webnovel

Capitulo ótsó

Chapter walo: Welcome to the another world.

KIBAKABAHANG iminulat ni shakira ang kaniyang mga mata upang makita kung sino ang ulupong na nagbabalak na gawan sila ng masama dahil sa mga galaw nito munit..

"Relax, Okay? Ako 'to." ang baritonong boses na iyon..

She don't know but when she saw him-- her heart stop beating hard immediately.

"Mister rozzen!" ang kaniyang anak ang nagpatunay na hindi nga sya basta nagiilusyon lang kun'di totoong nasa harapan niya ngayon si sir rozzen!

"What are you doing here?" agad nitong tanong kahit na alam nya naman na kung ano ang sagot.

lumapit naman sakaniya si julia at gulat pa siya nung makitang yumakap ito sa paa ng lalaki!

"Julia.." tawag nya dito munit hindi man lang siya nito nilingon-- bagkos ay tumingin ito kay sir rozzen na mayroong takot sa mga mata.

"Mister rozzen, tulungan nyo po kami! May kumidnap po sa'min at inilagay kami sa truck na puno ng kadiliman! Nakakatakot po mister rozzen, kaya please po tulungan nyo kami.." halatang halata ang takot sa boses ng kaniyang anak dahilan para maibaba nya ang kaniyang kamay na nagplaplanong pigilan ito sa pagpunta kay sir rozzen kanina.

Naiilang na iniangat nya ang kaniyang tingin sa lalaki munit nagulat siya nung nasa kaniya ang paningin nito!

"Are you okay?" hindi nya alam kung may mahika ba ang tanong 'yon dahil bigla nalang nanginig ang kaniyang katawan at bumalik ang kaninang nararamdamang kaba!

munit ngayon ay kakaiba-- pakiramdam niya ay may sasaklolo na sakanila ngayon.

pakiramdam nya ay ligtas na sila ngayon dahil narito ang lalaking ilang beses tumulong sakanilang dalawa.

Para siyang napipi at hindi makapagsalita kung kaya't iling lamang ang naisagot nya.

"Please po tulungan nyo kami.. Natatakot po ako." napatingin ulit siya sa anak nyang mahigpit ang yakap kay mister rozzen.

Nagulat siya nung unti-unting binuhat ni sir rozzen si julia na para bang isa lamang itong papel!

"Don't worry, you're safe with me." seryosong ani nito sakaniyang anak na tumango dito!

"Maraming salamat po mister rozzen,ang dami nyo na pong naitulong sa'min kahit po nung una ay sobrang sama ko pa po sainyo." biglang ngusong ani ni julia! "Pero sinuklian nyo po ng kabaitan, angel po ba kayo? O hulog po ba kayo mula sa heaven? sobrang bait nyo po kasi e.. " at nagsimulang magdaldal ang anak nya na para bang walang nangyari.

Isa sa mga gusto niyang ugali ng anak niya-- hindi natatakpan ng positive vibes nya ang kahit ano mang nakakatakot na pangyayari.

Katulad nung nangyari noon..

"Ate! Huhu, I'm sorry.. Nalate na naman ako, sorry! Please forgive me" umiiyak niyang ani habang yakap yakap ang puntod ni Sheila ang nag iisang ate niya.

"Mama.. Mama" sa gitna ng kaniyang pagdradrama ay bigla nalang lumapit sakaniya si julia na mayroong ngiti sa labi. "Huwag lungkot mama, smile lang mama.."

sa edad nitong isang taon, hindi siya makapaniwalang sa ganitong sitwasyon niya pa ito masasandalan-- sa sitwasyon kung saan siya rin naman ang may kasalanan.

Umiiyak siyang kinuha ang kamay nito at inilagay sa kanyang mga pisnge.

"H-Hindi umiiyak si mama, look oh.. nakangiti si mama" pinilit niyang ngumiti.

Mas lalong lumaki ang ngiti ni julia sakaniya na mas lalong nagpagaan ng kalooban niya.

"Ganda mama, ngiti lang lagi." nakangiting ani niya kaya tatango tango naman siyang natawa.

