webnovel

CHAPTER 6

Now playing: Uhaw - Dilaw

Elena POV

"Saan mo ba ako dadalhin? Baka mamaya ipa-salvage mo pala ako ha?" Medyo kinakabahan na biro ko kay Zoe.

Hindi lang pala medyo, kundi kinakabahan talaga ako.

Ito kasi ang unang gabi na makakasama ko siya at tanging dalawa lamang kami ang magkasama.

Wala na siyang ibang sinama pa except sa driver niya. Ito rin ang kauna-unahang niyaya niya akong pumunta sa isang lugar na hindi ko alam kung saan.

At unang-una bakit naman kasi ako pumayag na sumama sa kanya at hindi alam kung saan kami pupunta? 'Di ba? Edi hindi sana ako clueless ngayon.

Syempre, hindi ko maiwasang hindi maging paranoid dahil kahit paano kaibigan pa rin niya ang mga number one na nambu-bully sa akin, ano?

Narinig kong natawa ito ng mahina.

Nasa kaliwang side ko siya habang abala sa pagkalikot ng kanyang cellphone. Nasa loob pa rin kami ng sasakyan at habang abala sa pagmamaneho ang kanyang driver na si Kuya Jake.

At noong sandaling nagbaling ng tingin sa akin si Zoe ay bigla akong nagbawi ng tingin.

"Tingin mo ba ipapain kita sa mga kaibigan ko?" Natatawa na tanong nito sa akin. "Duh! Don't worry, piggy. I am not like them. Isipin mo na ang gusto mong isipin, pero kusang mawawala lahat ng kaba na nararamdaman mo kapag narating na natin 'yung pupuntahan natin." Pagpapatuloy niya.

Muli akong nagpakawala ng isang malalim na paghinga.

Ano pa nga bang choice ko kundi ang pagkatiwalaan siya. Total nandito na rin naman ako. 'Di ba? Magkasama na kaming dalawa.

"Isa pa, hinding-hindi kita ipapahamak." Dagdag pa niya bago hinawi ang ilang hibla ng buhok ko at iniipit iyon sa likod ng tenga ko.

Dahil sa ginawa niya ay hindi ko mapigilan ang manigas sa aking kinauupuan bago napalunok ng mariin. Pakiramdam ko rin kahit ang lamig na sa loob ng sasakyan dahil sa naka full ang aircon ay bigla akong pinagpawisan.

Lalong-lalo na noong inakbayan pa ako nito, dahilan para magkadikit ang aming mga katawan.

Eh may space pa naman ah? Hindi ba siya nasisikipan? Mataba ako oo, pero hindi ko naman sakop ang buong sasakyan o upuan para isiksik niya ang kanyang sarili sa akin. Duh!

"Ah eh. Z-Zoe, hindi ka ba nasisikipan?" Biglang tanong ko sa kanya. Pero parang wala itong naririnig at tinignan lamang ako sa aking mukha bago ako inosenteng nginitian.

Mabilis na napayuko ako dahil sa paraan ng pagtingin niya sa akin.

"Why? Ayaw mo ba ng masyadong close tayo katulad nito?" Tanong niya. "Ako gusto ko." Dagdag pa niya at mas lalong napangiti ng malawak. "Kasi ang sarap madikit sa'yo eh. Ang fluffy." Pagkatapos ay pinanggigilan nito ang magkabilaan kong pisngi.

Gosh! 'Yung mga pimples ko at oily face ko sobrang nahihiya sa kutis at kakinisan ng balat niya. Jusmiyo!

Hindi ko alam pero tunaw na tunaw na naman ako sa sobrang ka-clingy'han ni Zoe. Hindi ko akalain na makikita ko at ipapakita niya sa akin ang ganitong side niya. Plus, ang bango-bango pa niya palagi.

Kung alam lang niya! Gustong-gusto ko rin kaya na magkalapit kami palagi. Kaya lang nakakahiya kasi!

Kasi parang...parang ang sarap niyang i-baby?

Napangiti ako sa aking sarili ng maisip iyon. Ngunit agad ko ring iwinaglit iyon sa aking isipan.

Hayyy! Nangarap ka na naman ng gising, Elena. Hindi 'yun mangyayari dahil unang-una magmumukha ka talagang nanay niya. Tuyo ng aking isipan.

Ouch ha!

"Ahem!" Rinig kong pagtikhim ni Zoe.

"We're here, piggy." Pagkatapos ay sa wakas, inilayo na nito sa akin ang kanyang katawan. Ngunit wala naman akong takas nung bigla niyang hinawakan ang aking kamay bago pa man ito makalabas ng sasakyan.

Para na naman akong engot na napako sa aking kinauupuan at napatingin sa kamay nitong nakahawak sa akin. Marahan na piniga niya iyon nung mapansin na napatulala ako sa kamay naming dalawa.

