Now playing: Ikaw pa rin - MRLD
Nicole POV
I didn't tell anyone that I was here at Baylight. I just wore a cap and changed the way I dressed so that no one would recognize me at first glance.
Sa tanang buhay ko, hindi ko akalain na magiging ganito ako ka-obsess sa isang tao. Talagang sinasadya kong pumunta rito tuwing hating gabi, nagiging habit ko na rin yata para lamang kahit papaano ay masilayan ko si Violet kahit man lamang sa malayuan.
Pagkatapos nang nangyaring noong araw na iyon sa restaurant, dahil sa lakas ng trip ni Chase sa buhay ay para bang wala na akong mukha pang maihaharap kay Violet. Sobrang hiyang-hiya talaga ako sa ginawa ni Chase at hindi ko matanggap na makikita ko na namang magkasama sina Violet at Katie.
Ewan ko ba at bakit parehas naming pinahihirapan ang mga sarili namin. Gayong pwedeng-pwede naman naming piliin ang isa't isa. Hindi pa naman kami kasal sa mga jowa namin. May pagkakataon pa para kumawala kami, hindi ba?
Ilang araw nang umiikot-ikot sa aking isipan ang mga salitang iyan.
What if this time, palakasan na lang ng loob? What if this time, sumugal na kami pareho nang matapos na ang paghihirap namin at tuluyan na kaming maging masaya?
Kasi walang mangyayari kung hindi namin susubukan, hindi ba? Hindi namin malalaman kung hanggang saan kami dadalhin ng kapalaran, kung wala sa amin ang may isang maglalakas ng loob para gawin iyon.
Kaya lang iniisip ko, masyadong mabait si Katie para saktan ni Violet. Hindi naman ako ganun kasama at insensitive para agawin sa kanya o kunin ang taong pagmamay-ari naman talaga niya. At kung magiging akin man si Violet, gusto ko magiging kami nang walang ibang masasagasahan o masisirang relasyon.
At isa pa, ayaw kong i-risk si Violet para gawan siya ng masama ni Chase. Maraming bagay pa akong dapat na i-consider bago gumawa ng final move at desisyon. Ayokong magpadalos-dalos at ayokong sundin lang ng sundin ang emosyon ko, lalo na sa sitwasyon na meron kami ni Violet dahil dalawa kami ang magiging dehado.
"She's pretty right?"
Nagulat na lamang ako noong may tumabi sa akin na isang babae. Hindi ko maaninag ang kanyang mukha dahil medyo madilim sa pwesto nito. Hindi ko siya pinansin at nagkuwari na lamang na hindi ko siya narinig.
"Alam mo kung ako sa'yo, lalapitan ko na siya at hihingin ang number niya. Tapos hihintayin kong matapos ang shift niya at dadalhin ko siya sa Hotel." Dagdag pa niya bago napatawa.
Noong tumawa ito ay tuluyang napatawa na rin ako habang napapailing.
"I can't do that." Sagot ko bago napainom sa display na alak mula sa lamesang nasa harapan ko. Dahil ang totoo hindi ko naman talaga ito iniinom. Hindi naman kasi alak ang dahilan bakit ako nandito eh.
"Why?"
"She's obviously taken." Sagot ko. "Sa ganda niyang 'yan, imposible na wala siyang girlfriend." Dagdag ko pa.
Ngunit natawa lamang ito. "Look. Hindi lahat ng maganda, may jowa. 'Yung iba nagba-bartender lang." Wika nitong muli.
Muli kaming nagtawanang dalawa bago ko inilahad ang kanang kamay ko sa harap niya upang magpakilala.
"Nicole." Pagpapakilala ko sa kanya ng aking pangalan.
"That's a victory name." Komento nito habang patango-tango at agad na tinanggap naman ang kamay ko.
"Aisha." Pagpapakilala niya ng kanyang pangalan. Napatango-tango.
Ang girly naman masyado ng pangalan niya. Napalunok pa ako noong sandaling tinitigan ko ang kanyang mukha pero hindi ko pa rin ito maaninag.
I suddenly felt a weird feeling so I quickly withdrew my hand from her and stood up.
"Are you okay?" Agad na tanong nito sa akin. Mabilis na napatango ako.
Marahil pagod lamang din ito at kailangan ko nang magpahinga.
"I-I'm sorry, I think I need to go?" Wika ko. "Nice to meet you, Aisha." Nakangiting dagdag ko pa at tatalikod na sana nang muli niyang tawagin ang pangalan ko. Muli naman akong napalingon sa kanya.
"Take care!" Sabay kaway na sabi nito sa akin.
"Thanks!" Tipid ang ngiti na pasasalamat ko sa kanya at mabilis nang nagtungo sa exit.
Mabilis naman na binuhay ko ang makina ng aking sasakyan at agad na pinasibad ito. Noong may kalayuan na ako sa mula sa Baylight ay parang biglang lumambot ang gulong ng kotse ko, hanggang sa tuluyang inihinto ko na lamang ito in the middle of knowhere.
