webnovel

Chapter 1: Introduction - Greed

Di ko maintindihan yung pakiramdam. Kung nahuhulog ba ko sa kawalan o lumulubog ako ng dahan dahan sa tubig. May liwanag sa harap ko na pinipilit kong abutin pero di ko maabot. May naririnig akong boses pero di ko maintindihan yung sinasabi.

Boses ng babae?

E--k?

R-K?

Eri?

Eric!

Pangalan ko ung sinisigaw niya!

Nasan siya?!

nasaan?!

Di ko makita!

Huh?

(may tumutunog na beep)

Beep?

teka?

sino ka?

sino--
[LOUD BEEP NOISE FROM HIS ALARM PLAYING}
"Panaginip?"

Recently, I'm having this weird dream. though di ko matandaan exactly yung nangyari sa panaginip, there's still that lingering feeling every time I wake up from that. How can I explain it. I don't know, maybe I'm scared?

Kuntento na ko sa pang-araw-araw kong buhay. Gigising sa tunog ng alarm clock, aabutin yung cellphone para patayin yung alarm, tapos magsasayang ng 30 minutes sa scroll down sa social media habang nakaupo sa kama. Tsaka kikilos para maghanda sa pagpasok sa eskwela.

Masyado ba kong maraming nasayang na oras bago pumasok? Ang totoo niyan, maaga ng 2 hours yung alarm ko. Dahil don meron nalang akong isa't kalahating oras para maghanda.

Pagbangon, diretso sa kusina para magluto ng almusal. Di na ko mamomroblema sa sinaing kasi ayos lang saakin kahit bahaw lang ang kanin. Pero madalas naman na laging may bagong sinaing dahil yung dalawa kong kapatid ay mas maaga pang nagigising saakin para pumasok sa kanilang trabaho. Bonus nalang kapag may kasamang ulam. Pero pag wala, magluluto ako ng itlog specials. I mean, tortang itlog, o kaya hinalo sa Corned Beef, o kaya hinalo sa sardinas. O kaya kahit simpleng Nilagang itlog lang. di naman ako mapili sa pagkain..... basta wag lang tahong o pusit -_- di ko talaga gusto yung lasa nila.

Pagtapos non ay maliligo nako tas rekta na sa pagtooth brush. Tas siyempre, suot uniform, suklay, di na magge-gel. pabango, pulbo, lahat basta mag mukha akong fresh sa twing papasok sa eskwela.
Nakatira kame sa isang bagong gawang subdivision. Mejo hustle kapag nag commute. Isipin mo, mula samen, sasakay ka ng Tricycle papuntang sakayan ng jeep. Makakatipid ka pag nagabang ka lang ng dadaan na trike. 20 pesos lang. Tapos 12 pesos pamasahe sa jeep papuntang eskwela. Pero pag pauwe naman, same lang sa jeep, 12 pesos pero pagdating sa Tricycle, hindi ka makakasabay sa trike kase nandiyan ung napakahabang terminal. Automatic Special agad 50 pesos. Kung ko-compute-in mo, 20 + 12 + 12 + 50.... 94 agad sa isang araw lang. Eh yung allowance ko, 1k lang per month.

Pero buti nalang eh binilhan ako ng aking mga magulang ng motorsiklo. Lifesaving talaga. yung 100 pesos na pang gasolina ko eh umaabot ng hanggang 5 araw na byahe.

Nagtataka siguro kayo ngayon kumbakit may motorsiklo na ko kahit habang nagaaral palang. Siyempre may lisensya na ko. Ah, oo nga pala, College student na pala ko, second year, bachelor's in computer science. Nag-aaral sa isang State University Satellite Campus. Di kami yung main campus pero kung ikukumpara niyo ung school namen sa main campus, haha! Yung campus namen, nasa gitna ng syudad. Hindi kalakihan pero paglabas ng campus namen, may Mall, resto, at iba pa. Samantala yung Main Campus, nasa bundok, may mga convenience store pero, 7-11, Alfamart, Ministop.

Pero yung main campus, Napaka laki. Kumpleto sila ng facility. Tas yung entrance nila, engrande. Samantala samen, simpleng gate lang tas maraming eskinita at pasikot sikot dahil sa tabi tabing building. Pero meron parin namang malaking ground para sa events.

