webnovel

CHAPTER 4

Now playing: Mahika - TJ Monterde

Elena POV

Wala namang masyadong naging ganap sa weekend ko. Sinulit ko lang naman ang bonding kasama ang pamilya. Nagluto at kumain ng paborito kong pagkain. Nanood ng paborito kong series sa netflix at buong weekend na nakahilata lang.

Noong Linggo naman ay sabay-sabay kaming nagsimba ng pamilya. Ang weird nga kasi hinahanap ko sa paligid at sa mga taong nasa loob ng simbahan ang mukha ni Kassandra.

Kahit na alam ko namang malabo pa sa sabaw ng pusit na pagtatagpuin kami sa labas ng eskwelahan.

Ang bilis lumipas ng araw. Pwede bang weekend na lang palagi? Hayst. Reklamo ko sa aking sarili.

Araw na naman kasi ng Lunes ngayon. Sangkatirbang kaba na naman ang namumuo sa aking dibdib habang naglalakad papalapit sa gate ng university.

Iniisip ko kung ano na naman ang naghihintay na kapalaran sa akin oras na makaapak ako ng mahiwagang gate na iyan.

Hindi ko rin mapigilan ang mapalunok ng mariin. Sanay na akong i-bully nila. Pero syempre, hindi pa rin mawawala ang kabog sa aking dibdib dala ng kahihiyan at masasakit na salitang naririnig ko sa mga estudyante na sinasabi nila sa akin, ano?

Ngunit noong sandaling handa na ako sa anumang pwedeng mangyari doon naman parang slow motion na nakita ko si Kassandra na kumakaway sa akin sa may harap ng gate. Mayroon itong malawak na ngiti sa kanyang labi at agad na sinalubong ako.

Lahat ng mata ay nagtatakang nakatitig sa kanya dahil nagawa niya akong lapitan sa harap ng mga estudyante na never nagawa ng kanyang mga kaibigan sa akin. Lalo na iyong bigyan ako ng napakalawak na ngiti.

Batid sa mga mukha ng lahat ang inggit at disgusto nang makita nilang inakbayan ako ni Kassandra noong tuluyan itong makalapit sa akin.

"Good morning, piggy!" Masiglang pagbati nito sa akin na akala mo ay wala kami sa gitna ng napakaraming mga estudyante at pinagtitinginan.

Pakiramdam ko rin tuloy nasa gitna kami ng isang shooting at si Kassandra ang main cast. Tapos ako ay isang extra na nilapitan niya para lang masabing may role sa eksena.

Hindi nakaligtas sa aking mga paningin ang gulat na mukha nina Annia, Luna at Cybele na kararating lamang sa gate habang nakangangang nakatingin sa amin ni Kassandra.

Lalo na noong biglang hawakan ni Kassandra ang kamay ko sa harap nilang lahat at agad na hinila na ako nito papasok ng gate.

Rinig na rinig ko ang pagsinghap ng mga estudyante na saksi sa ginagawa ni Kassandra. Pati na rin ang kanilang mga bulungan bago pa man kami tuluyang makalayo.

Maging ako ay nagulat din sa kanyang ginawa. Halos tumalon na ang puso ko sa biglang paghawak nito sa kamay ko. Bukod kasi sa mainit at napakalambot niyang palad, siya lamang ang may lakas ng loob na gawin iyon at sa harap pa ng mga nang bu-bully sa akin.

Isa pa, hindi ko talaga inaasahan na gagawin niya iyon. Parang gustong magwala ng puso ko. At hindi ko maintindihan kung paanong paraan.

Medyo malayo na kami sa gate nang maisipan kong bawiin na ang kamay kong hawak ni Kassandra. Bukod kasi sa pinagtitinginan pa rin kami ng aming mga nakakasalubong eh naiilang talaga ako.

Ngunit kahit na anong pilit kong pagbawi sa aking kamay ay ayaw niyang bitiwan na animo'y naka-glue na ang palad namin sa isa't isa. Hindi ko magawang alisin.

Lahat ng mga mata nakatuktok pa rin sa akin o kung hindi naman ay sa kamay naming dalawa. At nandiyan na naman ang mga death glare ng mga estudyante, 'yung disappointment sa kanilang mga mukha at mga mata habang tinitignan akong kasama ni Kassandra.

Marahil punong-puno na ngayon ng tanong ang kanilang mga isipan kung paano kami naging close ni Kassandra, 'yung babae na hinahangaan nilang lahat.

Kasalanan ko bang ganito pala ka-clingy 'yung babaeng ito? Wala naman akong ginagawa ah. Siya nga itong nagpahiram ng panyo sa akin at buntot ng bunot magmula noong araw na iyon.

Nawala ang malalim kong pag-iisip noong bigla siyang huminto sa paghakbang bago ako nito binulungan sa aking tenga.

"See? I told you, hindi mo na kakailanganin ang panyo ko." Wika niya bago ako binigyan ng isang ngiti.

