excuse me" saad nito matapos tumunog ang kanyang cellphone.

Lumabas ito ng silid kaya naman bahagya akong nakahinga ng maluwag.

"Nakakainis talaga ang matandang dalaga na yon, wala man lang syang pasabing magkakaroon tayo ng graded recitation!" inis na saad ni Xyreign. "kapag sa ibang section ay nagsasabi sya ngunit kapag sa atin na ay palagi na lang biglaan" dagdag pa nito kasunod nang pagkunot ng kanyang noo.

"Isa pa, hindi nya rin tayo binigyan ng kahit ilang minuto para makapagbasa ng notes, hindi pa naman ako nakapagbasa kahapon" nakasimangot na saad ni Hailey.

"Kung wala kayong alam at wala kayong naintindihan sa tinuro ng Professor natin kasalanan nyo na yon, ambobobo nyo kasi" mataray na saad ni Rovainne. "Nakakatawa at nakakaawa naman kayo" dagdag pa nito saka inismiran ang dalawa.

"Ouch!" sigaw ni Rovainne nang tumama sa kanyang pisngi ang isang notebook.

Binato iyon ni Yvette na nakatayo sa gilid ng pinto.

"how dare you!" inis na sigaw ni Rovainne sa kanya saka nya ito nilapitan upang sampalin ngunit bago pa man tumama ang palad nito sa kaniyang mukha ay nasalo na ito ni Yvette.

"stop acting like you're a superior here Rovainne, tinuturuan tayo rito ng good manners and right conduct pero wala ka non" seryosong saad ni Yvette saka pabatong binitawan ang kamay ni Rovainne.

"the audacity Yvette, how dare you to talk to me like that! naiinggit ka ba? edi magpakasuperior ka rin!" inis na tugon ni Rovainne saka ito inismiran.

"at bakit ako maiinggit sa tulad mong nagtatapang tapangan lang naman? tigilan mo na ang pamb-bully sa mga kaklase natin dahil hindi mo gugustuhin kapag lahat kami ay ginantihan ka" mariing saad ni Yvette.

"and who the hell are you to threaten me? sino ka ba sa inaakala mo Yvette isa ka lang rin naman sa kanila, katulad ka lang rin naman ng mga taong 'to na mga walang alam!" kunot noong tugon ni Rovainne. "kahit magsama sama pa kayong lahat hindi ako natatakot sa inyo, pare pareho lang kayong hampas lupa!" dagdag pa nito saka inilibot ang tingin sa amin.

"stop it Rovainne that's enough, mag isa ka lang at marami kami. Kung ikukumpara nga kami sayo ay ikaw pa ang mas walang alam. Look at yourself, tingnan mo nga yang ginagawa mo ngayon may pinag-aralan at may alam ka na sa lagay na yan?" napailing ako saka ito diretso siyang tiningnan. "ang may pinag-aralan hindi mayabang at hindi ginagamit ang kaalaman nya para tapakan ang mga taong nasa paligid nya" mariing saad ko. hindi ko na napigilan pa ang sarili kong panoorin lang sila.

Mabagal itong pumalakpak saka iiling iling na tumingin sa akin.

"wow!" nakangising saad nito. "huwag ka ngang makisali dito, dyan ka talaga magaling eh no? ang makisawsaw sa iba kaya pati sa amin ni Ichiro nakikisawsaw ka!" inis na saad ni Rovainne.

Napatingin naman ako kay Ichiro na walang buhay na nakatingin kay Rovainne.

"How many times do I have to tell you na hindi ko inaagaw sa'yo si Ichiro, don't you dare to accuse me dahil mapapahiya ka lang at isa pa hindi mo naman boyfriend si Ichiro kaya wala kang karapatan para awayin ang lahat ng babaeng lalapit sa kanya!" mariing tugon ko saka ito tinaasan ng kilay.

"What's mine is mine-"

"hindi sya sa'yo, hindi mo sya pag mamay-ari Rovainne kaya huwag kang umarte na parang girlfriend ka nya dahil I am pretty sure na hinding hindi magugustuhan ni Ichiro ang katulad mo" mariing saad ko.

"damn you Hyacith-"

"hindi ba talaga kayo titigil? stop acting like a kid, you're not a kid anymore" diretsong saad ni Ichiro saka pumagitna sa amin ni Rovainne.

"Ichiro nakita mo naman kung paano ako bastusin ng babaeng yan!" saad ni Rovainne.

"Enough Rovainne, I'm not blind and deaf. Ikaw ang nagsimula ng lahat at ngayon you're acting like you are the victim here, bobo ka ba?" kunot noong tugon ni Ichiro.

"w-what did you just say?" gulat na tanong ni Rovainne.

"bingi ka ba o sadyang tanga ka lang? napupuno na ako sa mga ginagawa mo. Hyacith is right I will never like you, Never." mariing saad ni Ichiro sa mukha ni Rovainne.

Tinalikuran niya ito saka hinawakan ang aking kamay pagkatapos ay hinila niya ako palabas ng aming silid.

Naririnig ko ang bulungan sa loob ng silid ngunit hindi ko ito naintindihan.

"Are you okay?" nagtatakang tanong ni Ichiro nang makapasok na kami sa Cafeteria. "Congrats, you defend yourself and our classmates as well" saad pa nito.

"ayos lang ako pero si Rovainne hindi, hindi mo dapat sinabi yon" mahinahong tugon ko.

"ang alin?" walang buhay na tanong nito saka ako inalalayang makaupo.

"yong mga sinabi mo kay Rovainne kanina, kahit na mali ang ginawa niya hindi ka dapat nagbitaw ng ganoong salita lalo na't babae sya" tugon ko saka ito tinapunan ng tingin.

