webnovel

COLD

Third Person's P.O.V

Sadyang napakahirap na kalabanin ang oras. Mahirap kalabanin ang tadhana, tadhana na tila kahit kailan ay hindi ka kinampihan.

He lost the battle for his first love and now, he lost another person that supposed to be his endgame. Fate is so unfair, 'yan ngayon ang nasa isip ng prinsipe ng nyebe habang tangan-tangan niya ang malamig na katawan ng binibining maraming beses ng laman ng kaniyang panaginip.

He is used with deadly cold yet feeling her frigid body is the form of coldness that he never wanted to feel. Mabilis na nabalot ng yelo ang buong tahanan ng dalaga dahil sa matinding negatibong enerhiya na nagmumula ngayon sa sugatan na prinsipe.

Mabilis na naramdaman ni Mino ang tila nakakapasong lamig sa kaniyang likuran habang sinasakal niya nang mahigpit ang isang halimaw na ngayon niya lamang nakita.

Mabilis na binali ni Mino ang leeg nito habang tinitignan niya ang tahanan sa kaniyang likuran na mabilis na nagyelo.

"Calix!" mahina niyang tawag sa prinsipe dahil tila lalamunin ng yelo ni Calix ang buong paligid ng tahanan.

Naubusan na naman muli sila ng oras upang magawang kausapin ang kaniyang mga magulang dahil nagmamadali nang husto si Calix na maabutan ang kaniyang kapareha na sinabi niyang nasa panganib.

Natagalan pa sila sa pagtakas mula sa kuta ng kaniyang mga magulang kaya mas lalo silang natagalan at nang makarating sila sa lokasyon ng babae ay napapalibutan na ito ng mga mababangis na halimaw.

Iilang katawan na din ng mga halimaw ang siyang nagkalat sa lupa na mabilis lamang na napatay ni Mino gamit ang kaniyang mga kamay ngunit aanhin ang lakas na pisikal kung tila huli na ang lahat.

Mabilis na tinapon ni Mino ang walang buhay na halimaw habang unti-unting nagkakaroon ng matatalim na yelo sa paligid.

Mabilis niyang tinungo ang pinto ng bahay at marahas itong sinipa upang mabasag ang nagyeyelong pintuan at agad na bumungad sa kaniya ang nakakakilabot na awrang nagmumula sa prinsipe.

Mabilis na namula ang isang mata ni Mino at mabilisan na nagsipatakan ang mga luha mula doon habang nakikita niya ang kalagayan ngayon ni Calix.

Nakaluhod ito sa nagyeyelong sahig habang tangan ang malamig na binibini na nababalot ng dugo ang kasuotan habang may bakas ng pagsusuka ng dugo sa bibig nito. Kumalat na din ang dugo nito sa malinis na kasuotan ng prinsipe.

Walang emosyon na nakatangin si Calix sa bangkay na kaniyang hawak-hawak habang nagniningas ang mga mata nito. Ramdam ni Mino ang tila pamatay na lamig ng paligid, kahit pa hindi niya nakikita ang presensya ni Calix ay batid niyang nakakasakal ito.

"Au-Audrey!" nanginginig na pahayag ni Vreihya habang patuloy na lulumuluha ang kulay pulang mata ni Mino. Hindi siya makapaniwala sa nakikita niyang walang buhay na dalaga habang tila walang balak si Calix na itigil na gawing yelo ang buong lugar.

Mababakas ang matinding panlalaban sa loob ng tahanan dahil sa malalalim na kalmot sa iba't-ibang parte nito. Nagkalat na din ang mga kagamitan na siyang nababalot na ng nyebe. Ilang mga katawan din ng mga mababangis na halimaw ang nagkalat sa loob.

"Calix," mahinang tawag ni Mino sa prinsipe at akmang lalapit upang hawakan ito ngunit mabilis siyang napainda dahil mabilis na nanlamig at nawalan ng pakiramdam ang kaniyang kaliwang kamay na akmang hahawak kay Calix.

Mabilis na nangitim ang mga daliri ni Mino dahil sa matinding lamig. He can see the deadly and harsh frostbite consuming his left hand.

Mabilis din itong gumaling pero hindi niya mapigilan na uminda dahil sa matinding kirot na dulot noon. Tila mas lalong humihirap na makahinga sa loob dahil sa matinding lamig habang tila hindi na nakakarinig pa ng kahit ano si Calix sa kaniyang paligid.

All he can see and understand is that the woman he is holding right now had lost its' heartbeat. All those years he prepared, all those struggles that he had faced on the sanctuary just to make himself ready to meet her is like a house of cards that are falling down right in front of his eyes.

"Calix, bakit may mga nilalang na ganito? Bakit nila gagawin ito kay Audrey?!" malakas na singhal ni Vreihya sa isip ni Mino na siyang naririnig ni Calix.

Wala siyang maintindihan, ngayon lamang siya nakakita ng mga ganitong nilalang, batid niyang tila may hindi magandang rason sa kabila ng lahat ng ito.

Tila napapaso sa sakit ang kaniyang dibdib habang nakikita niya ang kalunos-lunos na kalagayan ni Calix at mas lalong higit ang babaeng nakilala na niya noon.

"Mother betrayed me, our world had been controlled by evil forces, they are sending monsters like those to the human world to kill all the humans that are fated to be with vampires," malamig ngunit madiin na pahayag ni Calix habang nagsisimula ng umusok ang kaniyang buong katawan.

Mabilis na napakunot ang noo ni Mino habang mabilis na napasinghap si Vreihya dahil sa kaniyang nalaman. "No! Audrey!" muling napaiyak ang prinsesa at mabilis na napaluhod si Mino dahil sa tila bahagyang sumang-ayon ang kaniyang katawan sa nararamdaman na pagdaramdam ngayon ng prinsesa.

