webnovel

JUST ONE NIGHT

Napagpasyahan ni Zachary dumiretso sa kaniyang condo para makapagpalit ng damit bago pumunta sa bar. Habang nagmamaneho ng kaniyang sasakyan patungo sa bar, hindi niya maiwasan mapabuntong-hininga. Hanggang ngayon sumasagi sa kaniyang isipan ang maamong mukha ni Samarra. Parang gusto niyang magpakalunod sa alak, at makalimutan ang nangyari sa kanila ni Samarra.

"Bro!! You're late." Tumayo si Primo at inakbayan siya patungo sa kanilang table.

"Yeah, I went to my unit, to change my clothes." Aniya at umupo siya sa tabi ni Primo.

Tumingin sa kaniya si Ivo at malisyosong ngumisi. "But it looks like… you did something else."

"Look what?" takang tanong niya kay Ivo.

Sabay na naghagalpakan ng tawa sina Enzo at Ivo, dahil hindi niya ma-gets ang gustong sabihin ni Ivo.

"Asshole!!" Inis niyang binato ang dalawa ng tissue.

Natatawang lumapit sa kaniya si Enzo. "Masyado ka naman seryoso Zachary."

"Shut up! Enzo. I'm not in the mood."

Tinaas ni Enzo ang dalawang kamay at nakangisi siyang tiningnan.

"What?" naiirita niyang tanong. Sa tingin niya kasi kay Enzo hindi na naman ito titigil sa pang-aasar sa kaniya.

"Hindi ka ba naka-score?" patuloy na pang-aasar sa kaniya ni Enzo.

"Alam mo, ikaw, bakit 'di kaya 'yon ang intindihin mo?" Inis niyang tinuro ang dance floor kung saan napapalibutan si George ng iba't ibang lalaki.

Kita niya ang pagngangalit ng bagang ni Enzo at mabilis na pinuntahan ang bestfriend nitong si Georgina. Knowing Enzo masyado itong possessive at istrikto kay George. Sa isang iglap lang nawala na sa tabi niya si Enzo. Tanaw niya mula sa kinauupuan niya ang paghawi nito ng tao sa gitna.

"Problem?" tanong sa kaniya ni Jarem napansin siguro ang ginawa niyang sunod-sunod na pag-inom sa alak.

Nagkibit-balikat siya, ayaw niyang may isang makakaalam sa mga kaibigan niya na malapit na siyang ikasal, ang masama sa taong kakakilala niya pa lang, pero binabagabag ang buong sistema niya.

"Hindi mo ba sasagutin ang tumatawag sa'yo?" tanong ni Jarem na nakatingin sa kaniyang cellphone.

Girlfriend niyang si Claudel ang tumatawag after ng kanilang bakasyon sa Amanpulo. Dumiretso na ito sa isang patungo ng Singapore para sa isang photoshoot.

Pinatay niya lang ang cellphone, ayaw na muna niya itong makausap habang magulo pa ang kaniyang pag-iisip. Dahil kahit saan siya lumingon ngayon tanging mukha ni Samarra ang kaniyang nakikita.

Nagising si Samarra sa lamig na humahaplos sa buo niyang katawan, nakita niyang maayos ang pagkakasuot ng kaniyang bathrobe. Marahil inayos ni Zach ang kaniyang suot bago ito umalis nang hindi niya namamalayan.

Bumangon siya ng bahagya at isinandal ang katawan sa headboard. Hanggang ngayon sumasagi sa kaniyang isipan ang nangyari sa kanila ni Zachary. Kung paano siya napapayag na higit pa sa halik ang gusto nito. Kung paano siya tumugon at nakipagsabayan sa pagiging eksperto sa paghalik sa kaniya. Hindi niya alam ang nangyari kanina kung bakit huminto si Zachary. Ang alam lang niya hinapit siya nito sa baywang at may mga binubulong na hindi na niya naintindihan.

She sighed. Wala naman mangyayari kung pagkakaisipin niya ang mga naganap kanina. Hindi naman niya puwedeng isisi kay Zachary ang lahat dahil siya mismo hindi na nagawang pigilin ito. tumayo na siya at tinungo ang banyo. Ibinababad ang sarili sa bathtub para maalis ang kaniyang agam-agam at ma-relax na rin ang katawan.