Sa kabila ng malungkot na pangyayari, nandyan siya para ibahin ang vibes ng oras na 'yon.

Hindi nya alam kung matatawag ba 'yong maganda o ano dahil imbis magluksa ay mababalin mo sakaniya ang atensyon mo dahil sa sobrang kadaldalan nito na wala kang choice kun'di makinig kung ayaw mong magalit ito sa'yo!

"So.. Bakit kayo napadpad dito?" tanong ni sir rozzen habang naglalakad sila patungo sa way na pinaglakaran nila kanina lang!

Hindi niya tuloy ulit maiwasan ang kabahan at mag isip ng kung ano ano lalo pa't sobrang dilim na at siguradong hinahanap na sila nang mamang iyon!

'Hindi ko masyadong nakita ang mukha niya, munit alam kong sapat na ang tangkad niya upang mahuli kami..'

napalunok siya sa kaniyang sinabi.

Totoo iyon, Ang tangkad ng estrangherong naglakas loob na kumidnap sakanila ay kasing tangkad lamang ni..

'sir rozzen.'

Bigla siyang napatigil sa paglalakad-- unti unting nanlaki ang mga mata niya.

"Hindi kaya.." unconsciously niyang bulong!!

"Hindi kaya ano?" halos mapatalon na siya sa gulat nung maramdaman nung bigla itong nagsalita!

Tinignan nya ang lalaki-- Kung titignan mo ito ay para nga talagang gagawa ito ng masama dahil nga maganda ang pangangatawan nito munit, kung titignan mo at makikilala mo ito, iba siya sa mga naiisip mo bagkos ay matulungin at mabait rin siya.

'Kaya imposibleng siya yon, napaka imposible shakira.'

"W-Wala.." iwas tinging sabi nya.

Napangisi si sir rozzen na bahagya pang tumaas ang isang kilay nito na tila ba hindi naniniwala.

"W-Wala nga.." pagpipilit niya, munit wala man lang nagbago sa itsura nito kaya napabuntong hininga siya. "N-Natatakot lang ako at nag aalala normal lang naman ito 'diba?" kunwareng tanong nya pa rito na umayos naman na ng tayo.

"Bakit mo naman yan nararamdaman? I already told you, You're safe with me. Wala akong gagawin sainyo." may ibinulong pa ito sa huli munit hindi nya na narinig pa.

Napabuntong hininga siya at napaiwas ng tingin.

"Hindi mo naman maalis sa'kin ang pag-aalala, lalo na sa ganitong sitwasyon at oras sir rozzen.. Nag aalala ako sa aming dalawa ni julia at natatakot ako para kay julia.." pinagmasdan nya si julia na likod lamang ang nakikita nya dahil bahagyang naka patong ang pisnge nito sa balikat ni sir rozzen na halata namang natutulog na dahil sa mumunting hilik. "Hindi sya sanay sa ganito, kahit pa sabihin mong nakaligtas kami at nakaya naming tumakas-- Hindi pa rin namin maiwasang mangamba kasi.."huminto sya sandali. "S-Sa mismong tahanan namin, hindi rin kami ligtas." seryosong sabi nya at napayuko..

Oo, Ramdam na ramdam nya ang mga yapak ng mga tao-- o tao nga ba ang maitatawag sa mga iyon?

Laging nakabantay ang mga ito sa tahanan nila-- hindi man sila ganon kaingay ay nakakatakot ang presensyang nararamdaman nya na sana ay hindi nararamdaman ng anak niya. Sinubukan nya naman wag pansinin, pero minsan kase ay hindi nya kaya-- gusto nya itong tanungin kung bakit laging naka bantay ang mga ito sa bakuran ng bahay niya munit hindi nya magawa dahil natatakot sya na baka mapasama silang mag ina.

walang lalaki sa tahanan nilang magliligtas sakanila, wala ring lalaking kapitbahay ang handang iligtas silang mag ina-- Siya lang ang sasandalan ng sarili niya habang karga karga ang anak nyang si julia sa likod niya.