Ilang sandali pa ay narinig nila ang marahan na pagkabasag ng yelo sa kanilang paligid habang unti-unti itong nagiging kulay pula na gaya ng dugo.

"No, no Calix stop! Not this again, please!" mabilis na singhal ni Vreihya dahil alam na alam niya kapag nagiging ganito na si Calix. She already encountered this before when she broke his heart and it will surely lead to disastrous events.

Ngunit tila bingi ang prinsipe habang narinig nila ang nakakadiring pagbuka ng mga katawan ng halimaw sa paligid. Mabilis na napunit ang mga katawan nito bago dumanak ang kanilang mga dugo sa paligid.

Mabilis na umangat sa malamig na ere ang bumabaha nilang dugo bago ito nagyelo at naging tila matatalim na punyal. Mabilis na napatayo si Mino nang mabilis na tumutok sa kaniya ang matatalim na nagyeyelong punyal na gawa sa nagyelong dugo ng mga halimaw.

"Calix!" malakas niyang singhal sa prinsipe na tila walang naririnig habang unti-unting niyang naiikuyom ang kaniyang mga palad dahil sa matinding galit.

"Hindi na niya tayo kilala Mino, he always lose his ability to think when he became like this," kinakabahan na paliwanag ni Vreihya habang tila mas lalong tumatalim ang mga dugong punyal.

Hindi maiwasan na mangatal ng prinsesa habang sumasariwa sa kaniyang ala-ala ang unang pagkakataon na makita niyang ganito kalugmok si Calix. Bahagyang napaatras si Mino lalo na nang tila unti-unting lumalapit sa kaniya ang mga punyal habang tuluyan na namula ang yelo sa paligid.

"Calix! Kung naririnig mo man ako… ipaghihiganti kita, maghihiganti tayo! Tutulungan kita!" mabilis na singhal ni Mino sa prinsipe habang nagsisimula nang magyelo ang katawan ng binibining tangan ng prinsipe.

"Revenge?" malamig at mapait na turan ni Calix. "Revenge is never enough!" he declared emphatically as the pain grew bigger on his chest. This is the first time that he saw how beautiful his mate is and it pains him to think that it would be the last time too.

Mabilis na napainda si Mino dahil sa hindi niya napansin ang isang bumulusok na dugong punyal sa kaniyang direksyon at mabilis na nadaplisan ang kaniyang balikat.

Mabilis na hinawakan ni Mino ang kaniyang duguang braso at mas sinikap na tulungan si Calix na bumalik sa katinuan.

"We will do everything to murder the person behind this, we need to do this upang wala na silang mabiktima na katulad niya Calix. I need you to go back to your freaking senses and help me to go back there!" mabilis na singhal ni Mino. "They are going to murder innocent people like her, they are going to murder my kind as well! I need you to use this rage on them and not against me!" madiin ang bawat kataga na namutawi sa bibig ni Mino habang patuloy na nakakabinging nabibitak ang makakapal na yelo sa paligid.

Mabilis na nasalo ni Mino ang isang punyal na dapat sana ay tatarak sa kaniyang sintido at marahas niya ito binato pabalik sa direksyon ni Calix na mabilis na tinamaan sa ulo.

Marahas na napatingin si Calix sa kaniyang direksyon ngunit mabilis na lumapit si Mino at tsaka siya hinawakan nang mahigpit sa kaniyang kwelyo.

Mabilis niyang sinuntok si Calix sa pisngi nito at bahagyang napapilig sa kaniyang kaliwa ang mukha ni Calix na may bahid na ng dugo sa labi.

Muling hinawakan ni Mino sa kwelyo ang walang emosyon na prinsipe tsaka kapwa nagsalubong ang kanilang nagniningas na mga mata.

"Listen to me Elsa! I will not let you lift this fucking burden alone! We will return this instance and we will get our revenge! So don't fucking waste your fury on me! I know how it pains you to the core pero hindi ito ang magiging sagot sa lahat!" galit na galit na singhal ni Mino habang nakikipagpalitan ng madidiin na titig sa prinsipe.

Tuluyan nang nagyelo ang katawan ng binibini at akma na sanang susuntukin ulit ni Mino ang mukha ni Calix ngunit mabilis na nabalot ng yelo ang kamao niyang nasa ere at walang ano-ano ay biglang lumiwanag ang paligid.

Mabilis na nabitawan ni Mino si Calix at mabilis siyang napatingin sa kanilang kinalalagyan. Bahagya pa siyang nanibago dahil sa biglang pagbabago ng paligid ngunit tila mas lalong naging marahas ang lamig na kaniyang naramdaman.

Nakita niya ang bahay na siyang panandalian nilang naging tahanan noon kung saan ginamot ni Vreihya si Kypper ngunit sira-sira na ito. Tanda na nagkaroon ng isang matinding kaguluhan.

Marahas na bumuhos ang makapal na nyebe habang muli ng nakabalik si Vreihya sa kaniyang mundo. Mabilis na itinaas ni Mino ang kaniyang kamay upang bumuo ng isang force field na napapalibutan ng malakas na kuryente dahil sa bigla na lamang naging matalim ang mga bumabagsak na nyebe na siyang nakakasugat.

"I need you to do something. We will engage our plan now," madiin na pahayag ni Mino habang tila hindi pa din napapagod si Calix sa pagtangan sa katawan ng kaniyang kapareha.

"We will make this world see that those who are broken inside are the strongest."

Bab berikutnya