Sa kabilang banda, ay mas uminit ang naging pag-uusap ng matabang bata at ng bat Race na Cultivators.
"Dahil sa pagiging matigas ng iyong ulo ay wala akong pagpipilian kundi ang paslangin ka! Bat Race Skill: Piercing fire Arrows!" Sambit ng lider na makikita ang matinding galit at ganid sa mga mata nito.
Puno ng pangamba naman ang bumalot sa buong katauhan ng matabang bata. Kahit na makipaglaban siya sa kahit isa sa anim na mga Bat Race na humahabol sa kanya ay wala siyang laban sa mga ito. Halos nasaid na ang kanyang true essence energy sa kanyang ginawang pagtakas at kung makikipaglaban siya o magpapalitan ng atake ay siguradong nasa alanganin siyang sitwasyon.
Ang tanging nagawa niya lamang ay tingnan ang paparating na mga nag-aapoy na mga pana na papunta sa kanya. Halos matuod ang matabang bata sa kanyang kinatatayuan.
Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay biglang may malaking mga kuko ng hindi kilalang nilalang biglang sumakop sa buong katawan ng matabang lalaki.
"Ahhhh!" Ito ang huling sigaw ng matabang bata habang sinakop ang buong katawan nito ng naglalakihang kuko na gawa sa apoy.
Nang makita ito ng anim na nilalang ay halos lumuwa ang mata nila sa pinaghalong mangha at ibayong takot na ngayon lamang nila nararamdaman.
ROAR!
Tunog ng isang dragon ang umalingangaw sa buong kapaligiran bago nawala ng tuluyan ang tunog na animo'y hindi ito nangyari.
"H-halimaw, may nakakatakot na halimaw sa loob ng Lava Pond!"
"K-kasalanan mo to Jikon, nagambala natin ang pambihirang halimaw na natutulog sa Lava Pond na ito, kasalanan mo to!"
"Umalis na tayo rito bago pa tayo kainin ng pambihirang halimaw sa lugar na ito!"
Puno ng mga sisihan, kawalang pag-asa at matinding takot ang naramdaman ng anim na Bat Race na naririto. Agad silang lumipad palayo habang bitbit ang nakakapanindig-balahibong karanasan nila sa lugar na malapit sa Lava Pond.
"Huwag kayong magsusumbong sa kahit na sino sa bagay na ito, kapag nagalit ang halimaw na iyon ay hindi lamang sila ang mamamatay kundi maging tayo rin. Pumunta na tayo sa ibang lokasyon kung saan malayo sa lugar na ito!" Sambit ni Jikon habang may takot ang boses nito maging ang paghihinayang sa Aquatic Scroll na hawak ng matabang bata ng Human Race ngunit wala siyang magagawa ukol dito. Nangyari na ang nangyari.
Mabilis na nilisan ng anim na Martial Artists na kabilang sa lahi ng paniki ang lugar na ito dahil sa takot na makita o masagupa ang kakaiba at pambihirang halimaw na maaaring maging mitsa ng kanilang kahindik-hindik na kamatayan.
Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!!!!!" Paulit-ulit na sigaw ng matabang batang lalaki na animo'y wala ng bukas. Nakapikit pa ito na animo'y ayaw na imulat ang pares na mata nito.
"Ano ba, ang ingay mo. Daig mo pa mga babae kung sumigaw!" Sambit ni Van Grego habang naririndi siya sa walang tigil na pagsigaw ng matabang lalaki.
Agad na napamulat ng mata ang matabang lalaki. Agad din siyang napatigil na nakita ang kanyang sarili na buhay na buhay.
"Nasaan ako? Sino ka? Isa ka ring bata? Paano ako napadpad dito?!" Sunod-sunod na tanong ng batang lalaki.