Pagpasok ko sa campus, maaga pa ko ng mahigit kalahating oras. Kaya tatambay muna ko sa upuan, dudukutin yung cellphone sa bulsa ko tas magscrolldown muna sa social media.

Kaso...

mukhang nakalimutan kong i charge yung cellphone ko. 5% lang, sana tumagal to hanggang uwian.

Mga 10 minuto lang ng pagupo at nakatulala sa kawalan, nakita kong dumating yung dalawa kong kaklase. Si Ralph at Ivan. Di lang sila basta kaklase, sila lang naman ung bumabasag sa katahimikan ko. Ewan ko ba, pag nandiyan sila, nahahyper ako. Nahahawa ako sa kalokohan nitong dalawa.
Mga ilang minutong kwentuhan din pero di ko napapansin ung oras. nagsisidatingan na rin yung mga kaklase kong masisipag. Madali ko silang napapansin na dumadating. Dahil narin siguro sa pagiging observant ko.

Pero, may isa akong kaklase na kahit di ako maging observant, napapansin ko agad. Actually, di lang ako, halos lahat ng estudyante. Pano ba naman, kahit na sinong lalaki, maririnig mong bumubulong. "Wow, pre ang ganda niya", "Grabe parang diyosa", "Ang ganda niya palagi" at iba pang mga papuri.

Ang pangalan niya ay Ellaine. siya yung matatawag mong "Heartthrob". Napakaganda niya, Very Athletic, may perpectong hugis ng katawan, maputing kutis ng balat, napakatalino din niyan, tas dagdag mo pa yung personality niyang unapproachable. Like..... siya yung tipo ng babae na magdadalawang isip ka na kausapin siya. Yung mga tinginan niyang mapanakit agad kahit wala pa siyang sinasabi.

Well, thats how people see her.

One time, nung first week namen, nagkaroon ng changes sa schedule namin. The announcement was made very late at night. Nung mga oras na yun tulog na ko. So wala akong ideya. Normally, dapat makikita ko yun pagkagising palang since I spend a half an hour daily after my alarm. Kaso hindi ko na charge yung cellphone ko at di nag alarm. And I woke like 30 minutes before the scedule. Tas siyempre, rush, Mabilisan nakarating ako sa school 10 minutes late sa schedule. Pagpunta ko sa Room, naka patay yung ilaw at naka lock pa. Chineck ko yung GC and they are talking about the announcement.

Napakamalas ko nung araw na yun. Biglang bumaba yung adrenaline ko at naramdaman yung gutom. kaya dumiretso ako ng canteen para kumain.

Nagulat ako nung nagkasabay kami ni Ellain umorder ng pagkain. Sabay pa kame ng pagkakasabe at pareho pa ng ioorder.

Sa una, kinakabahan pako nun, kasi isipin mo, yung pinaka popular na babae kasabay mong kumain! Di ko alam kung biyaya ba o parusa yung pagkakataon na ito kasi that time, iba pa yung impression ko sa kaniya. tangina, nakakatakot.

2 lang kami nun sa cafeteria, napakatahimik. So i thought i should say something. Sa kaba ko, bigla nalang lumabas sa bibig ko, "Bat, ang aga mo?". Tumigil siya for like 30 seconds. Bigla akong kinabahan, "nagalit ko ata siya" sabi ko sa sarili ko. Napaisip ako kung pano ko nasabi yun? Pagalit ba? Anong klaseng mukha ba yung pinakita ko habang sinasabi ko yun? Mga ganon yung mga naiisip ko!

Bigla akong napatigil sa pagiisip nung may lumabas na tunog sa bibig niya. Ilang minuto na kami kumakain tas wala siyang sinasabi. Pero nung nagsalita siya, nagbago yung impression ko sa kanya.

"M-m-ma-maaga akong n-natulog", pautal utal niyang sagot sa tanong ko

"Huh?", lang ang sinabi ko pero nakita kong nagulat siya nung bigla akong napa sagot.

"n-na late akong nagising", dugtong niya

Doon palang nalaman ko na kung ano siya talaga.

So I tried talking to her normally, and our conversation flowed naturally. I took that opportunity to know more about her.