"Gusto ko nang buhay na tahimik para kay julia.." bigla ay nagsalita sya habang nakatulala sa kung saan. "Pero ewan ko ba kung bakit hindi ko yon magawa kahit anong gawin ko.. Kasi kung kaya ko, Eh, di sana wala na kaming dalawa dito or in the first place, we're not here." maluha luhang sabi nya.

Nakatingin lang sakaniya si sir rozzen kung kaya't nakaramdam siya ng hiya.

"S-Sorry, h-hindi ko na n-napig---"

BAHAGYANG NAPATAAS ANG BALIKAT NIYA NUNG BIGLA NALANG SYANG YAKAPIN NI SIR ROZZEN.

lahat lahat ng iniisip niya nakakamanghang bigla na lamang naglaho-- naging blangko ang utak niya at kumalma bahagya ang puso niya.

"I'm ready to listen to you, If only i can.. Me gusta quedarme contigo asi.." hindi nya man maintindihan kung anong sinabi ng lalaki sa dulo ay bigla na lamang lumakas ang tibok ng puso niya.

Para siyang nawawalan ng hangin sa loob loob.

Nakakapagtaka ma'y gustong gusto niya ang mainit na yakap mula rito na hindi nya man maintindihan kung bakit ay ayaw nya na ring umalis, Para kasing safe siya-- safe silang mag ina sa mga bisig nito.

Parang 'yong warm na nararamdaman niya ay umaabot sa puso niyang pinatatag ng tadhana.

"Thankyou,zen.." hindi nya na alam kung ano ang sumunod na nangyari bagkos ay bigla na lamang bumagsak ang katawan niya dala ng sobrang pagod..

bago pa man niya maipikit ng tuluyan ang kaniyang mga mata'y napagmasdan niya pa ang pagtataranta ni sir rozzen at napakinggan nya pa ang pagtawag nito sakaniya.. at bago rin siya tuluyang makatulog ay narinig nya pa ang huli nitong sinabi bago magdilim ang paningin niya..

"I'll never let them hurt you.. Gagawin ko ang lahat para maprotektahan ka, kayo.. Sana hayaan mo lang ako."

NAGISING SI SHAKIRA sa isang hindi pamilyar na kwarto! Puros damit ng mga lalaki at mga gamit panglalaki ang nakita nya noong inilibot niya ang kaniyang paningin sa buong kwarto!

pero teka..

DAMIT PANG LALAKI?!

Agad siyang napatayo dali sa pagkataranta dahilan para hindi nya napansin ang isang maleta sa lapag at bumagsak sya sa sahig!!

"Aray.." daing niya habang hinahawakan ang ilong na hindi man dumugo'y alam niyang namumula ang Ilong nya!

hindi pa siya nakakatayo nung biglang narinig nya ang pagbukas ng pinto at ang nga yapak na papalapit sakaniya!

"Fuck, Are you okay?" sa narinig na boses ay agad nagising ang buong diwa niya!!

Ngayon niya lang naalalang nahimatay nga pala siya habang nakayakap kay rozz--

TEKA! NAKAYAKAP?!?

mabilis pa sa alas kwatrong nginudngod niya lalo ang kaniyang mukha dahil sa naramdamang hiya!

"Hey! What are you doing??" rinig nyang tanong nito at base sa boses nito ay siguradong nasa malapit na ito sakanya!

"Wala! Wala.." sagot nya. di niya sigurado kung narinig ba nito ang sinagot nya dahil nakangudngod pa rin ang mukha niya sa sahig!

"Hey, shakira? Tumayo ka diyan." maawtoridad ma'y soft na pagkakatawag nito sakaniya--

wait, at saan nanggaling ang SOFT?!?!

Ipinikit nya nang mariin ang mga mata niya!

'Argh! Ano bang pinagsasabi ko?!?!'

Naiinitan na siya dahil sa posisyon at medyo hindi na makahinga munit dahil mas matigas pa sa bato ang ulo niya hindi pa rin sya dito nakinig!

"No, Uh can you please leave rozzen?" pakiusap niya rito.

Narinig nya ang mahinang halakhak nito dahilan para inis nya itong nilingon!

