webnovel

Chapter 39

Mula sa isang malawak na kuwarto ay mayroong malaking screen na nagpapakita ng mga kaganapan mula sa elimination round ng Martial Junior Tournament. Mayroong nakaupong labing-isang (11) mga tao. Ang mga ito ay hindi pangkaraniwang mga tao lamang na Martial Artists lalo na sa awrang kanilang inilalabas ng mga katawan nila lalo na sa kung paano ang mga ito umupo. Nalalabas sila ng kakaibang enerhiya na sobrang lakas pa kumpara kay Vice Commander Elgor. Ang mga taong ito ay hindi maaaring kalabanin.

"Nagustuhan ko ang ipinakita ng batang babaeng may numerong 878, sa palagay ko ay level 2 na siya at mayroong taglay na Mortal Ice Body. Hindi ko alam kung paano niya napag-aralan ang Concept of Ice. Bagay na bagay siya sa aking Spirit Ice Sect." Sambit ng isang sopistikadang babae. Hindi ito nagtatanong kundi nagsasalita ito na animo'y isa lamang itong pangkaraniwang bagay.

"Gusto ko ang taktika ni Number 413, malakas ang kaniyang konsepto ng Hangin lalo pa't level 2 na ito. Maging ang kaniyang gamit na spear at spear technique ay malakas rin. Bagay na bagay sa aking Weapon Strike Sect." Sambit ng lalaking nakaroba pero makikita na medyo masungit ang itsura nito.

"Sobrang lakas ng number 1641, sobrang kakaiba ng kaniyang atake. Para sa isang Soaring Light Sect. Isa itong malaking karangalan na mapabilang ito." Manghang sambit ng isang babaeng medyo may katandaan na rin. Makikita na natutuwa siya sa ipinakitang galing ni number 1641.

"Ang numerong 876 ay sobrang lakas ng atake niya gamit ang Concept of Water, gusto ko ang taktika niya dahil sobrang bangis. Bagay na bagay siya sa aking Calm Water Sect!" Sambit ng isang lalaking balbas-sarado.

"Nakakabilib ang marahas na atake ni number 33 dahil medyo komplikado ang gamit niyang Sword Style. Sayang nga lang at hindi siya sa Sword Cutting Sect sumali." Nanghihinayang na sambit ng isang lalaking binata na may maamong mukha.

Marami pang mga maririnig na komento mula sa mga taong naririto patungkol sa nagustuhan nilang mga batang cultivator hinggil sa mga naging preformance ng mga ito.

Maya-maya pa ay may nagsalita na siyang ikinatigil ng sampong tao.

"Ayaw niyo ba sa batang may numerong 877? Medyo kakaiba nag pakiramdam ko sa kanya eh." Tanong ng isang lalaking may katandaan na rin. Hinihintay niya ang sagot ng mga ito. May nakatatak na Soaring Light Sect sa kaliwang dibdib nito.

Nagtataka ito dahil kahit sabihing medyo tricky at mautak ang ginawa nito ay natalo nito ang kalaban niyang mas mataas ng isang buong boundary ito.

"Wala naman akong napansing kakaiba at kahanga-hanga sa batang may numerong 877. Parang dinaya niya ang pagkapanalo niya." Sambit ng lalaking nakarobang kayumanggi habang makikita na hindi ito kumbinsido sa sinabi ni Sect Master Soaring Light. Earth Fury Sect

"Oo nga eh, palagay ko ay mahinang cultivator ito. Labintatlong taong gulang na ito ngunit Diamond Rank pa rin ito. Nakakatawang isipin hahaha...!" Sambit ng sopistikadang babae. Halatang hindi niya nagustuhan ang taste ni Sect Master Soaring Light.

"Tama sila, Sect Master Soaring Light. Ang ganitong klaseng martial artists ay hindi na uunlad. Medyo hindi angkop ang cultivation speed niya sa kanyang edad." Sambit ng isang lalaking masungit haabng nakasuot ito ng kulay asul na roba.

"Marahil ay tama kayo, siguro ay mali lang ang aking pakiramdam. Medyo tumatanda na siguro ako kaya ko nasabi iyon." Sambit ni Sect Master Soaring Light. Malungkot naman siyang napabuntong-hininga.

Maya-maya pa ay nasa malawak na screen na gawa sa purong essence energy ang buong atensyon ng labing-isang katao na nasa loob ng malawak na kuwartong ito. Tahimik silang nanonood sa bawat pangyayari.

...

Agad na natapos ang Second Round ng Martial Junior Tournament at nanalo sila ni Van Grego, Fatty Bim at Breiya. Wala pa silang talo at maging ang ibang kalahok ay wala ring talo.

"Tapos na ang Second Round at mag-uumpisa na ang Third Round!" Sambit ng announcer nang pasimulan muli ang kompetisyon. Tapos na ang isang oras na pagpapahinga na ibinigay sa bawat isang manlalahok.

