webnovel

Chapter 26: Hurt Feelings

×××

Ilang oras na ang nakalipas at nandito parin si Xian sa bahay ko.

Mahimbing itong natutulog sa sofa at ang ulo nito ay nasa hita ko.

Marahan kong pinasadahan ng aking kamay ang kan'yang malambot at itim na itim na buhok.

Naalimpungatan siya at inaantok na napa tingin sa akin.

"Kamusta ang tulog mo?"

Tanong ko. Hinawakan niya ang isang kamay ko at inilagay ito sa kan'yang pisnge na parang pinapakiramdaman ang init ng palad ko.

"Maayos, mas okay ang tulog ko pag nandito ka sa tabi ko"

Naka ngite nitong sagot. Hindi naman agad ako makapag salita at tinitigan ko lang siya.

Bumangon siya at niyakap ako.

"Dito nalang muna ako. Bukas na ako uuwi"

Sabi niya sa akin. Tinulak ko ang mukha niya palayo.

"Hindi nga puwede! Ilang bisis ko ba sa'yo sasabihin. Paulit-ulit ka naman Xian eh!"

Naiinis kong sabi sa kan'ya.

"Bakit kasi ayaw mo! Dito lang naman ako sa sofa matutulog, sasamahan lang naman kita dito sa bahay niyo!"

Pamimilit niya. Kahit anong sabihin niya hindi ako papayag.

"Alam mo ba bakit hindi ako papayag?"

Sabi ko sa kan'ya. Tahimik lang naman siya na naghihintay ng susunod kong sasabihin.

"Dahil hindi pa tayo mag asawa. Hindi puwede magsama ang lalaki at babae sa iisang bobong na hindi naman kasal! Ano nalang sasabihin ng iba? 'tsaka ang pangit isipin na may pinapatulog akong lalaki sa bahay habang wala ang parents ko!"

Sabi ko sa kan'ya. Parang nainis siya sa sinabi ko dahilan ng sinamaan niya ako ng tingin.

"Para kang matanda kong mag isip. Gusto lang naman kita samahan at wala naman tayong gagawing masama"

Sabi niya sa akin. Napa hilamos ako ng mukha dahil sa kakulitan niya. Gustong-gusto niya talaga akong samahan dito sa bahay.

"Hindi nga kasi puwede. Umalis ka na nga!"

Tulak ko sa kan'ya paalis ng bahay.

"Ayoko! Sinong makakasama mo rito sa bahay?! Paano kung may magnanakaw? Sinong po-protekta sa'yo? Kababae mo pa naman na tao at lampa kumilos!"

Napa angal agad ako sa sinabi niya at nanlalaki ang mata na itinuro ang daliri ko siya.

"Aba! Hindi ako lampa 'no! Atsaka bakit ka nag iisip ng gan'yan! Gusto mo lang matulog dito kaya tinatakot mo ko!"

Sigaw ko pabalik sa kan'ya.

"Hayaan mo na kasi ako na rito matulog!"

Naiinis na niyang sabi.

"Ayoko nga kasi! Ang tigas ng ulo mo!"

"Ikaw ang matigas ang ulo! Ang inisip ko lang naman ay iyong kaligtasan mo"

"Bahala ka na nga d'yan!"

Pagtatampo ko. Suko na ako sa kakulitan ng taong 'to.

Halatang ayaw magpatalo ni Xian eh. Kaya para wala ng gulo hinayaan ko nalang siya.

"Basta 'wag kang aakyat sa k'warto ko. Hanggang dito ka lang sa baba, okay?!"

Sabi ko. Napa ismid siya at tumango na lamang.

Napa buntong hininga na lamang ako.

Kinabukasan.

Mahimbing naman ang tulog ko at sinonod naman ni Xian ang sinabi ko sa kan'ya kahapon.

Bumaba agad ako ng hagdan pagkatapos kong mag ayos ng sarili.

Namataan kong nakadapa si Xian sa sofa at mahimbing parin na natutulog.

Tahimik akong lumapit sa kan'ya para hindi siya magising.

Umupo ako para mapantayan ang mukha ni Xian.

Napaka guwapo niya kahit tulog. Nakakainggit kahit tulog siya fresh looking parin siya.

'Di tulad ko na tulog mantika.

