webnovel

Chapter 38

Habang nagkakaroon ng mga kakaibang pangyayari at paglantad o paglitaw ng isang Vessel Cultivator ay magkakaroon naman ng malawakang pagkawasak ng mga imprastraktura sa loob ng Hyno Continent maging ang mga kabahayan at kabuhayan ng mga indibiduwal na Cultivator ay masyado ng naapektuhan na siyang dumadami ang mga kasuwalidad ng mga biktima ng nasabing digmaan.

Ang mga tao ay nagsilikas at nagtago sa iba't ibang parte ng maliit na kontinente ng Hyno lalo na sa mga tagong mga kuweba at makikipot na lugar kung saan ay inaakala nilang ligtas para sa kanila ngunit kaibahan ito sa kanilang inaasahan. Mistulang mga anay o insekto lamang sila kung paano sila matakot sa mga taong mananakop lalo na sa mga mayroong pinoprotektahang mahal sa buhay.

Ang mga batang musmos pa lamang ay hindi matigil-tigil ang iyak sa naririnig na malalakas na pagsabog mula sa mga walang awang pagpapasabog at pagpapalipad ng mga delikadong mga bagay na ang iba ay pampasabog o kaya ay mapangwasak ng bagay na matatalim o mabibigat na siyang nagdudulot ng malakas na impact kapag natatamaan ang bagay o lupa. Nagkaroon ng negatibong mga epekto ang digmaang ito sa mga Ordinaryong mamamayan na naninirahan sa maliit na kontinente ng Hyno.

...

Samantala...

Sa lugar na kinaroroonan ng mga mandirigmang Cultivator ay halos hindi maubos-ubos na mga Cultivator na gustong sumakop sa Hyno Continent ang biglang lumilitaw ngunit nasusupil rin nila ang mga ito. Ngunit sa dami ng mga nakalaban nila ay matinding pagod at exhaustion ang kanilang nararamdaman patunay na rito ang medyo may kabagalan nilang atake sa mga kalaban ngunit nasasabayan pa rin nila ang kalaban.

Sa iba't ibang parte ng Hyno Continent ay makikita ang mga nakakakilabot na mga labanan at mga walang katapusang pagdagsa ng mga kaaway o mga mananakop na gustong angkinin ang mga lupain o mas mabuting sabihin na ang buong Hyno Continent. Mula sa ordinaryong mga kaaway na kapwa nila Cultivators na bronze Rank hanggang Diamond Rank ang mga Cultivation Rank ng mga mananakop na Cultivators ang bigla na lamang susulpot sa isang direksiyon at mararahas na pag-atake ang kanilang ginagawang taktika upang hindi agad-agad sila maubos.

Merong oras na sabay-sabay silang susugod sa mga Mandirigmang Cultivator na mga miyembro na sinanay sa pamamagitan ng espesyal na programa ng Hyno Academy sa loob ng Alchemy Powerhouse Association upang layuning daplisan o sugatan man lamang ito ngunit hindi naman ito masugatan man lang ng normal na mga armas na siyang pagkakaroon ng panic sa mga mananakop na Cultivators.

Kahit na sinubukang tusukin ng mga mananakop ang mga vital points ng mga Mandirigmang Cultivators ay wala silang nakitang dugo o kaya ay sugat sa mga ito na siyang pagbuwag ng kanilang depensa lalo na ang iba ay sinubukang tumakas ngunit hindi sila pinatakas o kaya ay binigyan ng awa ng mga Mandirigmang Cultivators ng Hyno Continent. Samakatuwid ay masyadong mahina ang mga Primary Stage na lebel ng Cultivation ng isang Cultivator na kanilang kinakalaban.

Habang papatagal ang oras na kanilang ginugugol sa walang katapusang pakikipaglaban sa mga mananakop na Cultivator ay siya ring unti-unting pagbabago at pagtaas ng ranggo ng mga Cultivators na dumadagsa at nilalabanan nila ito at pinapatsy agad kung kinakailangan dahil layunin nilang protektahan ang Alchemy Powerhouse Association laban sa mga mananakop.

Nang matapos sila sa labanan ilang minuto lamang ay agad na nagmeditate ang mga Mandirigmang Cultivators upang bumalik ang enerhiyang kanilang inilabas kani-kanina lamang sa pamamagitan ng pag-upo sa komportableng lokasyon sa isang lugar malapit sa pinangyarihan ng labanan at nagsimulang mangolekta ang kanilang katawan ng Spiritual Energy ng langit at lupa na sa paligid nila lamang nakakalat at unti-unting pumasok sa kanilang acupuncture points papunta sa kanilang dantian na siyang manghahati ng mga enerhiya papunta sa Iba't-ibang parte ng katawan nila, simula sa meridians nila papunta sa mga ugat at mga buto nila hanggang sa maabot nito ang pinakadulong pate ng katawan ng isang Cultivator.