"Kassan---"

"Zoe." Putol nito sa akin. "Sabi ko, 'di ba? Zoe ang itawag mo sa akin." Dagdag pa niya.

"Bakit mo yun ginawa?!" Magkasalubong ang kilay na tanong ko sa kanya.

Sigurado naman kasi ako na wala lang sa kanya ang mga ginagawa niya. Pero sa akin, big deal iyon. Dahil ako na naman ang lalong pagkakainitan ng mga estudyante rito. Kahit pa sabihing wala naman akong paki sa mga pambu-bully nila.

Iniharap niya ako ng maayos sa kanya. Bago ako mataman na tinignan sa aking mga mata.

"Mula ngayon, araw-araw ko na 'yung gagawin. Para wala nang pwedeng makalapit sa'yo at i-bully ka." Paliwanag nito sa akin habang nakangiti pa rin.

"Araw-araw, sasamahan kita." Dagdag pa niya.

Napaiwas ako ng tingin mula sa kanya at nagsimula nang muling ihakbang ang aking mga paa. Agad naman akong sinundan nito.

"Pero mga kaibigan mo sila---"

"Yes. They're my friends." Putol nito sa akin. "But mind their own business. I want you to be my friend also at sa tingin ko hindi naman crime na gustuhing mas mapalapit pa sa'yo."

Muli akong natigilan sa aking paghakbang. At sinalubong muli ang kanyang magagandang mga mata na hindi niya inaalis sa akin. Binigyan ako nito ng isang ngiti.

Habang ako naman ay pinipigilan ko ang sariling mapangiti. Lalo na noong marinig ko ang sinabi nito na gusto niyang mapalapit pa sa akin. Ayokong isipin niya na kinikilig ako. Pero shit na labi 'to. Pinapahamak ako dahil kusa na lamang ding gumuhit ang mga ngiti ko.

Ihahanda ko na lamang lalo ang sarili ko sa mas matinding pambu-bully sa akin. Especially ng mga kaibigan niyang kulang na kulang ang araw na hindi ako nakikitang nagdurusa.

---

Maagang natapos ang klase ngayong hapon dahil wala kaming last subject. Masama raw kasi ang pakiramdam ni Mrs. Del Rosario, ang aming P.E teacher. Kaya hindi na muna kami magkakaroon ng klase ngayon.

Excited na nilinis ko ang aking table at niligpit ang aking mga gamit. Tinext ko na rin agad si Mae na sumunod na lang sa Eatery pagkatapos ng kanyang mga klase dahil mauuna na ako.

Ngunit nakakailang hakbang pa lamang ako mula sa aming classroom nang biglang madulas ako. Tumilapon agad ang bag ko at nagkalat ang mga gamit. Habang ako naman ay napapangiwi sa sakit ng katawan at balakang dahil bumagsak sa sahig.

Agad naman na pinagtawanan ako ng lahat at samu't saring pang-aasar at panunukso na naman ang aking natanggap mula sa mga kaklase ko at iba pang mga estudyante na nakakita ng aking eksena sa hallway.

Hindi ko maiwasan ang hindi indahin ang sakit ng aking balakang. Sinusubukan kong ibangon ang aking sarili ngunit sobrang nahihirapan ako. Napapakagat na lamang ako sa aking labi dahil sa sakit na nararamdaman.

Medyo may kalakasan kasi ang pagbagsak ko kaya ganoon na lamang ang aking pag-inda.

Mabuti na lang at may dalawang guwardya ang nagro-roam at nakita ako sa ganoong kalagayan. Mabilis nagtungo sila sa akin at agad na tinulungan ako.

Wala naman kasing estudyante ang maglalakas loob na tulungan ako dahil sa takot na baka sila naman ang sunod na i-bully nina Annia.

Agad na dinala ako ng dalawang guard sa clinic. Mabuti na lamang din at dalawang estudyante lang ang naroon ngayon. Hindi punuan kaya mas mabilis akong naasikaso ng mga nurse.

Magkakalahating oras na akong nakahiga sa kama. Hindi ko alam at hindi rin naman ako nag-e-expect pero ba't parang hinihintay kong dumating si Kassandra at bisitahin ako?

Dahil sigurado akong sa daldal ng mga estudyante rito sa St. Claire, nabalitaan na niya ang nangyari. Ngunit nakatulog na lang ako lahat, hindi pa rin siya dumating.

Dumating din naman si Mae. Ngunit pinauna ko na itong umalis dahil siya ang katuwang ng mga magulang ko sa eatery. Sinabi ko na lang din na sabihin niya sa mga magulang kong ayos lang ako.

Para hindi na rin sila masyadong mag-alala pa at mag-abalang pumunta rito. Nabugbog lang naman kasi talaga ang balakang ko. Kinailangan ko lang ipahinga.

Kung bakit naman kasi tinawagan pa ni mae ang parents ko eh. Hindi naman malala ang lagay ko. Isa pa, ayaw kong pumunta sila rito sa St. Claire na mainit pa ang nangyari sa akin. Malalaman kasi nilang binu-bully ako.