Sino ba naman kasi ang hindi matutulala eh hawak na naman niya ang kamay ko. Plus ang lambot lambot ng palad niya. May kung anong kilig ang gustong lumabas sa katawan ko na hindi ko maipaliwag kung ano.

Hanggang sa mag-angat ang tingin ko sa kanyang mukha. Dahilan para magkasalubong ang aming mga mata at muling binigyan niya ako ng ngiti. Iyong ngiti niyang nagpapakalma palagi sa aking nagwawalang damdamin.

"Lika na?" Malambing na pagyaya niya. "Don't worry, alam kong mag-e-enjoy ka." Dagdag pa niya at hinila na ako nito ng marahan palabas ng sasakyan.

Noon ko lamang napansin na nasa isang open space kami. Napakadilim ng paligid at ang tanging liwanag lamang na makikita ay iyong nanggagaling sa ilaw ng sasakyan.

"Anong gagawin natin rito, Zoe?" Lalo naman akong nag-alala.

Hindi kaya may alaga siyang tigre rito at ako ang ipapakain niya? Jusko naman! Huwag naman sana.

Ngunit mas hinigpitan pa nito ang pagkakahawak sa kamay ko.

"Pwede bang mag-relax ka, piggy. Wala akong gagawing masama sa'yo. I can hear your heart beating and I can't even hear your thoughts. So, please..." Muling pagpapakalma niya sa akin.

"Isa lang ang kailangan mong gawin ngayon, please trust me." Dagdag pa niya.

Muling napahinga ako ng malalim noong magsimula na siyang maglakad. Mga sampung hakbang ang ginawa namin hanggang sa mapansin ko na nasa may isang lawa pala kami.

Mas lalo lang akong natakot at napaatras ng isang beses. Noon naman hindi na napigilan ni Zoe ang matawa ng malutong ngunit nananatiling hawak pa rin nito ang kamay ko.

"Zoe, naman eh! Ba't mo'ko pinagtatawanan?!" Nakasimangot nang tanong ko sa kanya.

Agad naman niya itong pinigilan. "Eh kasi takot na takot ka na parang may gagawin akong masama sa'yo. Can you please, relax?" Pakiusap niya sa dulo.

"Eh anong gagawin natin riyan sa lawa? Magsu-swimming?!" Pamimilosopo ko.

"No! Of course not!"

"Eh ano nga kasi? Zoe naman eh---"

Awtomatiko akong natigilan noong mabilis na niyakap niya ako. As in, iyong yakap na marahan with matching haplos pa sa likod ko.

"Sshhh! Sabi ko naman kasi sa'yo, mag-relax ka lang 'di ba?" Bulong niya sa tenga ko na dahilan ng pag-init ng buong mukha ko. "Just trust me, and you'll see." Dagdag pa niya bago muling kumalas sa akin.

Walang magawa na napatango na lamang ako. At noon din ay sandaling binitiwan na niya ang kamay ko. Nakita ko na may pina-flashlightan siya sa may unahan. Lumapit din si Kuya Jake sa kanya para siya ay alalayan.

"Wag mong sasabihin na sasakay tayo riyan?" Tanong ko sa kanya noong inilulusong na ni Kuya Jake ang kayak sa tubig.

Napatango si Zoe.

"After you, my lady!" Nakangiting wika niya sa akin. Ngunit mariin na napailing lamang ako bilang pagtanggi.

"Gusto mo bang lumubog tayo?" Tanong kong muli sa kanya. "Ang bigat bigat ko kaya tapos---"

Muling lumapit siya sa akin.

"Piggy, look at me." Sabay hawak nitong muli sa kamay ko. "You have to trust me." Pag-ulit niya sa kanyang sinabi. "Do you trust me, right?" Napatango ako ngunit nandoon pa rin ang kabog sa dibdib ko.

"Good." Wika niya.

"Now, kailangan nating sumakay riyan. Hindi tayo lulubog. At sisiguraduhin kong safe ka dahil kasama mo ako. Okay?" Pagbibigay nito ng assurance sa akin.

Dahil doon ay tuluyan na nga akong sumakay sa kayak at si Zoe na rin mismo ang nagsagwan para sa amin. Hindi naman kasi ako marunog kung paano gamitin iyon.

Habang papunta kami sa malalim na parte ng lawa, ay mas lalo pang nangangatog ang magkabilaang tuhod ko, ngunit iniingatan ko na lang na hindi ipakita kay Zoe upang hindi siya mag-alala.

"Alam mo ba na paborito kong puntahan ang lawang ito?" Panimula niya. "Kasi ang romantic." Dagdag pa niya.

Dahil sa sinabi niyang iyon ay doon na ako natawa. Paano niya naman kasi nasabing romantic rito eh parang tapunan ito ng mga bangkay ng mga sina-salvage? Nakakatakot kaya! Mamaya may ahas pa rito o buwaya eh! Hayst.

"Hmp! Hindi ka naniniwala sa akin." May himig ng pagtatampo sa boses niya.

