webnovel

MERCHANT

Ilang beses ko ng pinakatitigan ang mapa na hawak ko na iniligay ni Calix sa bulsa ng ibinigay niyang kasuotan sa amin. It is a long cloak that covers our entire body and a large hood to hide our head and cover our faces. Naglagay na lamang ako ng pulang panyo sa aking mukha upang panapal dito. Hindi man sila magkatulad ng kulay ng aking kasuotan ay sapat na ito upang maitago ang aking katauhan.

Ganoon din naman ang ayos ng mortal na nasa aking likuran. Sa muli kong pagtitig sa mapa ay batid kong kailangan lamang namin diretsuhin ang nagyeyelong landas na kasalukuyan naming tinatahak. Nagsisimula ng magreynang muli ang Dyosa sa kalangitan at wala akong balak na abutan ng dilim sa kagubatan na ito. Kitang-kita ko ang malalaking puno na balot na balot ng yelo, maging ang mga damo at bulaklak namumuti dahil sa nyebe.

Kahit nakakaawa silang tignan ay mga punot halaman sila na talagang nabuhay para sa ganitong klima. Without this cold they will perish. Natatanaw ko na ang mga kabahayan na iilang milya na lamang ang layo ngunit agad kaming natigilan ni Mino dahil kapwa kami nakarinig ng tila yapak ng tumatakbong kabayo. "Hide!" malamig kong turan at kapwa kami nagtungo sa isang nagyeyelong kumpol ng matataas na damo.

Agad na akong nakakita ng isang karwahe na gawa sa kawayan habang hinihila ito ng isang itim na kabayo. Tila nakabatid ako ng awa dahil sa nakita ko ang mga latay na nasa likuran nito na tanda ng hindi magandang pagtrato sa kaniya. Isang nilalang na may parehong kasuotan gaya namin ang nakita kong nagmamanipula ng karwahe. He is a merchant too. Rinig na rinig na madami siyang dala-dalang kalakal dahil sa tunog ng mga bagay sa loob ng karwahe.

Nang makakalampas na ito sa aming tinataguan ay agad akong nagulat dahil sa pagkahulog ng tila isang hugis kahon mula sa karwahe. Nagdulot ito ng malakas na ingay na siyang nakapukaw sa lalaking nagmamanipula ng karwahe. Hindi pa man siya nakakalayo ay pinigil niya ang kabayo niyang hingal na hingal na.

Agad kaming kapwa nakatitig ni Mino sa tila kahon na may balot pa ng isang telang puti na may bahid ng mga dugo. Tila hindi ko na ata gusto ang hinihinala kong laman ng may kalakihan na kahon. Ilang segundo pa ay bumaba ang mangangalakal at tinungo ang direksyon ng kahon. Agad nitong tinanggal ang tela at agad na tila impit na umiyak ang nasa loob nito. Agad na tila nakaramdam ako ng kurot sa aking puso dahil tama ang aking hinala.

Sa munti niyang katawan ay may mga tuyong dugo sa kaniyang balahibo habang mayroong sariwang dugo sa kaniyang leeg na tanda ng sugat na kakatamo lamang niya. Agad niyang isinagad sa gilid ng kulungan ang kaniyang katawan dahil sa takot. Ramdam ko ang kaniyang panginginig at hirap sa paghinga. Halos hindi na mabanaag ang kaniyang puting balahibo dahil sa magkahalong dumi at dugo.

Tila nais kong pigilin ang aking sarili sa nagbabadyang luha sa aking mga mata dahil sa kaniyang kalagayan. Its blue eyes are shouting for help habang nakikita ko ang malalim na sugat sa ibaba ng kaliwa niyang mata. Nabatid ko din ang tila kagustuhan ni Mino na lumabas at kunin ang munting nilalang na aming nakikita. "Gusto mo talaga ng nasasaktan huh!" agad na sinipa ng mangangalakal ang kulungan ng munting lobo at dahil dito ay naalog ito at muling impit na napaiyak.

