webnovel

THE PROMISES

"Ano yung sunrise?" tanong ko sa kanya

"Ay, ano yun, pag sikat ng araw" sabi nya sakin.

"Nakita ko kasi na mahimbing ka pa sa pag kakatulog kaya hindi na kita ginising" sagot ko din sa kanya. Inakit naman ako ni Kendrick para kumain, simula ng nakilala at nakasama ko sya, ang dami ko ng natikman na iba't ibang uri ng seaweed na kelanman sa buong buhay ko hindi ko pa natitikman.

"Kakaibang seaweed to Kendrick" wika ko sa kanya, ngumiti naman sya sakin.

"Seaweed ng mga mortal yan, sa lupa tinatanim, cabbage ang tawag dyan" sabi nya sakin kaya tumango tango ako sa kanya.

Habang nakaupo ako hindi ko at dinadama ang bawat haplos ng hangin sa aking balat, hindi ko maalis ang aking mata kay Kendrick. Sa tinagal tagal kong namumuhay at nagpapabalik balik sa lugar na ito, hindi ko lubos akalain na mapapaibig ako ng isang mortal sa unang tingin lamang.

"Mahal ko, pwede mo ba ulit ako kantahan?" hiling nya sakin, kaya ngumiti ako, kung mag kakaanak man kaming dalawa, hinding hindi ko pagsisisihan iyon, Ibinuka ko naman ang aking mga bibig at nagsimula umawit.

Masaya nya namang pinapakinggan ang boses ko habang nakapikit.

*KENDRICK POV*

Habang nakanta si Azaria, lumapit naman ako sa katabi nya at yumapos.

"Mahal ko, ipangako mo sa pagbalik ko mag papakita ka sakin" bulong ko sa kanya, napatigil naman sya sa pag kanta at ngumiti.

"Ipinapangako ko" nakangiti nya ding sabi sakin, damang dama ko yung pagmamahal na ipinararamdam nya sakin na ni minsan sa buhay ko hindi ko naramdaman kahit kanino. Bahagya ko naman nilapit mukha ko sa mukha nya at hinalikan labi nya.

"Linggo-linggo kita dadalawin, at tuwing walang klase pupunta ako" sabi ko sa kanya.

"Hindi mo na kailangan gawin yun, pagtuunan mo ng pansin ang pag aaral mo, at kapag na kapagtapos ka na saka tayo magsasama ng matagal dito" nakangiti nyang sabi kaya napangiti din ako.

"Madali ba mabuntis ang mga sirena?" taka ko namang tanong sa kanya dahil naalala ko na may nangyari sa aming dalawa kagabi, napaisip naman sya at nagkibit balikat

"Hindi ko din alam" sagot nya sakin kaya nginitian ko na lang sya.

"Kung sakali man, ano ang gusto mo ipangalan?" tanong nya sakin.

"Kapag babae Kiara" sabi ko

"At kapag lalaki Kasper, para parehas simulang letra ng pangalan nyo ng mga anak natin" nakangiti nyang sabi din sakin kaya napangiti ako, yinapos ko naman sya ng sobrang higpit.

Bab berikutnya