Napamulat ng mata ang mga mandirigmang Cultivator dahil na rin sa paparating na nilalang sa kanila na siyang nagpaalarma sa kanila. Nasa isang daan pa rin ang bilang nila hanggang ngayon. Walang bawas ni isa sa kanila ngunit kakikitaan na sila ng exhaustion at labis na pagod sa kaninang mga sagupaan. Nagkalat ang mga bangkay ng mga kaaway nila sa lugar malait sa pwestong kinauupuan nila.

Malaking suliranin nila ngayon ay ang malapit ng maubos ng kanilang mga Cultivation Resources lalo na ang mga Martial Pills na siyang kinakailangan nila sa kasalukuyan nilang sitwasyon. Mahirap ang kanilang ginagampanang tungkulin lalo pa't hindi nila batid kung makakaligtas sila o hindi sa ganitong laban.

"May paparating dito, humanda kayo mga kasama!" Sambit ng isang babaeng mandirigmang Cultivator na siyang nagsilbing pinuno nila sa pangkat na ito. Siya si Lona Silvario na isa sa limang libong Mandirigmang Cultivators ng Alchemy Powerhouse Association na siyang inatasang pamunuang ang siyamnapu't siyam na mandirigmang Cultivators na kasa-kasama niya ngayon.

Agad na naalarma ang lahat at pinalakas ang kanilang mga Spiritual Senses upang pakiramdaman ang mga nilalang na paparating sa kanila. Nalaman nilang tatlong katao lamang ito ngunit ang bilis ng kanilang paglipad papunta sa direksiyon nila ay napakabilis. Agad na pinataas nila ang kanilang depensa.

Maya-maya pa ay agad na nakita nila ang tatlong Cultivator na siyang nagpatigil ng kanilang alalahanin.

Nagkaroon ng malakas hiyawan at mga sari-sarong komento ang mga Mandirigmang Cultivators liban na lamang kay Lona Silvario. Agad niyang inihanda ang kaniyang espesyal na Talisman. Hindi siya mangmangupang magpadala sa sinuman. Itinatak niya sa kaniyang isipan na huwag magtitiwala sa kahit kaninuman na kanilang makita o masagupa sa gitna ng digmaan na siyang hindi nila kasama ng sumabak sila sa mga labanan. Malaking tanong pa rin sa kaniya kung ano ang ginagawa ng tatlong Lider ng bawat Departamento na naririto. Ano ba ang kanilang layunin sa pagpunta dito sa kalagitnaan pa ng laban? Ito ang malaking pangambang namumuo sa puso't-isipan ni Lona Silvario. Hindi siya tanga upang hayaan na lamang na may mapahamak sa kasamahan niya. Masama ang kutob niya rito. Isa siyang lider kung Kaya't hindi niya hahayaang may mapahamak ni isa man sa kaniyang mga kasamahan. Hindi lamang siya ang naguguluhan sa pangyayari maging ang ibang mga kasamahan niya ay nagtataka na rin. Na-analisa nila ang bawat pangyayaring ito at para sa kanila ay masyadong mahiwaga at kakaiba ito dahil kailan pa nagkaroon ng utos si Mr. V sa kanila na kailangang pumunta ng personal ang mga Lider ng bawat pinuno?!.

Tanaw na tanaw ng siyamnapu't siyam na Cultivator ang tatlong Cultivator na kilala nila dahil ang mga ito ay walang iba kundi sina Jack Mirusa, Zenori Cartagena at Luis Guiano. Kalmadong ekspresyon lamang ang makikita sa kanilang mga mukha. Makikita ng mga tipid na ngiti ang kanilang mukha ng makita nila ang buong miyembro ng isangdaang mandirigmang Cultivators.

"Naririto na si Ginoong Jack Mirusa, siguradong hindi na tayo mahihirapan sa pagpaplano kung paano natin mapapatumba ang mga kalabang darating sa direksiyong ito!"Sambit ng isa sa isang daang mandirigmang Cultivator habang makikita ang malaking paghanga kay Ginoong Jack Mirusa.

"Nandito din ang iniidolo kong si Ginoong Zenori Cartagena. Balita ko ay marami na siyang nasagupang mga madudugomg labanan maging sa paghawak ng mga sandata ay napakabihasa nito!" Buong pagmamamyabang na sambit ng isa sa mga mandirigmang Cultivator habang ang ibang mga Cultivators ay tango lamang ang kanilang naging tugon tanda ng pagsang-ayon.