Agad kong hinawakan ang palapulsuan ni Mino dahil akma na itong tatayo. Hindi pwedeng basta-basta kami gagawa ng aksyon dahil kailangan namin mag-ingat. "Eh kung paslangin na lang kitang hangal ka?" agad nitong pagbabanta sa nanginginig na batang lobo. Agad napatiim ang aking bagang dahil sa kaniyang sinaad. Napakalupit! Walang awa!

Ilang minuto pa ay inangat niya ang may kalakihan na kulungan at agad itong ibinalibag sa nagyeyelong daanan at rinig na rinig ang malakas na pagtama nito. Pagkalapag sa sahig ay makailang ulit niya itong pinagsisipa na siyang nagpapaiyak lalo sa batang lobo dahil sa naaalog siya at tumatama sa bakal na kulungan ang kaniyang nanghihinang katawan.

Hindi na ako nakatiis pa at sa aking kumpas ay agad na natumba ang isang malaking puno sa bandang likuran ng mangangalakal na siyang nakakuha ng kaniyang pansin. "Just act numb!" agad kong bulong kay Mino at gamit ang aking bilis ay agad kong kinuha ang kulungan habang napapasigaw na sa sakit ang lobo. Sa muling pagtingin ng mangangalakal ay agad niya akong nakita na prenteng nakatayo lamang habang tangan ang kulungan.

"Entrante! Ibalik mo sa akin ang aking alaga!" galit nitong singhal sa akin ngunit hindi ako natinag sa aking pagkakatayo. "Bawal sa batas ng mga mangangalakal ang ginagawa mong pagkuha sa isang lobo na pag mamay-ari ng kapwa mo mangangalakal," madiin nitong saad. In this world, merchants can legally have a pet wolf that they had purchased. Ganoon kababa ang tingin nila sa mga lobong nabubuhay sa mundo na ito. Tila isang pasiklaban kapag nagmamay-ari ka ng lobo lalo na kapag kakaiba ang lahi nito.

They think that owning a wolf is a social statement of their power and wealth. "Balak kong bilhin ang lobong ito!" malamig kong turan sa kaniya ngunit nag-init lamang ang ulo ko dahil sa kaniyang pagtawa. "Anak ng isang alpha ang lobo na iyan! Hindi biro ang ginawa ko para lang makakuha ng ganiyan!" tila nagmamalaki niyang pahayag. "Babayaran ko kahit magkano," seryoso kong saad sa kaniya. "Bakit tila malakas ang pagnanais mo na makakuha ng isang lobo?" nagtataka nitong tanong sa akin.

"Simple lang! Gusto ko lamang gumaling sa paglalatigo!" malamig kong turan at agad kong naramdaman ang panginginig ng lobo na nasa tangan kong kulungan. Batid ko ang kaniyang takot dahil sa aking tinuran ngunit ito lamang ang tanging paraan upang makuha ko ang tiwala ng mangangalakal. Batid ko ang kasiyahan nila kapag pinagmamalupitan ang mga lobo. Agad siyang natawa dahil sa aking tinuran at pinigil ko na lamang ang sarili ko na gumamit ng mahika upang matapos na ang lahat.

Batid kong may makakaalam na nandirito ako kapag nakita nila ang bangkay ng mangangalakal dahil nag-iiwan lagi ng halimuyak ng bulaklak ang katawan ng aking mga pinapatay. "Hindi ko na siya ipapabayad sa iyo-," agad na tumaas ang kilay ko dahil sa kaniyang pahayag kahit pa hindi niya ito nakikita. "-gusto kong latayan mo siya nang husto sa harapan ko mismo," saad nito kasabay ng isang nakapanlolokong tawa. Agad kong pinigil ang aking sarili na manginig dahil sa kaniyang tinuran ngunit pinatapang ko ang aking sarili.

Agad na nagwala ang lobo sa kaniyang kulungan na tila gusto niyang tumakbo papalayo sa akin. Panibagong impit na iyak ang namutawi sa kaniya. "TUMAHIMIK KA!" agad kong malakas na sigaw upang matuwa naman ang mangangalakal at agad na natahimik at nanginig sa takot ang lobo. Tila nais ko na siyang aluin at manghingi ng paumanhin ngunit kailangan niyang danasin ito upang makaalis na siya sa kamay ng malupit niyang amo.