"Woooohhhh!" Sambit ng mga manonood lalo pa't karamihan sa mga ito ay mga disipulo ng Soaring Light Sect.

Agad na lumitaw ang mga bawat laban sa isang malawak na Screen na gawa sa purong essence energy.

Nag-umpisa ang mga labanan sa pagitan ng mga kalahok at hinanap nila Fatty Bim, Van Grego at Breiya ang kanilang mga mga numero.

Nakita nila na si Breiya ang unang lalaban, si Fatty Bim ang pangalawa at si Van Grego ang huling lalaban sa kanilang tatlo.

Maraming mga malalakas na batang martial artists ang nagpakita ng kanilang galing sa pakikipaglaban. Ang iba ay sobrang lakas at nag-stand out sa labanan. Medyo pinag-aralan nilang tatlo ang mga malalakas na kalahok na ito dahil unang araw pa lamang. Bale sa isang linggo ay tatlong araw lamang ang para sa pagrerecruit, ang apat na araw ay para sa espesyal na okasyon at aktibidad ng Soaring Light Sect.

Maya-maya pa ay si Breiya na ang lalaban. Ang kalaban niya sa second Round ay lalaki pero ngayon, ang kalaban niya ay isang babae. Napakaganda rin nito lalo pa't nakalugay rin ang buhok nito na kulay pula.

Marunong itong mag-ayos ng sarili at napakaganda ng kasuotan nito na isang bestida kumpara kay Breiya na kupasing lumang bestida lamang ang suot nito pero litaw na litaw pa rin ang kagandahan nito.

May Cultivation Level si Lily Ciro na 9th Star Diamond Rank na malapit na siyang magbreakthrough. Kitang-kita kasi na halos bumukas na rin ang opening ng dantian nito.

"Napakaganda niya, siya si Lily Ciro na nagmula sa Fire Families. Ang buhok nito na indikasyon ng pagkakaroon ng Fire Lutos Body!"

"Siguradong tapos na ang kalaban niya. Sayang dahil napakaganda nito!"

"Mas maganda ang babaeng may kupasing bestida kaysa kay Lily Ciro kaso nga lang ay lakas ang basehan sa labanang ito!"

Maraming pang mga bulung-bulungan at pahayag na maririnig sa paligid. Medyo hindi mapakali ang mga kalalakihan dahil dalawang naggagandahang mga binibini ang maglalaban-laban. Hindi lang kompetisiyon ng paggandahan ito kundi kompetisyon din ito ng lakas at kapangyarihan ng kababaehan. Kaya halos hindi mapakali ang mga kalalakihan.

"So, ikaw pala ang makakalaban ko?!" Sambit ni Lily Ciro habang makikita ang hindi pagkadisgusto sa kanyang mukha.

"I'm Breiya, junior greets senior!" Magalang na sambit ni Breiya habang nakalapat ang dalawa niyang kamay at nag-slight bow.

"Hmmp! Simulan na natin. Ayokong magsayang ng oras sa isang katulad mo hampaslupa!" Supladang sambit ni Lily Ciro laman ang nakakalasong tono sa bawat salita nito.

Medyo nabigla si Breiya sa ugali ng Lily Ciro na ito. Masama at suplada ang ugali nito.

Agad namang lumitaw ang pamaypay sa kamay ni Lily Ciro at mabilis nitong iwinasiwas ito. Bigla namang lumabas rito ang tatlong piraso ng kutsilyo.

WHOOSH! WHOOSH! WHOOOSH!

Tunog ng tatlong mga kutsilyo sumasayaw sa hangin. Mabilis itong patungo kay Breiya.

Isa-isang iniwasan ito ni Breiya. Nagback-flip siya at mabilis na tinira ng tatlong Ice Shards  ang mga kutsilyo na walang hawakan kundi purong talim lamang.

Peng! Peng! Peng!

Natamaan ni Breiya ang tatlong nagtatalimang mga kutsilyo na siyang ikinatalsik ng mga ito.

"Hmm... Hindi ko inaasahang magaling kang umiwas sa aking normal na atake. Humanda ka!" Nanggagalaiting sambit ni Lily Ciro habang mabilis na winasiwas muli ang kanyang pamaypay at mabilis na bumalik ang tatlong mga tumalsik na kutsilyo sa lupa. Nang bumalik ito ay mabilis at marahas na iwinasiwas ni Lily Ciro ang kanyang pamaypay at pitong nag-aapoy na mga kutsilyong purong patalim ang biglang pinalabas nito papunta sa direksiyon ni Breiya.

"Fire Skill: Blazing Lutos Knife!"

Mabilis na nag-backflip si Breiya ng ilang beses upang iwasan ang mga nagbabagang patalim.

"Boom! Boom! Boom! ...!

Malakas na tunog ang maririnig habang bumaon ang mga patalim na kutsilyo sa lupa habang umaapoy ito.

Pigil-hininga naman ang lahat sa pangyayaring ito.