Bago pa siya lamigin, napilitan siyang tumayo at mag-shower. Isinuot niya ang isa pang bathrobe na nasa banyo at ipinulupot niya ang isang towel sa kaniyang buhok. Gusto niyang uminom at makalimot, pero ayaw niyang bumababa sa bar ng hotel para uminom. Kaya minabuti na lang niya na kumuha sa minibar ni Kiel na nasa loob ng penthouse. Iba't ibang uri ng alak ang naroon. Kumuha siya ng ilang in can ng beer at 'yon ang kaniyang ininom.

Pag-inom pa lang niya agad na gumuhit ang pait sa kaniyang lalamunan halos mapangiwi siya sa lasa. Ang isa ay naging tatlo hanggang sa kaniyang pang apat ay halos hindi na niya magawang ubusin dahil umikot na ang kaniyang paningin.

Hindi na niya magawang tumayo nang maayos. Ang towel sa kaniyang buhok, basta na lang niya inihagis kung saan, pati ang kaniyang bathrobe nahubad na niya bago pa siya makapasok sa loob ng kuwarto. Nabuwal siya sa kaniyang pagkakatayo kasabay ng kaniyang pagbagsak sa kama. Tuluyan na siya nawalan ng malay.

Pasado alas dos ng madaling araw. Nang maghiwa-hiwalay sila Zachary at ng mga kaibigan niya. Wala sa sariling sumakay siya sa kaniyang sasakyan. Nabigla siya na nasa tapat na siya ng kanilang hotel parang may sariling isip ang kaniyang sasakyan na dinala siya rito. Kung hindi pa siya kinatok ng valet hindi pa siya lalabas.

"Sir. Good morning po. Ako na po magpa-park ng sasakyan niyo."

Tanging tango na lang ang naisagot niya at wala sa sariling sumakay sa elevator namalayan na lang niya nasa tapat na siya ng penthouse ng kaniyang Kuya Zeke.

Kinapa niya ang keycard na nasa bulsa ng kaniyang pantalon, kinuha niya 'yon nang makatulog si Samarra sa kaniyang tabi.

Pagpihit niya ng pintuan, isang madilim na kuwarto ang bumungad sa kaniya paningin tanging ilaw sa labas lang ang nagsisilbing ilaw niya ngayon. Nakaligtaan siguro ni Samarra na hawiin pasara ang mga kurtina.

Pumasok siya dahan-dahan, kamuntikan na siyang matalisod gawa ng may nakakalat na towel sa kaniyang dinaan. Agad niyang dinampot at habang papalapit si Zachary ganoon na lang ang pagkunot ng kaniyang noo, nang makita ang mga basyo ng mga beer na nakakalat sa sahig.

"Kahit kailan napakaburara ng babaing 'yon. Tsk! Magaling magkalat pero magligpit tamad." Inis niyang pinagdadampot ang kalat sa sahig. Nang matapos niya maligpit ay agad niyang tinungo ngunit nasa bungad pa lang siya ng kuwarto may bathrobe na nakakalat. Muli niyang pinulot at agad na dumiretso sa cabinet para kumuha ng damit na maisusuot. Mabilis lang ang ginawang paliligo ni Zachary nagsuot lang siya ng kulay puting t-shirt at boxer.

Ganoon na lang ang pag-awang ng kaniyang ibig ng tumihaya mula sa pagkakahiga si Samarra.

"Damn!! Fuck!! She was not wearing anything." Napasapo siya sa kaniyang noo, nakaramdam na naman siya ng kakaibang init na gumagapang sa buong pagkatao niya.

He sighed. He decided to pull off his boxer shorts. He wanted to feel Samarra's warm body.

Maingat niyang ipinaunan si Samarra sa kaniyang braso at hinapit nang husto paharap sa kaniya. Masuyo niyang hinalikan ito sa noo at tuluyan nang ipinikit ang mata.

Bab berikutnya