"Nakalimutan mo ba ang pangyayari kanina? Oo nga pala, ako ang nagligtas sayo mula sa kamay ng anim na Bat Race na humahabol sa iyo. Nandito ka sa loob ng Lava Pond. Ang pangalan ko ay Van Grego, ikaw sino ka?!" Sambit ni Van Grego na nakangiti.
Agad namang bumalik sa kanyang alaala kani-kanina lamang ang muntik na siyang mapaslang ng nagngangalang Jikon na isang Bat Race kasama ang lima nitong alagad. Halos magpuyos siya sa galit ng maalala niya ito.
Agad niyang hinarap muli ang batang nagligtas sa kanya na nagngangalang Van Grego.
"Salamat pala Kaibigang Van sa pagtulong sa akin kani-kanina lamang.Ako nga pala si Bim. Ang mga kalaban ko kanina ay mga ganid at mahilig mangikil ng kayamanan ng iba. Sa oras na lumakas ako, lalampasuhin ko ang mga iyon." Sambit ni Bim habang lumulubo ang mukha at mas lalong namula ang balat nito.
"Hahaha, mukha kang lobo hahaha... Tsaka sa Cultivation Level mo sa kasalukyan ay siguradong hindi mo sila mapapantayan."Sambit ni Van Grego habang tumatawa.
"Hmmmp! 13 na taong gulang na ako eh. Tsaka nakakainis talaga yung palaging tinutukoy yung mataba kong anyo." Sambit ni Bim habang namumula ang mukha.
"Hahaha... Pasensya na kung gayon ang isip mo pero okay lang naman ang katawan mo. Mas nakakatawa pa rin yung bundat na tiyan ng mga Elders hahaha!" Sambit ni Van Grego habang natatawa.
Nang marinig ni Bim ang sinabi ni Van Grego ay naalala niya ang tamad kumilos na Elders ng ilang mga powerhouse ay halos humagalpak siya ng tawa.
Napuno ng halakhak ang loob ng Lava Pool. Maya-maya pa ay nagwika si Van Grego.
"Umalis na tayo rito. Hindi na ligtas ang lugar na ito." Seryosong pagkakasabi ni Van Grego habang kaharap si Bim.
"Mabuti pa nga. Tsaka hindi ligtas ang lugar na ito dahil baka daanan tayo ng mga nang-aambush at nangingikil na mga iba't-ibang Races." Sambit ni Bim habang makikita ang pangamba niya.
Maya-maya pa ay nilisan nila ang Lava Pool at pumunta sa ibang lugar kung saan ay may ligtas na kapaligiran at tago sa mga mata at senses ng ibang nilalang na naririto.
Ang kanilang lugar na nahanap ay malapit sa naglalakihang mga batuhan kung saan ay may malawak na espasyo na angkop para sa kanila.
"Bakit nagtiwala ka agad-agad sa akin? Hindi ka ba natatakot na nakawin ko ang mga kayamanang meron ka?" Sambit ni Van Grego habang may seryosong mukha.
"Sus, ako pa lolokohin mo eh kung tunay na may binabalak kang nakawin ang mga kayamanang meron ako edi sana kanina mo pa ginawa. Tsaka hindi naman bagay na maging magnanakaw ang mga batang katulad natin. Para sa iyong kaalaman ay mayroong matataas na Cultivation level ang mga miyembro ng mga magnanakaw at ambusher, kung sasali ang mga katulad natin baka pagtawanan lamang tayo ng mga iyon hahaha!" Sambit ni Bim habang namumula ang mukha sa kakatawa.
"Siyang tunay, tsaka ayokong magnakaw noh o manglamang sa ating kapwa baka karmahin ako o tayo. Siya nga pala, saang powerhouse ka nakasali Fatty Bim?!" Nakangiting sambit ni Van Grego habang nilagyang niya ang pangalan ni Bim ng Fatty.