Nang makita ni Lily Ciro ang mabilis na pag-iwas ni Breiya sa kanyang mga atake ay halos mamula siya sa galit.

"Fire Skill: Lotus Knife Dance!"

Malakas na sambit ni Lily Ciro at mabilis na bumalik sa kanyang pamaypay ang pitong kutsilyo at mabilis na bumulusok kay Breiya.

"Ice Skill: Myriad Ice Shield!"

Sambit ni Breiya ng malakas habang mabilis na lumitaw ang kakaibang disenyo ng panangga na gawa sa yelo.

Bang! Bang! Bang! ...!

Nakakabinging tunog ng mga kutsilyo ang bigla na lamang maririnig ng nagpupumilit ang mga nagbabagang kutsilyo na sirain ang Myriad Ice Shield.

Nagkaroon ng mga pagsabog ng kaniyang panangga sa ikapitong pagtama ng kutsilyo dulot ng pambihirang skill kung saan ay tumalsik si Breiya ng ilang metro.

"Ahhh!" Daing ni Breiya dulot ng kanyang pagtalsik. Nasira ang kanyang Myriad Ice Shield kaya naapektuhan rin siya.

Mabilis na umatras si Breiya sa pamamagitan ng pagbackflip. Agad naman nitong pinahid ang kaniyang dugong tumulo sa gilid ng kaniyang bibig at dinura ang sariwang dugo.

"Hindi ko aakalaing magiging marahas ka sa mga atake mo. Ako naman!" Sambit ni Breiya at mabilis na gumawa ng pambihirang skill.

"Ice Shard!"

Mahinang sambit ni Breiya at mabilis na nagmaterialize ang isang maliit na Ice Shard. Mababakas ang kakaibang enerhiya sa bagay na ito. Napakalamig na kapangyarihan ang biglang lumaganap sa paligid.

Nang makarating ang kakaibang enerhiya kay Lily Ciro ay animo'y natuod siya. Hindi siya makagalaw dahil nagsusumigaw ang panganib sa kaniyang paligid. Animo'y may isang nilalang ang bigla na lamang gumapos sa kanya.

Maya-maya pa ay mabilis na bumulusok ang isang maliit na Ice Shard sa direksiyon mismo ni Lily Ciro. Ang dating masungit at mapanghamak nitong ugali ay napalitan ng pagkatakot.

Malapit ng tumama kay Lily Ciro ang Ice Shard ng biglang may lumitaw sa harapan nitong isang sopistikadang babae.

Ang Ice Shard na tatama sana kay Lily Ciro ay hinawakan ito ng misteryosong babae. Simpleng hinawakan at hinablot lamang nito at tiningnan. Maya-maya pa ay nagbago ang ekspresyon nito sa mukha. Mula sa malamig at seryosong mukha nito ay napalitan ng mangha ng ma-inspeksyon nito ang maliit na Ice Shard.

Nagkaroon ng nakakabinging katahimikan sa buong battle arena. Bakas ang gulat, takot at pagkamangha sa pangyayaring ito. Walang ni isa man ang nagsalita, pawang nakaantabay lamang sa mangyayari.

"I-iyo b-ba ang I-ice S-shard n-na i-ito?!" Madamdaming sambit ng misteryosong babaeng dumating habang nanginginig ang boses.

Nagulat naman si Breiya sa pangyayaring ito. Hindi niya aakalaing nalaman ng babae ang kanyang hidden weapon, ang kaniyang sariling Ice Shard. Naalarma naman si Breiya sa pangyayaring ito.

Maya-maya pa ay nabalutan ng kakaibang yelo ang kinaroroonan ng babae at ni Breiya. Kahit ang kalaban ni Breiya na si Lily Ciro ay nawala sa kaniyang paningin. Sila na lamang ng misteryosong babae at siya ang kasalukuyang naririto sa napakakapal na yelo na bumalot sa kanila.

"Paano mo nalaman ang tungkol sa Ice Shard ko? Isa ka bang kalaban?!" Napalakas na sambit ni Breiya habang makikita ang takot sa mata nito. Nakaramdam siya ng ibayong pangamba dulot ng pangyauaring ito.

"Hindi ako isang kalaban. Pero paanong nasa iyo ang Ice Shard na ito? Nasaan na si Princess Ambre?! Magsalita ka?!" Napalakas na sambit ng babaeng bagong dating lamang. May pumatak na luha galing sa mata nito habang malungkot na nakatitig ang naguguluhang ekspresyon sa mata nito.

"Paano mo nalaman ang pangalan ko?! Walang nakakaalam ng aking katauhan. Isa kang kalaban!" Sambit ni Breiya sa galit na boses. Biglang nagbago ang buhok nito na naging kulay puti lahat ng hibla ng kanyang buhok at naging kulay puti ang mata nito. Dito ay lumabas ang itinatagong enerhiya at kapangyarihan ng kanyang tunay na katauhan.

Bab berikutnya