webnovel

chapter 5

BATTLE OF TWO KINGDOM

ANG NAGAGAWA NG SALAMANGKA

ANG daming mga mandirigma mula sa white counsel ang bumaba sa bundok, sakay ng mga kabayo ang mga ito. Sinugod nila ang mga kalaban gamit ang sibat at espada na gawa sa ginto.

Naglakad dahan dahan ang mga elves patungo sa mga evilders at goblins,makikitaan ng takot ang mga evilders at goblins dahil sa naramdaman nilang mahika.

Makikitang nagliparan sa paligid ang katawan ng mga evilders dahil sa lakas ng hangin na tumama sa mga ito. Gumamit ng salamangka ang matandang si tamberow upang mabawasan ang mga kalaban sa kanilang daraanan.

"Dalhin ang hari ng mga elfs sa ligtas na lugar!" Ipinag-utos ng salamangkero na dalhin ang hari ng mga elfs sa ligtas na lugar, sugatan ang hari ngunit dahil sa kagustohang lumaban nagawa pa nitong tumayo.

"Masusunod salamangkero!!dadalhin namin siya sa loob ng tarzanaria!"

*DOM! DOM! DOMMM!*

(Tunog ng tambuli)

"Bumalik sa hanay mga elves!marami pa ang bilang ng mga evilders kaya't huwag kayong maging kampanti!! "

Utos ng salamangkero sa hukbo ni haring rieuin tiriin at sa mga elves.

Nagsama ang mga elfs at elves sa iisang digmaan,pinangunahan ng salamangkero ang laban.

Binalot ng makapal na ulap ang liwanah ng araw dahilan upang kumalat ang dilim sa paligid.

Naramdaman ni tamberow ang itim na salamangka mula sa anim na tore ng teruvron,ang patay na diyos ng teruvron ay muling nagparamdam.

Bumungad sa matandang si tamberow ang milyun-milyong bilang ng mga evilders at goblins na naglalakad patungo sa kinaroroonan ng mga elves.

Ang alikabok sa paligid ay kumalat at ang mga ibo sa himpapawid ay nagliparan dahil sa dami ng mga kalaban.

Habang naglalakad ang mga ito hinahampas nila ang kanilang mga kalasag kaya't lumilikha iyon ng ingay,ingay na nakaririnding pakinggan.

May sariling kaharian si haring thron noon ngunit dahil sa kahinaan nagawa siyang lasonin ng kadiliman. Ang hari na noo'y ipinaglalaban ang karapatan ng bawat isa'y ngayon ay wala na sa sariling pag-iisip.

"Ginagamit siya ni lord teraiziter dejirin laban sa atin kaya't tignan nyo kahit wala na siya sa sarili nagagawa nya pa ring kuntrolin ang itim na mahika ngunit hindi nya kayang tagalan! Babalik ako sa white counsel upang humingi ulit ng tulong sa punong kunseho!" Saad ng matandang salamangkero na nagbabalak na bumalik sa white counsel,babalik siya sa puting bundok para humingi ng karagdagang pwersa.

Makikitang nakasara ang malaking tarangkahan ng tarzanaria, mga naglalakihang kadena't bakal ang nakaharang sa tarangkahan nito. Maraming mga tao sa bundok ng tarzanaria na madadamay sa digmaan sa oras na mabuksan ang gate of tarzanaria.

Mabilis na naglakbay si tamberow laurhim pabalik sa white counsel, marami siyang dadaanan. Kabilang na ang ipinagbabawal na ilog ng reviin tur.

Nagkakagulo ang mga tao sa loob ng tarzanaria labis silang natatakot sa maaaring mangyari sa kanila. Ang haring lurril steil ay nakahanda ano mang oras, wala siyang kinatatakutang laban.

Makikitang abalang pinagmamasdan ni haring reviin sel ang kagubatan kung saan dadaan ang nasabing banta. Ang mga kalaban nilang hindi nauubos ay patuloy sa pagdami.

"Kamahalan!uminom mo na kayo!" Iniabot ng isang elfs ang basong may lamang tubig sa kanyang hari. Ang hari ng mga elfs ay malalim ang natamong sugat kaya't wala itong sapat na lakas para lumaban.

Kaya't ang nag iisa nitong anak ang siyang pumalit sa kanya upang pamunuan ang mga naiwang kawal.

"Pamunuan mo ang hukbo! Pamunuan mo sila laban sa kadiliman! Kaya mo 'yan aking anak!"

Saad ng hari sa kanyang anak na si fiurin laktanger tiriin, ngayon ang batang prinsepe ang papalit sa kanyang ama kahit wala pa itong karanasan sa pakikipagdigma.

Bab berikutnya