Pagkarating sa condo building ng Kuya Mark nya ay dumiretso na si Mang Jimmy sa basement parking area. Agad ding tinext nito si Mark para sabihing dumating na sila.
Ilang minuto pa at two, tall and good looking guys ang lumabas sa elevator. One guy is wearing a blue shirt and naka cargo pants, chinito, at halatang palangiti. Si Mark. Kuya ni Lexie. Mag se-second year sa kursong medicine sa bubukas na pasukan. Matanda sya ng 5 taon kay Lexie. Beside him is his best friend, Lucas Montenegro. Same course and year. Tall, tanned, wavy hair and dark brown eyes.
Nagpalinga-linga silang dalawa looking for the car. Bumaba naman at kumaway si Mang Jimmy sa dalawa.
"Mang Jimmy, kumusta ang byahe?" Tanong ni Mark while approaching. He clasped manong around his shoulders and patted his back. "Kumusta kayo?"
"Gumagwapo ka ata ng gumagwapo, hijo ah."
"Syempre naman po. Wala ata sa lahi natin ang pangit." Tawang-tawa sagot naman ni Mark. "Saan na yung prinsesa?" palinga linga sa likod ni Mang Jimmy hinahanap si Lexie.
"Tulog pa. Di ko muna ginising. Akala ko matatagalan kang bumaba."
Sinilip nga ni Mark ang passenger seat at naaninag nyang may tao pa doon. Lumapit sya at binuksan ang pinto.
Lexie was in deep sleep, She had a travel pillow around her neck and was hugging her favorite stuffed toy. Her sunglasses were askew.
Mark snickered. "Sarap ng tulog nito ah." Pabulong nyang sabi at parang naghihintay ng sagot kay Mang Jimmy.
"Hindi siguro yan nakatulog kagabi sa excitement, Kaya ayan knocked out." Anya ni Mang Jimmy.
Mark took off her sunglasses at ipinasok sa maliit na back pack nya na nakita nito sa paanan nya and kissed her on her forehead. "Welcome, Princess"
"Yaan na muna natin yan. I-akyat na muna natin ang gamit nya." At nagpunta na sa likod to take out his sisters' things.
"Pare, maiwan ka na muna dito. Dalhin na muna namin tung ibang luggage nya. Pakibantayan at baka mawala." Natatawa pang biro nito. Kasama si Mang JImmy, inakyat na nila ang ibang gamit ni Lexie.