BATTLE OF TWO KINGDOM

ANG PAGBABAGO AT ANG PAGBABA SA TRONO
LORD of the mountain, leader of the white counsel,god of the high elves. Ang kanyang pamumuno ay tapos na,tinapos niya ang kanyang pamumuno noong araw ng tag-init.

Nakalagay sa kanyang liham ang kanyang huling kahilingan at huling nais sabihin sa kanyang mga nasasakupan.
Sinabi nya na siya'y bababa na sa pagiging punong diyos ng white counsel at nais nyang iwan ang pamumuno sa diyosa ng buwan. Ang kanyang liham ay isinulat gamit ang kanyang dugo at sa tulong ng liwanag ng buwan nagkaroon ng kulay ang bawat litrang kanyang isinulat,gamit niya ang lengwaheng elves.
Inilapag ni tamberow ang sulat sa mesang bato at tinungo ang silid ng diyosa. Alam ng diyosa na nilisan na ng diyos ng mga bundok ang white counsel at naglalalakbay na ito palabas ng nuhrim eartin.
"Marahil nasa gitna na siya ng karagatan at tinatanaw ang malawak na lupain ng mirinia"
"Mahal na diyosa ang kanyang pamumuno ay tapos na at iniwan nya sa'yo ang white counsel dahil alam nyang kaya mo itong pamunuan!mahal na diyosa ipaaalam ko sa buong nuhrim eartin ang pagbaba sa pwesto ni lord airin sa kanyang trono at ang iyong pag-upo bilang ikatlong punong diyos ng white counsel!"
Nagpadala ng sulat si tamberow sa bawat kaharian na nagsasabing may bago ng pinuno ang punong kunseho.
Ang kapayapaan sa buong nuhrim eartin ay unti unti ng umusbong at bumalik na ang dating sigla ng bawat lupain.
Ngunit ang itim na lupain ay hindi na muling nakita o natanaw dahil sa hamog na bumalot dito,napaligiran ng kulay itim na ulap ang itim na lupain.
"May banta kaya sa lupain na iyan?"
"Ang nether land!"
Hindi pa tapos ang digmaan dahil sa nether land ay nag-uumpisa pa lang ang tunay na laban.
Tinapos ng nether way ang mga kaaway nila sa nether land at pinabagsak ni haring staider burin high ang hari ng mga berdeng ocrs kaya't malaking tagumpay para sa kanila ang nangyari.
Nalaman kaagad iyon ni tamberow kaya't nagpadala siya ng mga barko na susundo sa mga kakampi nila sa nether way.
"Maligayang pagbabalik haring staider burin high ang hari ng mga tao!"
"Mabuhay ang hari!"
"Mabuhay!!!!"
Sinalubong ng mga elves at iba pang mga nilalang ang pagdating ni haring staider burin high,ang kanilang pagkikita ay isang makasaysayan at hindi malilimutan kailan man.
"Tapos na ang digmaan dito sa toretirim at nether land! Ngayon ay babawiin kona ang aking kaharian!"
Tinungo ni haring staider burin high at ng iba pang mga hari ang tarzanaria upang bawiin ito sa kamay ng mga kaaway.
Pagkarating ni haring staider sa tarzanaria nagulat siya sa kanyang nakita dahil ang maganda at kaakit-akit na kaharian ay winasak ng digmaan.
Napatakbo na lamang si haring vinner hari ng mga dwarves papunta sa nawasak na tarangkahan ng tarzanaria. Tuwang tuwa si haring vinner nung hawakan niya ang malamig na tubig mula sa bundok ng tarzanaria.
"Tubig!tubig!ang sarap ng tubig!"
Sigaw niya sa kanyang mga kasamahan, nagtulong-tulong ang lahat ng mga mamamanday upang itayo muli ang mga nawasak na tore ng tarzanaria. Tinulongan rin ni haring vinner si haring staider na palawigin pa ang kanyang hukbo at palakasin.