webnovel

Chapter 19

Habang nag-iisip ng ibang bagay si Van Grego ay wala siyang pakialam sa magiging laban ng dalawang binata lalo pa't sigurado naman siya kung ano ang magiging resulta ng labanan na ito.

Sa panig naman ng dalawang itinuturing na malalakas na Martial God Realm Expert ay Wala silang nagawa kundi ang lumipad sa kalangitan ng may madilim na ekspresyon lalo pa't sino ang matutuwa sa kayabangan ng dalawang binata lalong-lalo na sa binatang kakalabanin pa lamang nila.

Ito ang nag-udyok sa kanila na ipamalas ang kanilang galing sa larangan ng pakikipaglaban at ipamukha sa binatang nagngangalang Marciano lalo na sa hambog na si Roco na mas malakas silang dalawa kaysa sa kanya.

Hindi nila hahayaang madungisan ang kanilang pangalan at dignidad lalo pa't itinuring din silang malalakas kahit na hindi sila maituturing na henyo sa mga henerasyon nila ay kayang-kaya naman nilang lamangan ang mga bagong henerasyon sa larangan ng Cultivation, Lakas at karanasan sa pakikipaglaban.

Agad na nagtagpo ang tatlong tao sa kalangitan. Bilang Martial God, Ang paglipad ay isang pinakasimpleng gawain para sa kanila. Ang tatlong taong ito ay sina Roco, Framiyo at si Commander Wilson.

"Kailangan nating mag-ingat Framiyo, ramdam kong malakas ang binatang nasa harapan natin. Kailangan nating magtulungan para masiguro nating nasa atin ang pabuya ahahaha!"sambit ni Commander Wilson na may malaking mithiin para sa anumang gustuhin nila.

"Hmmm, sige!" Tugon ni Framiyo lalo pa't napag-isip-isip niyang dapat ay may makuha siyang pabuya lalo pa't wala siyang napala sa naging misyon kung kaya't inaasahan niyang kahit dito lamang ay maiuwi man lang siya kahit papano. Hindi niya kailangan ng kaniyang pride kudi lakas para mapatumba ang binata.

"Kung gano ito ang plano" sambit ni Commander Wilson at ipinasa niya ito gamit ang kanyang divine Sense kung saan ay isa itong espesyal na abilidad na tanging mga Martial God lamang pataas ang magkakaroon nito.

"Ang iyong plano ay napakahusay, siguradong mapapatumba ko ang binatang ang ating kakalabanin hehehe!" Sambit ni Framiyo ng matapos niyang makita ang kanilang planong ginawa mismo ni Commander Wilson. Nakangisi siya habang sinasabi ang mga katagang ito sa kanyang kasama na si Commander Wilson.

Sobrang tagal ng kanilang pag-uusap ni Commander Wilson at ni Framiyo kung kaya't nakisawsaw na ang bagot na bagot na si Roco.

"Wala pa bang may mas itatagal yan? Magbubukang-liwayway na oh!" Sarkastikong sambit ni Roco lalo pa't hindi na nakakatuwa para sa kanya na ang tagal ng kalaban. Pinakaayaw niya pa nan na naaaksaya ang kanyang oras sa walang kabuluhang bagay. Pagak na lamang siyang natatawa sa dalawang matandang kung magplano daig pa ang mga babae sa lakas ng mga boses nila. Napatampal na lamang siya sa kanyang noo.

"Tapusin na natin to Commander Wilson lalo pa't ayaw na ayaw ko sa mga batang to, sa atin pa rin ang huling halakhak bwahahaha!" Sambit ni Framiyo habang iniisip niya ang gusto niyang maging premyo ganon din si Commander Wilson.

"Light Binding Whip!" Sambit ni Commander Wilson sa kanyang walang pasabing atake.

Agad na lumitaw ang hugis latigong liwanag sa kamay ni Commander Wilson at agad na ginapos nito ang mayabang na binata para sa kanya.

"Dark Sky Punch!" Malakas na sigaw ni Framiyo at agad na may lumitaw sa kalangitan ng isang napakalaking suntok na siyang agad na bumagsak sa buong katawan ni Roco.

Nabalot ng napakaitim na usok ang lugar at maging ang daloy ng hangin ay naging marahas sa paghampas. Napakahirap na makita ang lagay ng binata.

"Tama lang yan sayo bata, sumuko ka nalang bata para di ka na masaktan pa lalo bwahahaha!" Suhestiyon ni Framiyo sa binatang si Roco lalo pa't kating-kati na rin ang kamay niya sa malaking pabuyang gusto niyang makamtan.