Mabilis na bumaba ako ng kotse at hindi nga ako nagkakamali, flat 'yung isang gulong nito sa unahan. Napapahinga na lamang ako ng malalim bago kinuha ang cellphone ko mula sa loob ng kotse at mabilis na tinawagan ang number ni Skyler.
Nakakatatlong ring pa lamang ito nang sagutin niya.
"Hello, Sky! Gosh! Thank God! You're still awake---"
"Aaahhhhh...hhhhmmmm yes! Yes!"
"Errr!!" Mabilis na inilayo ko mula sa aking tenga ang cellphone dahil sa ungol na naririnig ko mula sa kabilang linya.
Wtf?!
"Skyler!" Muling pagtawag ko sa kanyang pangalan ngunit hindi pa rin ito sumasagot habang patuloy ko pa ring naririnig ang mga ungol. Napapatirik na lamang ako ng aking mga mata at papatayin na lamang sana ang tawag noong marinig ko ang mapang-asar na tawa ni Skyler.
"Walang nakakatawa, Skyler!" Saway ko sa kanya. "Na-flat 'yung gulong ng kotse ko and I don't know where I am." Pumaparoon at parito na paliwanag ko sa kanya.
"Nicole...kung ano mang kailangan mo, I'm busy. Pwede mong tawagan ang ibang friends natin." Saad nito mula sa kabilang linya. Habang ako naman ay napapaismid pa rin sa lakas ng ungol ng kung sino mang babae na kasama n'ya.
"Pwede bang iwanan mo muna 'yan dahil wala akong ibang matawagan na malapit sakin kundi ikaw lang!" Utos ko sa kanya. Ang galing 'di ba? Ako na nga itong may kailangan.
"Ah! 'Wag ka ngang basag trip d'yan. Hindi mo ba naririnig? I'm just eating my dinner and let me enjoy it first." Dagdag pa niya at tuluyan nang ibinaba ang tawag.
Arrghh!! At sino namang tatawagan ko sa ganitong oras?! Banas na tanong ko sa aking sarili.
There's no way na tatawagan ko si Chase para lamang dito. Edi nabuko ako na nanggaling sa Baylight.
Pero kung minamalas ka nga naman. Napapamura ako nang maraming beses sa aking sarili noong mapansin ko ang isang kotse na papalapit ngayon sa kinaroroonan ko.
It's Chase.
Sinusundan ba n'ya ako or what? Paano niya nalamang nandito ako?
Malakas ang preno ng kanyang sasakyan na inihinto niya ito sa tapat ko at galit na galit na bumaba ng kotse.
Magsasalita pa lamang sana ako para sabihing na-flat 'yung gulong ng kotse ko, noong mabilis na nilapitan niya ako bago sinalubong ng napakalakas na sampal.
Hindi ko mapigilan ang mapangiwi sa sakit ng palad nitong tumama sa pisngi ko at agad na nalasahan ang dugo mula sa gilid ng labi ko.
Mabilis na hinawakan ako nito nang mahigpit sa aking mukha, sa may ibabang parte ng baba ko habang nanlilisik ang mga matang nakatingin sa akin.
"P*t*ngina! Nalingat lang ako sandali kung saan-saan ka na naman pumupunta?!" Gigil na gigil na wika nito at malakas na isinandal ako sa kotse ko.
Hindi ko mapigilan ang muling mapangiwi dahil sa pagtama ng likod ko sa handle ng pintuan nito.
"Akala mo siguro hindi ko malalaman 'no? Hanggang kailan mo ba ako lolokohin?! Ha?!" Dagdag na tanong niya at mas hinigpitan pa ang pagkakahawak sa mukha ko na parang halos makiga na ako.
"C-Chase...please. L-Let me go!" Naluluha nang pakiusap ko sa kanya.
"Ahhh, gusto mong bitiwan kita! Ganito ba?!" Pero mas lalo pa niyang hinigpitan ang paghawak sakin, na kulang na lang ay maubusan na ako ng hangin sa katawan.
Kaya naman wala na akong naging choice pa kundi ang gamitin ang buong lakas ko para tuhudin siya sa kanyang pagkalalaki. Dalawang beses kong ginawa iyon, una para maluwagan niya ang pagkakahawak sa akin at pangalawa, para makatakbo ako papalayo mula sa kanya.
Mabuti na lamang din at nasa kamay ko lang ang cellphone at susi ng kotse ko. Habang tumatakbo ako papalayo ay nai-lock ko pa naman ang aking kotse.
Tumakbo lang ako nang tumakbo dahil naririnig ko pa rin ang mga sigaw niya habang galit na galit na tinatawag ang pangalan ko.
Nagulat na lamang ako noong may kotse na biglang huminto sa aking harapan.
"Nicole! Get in!"
Walang alinlangan at mabilis na sumakay ako sa kotse nito. Noong sandaling nasa loob na ako ng kanyang sasakyan ay agad na muli niya iyong pinasibad papalayo.