Ilang sandali pa ay nakita ko na lamang ang aking sarili na hinahaplit ng latigo ang musmos niyang katawan habang tila hindi na ito gumagalaw sa pagkakahandusay niya sa malamig na kalsada. Tila gusto kong saktan ang aking sarili dahil sa aking ginagawa ngunit sinigurado ko na lamang na hindi sa nakakamatay na bahagi ng kaniyang katawan tumatama ang aking bawat haplit. Kitang-kita ko ang panghihina ng kaniyang katawan habang halos umalingawngaw sa kagubatan ang malakas na halakhak ng mangangalakal.

Mas lalong nabalutan ng dugo ang kaniyang balahibo at hindi na naiwasan ng aking luha na tumakas sa aking mga mata. Mabuti na lamang at hindi nakikita ang aking mukha. Halos magmakaawa ako na sabihin na ng mangangalakal na sapat na ang aking ginagawa dahil nadudurog na ang aking puso. "Tama na yan! Lubos na ang aking kasiyahan," masaya nitong pahayag kasabay ng tila halakhak ng demonyo. "Sa iyo na siya!" natatawa nitong usal at kasabay nito ay ang pagliwanag ng kaniyang palasingsingan at nakita ko ang tila liwanag na hugis singsing na may mahabang tali na nakakonekta sa nagliliwanag na leeg ng lobo. Sa kaniyang kataga ay nawala ang liwanag na singsing sa kaniya at sa akin ito nalipat na siyang tanda na ako na ang bagong may-ari ng lobo.

Nanginginig ang aking tuhod habang nakatitig sa walang malay na lobo. Pinigil ko ang aking sarili na tumakbo at aluin siya. Ilang segundo pa ay masayang bumalik ang mangangalakal sa kaniyang karwahe at mabilis na pinatakbo ang kaniyang kabayo.

Mabilis niya kaming naiwan at kasabay nito ay ang naramdaman kong marahas na pwersang tumulak sa akin kaya naman nakatulala akong napasalampak sa nyebe. Kitang-kita ko ang nanlilisik na paninitig sa akin ni Mino na tila ba gusto niyang manumbat. Nanginginig kong tinitigan ang aking kamay na may tangan na latigo at marahas ko itong itinapon.

"BAKIT KAILANGAN MO PA SIYANG SAKTAN NANG HUSTO!" malakas na singhal ni Mino at mabilisan niya akong tinalikuran at agad niyang binuhat ang nanghihina at duguan na katawan ng lobo. Kitang-kita ko ang tila namumuong luha sa kaniyang mga mata habang nanginginig niyang inaalo ang walang malay na katawan nito. Marahan niyang hinaplos ang mukha nito at naglabas lamang ito ng isang mahinang impit na tunog na tanda na nasasaktan siya.

"MGA ASAL HAYOP KAYO!" malakas at madiin nitong sigaw kasabay ng matalas na paninitig niya sa kin. I had to do that! Kailangan kong sundin ang kondisyon ng mangangalakal upang legal na mapasakin ang lobo. Ang singsing na liwanag ang tanda kung sino ang may-ari. Kung papatayin ko ang mangangalakal na hindi nalilipat sa akin ang singsing na liwanag ay tatabihan lamang ng lobo ang kaniyang bangkay at maghihintay hanggang sa mamatay na lang din siya.

Gusto kong ipaliwanag sa kaniya ito ngunit masyadong nadurog ang aking puso at hindi ko magawang makapagsalita. Nakita ko kung paano siya kumuha ng makapal na kasuotan habang tangan ang lobo at maingat niya itong ibinalot sa kaniya upang mabawasan ang panlalamig ng kaniyang katawan. Kapwa kami napatingin sa biglang pagliwanag ng katawan ng batang lobo at halos madurog na muli ang aking puso dahil sa katawang tao nito.

Punong puno ng sugat ang musmos niyang katawan. "Ama?" nanghihinang usal nito na tila nagbabadya ng umiyak. "Huwag ka ng matakot! Ako na ang bago mong ama," mahina at tila naiiyak na pahayag ni Mino kasabay ng isang mainit na yakap sa katawan ng bata.

Bab berikutnya