Siya yung klase ng tao na ino-overthink yung iniisip ng ibang tao kaya di niya alam kung pano siya makikipag usap. aware siya sa pagiging popular niya, pero yung kaba ng mga taong kumakausap sa kanya is umaabot sa kanya. And the responses she made to them made them misunderstood her personality.
Alam yun ng 2 babaeng laging niyang kasama. Yung matangkad na nakasalamin ay si Amabelle. Pero ang tawag sa kanya ng karamihan ay Amy. Siya yung Ace ng Volleyball Team. Very athletic, napakaganda. Siguro kung meron Beauty Hierarchy, pangalawa siya kay Ellaine. Very protective siya kay Ellaine. Sa tuwing may susubok makipagusap sa kanya, siya yung unang magsasalita. "If you are going to approach Ellaine half-assed, I'll kill you", di niya directang sasabihin yan pero parang yan yung gusto niyang iparating sayo.

Yung maliit naman ay si Claudette. Siya yung pinaka maingay sa tatlo, She's not as pretty as the other 2 but she's cute. She's very intelligent. Siya na siguro yung candidate para sa valedictorian ng batch namen. Naalala ko yung lumaban siya sa Programming sa Main Campus, effortlessly niyang tinalo mga kalaban niya. Isipin mo binigyan sila ng 5 oras para gawin yung program, she finished her program for like half of an hour. And top of that, it's very efficient and very easy to understand. Siya yung tipo ng kaklase na gusto mong maging Ka group sa mga groupworks HAHA.

Well, kahit na sa talino niya, may konti namang problema sa Personality. Very straight forward siya and can always cause problems. Buti nalang nandiyan lagi si Amy para batukan siya.

Every start of our schedule, they are always early for exactly 10 minutes before our first class, and they are always sitting on a bench outside the old building. Well, it's just purely coincidence but, my favorite bench is exactly on opposite side of their usual place. I can really see them clearly, every day.
Sa twing dumadating yung 3, lahat napapansin sila.

"Ah, ang mga prinsesa nandiyan nanaman sila" sabi ni Ralph.

"Ligawan mo kaya ang isa sa kanila?" suggest ni Ivan kay Ralph.

"Huh? gago ka ba? lumapit ka lang ng limang metro sa kanila, bibigyan ka na ng matatalim na tingin ng ibang studyante. Ang sakit kaya para kang tinutusok ng karayom sa buong katawan", sagot ni Ralph.

"Oo nga pala no, nung dumaan ka lang sa pinto malapit sa kanila, kung ano-ano na mga sinabi. Binato ka pa nga ng balat ng saging eh HAHAHA" asar ni Ivan.

"Pero kahit na makalapit ka at magka tyansa na makausap yung isa sa kanila, Nakakatakot talaga yung tingin ni Amy." sambit ni Ralph.

"Pero, Eric. Anong pakiramdam ng lamang ka ng malaking hakbang sa lahat ng lalaki sa buong campus?", bali ni Ivan ng usapan saken.

"Usap-usapan kaya sa buong campus yung tungkol sa inyong dalawa ni Ellaine sa cafeteria." dugtong niya,

"Alam mo naman na daig pa ng cook sa cafeteria yung facebook kapag nag vaviral ng chismis", pabirong sabi ni Ralph.

"Wala naman yun. Nagkataon lang naman. Feeling ko nga parusa yon eh. Di ako makakibo. Isang bagay na di na mangyayare ulet" sabi ko sa kanila.

"Eh dahil naman don, kinakausap ka niya from time to time" sabi ni Ivan.

"Kinakausap niya lang ako pag may kailangan siya. Parang kayo sa akin." sabi ko sa kanila.

"Hoy di kami ganun sayo. BTW pa kopya ng assignment sa DCIT" singit ni Ralph.

"Kita mo na", sagot ko sa kanila.

"Pero isipin mo, sa lahat ng lalaki sa campus, ikaw ang may pinakamalaking tyansa." Sabi ni Ralph.

"Kung lahat ng lalaki sa campus may 0% chance, meron kang 1%" biro ni Ivan.

Di na ko umimik. Actually, napaisip ako, di lang simpleng paguusap ang nangyari noon sa cafeteria e.

I learned something about her, and I feel like I know how to deal with her. Simula nga noon, sa simpleng facial expression niya palang, parang isang buong paragraph na agad yung kahulugan. Parang hindi lang 1% yung tyansa ko, it feels like 30%.

Eric nga pala yung pangalan ng Main Character XD

Nojuucreators' thoughts
Bab berikutnya