"What are you laughing at?" taas nyang tanong na ikinatigil ng binata.

"Nothing.. I just remember someone ganon na ganon rin kasi ang sinabi niya non.." halos abot langit ang ngiti nito na halos mapunit na rin ang labi nito sa sobrang ngiti niya! munit agad iyon nabura nung mapunta ang paningin nito sa ilong niya!! "Huh? Wait, what happen there?" dahil sa tanong na iyon ay agad nyang narealize ang posisyon niya!

Hindi nya namalayang nakalingon na pala siya sa lalaking ito! Nakita na tuloy nito ang namumula niyang ilong--at ramdam niyang hindi lang ilong ang namumula sakaniya!

" w-wala.. " utal utal niyang sagot tsaka mulling idinukdok ang mukha sa lapag dahil sa kahihiyan!

"Hey, stand up shakira. Malamig ang sahig." walang panguutos ang boses nito munit may tonong hindi niya alam kung ano basta, sa tonong ito ay parang sinasabi niya na 'Kung hindi ka susunod sakin, ako na mismo ang tatayo saiyo.'

Kaya bago pa man iyon mangyari ay agad siyang napatayo!

" Tsk. "rinig nyang siring nito, hindi iyon siring ng nagagalit kun'di isang siring na nang aasar!

" Ano? Ayos lang ba ang sahig shakira? " at ayon na nga, ang mukhang seryoso, misteryoso at kung ano ano pang may 'so' sa dulo ay mukhang sisimulang inisin siya.

"A-Ah.. Ano 't-to l-lapag? L-Linis pala" bulong nya kunware habang kunware ring ikinikiskis ang paa sa sahig na malinis.

"hahaha" isang tawa ang lumabas sa bunganga nito na mas lalong nagparamdam sakaniya ng kahihiyan!

' damn it..'

hindi nya alam ang rason munit umangat ang kaniyang mga mata habang nakatingin sa lalaki-- naamaze siya sa tawa nito na para bang iyon ang kauna-unahang tawa na naging maganda sa pandinig niya!

sobrang ganda nito sa pandinig na halos mapangiti siya ng malaki..

"Hahahah.." isang tawa ang biglang narinig ng pandinig niya at nung lumingon sya sa kaniyang gilid ay may nakita siya doon..

Isang lalaki.. isang binatang nakasuot ng asul na polong hapit na hapit sa hindi pa nito maskuladong katawan habang nakatingin sa pwesto niya munit kahit anong lapit nito'y masiyadong malabo para sakaniya ang mukha nito...

tila may sariling utak ang kaniyang mga paa dahil bigla itong naglakad papalapit sa lalaking hindi nya kilala..

"I'm glad that i finally found you..." nakita nya ang labi nito-- ang bukod tanging parte ng mukha ng binatilyong nakikita nya'y nakangiti sa pwesto kung nasaan siya..

magsasalita na sana siya munit unti unti itong nawala sa paningin niya, pero gayon pa man ang ngiti nito'y nanatili sa isipan niya - - -

"SHAKIRA?" napakurap siya.

"B-Bakit?" utal niyang tanong.

"I'm the one who should ask you shakira, bakit ka nakatitig saakin?"

"Huh?" parang nabingi niyang tanong.

"Huh?" pang gagaya nito sakaniya! "I said, why're you staring at me with your teary eyes?"

dahil sa sinabi nito'y napahawak tuloy siya sa kaniyang mga mata..

"Okay ka lang ba?" tanong nito.

pinagmasdan niya ang lalaki, 'tsaka lumingon sa pwesto kung saan niya nakita ang binatang nagmamay ari ng tawang narinig niya.

"Shakira?" tawag ulit nito sakaniya.

"N-Nothing.. I-I was just preoccupied.." she answered unconsciously!

"baka gutom lang yan, let's go?" Tumango nalang siya at hindi na muling lumingon sa pwestong iyon..

MAKALAT NA LIVING ROOM, MAGULONG KUSINA, AT MADUMING DINNING ROOM ang nakita ng mga mata nya.

rozzen smiles awkwardly.