"Wala akong kinabibilangang Powerhouse dahil mataas mga requirements ng mga iyon. Ulila na rin ako sa mga magulang. Ang totoo niyan ay mayroon akong nakababatang kapatid, namatay ang aming magulang dulot ng beast horde limang taon ang nakakalipas. Tsaka tama ba ang pagkakarinig ko ng Fatty Bim? Mataba ba ko? Eh hindi ako mataba eh, chubby lang!" Sambit ni Bim habang lumulubo ang mukha nito dulot ng inis sa huling sinabi ni Van Grego.
"Oo nga pala Van, dahil niligtas mo ko ay maaari ba akong sumama sa iyo sa paglalakbay dito? Kung papayag ka ay papahiramin kita ng Aquatic Scroll!" Sambit ni Bim habang nakangiti.
"Nakakalungkot naman pala ng iyong kuwento sa buhay. Pasensya na ha, nakuwento mo pa sakin. Tsaka pwede kang sumama sakin, ako lang rin mag-isang naglalakbay rito. Dahil papahiramin mo ako ng Aquatic Scroll ay papahiramin kita ng Red Fury Profound Seedling." Masayang sambit ni Van Grego. Alam niyang mapagkakatiwalaan si Fatty Bim kumpara sa ibang mga Cultivators na naririto.
Agad na inilabas ni Van Grego ang isang ordinayo at hindi kagandahang binhi.
"Red Fury Profound Seedling? Ano magagawa nito? Tsaka bakit ang pangit naman ng binhi na ito? Hahaha!!!!" Sambit ni Fatty Bim habang natatawa sa itsura ng binhing hawak ni Van Grego. Nagdadalawang-isip pa siya kung tatanggapin niya ito o hindi.
Sa loob ng Myriad Painting ay nagpupuyos sa galit si Master Vulcarian.
"Pigilan mo ko Van, mapapaslang ko ng wala sa oras ang tabachoy na iyan!" Sambit ni Master Vulcarian sa isip ni Van Grego.
Nagbingi-bingihan na lamang si Van Grego sa sinabi ni Master Vulcarian.
"Huwag mong maliitin ang binhi na ito. Pinalaki mismo ito ng isang lahi ng dragon. Makakatulong ito ng malaki kung pag-aaralan mo ang konsepto ng apoy." Sambit ni Van Grego habang inihagis nito ang binhi kay Fatty Bim.
Nang mahawakan na ni Fatty Bim ang nasabing binhi ay agad niyang ininspeksiyon ang loob nito. Nakatapak na siya sa threshold ng Level 1 Concept of Water kung kaya't mayroon na siyang abilidad upang manipulahin ang concept of Water: Keen Ability.
Gamit ang purong enerhiya ng tubig ay agad na ipinasok ni Fatty Bim ito sa loob ng binhi ngunit wala pang isang segundo ay unti-unting nawala ang tubig. Nagkaroon ng fire droplets ang palibot ng binhi.
"Hahaha, hindi ko aakalaing may ganitong klaseng pambihirang binhi na nasa pangangalaga mo Van. Maaari ko bang hiramin to?" Sambit ni Fatty Bim habang makikitang nahihiya siya.
"Aba, oo naman, dahil naabot mo na ang threshold ng Level 1 Concept of Water ay angkop sa iyo na pag-aralan ang Concept of fire. Kung ako ang mag-aaral ng konsepto ng apoy ngayon ay baka ilang taon pa ko bago ko mapag-aralan ang binhing iyan tsaka hindi ordinaryong apoy ang mayroon ang binhing iyan." Sambit ni Van na may kalakip na katotohanan base sa kanyang karanasan. Napakabayolente ng apoy ang Red Fury Seedling kung kaya't baka hindi niya kayanin kung lumabas ang napakaraming enerhiya ng apoy na salungat sa katangian ng tubig na mayroong kalmadong katangian.
"Kung ganon, tanggapin mo din itong Aquatic Scroll. Para talaga to sa nakababata kong kapatid pero ikaw muna ang gagamit nito." Masayang sambit ni Fatty Bim habang inilahad nito ang isang lumang scroll.