Atsaka hindi nakakasawa ang mukha niya pag tinitigan.

Hindi ko namalayan na ilang minuto na pala ako nakatitig sa kan'ya hanggang sa unti-unting napamulat ang mata niya.

Hindi ako makagalaw na tinitigan namin dalawa ang isa't-isa.

"Pinagnanasaan mo ba ako? Pero okay lang boyfriend mo naman ako"

Naka ngising bungad nito sa akin. Bigla akong napa tayo sa pagkakaupo.

"Pinagsasabi mo? Gusto sana kita bulyawan. Papauwiin na kita!"

Sabi ko sa kaniya. Napa simangot naman siya sa sinabi ko.

"Kakagising ko pa nga lang. Papaalisin mo na kaagad ako!"

Sagot niya at bumangon sa pagkakadapa niya sa sofa.

Hindi ako nagsalita at umupo lang sa solo sofa na naka tingin ng masama sa kan'ya.

Pero deep inside nahihiya ako sa ginawa ko kaninang pag titig sa kan'ya.

Bakit kasi tumitig pa ako? Nahuli pa tuloy niya akong nakatitig sa kan'ya.

"Ah! Basta umuwi kana"

Sabi ko sa kan'ya.

"Puwede bang mamaya na? Sabay muna tayong mag breakfast"

Sabi niya. Tinignan ko lang siya.

Oo nga pala, naalala ko magaling magluto si Xian.

Dahil masarap siyang magluto. Sige, papayag na akong dito siya mag breakfast.

Tumango na lamang ako kaya nasilayan ko ang malaking ngise niya.

Sabay kaming pumasok ng kusina at nagsimula na siyang magluto.

Napapaisip tuloy ako kung ano na naman ang lulutuin niya for breakfast.

Abala siya sa pagluluto habang ako tinitignan ko lang siya habang naka upo rito sa upuan.

Kung tutuosin mas magaling pa si Xian magluto kaysa sa'kin.

"Keto Pancake just for you, my love"

Naka ngiti nitong sabi sa akin at kumindat pa.

Inilapag niya sa harap ko iyong nakakatakam na pancake.

Meron din siya, dalawa ang ginawa niya for breakfast.

Ngumiti na lamang ako sa kan'ya at sinimulang kumain. Napa pikit ako sa sobrang lambot ng pancake.

Ang sarap nitong nguyain dahil sa lasa rin nito. Saktong-sakto rin ang pagkaluto.

"Paano ka natotong magluto?"

Tanong ko sa kan'ya.

"Chef ang Mommy ko, sa kan'ya ako natotong magluto"

Simpleng sagot niya. Nagulat naman rin ako. Kaya pala ang galing niyang magluto chef pala ang Mommy niya.

"Gusto mo rin bang maging chef?"

Tanong ko sa kan'ya. Tumigil naman siya sa pagkain at napaisip.

"Ang totoo hindi ko naisip iyon. Pero dahil sarap na sarap ka sa mga niluluto ko. Parang gusto ko na maging chef"

Sabi niya na may ngiti sa labi na naka tingin sa akin.

"Iyong totoo"

Sabi ko. Kinunutan niya ako ng noo at seryosong-seryoso na tumingin sa akin.

"Iyon ang totoo. Magiging chef ako para sa'yo"

Sabi niya. Umiwas ako ng tingin at napa tikhim dahil sa bilis ng tibok ng puso ko.

Bakit sa akin pa naka sasalay ang kagustuhan niya maging chef? Wala ba s'yang pangarap sa future niya? Pero okay naman sa'kin iyon kung kukuha siya ng inspirasyon galing sa'kin.

Nang matapos na kami kumain. Nagpasya ng umuwi si Xian. Kaya hinatid ko siya hanggang gate.

"Bukas, punta ulit ako rito"

Sabi niya. Hinampas ko siya.

"Namimihasa ka na. Huwag ka na ulit babalik dito"

Deretso kong sabi sa kan'ya na kinasimangot niya.

"Bakit naman?! boyfriend mo naman ako ah!"

Reklamo niya tinulak ko siya para lumabas ng gate.

"Baka maabutan pa tayo ng parents ko. Hindi ko pa pina paalam na nag b-boyfriend ako kaya please! Alis na"

Sabi ko sa kan'ya hanggang sa napa labas ko siya ng gate.