" I'm sorry. I-Ilang araw kasi akong hindi u-umuwi then.. " hindi niya na tinapos ang susunod nitong sasabihin dahil yumuko nalang ito at parang tutang napagalitan ng kaniyang amo.

" It's fine." sabi nya. " Do you mind if.. Maglinis ako?" awkward niya ring tanong habang na kay rozzen ang paningin na hanggang ngayon ay nakayuko pa rin.

"I-I don't mind, But i'll help you.." sa wakas ay nagtaas na rin ito ng paningin.

napaiwas siya ng tingin. "Hmm, then who's gonna entertain Julia?"

"oh fuck.." pabulong nitong mura, at buti nalang hindi nila kasama si julia na hanggang ngayon ay tulog pa sa katabing kwarto na tinulugan nya kanina!

" you go there. gisingin mo si juli--" pinutol nito ang sasabihin nya!

"A friend of mine!" bigla nitong sabi. " a friend of mine is good at entertaining.." para pang nahihiya nitong ani.

"We'll see." seryoso niyang sagot 'tsaka ngumiti ng pagkalaki laki.

lumiwanag naman ang mukha ni rozzen dahil sa sinabi nya, habang siya naman ay seryoso lamang nakatingin rito.

" JULIA, Maging mabait ka maliwanag?" utos ni shakira sakaniya habang hinahatid ang dalawa sa may pintuan, napatingin siya sa lalaking ngayo'y nakabusangot na katabi ni rozzen.

Kanina ay hindi sya pumayag-- actually ay si rozzen ang unang kumausap munit umayaw ito kaagad, nakakatawa nga ang dahilan na sinabi niya kay rozzen na sinabi rin nito sa'kin.

"Budd, I don't want to entertain her! Maingay siya, magulo at hindi nauubusan ng kwento!!"

ang mas nakakatawa pa doon ay ang reaksyon ni rozzen habang nagkwekwento..

" I almost laughed while talking to him! He looks like a kid complaining about his enemy that he'll never defeat hahahaha! "

at buti nalang malakas si rozzen dito kay khiro na ipinakilala niya rin kanina.

'tsaka nalaman ko rin palang ito pala ang nagbantay sa anak niya kanina nung mahimatay siya.

" thanks to you khiro." nakangiti niyang pasasalamat dito.

Hindi nya alam kung bakit ito namula, dahil ba sa sinabi niya o dahil mainit lang talaga?

"A-Ah y-yeah? Welcome." halatang pilit ang ngiti nito at nung tignan niya ang mga kamay nito ay nanginginig.

kumunot ang noo niya.

"ayos ka lang ba?" lalapitan na sana niya ito pero iniharang ni rozzen ang braso nito sa pagitan nilang dalawa ni khiro..

"He's okay, right khiro?" di nya alam, basta parang may diin yung 'khiro' nung binanggit ni rozzen ang pangalan ng kaibigan.

"Y-Yeah haha" pilit na tawa nito, halata ang kaba sa mga boses nito na lalong ipinagtataka niya munit hindi na ulit muli pang nagtanong dahil namumula na ito dahil na rin yata sa init.

Binalingan niya ang anak niyang kunot noong tumitingin kila rozzen at khiro.

"Anak, May problem ba?" tanong naman nya dito.

bumaling sakaniya ang anak niya na mabilis na ngumiti at umiling.

"Wala po." nakangiting sabi nito, napatango naman siya at lumingon kay rozzen.

At gulat pa siya nung makitang naniningkit ang matang nakatingin ito sa kung saan-- di niya mawari. Bago nya pa man masundan kung saan ito nakatingin ay tumingin rin ito sakaniya at tulad ng ginawa ng anak ay ngumiti rin ito sakanya na lalo niyang pinagtaka.

Si khiro lang yata sa kanilang dalawa ang hindi masaya, siguro ay ayaw talaga nitong makasama ang madaldal niyang anak bagkos ay sasakit lamang ang tenga mo kapag nagsimula na itong magsalita, dahil sa naisip ay nakaramdam tuloy siya ng kakaunting guilt.