"Kung ang inyong mga hinahangaan ay ganon lamang, ibahin niyo si Ginoong Luis Guiano dahil hindi man siya bihasa sa pagpaplano at paghawak ng mga sandata ay kaya naman nitong lamangan ang kahit na sino sa pamamagitan ng kaniyang malalakas na mga Martial Arts Technique na maghahatid sa kaniyang kalaban ng agarang kamatayan.

"Mabuti at dumating silang tatlo upang talunin natin ang sinumang magnanais na wasakin ang teritoryo ng ating Asosasyon." Dagdag pa ng isa sa mga mandirigmang Cultivator dahil na rin sa nahihirapan rin siya sa sitwasyong kinakaharap nila.

Marami pang mga Sari saring komento ang maririnig sa paligid na ito ngunit binasag ito ng isang boses.

"Magsitigil kayo, huwag niyong hahayaang makatapak o magtangkang lumapit sa tatlong pinuno ng bawat departamento!" Seryosong sambit ni Lona Silvario ng may diin habang tinitingnan ang bawat isang miyembro ng grupong ito.

"Ha?! Naririnig mo ba ang isip mo Lona, Pinuno sila ng bawat departamento ng ating Asosasyon!" Sambit ng isang miyembro ng mandirigmang Cultivator habang kakikitaan ng hindi pagsang-ayon sa sinabi ng lider nila.

Marami ang hindi rin sang-ayon sa utos ni Lona Silvario. Para sa kanila ay masyadong ginagamit ni Lona Silvario ang kaniyang posisyon upang sila ay utusan.

"At ano naman ang iyong pinaparating Lona, Masyado ka yatang marahas sa ating mga pinuno!" Sambit ng isang mandirigmang Cultivator na hindi sang-ayon sa utos ni Lona Silvario.

"Masyado mo yatang ginagamit ang iyong pagiging pinuno ngunit sino ka para sundin namin!" Sambit ng isang mandirigmang Cultivator ng pabalang.

"Isa ka lamang mahinang babae na sipsip kay Mr. V. Puro ka lamang satsat!" Sambit ng isa pang lalaking Cultivator na halatang hindi nagustuhan ang sinabi ng dalaga.

"Pablibhasa ay abusadong babae ang ating lider. Kung makapagsalita ka sa ating mga pinuno ay parang mga kaaway natin sila pero hindi naman talaga." Sambit ng isa pang mandirigmang Cultivator.

Halos lahat ay nagkakaroon na ng hating desisyon ukol sa pagsunod kay Lona Silvario na lider nila o ang pagsuway rito.

"Humanda sa paglikha ng Battle Formation!" Sambit ni Robi Farnon sa malakas na boses. Siya ang pangalawang lider sa grupong ito. Likas siyang tahimik at kakikitaan ng palaging seryoso lalo na sa mga delikadong sitwasyong kinahaharap nila kagaya ngayon. Sa kaniyang pagsalita ay siyang pagbatid nito na sang-ayon siya sa sinabi ni Lona Silvario.

Limampu't-isang mandirigmang Cultivators ang pumuwesto upang gumawa ng isang battle Formation. Ngunit ang apatnapu't-pitong mandirigmang Cultivators ay nakatayo pa rin sa kanilang puwesto walang bakas ng pagsunod sa ipinag-uutos sa kanila.

"Ano pa ang hinihintay niyo, pumwesto na kayo!" Galit na pagkakasabi ni Robi Farnon habang inuutusan ang mga hindi sumusunod sa kanilang grupo. Hindi niya gustong magalit sa mga ito ngunit naging matigas na ang mga ulo nito at ayaw ng sumunod sa mga utos nila.

"Humanda kayo dahil isusumbong namin kayo sa mga Pinuno ng bawat departamento!" Sambit ng isang mandirigmang Cultivator halatang hindi sang-ayon sa utos ng kanilang lider na si Lona Silvario.

"Mga paninirang walang katuturan lamang ang sinasabi niyo sa tatlong pinuno ng bawat departamento!" Dagdag pa ng isa.

"Salubungin na lamang natin ang tatlong Pinuno natin kaysa magsayang ng laway sa mga lider-lideran dito!" Sambit ng isang mandirigmang Cultivator na animo'y tumatayong lider laban sa kanilang pagtalikod sa kanilang lider.

Agad na lumipad ang apatnapu't-pitong mandirigmang Cultivator papunta sa direksiyon ng mga lider ng tatlong Departamento. Makikita ang saya sa kanilang mukha dahil narito na sa kanila ang tatlong Pinuno ng Alchemy Powerhouse Association.

...