"Pero magkikita pa naman tayo 'di ba?"

Paninigurado niya, tumango na lamang ako para matigil na ang kakatanong niya.

"Oo, pero hindi na rito sa bahay"

Sagot ko ng deretso sa kan'ya. Tumahimik na lamang siya na parang naging satisfied sa sagot ko.

"Okay"

Tipid niyang sagot. Akala ko aalis na siya pero bumalik siya sa akin at bigla akong hinalikan sa labi.

"See you tomorrow"

Malambing na sabi niya. Napa kagat ako ng labi dahil kung hindi ko pipigilan ang labi ko, makikita niya ang malaki kong ngiti.

Tumango na lamang ako habang namumula ang pisnge.

Tuluyan na siyang umalis at sumakay na ng taxi.

--

Days, weeks and 3 months na kaming nag d-date ni Xian. Sobrang saya naman ng relasyon namin.

Kahit minsan nagtatalo kami pero naaayos naman namin. May mga memories din kaming dalawa na masaya. Kahit papaano nag w-work naman ang relasyon namin kahit minsan nagsusungit si Xian.

Pinagmamasdan ko ngayon ang mga letrato namin dalawa sa phone ko. Makikita rito kung gaano kami kasaya habang magkasama.

Ang daming letrato na halos mapuno ang storage ko ng mga letrato namin dalawa. Actually mas marami kaming letrato sa phone ni Xian. May mga stolen shot pa nga siya na kuha ng mukha ko na napaka pangit.

Ewan ko ba bakit kini-keep pa niya iyon. Hinahayaan ko na lang kasi magagalit kong ede-delete ko.

Mag-isa lang ako sa k'warto at iniisip ang mga nagdaang panahon.

Mamaya mag d-date na naman kami ni Xian. Hindi naman kami nagsasawa sa isa't-isa kasi masaya naman kami na mag kasamang dalawa.

Habang tumatagal mas lalong lumalalim ang nararamdaman ko sa kaniya.

Niyakap ko ang unan dahil sa masayang nararamdaman ko ngayon. Kinikilig akong isipin na sobrang mahal na mahal ako ni Xian kahit hindi naman ako kagandahan.

Sobrang napaka suwerte ko ng minahal niya ako.

Habang nagmumuni-muni sa sarili napa tingin ako sa cellphone ko ng may nag text. Akala ko si Xian lang pero pag tingin ko number lang ito na 'di ko kilala.

Pinindot ko ang message at binasa.

["Puwede ba tayong magkita? May sasabihin akong importante. Kung maaari ikaw lang mag-isa"]

Nang basahin ko ito nabigla ako kung sino ang nag message.

Nang itanong ko ang pangalan nito, si Farra.

Bakit kaya bigla nalang siyang nag message sa akin?

Bigla tuloy akong kinabahan dahil sa tipo ng pag send niya ng mensahe.

Ngayon lang ako naka tanggap ng message niya. Ang tagal na rin ng huli siyang mag text sa akin.

No'ng huli niyang text ay noon pang magkaibigan pa kami no'ng High School.

Kahit nag da-dalawang isip pumunta parin ako sa tagpuan namin dalawa ni Farra.

Namataan ko agad siya na naghihintay.

Ang tagpuan namin dalawa ay sa food court. Kunti lang ang mga tao kaya mabilis ko lang nakita si Farra.

May suot siyang jacket at naka sunglasses siya na pinagtataka ko. Umupo ako sa tapat niya na nalilito.

May yakap itong brown envelope.

Ilang buwan ko rin siyang hindi nakita. Hindi na ba siya galit sa akin?

Nang makita niya ako bigla niyang hinawakan ang kamay ko.

Tinanggal niya iyong sunglasses niya kaya nakita ko ang malaki niyang eyebags. Sobrang pagod na pagod ang kaniyang hitsura. In short napaka haggard niya tignan.

"Alice"

Naluluha niyang sambit sa pangalan ko. Sobrang nalilito ako sa kinikilos niya pero nanatili lamang akong tahimik.

Hanggang sa umiyak siya na pinag alala ko. Sobrang iyak, na lumapit na talaga ako sa tabi niya at pinatahan siya.