"Oo nga, hindi namin gustong saktan ang tulad mo, bata ka pa kaya dapat isaalang-alang mo rin ang mas nakakabuti sayo ha!ha!ha!" Dagdag ni Commander Wilson lalo pa't wala siyang intensiyon na saktan ang binata.

"Yun lang ba angkaya niyo? Anong klaseng atake yun, atake ba yun? Mayabang na pagkakasabi ni Roco matapos niyang malasap 'daw' ang napakalakas na atake nila. Napatawa na lamang siya sa sinasabi ng dalawang may edad na mga Cultivator na ito.

"Ano nga ba pangalan mo? Commander Wangwang ba o Bansot?" Inosenteng pagkakasabi nito sabay turo kay Commander Wilson.

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!!!" Tawa ng tatlong katao na nandirito na sina Marciano, Mr. V at maging si Framiyo na halos mamatsy na kakatawa.

"Ikaw naman, ikaw ba si Flamingo, Or Planggana? Pero parang nasa letter "I" nagsismula yung pangalan mo eh, Ingot ba eh Negro ka diba?!" Inosenteng pagkakasabi ni Roco sabay turo kay Framiyo.

Nang marinig ito ni Framiyo ay halos mag-init ang ulo niya dahil sa sinabi ng binata.

"Bwahahahahahahahahaha!!!!" Mas malakas na humagalpak sa kakkatawa ang tatlong katao na sina Marciano, Mr. V at si Commander Wilson.

Inaakala ni Commander Wilson na malala na ang sinabi sa kanya ng binatang nagngangalang Roco ngunit nang marinig niya ang sinabi ng binata sa kakampi niya sa labang ito na si Framiyo ay hindi niya mapigilang humagalpak ng kakatawa.

Lingid sa kaalaman ni Framiyo at Commander Wilson, ang kahinaan ni Roco sa pakikipaglaban ay ang di pagkaalala ng pangalan ng kanyang lalabanan. Kaya't hindi na iba sa kanila kung magtatanong ito ng pangalan ng kanyang kalaban.

"Ikaw! Masyado ka na bata ha, tuturuan kita ng leksyon para magtanda ka!" Sambit ni Framiyo na parang umuusok na ang ilong nito sa pinaghalong galit at pagpapahiya sa kanya ng binatang kanilang kalaban sa kasalukuyan.

"Hindi mo kami maloloko Negro, Hindi mo tunay na pangalan ang Ingot, Isa kang buhay na Oling!" Ganti pabalik na sabi ni Roco na seryosong sinasabi ang lahat ng ito.

Nagpipigil naman tumawa sina Marciano, Mr. V at Commander Wilson ngunit hindi niya din mapigilang magalit sa binata ito na siyang kalaban nila.

Dark Prison of Hell! Sambit ni Framiyo ng isa sa napakalakas niyang skill. Masyado niyang minamaliit ang binatang ito ngunit tuluyan na siyang nagalit kung kaya't ipapalasap niya ang kanyang galit sa binata.

"Holy Light Judgement, Seal!" Sambit ni Commander Wilson lalo pa't bilang isang Guardian tungkulin niyang turuan ng leksiyon ang sinuman na siyang hindi nirerespeto ang kanyang posisyong hinahawakan.

"Tigil!" Sambit ni Mr. V lalo pa't alam niyang mga Soul Skill ang mga ito. Hindi lang mga ordinaryong mga skill ang mga ito. Iaang Holy Skill at Forbidden Skill ang mga ito na siyang magdudulot ng kawasakan sa sinumang tatamaan ng Dalawang pinagsamang skills na ito.

Ngunit huli na si Mr. V lalo pa't mabilis na inihagis ito sa kinaroroonan ng binatang si Roco.

Ahhhh! Kitang-kita ang unti-unting pagkasunog ng balat ng binata sa likod na bahagi ng katawan nito.

"Bagay lamang yan sa binatang pasaway na katulad niya, Bwahaha!" Walang humpay na tawa ang namuo sa damdamin ni Framiyo.

Maging si Commander Wilson ay tumawa rin ng malakas. Tama lang iyon. Isang buhay lang naman ang nawala. Para sa Guardian na katulad niya, ang buhay ng mga tao dito sa nasasakupan niya ay wala lamang sa kanya. Kapangyarihan ang palaging nananaig at namamayani sa mundong ito. Hindi niya na kasalanan kung bumangga ang mga mahihina sa malalakas katulad sa kalunos-lunos na sinapit ng binatang ito na para sa kanila ay isang mangmang, puro salita walang namang gawa.

Bab berikutnya