Hindi ko mapigilan ang magpakawala ng malalim na paghinga. Habang naglalakad na ngayon palabas ng clinic.

Naalala ko kasi si Kassandra. Wala akong karapatang magtampo. Dahil unang-una hindi naman ako gano'n ka-importanteng tao sa buhay niya. Pero bakit parang sumasama ang loob ko?

Habang naglalakad ako ngayon patungong eatery namin ay siya namang biglang may basta na lang humawak sa kamay ko. As in 'yung holding hands. Katulad na lamang ng ginawa ni Kassandra sa akin kaninang umaga sa may gate.

Awtomatikong natigilan ako sa aking paghakbang at mabilis na napalingon rito. Ngunit gayon na lamang ang laking gulat ko noong bumungad sa akin ang nag-aalalang mukha ni Kassandra habang sinisipat ako sa aking mukha at buong katawan.

Sa hindi malamang dahilan, parang gusto ko siyang yakapin bigla. Ngunit hindi ko ginawa. Hindi naman ako ganoon ka desperadang babae, ano? Ayos na akong nandito na siyang muli sa harapan ko.

Pero kung alam lang niya kung gaano ako katagal na naghintay sa kanya kanina sa clinic. Hmp!

"Sorry na late ako ng dating. Wala naman kasing may nagsabi sa akin sa nangyari kanina. Kung hindi ko pa nakita 'yung kaibigan mong si Mae, hindi ko pa malalaman ang nangyari." Paliwanag agad nito sa akin bago napayuko. "W-Wala kasi ako sa loob ng campus kanina nung nangyari 'yun. I was with my parents kaya---"

"H-Hindi mo naman kailangan magpaliwag, Kassan---Zoe pala. Ayos lang ako." Pagkatapos ay napalunok habang napapaiwas ng tingin mula sa kanya.

At sa hindi malamang dahilan, bigla na lang akong napaluha. Noong sandaling yumuko ako at nakita ko ang sintas ng sapatos kong natanggal na pala at kailangan nang itali muli.

Naiiyak ako sa katotohanang hindi ko siya magagawang ayusin ngayon dahil sobrang nananakit pa rin ang balakang ko, lalo na kung yuyuko ako. Kaya walang nagawa na napatitig na lamang ako rito na parang bata habang lumuluha.

Ngunit awtomatikong namilog ang mga mata ko at kusang natigil ang aking pagluha nang si Kassandra na mismo ang lumuhod sa harap ko para ayusin ang sintas ng sapatos ko. Pagkatapos ay muling tumayo na ito at binigyan ako ng isang ngiti.

Iyong ngiti na nakakapagpakalma sa aking kalooban.

Marahan na inabot din nito ang pisngi ko at pinunasan ang luha na naroon gamit ang kanyang hinlalaki.

"Wag ka na umiyak piggy. Hindi bagay sa'yo." Atsaka muling kinuha ang kamay ko at hinawakan iyon kagaya ng kanina. Lihim na muling napasinghap ako nang maramdaman ang ang mainit niyang palad na nakadikit sa palad ko.

"Tahan na. Andito na ako." Dagdag pa niya bago ginulo ang hubok ko gamit ang kabila nitong kamay.

Hindi na lamang ako nagsalita at pinili na lamang ang manahimik. Habang siya ay pilit na pinapagaan pa rin ang kalooban ko. Marahil alam niya kasi na nananakit pa rin ang balakang ko.

Kung anu-ano na naman ang kanyang sinasabi at kinukwento, hanggang sa tuluyang napatawa na niya ako.

Sinabayan niya ako sa paglakad hanggang sa bigla na lang siyang pumara ng taxi para sa akin.

"Zoe, hindi na. Kaya ko namang maglakad eh. Isa pa malapit na lang 'yung---"

"Please. I insist." Pakiusap nito sa akin. "Hindi na kita mahahatid sa eatery dahil may importanteng lakad ako with my parents. And I just wanna make sure you're safe. So, please. Sumakay ka na." Pakiusap niyang muli bago ako pinagbuksan ng pintuan.

"P-Pero..."

Napahinga ito ng malalim.

"O-Okay." Napilitang pagpayag ko bago pumasok na sa loob ng taxi.

"Manong d'yan lang sa may panglawang kanto siya." Sabay abot nito sa driver ng one thousand pesos. "Keep the change na po. Please, paki ingatan siya ha?"

Napangiti na lamang si manong driver sa kanya at sinimulan na nga nitong patakbuhin ang sasakyan.

Habang ako naman ay hindi maipaliwanag na naman ang nararamdaman. Habang napapatingin sa kamay kong ilang beses niyang hinahawak ngayong araw.

Bakit ba sobrang bait ni Kassandra slash Zoe sa akin? Naguguluhan na ako kung ano ba talagang pakay niya sa akin.

Bab berikutnya