Bigla akong nabuhayan ng loob noong makita ko ang kanyang mukha, ngunit awtomatiko rin na napangawa na lang. Ramdam na ramdam ko ang panginginig ng buong katawan at kalamnan dahil sa nangyari, but I feel relief dahil nasa tabi ko nang muli si Violet ngayon.
"Are you sure ayaw mo munang umuwi sa inyo?" Concern na tanong nito habang ginagamot ang sugat at mga pasa ko sa aking mukha.
Napatango ako.
"Ang stupid ko!" Wika niya. "Malamang dahil mahahanap ka rin ni Chase roon." Dagdag pa niya at sagot din sa sariling katanungan. Hindi na lamang ako muling kumibo pa. Hanggang sa nakita ko na lang na isa-isang naglalaglagan ang mga luha niya.
Agad naman akong nag-alala at hinawakan ang kamay niya.
Napailing ito. "I'm so sorry, Nic. Hindi man lang kita nagawang maipagtanggol kanina." Umiiyak na paghingi niya ng tawad. Napailing ako at magsasalita na sana nang maunahan niya.
"Fuck him! Pagbabayaran niya ang ginawa niyang ito sa'yo." Muling saad niya.
Ngunit natawa lamang ako at hinalikan siya sa kanyang labi.
"Ang importante dumating ka pa rin." Dagdag ko pa. "Alam mo man o hindi ang nangyari, hinayaan pa rin ni Universe na mapadaan ka noong mga oras na 'yun at nakita mong tumatakbo ako." Pagpapakalma ko sa kanya. "See? Magkasama na tayo ngayon." Dagdag ko pa.
Napasinghot ito at marahan na niyakap ako.
"I'm glad I left the bar early." Muling itong kumalas at napahinga ng malalim. Marahan na hinawakan ako nito sa aking mukha. "Ang ganda-ganda mo pa rin kahit na may pasa at galos ka. Walang kupas!" Atsaka ako hinalikan sa aking noo at marahan na halik din sa aking labi.
Hindi ko mapigilan ang mapangiti.
"Sigurado ka bang safe ka rito?" Napatango ako.
Nasa hacienda kasi ako ngayon na pagmamay-ari ng pamilya nina Skyler. Originally, pagmamay-ari ni Aunt Billy. Kung saan siya lumaki. Dito ako nagpahatid diretso kay Violet matapos niya akong madaanan kanina. Walang sino man ang nakakaalam sa property na ito kundi kami-kami lamang na magkakaibigan at syempre, pati na rin ang aming mga magulang.
Madalas kasi sa mga property na katulad nito ay bihira lamang namin ipinapaalam sa iba, unless na lang pinagkakatiwalaan na talaga.
Chase doesn't know this place so I know I'm safe here. Isa pa, maraming mga trabahante ang nandidito, kung susugurin man ako rito ni Chase, maraming magtatanggol sa akin dahil kilala na nila ako rito.
Napapalunok na kinuha ko ang kamay ni Violet at hinalikan ang likod nito.
"Stay here with me, V. Please?" Pakiusap ko sa kanya.
Ngunit napalunok lamang ito na para bang hindi siya sigurado ngunit bigla siyang napangiti sa akin.
"Sa tingin mo ba kaya kitang iwanan nang mag-isa, pagkatapos ng nangyari?" Sagot nito sa akin. "Hindi na ako mawawala pa ulit sa tabi mo. At hinding-hindi ko na hahayaan na may mangyari pang muli na masama sa'yo." Dagdag pa niya.
Habang sinasabi niya iyon ay basta na lamang pumasok muli sa aking isipan si Katie. Alam kong hahanapin siya nito. Pero... marahil ito na rin ang panahon kung saan kailangan nang mamili ni Violet sa aming dalawa.
Dahil ako, sigurado na ngayon, siya ang pinipili ko at paninindigan ko. Hinding-hindi ko na hahayaan na bumalik pa muli kay Chase after what happened. Hinding-hindi ko na lolokohin pang muli ang sarili ko na mag-stay sa isang relasyon at taong hindi na ako masaya at naging toxic na.
"Paano si Katie?" Hindi ko napigilang itanong sa kanya.
Napabuga ito ng hangin. "Nic, the moment I stopped my car earlier and let you in, the moment I agreed to you coming here and decided to stay with you, I know and I am sure of myself that you are the one I choose." Hindi ko mapigilan ang mapakagat sa aking labi para pigilan ang aking pag-iyak noong marinig ang mga sinabi niya.
"I choose you, without hesitations and doubts. And I will fight for us." Dagdag pa niya. " Alam kong maiintindihan din ako ni Katie. At alam ko rin na, hinihintay niya na lang na gawin ko ang desisyon na'to." Pagpapatuloy niya.
Muli akong lumapit sa kanya para yakapin siya. Agad naman na niyakap ako nito pabalik at isiniksik ang kanyang mukha sa aking leeg.
Alam kong hindi magiging madali ang pagdadaanan namin, pero nakahanda na ako sa anumang mga pwedeng mangyari.