"It's alright. Hindi titigil at matututo ang babaeng iyon kung hindi pagsasabihan ng ganon and in fact our classmates doesn't deserve any of her judgements. after five years she still using her position to bully every student" seryosong saad nito saka tumingin sa kawalan. "she even said that Jasmin deserves to die, what kind of human is she" dagdag pa niya habang naka cross arms saka umiling iling.

Napapalibutan ng salamin ang Cafeteria kaya naman nakikita mula rito ang mga estudyante sa labas maging ang mga bulaklak na nakapalibot dito.

Hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya.

"I'm so damn tired understanding that she's obsessed with me kaya nya ginagawa lahat ng iyon, she didn't know that what she's doing makes me turned off and I am very disappointed. She's letting her obsession to control her actions" walang buhay na saad niya. "How many times do I need to reject her para tumigil na sya, it's almost 5 years but she's still giving me gifts and other stuffs. Naghahabol pa rin sya even she knew that I don't like her" patuloy lamang sya sa pagsasalita.

"Why don't you give her a chance and love her back?" nagtatakang tanong ko. "baka naman sakaling umayos sya"

"she don't deserve it and I don't want to force my self to love her back Hyacith" he has a point. "hindi ko naman maaaring utusan ang puso ko na mahalin din sya, masasaktan lang sya dahil hindi ko talaga sya kayang mahalin tulad ng pagmamahal nya sa'kin. Kung mamahalin ko sya dahil mahal nya ako mas magiging masakit yon, hindi ba?" mahinahong saad nito saka ako tinapunan ng tingin.

Tama naman sya. Kahit ako ay hindi ko gagawing mahalin ang isang tao dahil lang mahal nya ako. Hindi yon pagmamahal.

"okay fine, I understand" maikling tugon ko.

"What you did is right, you must defend not only yourself but also the people that surrounds you" mahinahong saad nito.

"nakokonsensya ako, although masakit na yong sinasabi nya saka kaya naman tayo nandito para mag aral at madagdagan ang kaalaman natin but she keeps saying na we're stupid"

"don't mind her, as long as I can I'll protect you" walang buhay na saad nito.

Natigilan naman ako matapos marinig iyon.

"and our classmates as well" dagdag niya saka nag- iwas ng tingin.

"mabuti pa bumalik na tayo roon, tara na" saad ko saka nagpamaunang lumabas.

Sunod sunod akong napalunok at ipinagsawalang bahala na lamang ang sinabi niyang iyon.

"pasalamat kayo at nagkaroon ng meeting ang mga Professor kung hindi ay malalagot kayong dalawa sa mga heads natin" salubong sa amin ni Saji saka umiling iling.

Kasama nito si Pierre na tumatango tango lamang sa kanyang tabi.

"meeting about what?" walang buhay na tanong ni Ichiro saka ito malamig na tiningnan.

"yan ang hindi namin alam, wala namang nabanggit si Prof eh ang totoo nga niyan nagmamadali syang umalis" tugon ni Saji.

"I see" maikling wika ni Ichiro.

"how about Rovainne, where is she?" nagtatakang tanong ko nang mapansing wala ito sa loob ng aming silid.

"Nagwala sya kanina pagkatapos umalis ni Prof tapos ayon nag walk out sya, wag kayong mag alala wala naman na syang inaway bago sya umalis" si Pierre ang tumugon.

"she's insane" saad ni Ichiro saka pumasok sa loob ng aming silid.

"Hyacith salamat kanina" nakangiting saad ni Yvette.

"walang ano man Yvette, sa susunod sana ay maging kalmado muna tayo para hindi natin masaktan ang damdamin ng isa't isa" mahinahong tugon ko saka ito ginantihan siya ng matamis na ngiti.

"I just can't sit here and watch her bully our classmates, she's so mean and rude" inis na saad nito ngunit pinilit pa rin niyang ngumiti. "if she'll do it again i think I'mma give her a slap" dagdag pa nito saka tumawa. "kidding, thankyou ulit" saad nito saka ako tinalikuran.

"saan kayo galing?" boses ni Acxius.

Para itong kabote, bigla bigla na lamang sumusulpot.

"nakakagulat ka naman Acxius!" saad ko saka mahina itong hinampas.

"saan nga kayo galing?" pag-uulit nito sa kanyang tanong.

"sa Cafeteria lang naman, bakit?" nagtatakang tanong ko saka ito tiningnan.

"ah wala naman, masama na bang magtanong? anong ginawa nyo doon?" muli nanamang tanong nito.

"balak mo bang maging reporter Acxius? andami mong tanong ah" tugon ko.

napangiwi ito saka masama akong tiningnan.

"fine, nag usap lang kami saglit tungkol sa nangyari yon lang naman" saad ko kaya naman umayos ang itsura nito.

"I see. Anyway, ayos ka lang ba? nasaktan ka ba sa sinabi ni Rovainne?" tanong nito.

"huh? why would I?"

"Nevermind. I'm sure you're not hurt kasi hindi mo naman talaga gusto si Ichiro diba and you'll never like him, right?" tanong nito.

Napatingin ako kay Ichiro matapos nyang sabihin iyon. Nakatingin lamang ito sa amin kaya naman agad akong nag iwas ng tingin.

"ano ka ba, tama na nga yan go back to your seat na" yon na lamang ang naitugon ko.

Hindi ko nga ba sya magugustuhan?

Bigla ko na lamang iyon naitanong sa aking sarili.

---------------------

---------------------

Bab berikutnya