Agad namang kinuha ni Van Grego ang scroll na may kalumaan na. Hindi niya alam kung bakit tinawag itong Aquatic Scroll.
Hindi niya na inistorbo pa si Fatty Bim na abala sa pag-aaral ng concept of fire sa loob ng Red Fury Profound Seedling.
Dali-daling binuksan ni Van Grego ang lumang scroll at nagulat siya ng makita ang nakapaloob sa scroll. Mayroong mga Water-Type Symbols na nakalutang sa apat na direksiyon at mayroong malaking anyo ng tubig sa gitnang parte ng scroll. Animo'y may buhay ang tubig dahil sa gumagalaw ito sa kalmadong rotasyon.
"Hindi maaari ito, isang Divine Aquatic Scroll ito ngunit hindi kompleto. Dahil sa tagal na panahon ng nakakalipas ay napunit ang ibang bahagi nito. Maaari mo itong matutunan bata uoang basehan ngunit ikinalulungkot kong sabihin na hindi mo matatagpuan ang ibang bahagi nito kahit sa mataas na mundo dahil mayroong iba't ibang konsepto ang mga Elemento ng apoy, tubig, hangin, metal, lupa at iba pa. Mas mahirap hanapin ay mas malakas. Liban pa dito ay mayroon ding elemento ng Kidlat at Space na mahirap ding matutunan. Pero masasabi kong wala pang nakaabot sa rurok ng konsepto ng oras na siyang pinakamahirap sa lahat dahil hindi ito isang bagay o elemento, itinuturing itong kaaway ng lahat na mahirap puksain maging ng mga makapangyarihang nilalang ay namamatay ng dahil dito. Nahahati sa tatlong bahagi ang bawat konsepto ng Primary, Secondary at tertiary Stage. Ang aquatic scroll na ito ay isang primary Stage para sa beginners kung kaya't pwedeng-pwede mo itong matutunan. Malas mo lang dahil isang maliit na bahagi lamang ito ng Water-Type Scroll." Mahabang salaysay ni Master Vulcarian.
"Okay na rin ito Master. Matanong nga kita master, wala ka bang Divine Scrolls para sa iba't-ibang konsepto?" Nagtatakang sambit ni Van Grego.
"Hahaha, siyempre meron. Kung gusto mong sumabog ang mga lamang-loob mo at mapaaga ang iyong kamatayan ay karangalan kong ibigay sa iyo ito. Gusto mo ba bata?!" Sambit ni Master Vulcarian na animo'y may nakakatakot na boses laman ang mapagbantang tinig nito.
"Brutal mo naman master, tinatanong lang kita eh masyado kang hyper diyan eh." Sambit ni Van Grego habang pilit na ipinagtatanggol ang kanyang sarili sa sinabi ng kanyang Master.
"Hmmp! Puro matataas na grado ng Divine Scrolls ang nakaimbak sa isang lokasyon ng Myriad Painting ngunit sa lakas mo sa kasalukuyan baka bawian ka ng buhay dahil sa presyur na nakalagay sa mga scrolls. Sa oras na makatapak ka sa Earthen Realm ay bibigyan kita ng Low-Grade Primary Divine Scrolls para sa mga Elementong gusto mong matutunan pero sa ngayon wag kang pasaway. Dalian mong pag-aralan ang mga konsepto. Ang bagal mong matuto!" Sambit ni Master Vulcarian habang pinapaalala ang kasalukuyang gagawin niya.
"Ah...eh kayo po master eh, dahil sa sinabi niyo ay pagsisikapan kong maabot ang pinakadulo ng Martial Arts. Ipapakita kong malakas rin ako noh!" Sambit ni Van Grego sa masayang boses.
"Tsk, daming mong dada!" Sambit ni Master Vulcarian habang nawala ang koneksyon nila sa isa't isa.