"Sigurado ka bang ayos ka lang--"

"Oo ayos na ayos lang h-hehe.." agad nitong sagot tsaka naiilang na iniwas ang paningin sakaniya. "Tara na bulinggit-- i mean julia." baling nito kay julia na tumango at nagpaalam na sakanila..

Pinanood niya ang dalawang maglakad at napansin niyang nagmamadali ng lakad si khiro.

"Mukhang pinilit mo yata ang kaibigan mo the way na wala na siyang choice." aniya habang nakatingin pa rin sa daang tinahak ng dalawa.

"What? Ofcourse not. I asked him nicely.." tinignan niya ang mga mata nito at kakatwang iniiwas nito ang tingin na parang guilty pa nga.

"Okay, whatever." naisagot niya nalang bago pumasok sa loob ng bahay.

"KULAY KAPENG mga mata na naging itim na itim na mga mata, Maari bang mangyari iyon mister chicharon?" tanong ni Julia sakaniya habang tinatahak nila ang daan papuntang talon ng pasagjan para ilunod ang bata. djk.

"Oo naman normal 'yun,' tsaka ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na khiro ang pangalan ko at hindi chicharon?" nakanguso niyang ani.

Sa totoo lang ay naiinis pa siya kanina pa, Hindi naman sa nakakainis kausap at kasama ang bata sa totoo lang ay malilibang kang talaga na sa sobrang libang mo ay masisira ang ulo at tenga mo.

isa pa, matigas rin ang ulo ng batang ito kita't alam nyo naman 'diba?

Kung hindi nga lang bata' to matagal na nyang pinatahimik 'to, kaso' wag na baka sya 'yung mapatahimik, lalo na sa nangyari kanina.

T*ngina buddy, pakiramdam ko konting konti nalang sasabog na si rozzen eh! Buti nalang napipigil niya yung sarili niya, siguro nakakatulong din' yung ina nito.

"Alam nyo po mister chicharon, may kamukha po kayo." napatigil siya sa sinabi ng bata.

Napangisi sya ng malaki. "Hindi lang ikaw nagsasabi niyan bata, Ang daming nagsasabing kamukha ko daw si Jacob Black sa twilight" pagmamalaki niya.

Walang reaksyon ang batang nakaangat ang tingin sakaniya na para bang iniisip kung paano siya at bakit siya humihinga ngayon. Djk.

"Bakit? Hindi ka ba naniniwala?" nakangiti niyang tanong.

"Huwag ka po sanang magagalit pero baka po yung mga nagsasabi ng mga 'yan ay malalabo na po ang mga mata, Sobrang layo mo po kasi kay Jacob Black e." inosente pa nitong sabi.

Ngumiti ng pilit si khiro para pigilan niya ang sariling isako ang bata at ilunod sa pagsagjan.

" Hindi ka pala mabiro hahaha..." yun nalang ang tanging nasabi niya dahil wala na siyang maisip na iba kun'di ang itali ng patawarik ang batang kasama niya, djk.

"Mabibiro nyo po ako, Ang sabi po nang kasama ko po sa bahay na hindi ko po pwedeng sabihin ang pangalan dahil po ayaw niyang ipasabi dahil po baka daw po magustuhan niyo sya pero sorry po kasi may asawa't anak na po siya at may edad na po, minsan nga po naihi pa yon sa sofa na pinagtutulugan nya e. " mahaba nitong sabi na wala namang connect sa pinag uusapan nila. " Sabi nya po ay masiyahin ako at mabilis patawanin, napakabait ko pong bata at hindi nagpapasaway maliban nalang daw po kapag nilalabas ako sa bahay.. Mahilig daw po akong tumingin tingin ng mga bulaklak o kahit anong halaman sa bawat kantong pinupuntahan namin kaya madalas pong natatagalan kami kaya hindi na po ako minsan sinasamang maggrocery ni mama kasi po wala pa po kaming binibili pero maggagabi na po hindi pa po kami nakakauwi, tapos po.."

At doon nagsimulang pasakitin ni Julia ang tainga at ulo ni khiro.

Pakshet! Mukhang may pupuntang hospital mamaya ah..

Bab berikutnya