"Eh paano naman kasi naging roman...tic...Oh my gosh!" Bigla akong napatakip ng aking bibig dahil sa gulat noong mapatingin ako sa may 'di kalayuan.

Para akong nasa isang panaginip lamang or isang fairytale noong makita ang mga alitaptap na nagliliparan patungo kung nasaan kami. Para bang ang saya nilang lahat na salubungin kami.

Ang ganda nilang tignan!

Parang lumulukso ang puso ko sa saya na halos kulang na lang din ay lumipad ako para salubungin din sila.

"Z-Zoe!" Sabay turo ko sa mga ito ngunit napangiti lamang siya sa akin at parang amazed pa na pinapanood ang reaksyon ko.

Hanggang sa tuluyang nakarating na sa amin ang mga alitaptap at pinalibutan kaming dalawa.

Ang mga ilaw nito ang nagsilbing pinakaliwanag namin ni Zoe habang nasa gitna kami ng malalim na parte ng lawa.

Aliw na aliw akong panoorin sila. Hindi ko magawang alisin ang mga mata ko sa mga ito, na para bang nararamdaman din nila ang saya na nararamdaman ko ngayon. Iyong iba sa kanila ay dumadapo pa sa daliri ko sa tuwing inaabot ko sila.

Napansin ko na inilabas ni Zoe ang cellphone niya at palihim na kinukuhaan ako ng litrato. Lalo na noong sandaling ay dumapong alitaptap sa tungki ng ilong ko.

"Gosh! I captured it perfectly!" Sabay pakita ni Zoe sa akin ng aking litrato kung saan nakadapo sa ilong ko ang alitaptap.

"I told you, napaka-romatic rito." Nakangiting wika niya. "Smileeee!" Sabay kuha pa nitong muli ng litrato sa akin.

Nag-selfie na rin kaming dalawa para may remembrance. At sabi ko sa kanya, i-share it niya na lang sa akin dahil hindi ako gumagawa ng social media accounts ko. Sa dahilang ibu-bully lang naman ako.

Ang sabi pa ni Zoe, sa Lolo niya raw talaga ang lupaing iyon. Gustong gawing tourist spot as firefly watching pero dahil sa gustong pangalagaan ng kanilang pamilya ang mga firefly kaya hindi sila pumayag na ibukas ito sa publiko.

Ngunit sa ngayon, si Zoe na lamang ang bukod tanging nakakapunta rito. Karamihan kasi sa mga pinsan at kamag-anak nila ay abala na kanya-kanya nilang buhay magmula noong pumanaw ang kanyang Lolo, habang iyong iba naman ay naninirahan na sa ibang bansa.

"I hope nag-enjoy ka tonight, Piggy." Wika ni Zoe noong makababa na ako ng sasakyan.

Muling napangiti ako ng malawak.

"Hindi lang ako nag-enjoy. Sobra akong nag-enjoy, Zoe. Thank you ha! Nawala talaga 'yung takot ko kanina nung makita ko na 'yung mga alitaptap." Buong puso na pagpapasalamat ko sa kanya na hanggang ngayon ay dala-dala ko pa rin ang saya na nararamdaman.

Napatawa naman siya ng mahina.

"Don't worry, pwedeng-pwede kang bumalik doon anytime." Wika niya. "Oh, siya. I'll see you again on Monday?" Sabay kagat labi niya habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko.

Ako naman ay napaiwas ng tingin. Ang lagkit na naman kasi niya kung tumingin.

"S-See you on Monday." Utal na wika ko habang nakayuko. Tatalikod na sana ako noong bigla niya akong hinalikan sa aking pisngi.

Mabilis na napahawak naman ako sa pisngi ko kung saan dumampi ang kanyang malambot na labi.

"Good night, Piggy ganda!" Pagkatapos ay tuluyan na itong tumalikod at pumasok na sa loob ng sasakyan.

Ako nama'y naiwan sa aking kinatatayuan na tulala at hindi alam ang gagawin.

Gusto kong magtititili ngunit pilit ko iyong pinipigilan. Napapahawak na lamang ako sa aking dibdib dahil sa sobrang lakas ng kabog at agad na pumasok na rin sa loob ng aming bahay. Ni hindi ko nga rin napansin ang mga magulang ko na nasa sala pa pala habang nanonood ng TV.

Sinigawan na lang ako ni mama noong nasa loob na ako ng aking kwarto dahil hindi ako nakapagmano.

"Good night, Piggy ganda!" Parang nag-e-echo pa rin ang boses ni Zoe sa aking isipan.

Accckkk! Tinawag niya akong ganda? Sa negra kong ito, tababoy at punong-puno ng tigyawat, tinawag niya akong ganda?

Oh my, gulay! Para akong siraulong nagpapapadyak ng aking paa bago nagpagulong-gulong sa ibabaw ng aking higaan.

Bab berikutnya