"Farra, okay ka lang ba? Bakit ka umiiyak?"

Tanong ko habang hinahagod ang balikat niya.

Nanginginig na inabot niya sa akin ang kamay ko, hinawakan ko naman ito.

"Alice, may taning na ang buhay ko"

Nang marinig ko iyon napatigil ako sa kinatatayuan ko at napa titig sa kan'ya.

"A-ano bang pinagsasabi mo? Anong taning? Hindi kita maintindihan?"

Nalilito kong tanong. Pinahid niya ang luha sa mga mata niya.

"I have Kidney Cancer Alice, stage 3. Ngayon ko lang nakuha ang result ko. Nang makita ko ito ikaw agad ang naisip ko. I just want to apologize to you for what I did. Before it's too late. alam ko na biglaan pero kasi kunti nalang ang oras ko dito sa mundo. Sana mapatawad mo ko, Alice"

Naluluha niyang sabi sa akin. Bigla akong nalungkot at gusto kong maiyak sa narinig.

"Farra sorry rin dahil sa akin sa natitira mong buhay naging sakit ang nararamdaman mo. Wala ka man lang happy memories maliban sa family mo. Wala tayong alaala na dalawa nila Xian at Dwayne. I'm very sorry!"

Naiiyak ko na rin na sabi sa kaniya. Niyakap niya ako.

"Kaya sana Alice sa kunting panahon ko rito sa mundo. Kung maaari sana pagbigyan mo kong makasama si Xian"

Sabi niya na kinatigil ng mundo ko.

"E break mo na si Xian, Alice. I want him to be my boyfriend until my last breath"

Tuluyang gumuho ang mundo ko ng marinig ko ito.

"Iyon lang ang hiling ko bago ako mamatay Alice, sana pagbigyan mo ko"

Umiiyak parin na sabi niya. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko.

Nararamdaman ko ang sakit pag iniisip kong magparaya.

Iniisip ko kahit papaano maging masaya naman si Farra, sa kunting panahon niya rito sa mundo gusto kong maging masaya siya.

Dahil kaibigan ko siya.

Kung hindi ko pag bibigyan ang hiling niya lalamunin ako ng kunsensya ko hanggang pagtanda.

"Alice mangako ka ibibigay mo sa akin si Xian"

Napa pikit ako at hindi ko na mapigilan na mapahikbi. Kahit hindi ko kaya pinilit kong tumango para kay Farra.

Para kahit mamatay siya masaya siya sa huling hininga niya na walang maiiwan na lungkot sa puso niya.

Okay lang sa akin na mag suffer, kaya ko naman tiisin kung kina-kailangan.

"Salamat Alice, maraming salamat"

Umiiyak niyang sabi. Niyakap ko nalang rin siya kahit pakiramdam ko nanlalambot na ang mga tuhod ko sa sobrang sakit ng nararamdaman ko, lalo dito sa puso ko.

Narinig ko sa phone ko na tumatawag na sa cellphone ko si Xian. Pero hindi ko magawang sumagot at nanatili lang akong nakakatitig sa screen na umiiyak.

Tinignan din ako ni Farra at tumango sa akin. Nanginginig na pinindot ko ang answer button at inilagay ko ito sa tenga ko.

"X-xian"

Tawag ko sa pangalan niya at pilit na inaayos ang busis ko para hindi niya mahalata na umiiyak ako.

"Nasa'n ka na ba kanina pa kita hinihintay dito? Matagal ka pa ba?"

Naiirita nitong sabi sa akin sa kabilang linya.

Tinakpan ko ang bibig ko dahil gusto kong humikbi dahil sa durog na durog na ang puso ko.

Sayang ang pinagsamahan namin ni Xian pero wala akong magagawa.

Nakasasalay ang kasiyahan ni Farra.

"I'm sorry Xian. Pero..."

Pinutol ko ang sasabihin ko kasi 'di ko kaya.

Hinawakan ni Farra ang kamay ko at para itong nagmamakaawa kaya napa lunok ako ng laway na nilakasan ang loob ko.

"Break na tayo"

Sabi ko at pinatay agad ang tawag.

Napa hawak ako sa table at umupo na tinakpan ang mukha ko 'tsaka umiyak ng umiyak.

Bab berikutnya