"Hmmmp! Bitawan mo ko Robi Farnon!" Sambit ni Lona Silvario habang nagpupumiglas ito sa bisig ni Robi Farnon na mahigpit na nakakapit sa katawan nito upang hindi siya makawala.

"Ano naman ang gagawin mo Lona, pipilitin mo sila? Ginawa na natin ang ating makakaya ngunit nagbingi-bingihan sila sa ating paalala." Paasik na sambit ni Robi Farnon habang may komplikadong ekspresyon na makikita sa mukha nito.

"Ano, hahayaan mo lamang silang umalis? Nakalimutan mo bang isa rin tayong lider ng grupong ito. Mas may kapangyarihan tayong utusan sila sa ayaw at sa gusto nila!" Sambit ni Lona sa medyo madramang tono. Hindi niya gustong may mapahamak ni isa sa kanilang mga kasapi lalo pa't hindi basta-bastang digmaan ang kanilang kinakaharap. Sigurado siyang may mali sa sitwasyon lalo pa't posible rin para sa kanya na may mga traydor sa loob ng Assosasyon. Kahit wala siyang patunay ay malakas ang kutob niya.

"Pupuntahan natin ang lokasyon nila ngunit hindi tayo masyadong lalapit sa kanila. Magmamatyag lamang tayo ngunit ipangako mong wag kang gagawa ng ingay o anumang di kanais-nais na eksena." Sambit ni Robi Farnon kay Lona Silvario na nakahawak pa rin ng mahigpit kay Lona.

Nang marinig ni Lona Silvario ang sinabi ni Robi Farnon ay naging maaliwalas ang mukha nito.

"Talaga ba?!"makikita ang saya sa mga mata ni Lona Silvario habang sinasabi niya ang maikling tugon na ito kay Robi Farnon.

Alam ni Robi Farnon na nagiging makulit si Lona Silvario. Masaya ang dalaga sa kanyang narinig mula sa binata.

"Oo nga, gusto mo bang bawiin ko ang aking sariling salita?!"makikitaan ng pagkairita ang boses ni Robi Farnon habang tinitingnan ang dalaga. Ayaw niya talagang paulit-ulit na sasabihin ang kaniyang sinabi kung kaya't ganon na lamang ang irita niya.

"Sige, ano pa ang hinihintay natin, tara na!" Masiglang sambit ng dalaga ng kumalas siya sa bisig ng binatang si Robi Farnon. Lilipad pa sana siya ng biglang higitin ng binatang si Robi Farnon ang kanang kamay nito.

"At saan ka naman pupunta, Lona?!" Sambit ng binatang si Robi habang hinihigpitan ang kapit niya sa kamay ng dalaga.

"Ahh...ehh...edi sa mga matitigas ang ulo na mga kasapi natin sa grupo." Sambit ng daagang si Lona na makikitaan ng pagkislap ng pares ng magagandang mata nito.

"Kakasabi ko lamang na hindi tayo maaaring makita ng mga kasapi natin at ng tatlong mga pinuno ng Alchemy Powerhouse Association." Seryosong pagkakasabi ni Robi Farnon habang nakatingin sa dalagang si Lona Silvario.

Biglang namula ang dalaga dahil sa kahihiyan at kapabayaan ng kanyang padalos-dalos na kilos. Nang napagisip-isip niya ang kasulukuyang sitwasyon ay mali talaga siya. Wala siyang ideya kung ano ang kanyang gagamiting paraan upang makalapit sa pwesto ng dalawang panig.

Nang napagisip-isip niya ito ay nilingon niya ang binatang si Robi Farnon habang nagkakaroon ng animo'y isang malaking question mark na mababakas sa mukha nito habang nakataas ang kanang kilay nito maging ng kanyang dalawang kamay ay nakadantay sa tiyan nito.

"At paano natin sila mamamatyagan ng hindi nila tayo makikita?"sambit ni Lona Silvario habang nakapalumbaba. Nakapameymang na ito at halos kainin na ng buhay si Robi Farnon. Sinasabi ng mata ng dalaga na imposible na hindi sila makita ng sinuman habang lumalapit sila sa mga mandirigmang Cultivator na para sa kanya ay mga suwail na at ng tatlong Lider ng tatlong departamento na hindi niya alam kung ano ang pakay ng mga ito.

"Meron ako nito." Masayang pagkakaroon ni Robi Farnon habang hawak-hawak ang isang bagay na kanina ay hinahalungkat niya sa kanyang Excellent-Grade Interspatial Ring.

"I-invisible A-air B-bubbles" Utal-utal na pagkakasabi ni Lona Silvario habanag iba ay laglag-panga sa bagay na ipinakita ni Robi Farnon.

Bab berikutnya