webnovel

Chapter 22

PUPUNGAS-pungas siya ng magising may pagkain na rin sa ibabaw ng mesa niya. Bago siya napatingin sa orasan umismid siya ng makita ang oras alas-onse na pala bakit hindi manlang siya ginising ni manang Gina?

Naupo siya sa kama pero hindi pa siya kumikilos  upang gawin ang dapat gawin pagkagising. At nang maalala ang nagdaang gabi muli niyang naramdaman ang kirot sa dibdib niya.

Ano na kaya ang nangyari sa dalawa? Ipinilig niya ang kanyang ulo bago siya umalis sa kama kasabay naman non ang pagkatok bago bumukas ang pinto iniluwa nok si manang Gina na naka ngiti habang may bitbit itong basahan.

"Tinanghali ka ng gising iha.. Teka bakit na mamaga ang mga mata mo? " Agad siyang nag iwas rito ng tingin. Bago sumagot at iba ang idinahilan.

"Na mimiss ko lang po sina kuya at mama. " Bumuntong hininga ito bago nito binitawan ang hawak noting basahan.

"Bakit ayaw mong sabihin kay Señorito na namimis mo na ang mama at kapatid mo? Para

madalawa mo. " Umiling siya.

Wala itong alam kung bakit nga ba siya naroon kapag sinabi niya rito ang sitwasyon niya maaaring mapahamak ito kaya minabuti niya na lamang ang manahimik at huwag ipaalam ang tungkol sa sitwasyon niya.

"H-hindi  na lang po manang. "

"Gusto mo ka-usapin ko si Señorito--"

"H-hindi po! " Nabahala siya agad sa sinabi nito mariing itong napakunot noo.

"Bakit hindi? "

"A-ako na lang po pala ang kakausap sa

kanya. " Tumango ito.

"Siya sige sabi mo. Teka ikay bay nag agahan na ni hindi mo nagalaw ang pagkain na dala ko. "

"Kainin ko na lang po mamaya itatanong ko lang po kung nasaan po si Keron? "

"Ay! Oo nga pala maaga siyang umalis kasama niya yung.. Sino bang pangalan nong magandang babae na iyon si.. Si Ashtrid. "

"Tingin niyo po kaano-ano niya po kaya si

Ashtrid? "

Aniya habang  malalim ang isip pag paling niya namilog ang mga mata niya dahil nakita niya si mamang na may nakakalokong mga ngiti.

"Alam ko ang pakiramdam ng ganyan. "

"M-manang wag po kayong---"

"Asus! Kunwari kapa. baka kaibigan niya lang yon si Ashtrid wag kang mag isip ng kung ano-ano dyan huh?  Sige na kumilos kana. Tawagin mo na lang ako kung may kailangan ka. "

"Sige po salamat po manang. " Ngumiti at tumango ito. Bago tuluyang lumabas at iwan siya.

___________________________________________________

LUTANG ang isip niya nang maga oras na iyon buong maghapon ay hindi niya nakitang umuwi ang binata ni anino nito ay wala.

Naiinis siya kakahintay kung bakit wala ito. Agad siyang nalungkot pumasok nanaman kasi sa isip niya ang babaeng nag ngangalang Ashtrid. Dikaya magkasama ang ang dalawa?

Bumuntong hininga siya bago napalingon sa gawi niya si Juro agad itong lumapit sa kanya at naupo sa kanyang tabi.

"Malungkot ka? "

"Hindi." Suplada niyang sagot. Eh, sa na iinis siya ngayon araw at nasasaktan.

"Hindi ah, pero ang lungkot ng mukha mo. "

"Hindi nga po. "Tinawanan lang siya nito.

"Gusto mo ipasyal kita sa resort ng mga Deoson La Venuz? "

Namilog ang mga mata niyang lumingon rito ilang bises niya narin sinubukan na kung maaari ay ipasyal siya roon ng binata pero palagi naman din itong tumatanggi. At pagkakataon niya na rin siguro para makagamit siya roon ng telepono gayon wala siyang makitan kahit ano mang cellphone o telepono sa mansion ni Keron. Para matawagan ang kanyang kapatid at mama Ema.

Tila alam ng binata ang gagawin niya kaya maging sa resort na nais niya sanang ipasyal siya nito ay hindi nito magawa at umiiwas na huwag siyang dalhin roon.

Yes!

"T-talaga? Ipapasyal mo ako roon? "

Ngumisi ito bago tumango pero agad rin bumulong at luminga sa paligid baka marinig sila ng tauhan ng binata paninigurado pa nito.

"Shh.. Oo basta wag ka lang maingay saka. Wag karin hihiwalay sakin huh? Kasama naman natin sina Nick At yung kapatid kong babae na si Ele para naman kahit papaano marelax ka tch. Si boss kasi hindi ko malaman kung bakit kailangan ka niyang ikulong rito bubulukin ka ata non. "

Pag bibiro pa nito pero may pananabik sa puso niya dahil sa plano nito.

"Ngayon na po ba? " Tanong niya pa.

"Oo. Saka palagay ko hindi uuwi si Boss kayat mag enjoy na lang muna tayo habang wala pa siya. "

"Yay! Tara, tara. "

Pag gayak niya at labis na tuwa. Nagpasalamat naman siya kahit papaano ay mabait sa kanya sina Nick, Juro at Nigo. Maging ang mga kasambahay sa masion kabilang na roon si manang Gina.

LABIS SIYANG nang enjoy dahil nabawasan ang sama ng loob niya sa binata tila lahat ng agam-agam niya ay nawala pero may kaonting lungkot parin siyang naramdaman.

Napamaang na lamang siya ng sabuyan siya ng tubig ni Nick. Kayat naka simangot siyang gumanti rito nag tawanan sila at noon lamang din niya na enjoy ang sarili na wala satabi niya ang ina at kapatid.

Napahalak-hak na siya ng makita niyang nadulas si Nigo kaya ang nangyari dumiretso ito sa pool. At sinampahan naman ito ng tatlo.

Lahat sila masaya pero agad rin siyang napahinto kailangan niyang makausap ang kapatid. At pagkakataon na niya iyon para makaalis siya mula sa puder ng binata kahit may halong lungkot siyang na raramdaman.

Pero kailangan niyang gawin hindi habang buhay ay nasa puder siya nito kahit alam na niya sasarili niya na may pagtingin na siya sa binata kahit pananadalian lamang wala naman din kasing katiyakan kung hanggang saan nga ba tatagal ang namamagitan sa kanilang dalawa kayat nakapag disisyon na siya para narin hindi na lumalim pa ang nararamdan niya kahit mali talaga kailangan niyang itigil.

Kahit sinong makakakita at makakalam iisipin ng lahat na isa lamang iyong kahibangan na nagkagusto rin siya sa isang lalaking malaki ang agwat ng idad nila. At iisipin ng iba na bata pa siya lilipas rin ang nararamdam niya.

Kung sana ganon lang kadali pero hindi. kahit sabihing bata pa siya, ang nararamdaman niya ay totoo hindi lang pang minordi-edad  o kung ano paman basta alam niya sasarili niya na gusto niya si Keron at mahal na rin niya ata pero. kailangan niya parin supilin ang nararamdaman.

Baka labis lang kasi siyang masakta sa bandang huli.

©Rayven_26

Bab berikutnya