webnovel

A Night with Stranger—Part 8

Part 8

Mula sa oras na pumunta si Tristan sa bahay ay para bang may kung ano akong naramdam. Parang may saya sa puso ko na ngayon ko lang naramdaman. Siguro gan'to kapag iniisip ko na may posibilidad na mabuo ang pamilya ko.

"Mom, pwede ba ako sumama kay Tito Tristan?" tanong sa akin ni Jace.

"Sa'n kayo pupunta?" pabalik kong tanong.

Naglakad naman palapit sa amin si Tristan bago nagwika. "Gusto ko lang sana siya dalhin sa Jollibee," saad nito.

" 'di pwede. Ayoko! "sagot ko.

Kahit na panatag na ang loob ko ay hindi ko rin muna hahayaan na sumama si Jace kay Tristan. Natatakot pa rin ako na baka bigla niya nalang itakas ang anak ko.

"Mom, pls?" pangungulit nito pero hindi pa rin ako pumayag.

" Jace, hindi pupwedeng lagi ka nalang kakain do'n. Hindi naman yun healthy foods,"pagpapaliwanag ko kaya naman tumango nalang ito.

"Mom, papahinga na muna po ako sa kwarto,"pagpapaalam nito.

I just nodded at him.

Naiwan na naman kami doon ni Tristan.

"Tristan, pwede ba—h'wag mo na muna isasama kung saan-saan ang anak ko! Baka kung saan mo pa 'yan dalhin,"saad ko.

Tumango naman ito sa akin.

"Wala akong tiwala sa'yo, Tristan," sambit ko bago umalis sa harap niya. Nananitili naman itong tikom nang umalis ako.

Hapon na no'n kaya naman umalis na lang siya. Sa katunayan, tuloy pa rin ang plano ko na umuwi ng probinsiya at mas napaaga pa 'yon.

Bukas ng umaga ay aalis na kami ni Jace. Mag-iimpake na rin ako mamaya at tatawagan na sila Mama.

Pumasok ako sa kwarto ni Jace at kita kong nagtalukbong siya ng kumot.

"Jace, can we talk?" tanong ko.

Tahimik lang ito at walang balak na gumalaw o umimik.

"Jace!" pag-uulit ko sa pangalan niya.

Inalis ko ang kumot na nakatalukbong sa kaniya.

"Bakit ka gan'yan?" tanong ko.

"Sorry, Mom. Nagtampo lang po kasi ako dahil hindi mo ako pinayagang sumama kanina," sambit nito.

Yumakap naman ito sa akin at naglalambing.

"Pupunta naman tayo do'n. Tayong dalawa lang," sambit ko.

" Okay, Mom."

"I love you, Mom" saad nito.

"I love you too. Nak, aalia pala tayo bukas. Pupunta tayo sa lola mo sa probinsya. Doon na muna tayo titira pansamantala. Gusto ko rin mamasyal doon. Si Tito Tristan mo? Hindi mo pa siya masyadong kilalal kaya h'wag ka munang magtitiwala.Tanda mo pa ba bilin ng Tita mo? Diba sani niya na h'wag ka kaagad-agad magtitiwala?" sambit ko.

Tumango naman ito sa akin.

"So, excited kana ba bukas?" tanong ko.

"Yes! I'm so excited po lalo na kasama ko ang the best mommy in the whole world," sagot nito.

Napangiti naman ako sa tinuran nito. Nagagalak ang puso ko sa tuwing sasabihin ng anak ko na mahal na mahal niya ako.

Nakatulog si Jace na nakaakap sa akin. Minsan pa ay bigla itong magsasalita ng tulog.

"Papa."

'Yon yung madalas niyang sambitin.

Nang makatulog na ito ay agad naman akong nag-ayos ng mga damit at iba pang dadalhin namin sa byahe.

"Sana tama ang desisyon ko," bulong ko.

_______________________

Kinabukasan ay maaga akong nag-ayos ng sarili.

"Sana hindi siya pumunta ngayon sa bahay."

Bagay na pinag dadasal ko ngayon.

Tulog pa si Jace kaya naman kinalabit ko na siya para magising. Gusto ko kasi na maaga kaming aalis.

"Baby, gising kana.Need natin umalis ng maaga," sambit ko kaya naman agad itong bumangon.

"Opo, Mom."

Kumiss naman ito sa akin bago tuluyang maglakad palabas. Nakabihis na ako noon at pagtingin ko sa relo ay 5:30 am palang.

Naghanda naman ako ng almusal at kumain kami ng sabay. After 1 hour ay ayos na ang lahat.

"Ma, maiwan na po namin ulit kayo,"pagpapaalam ko kay Mama.

Humalik naman ito kay Jace saka inakap ng mahigpit.

"Ingat kayo. Sana mag-enjoy kayo doon. Susunod naman kami after 3 days para kumpleto tayo na magdidiwang ng kaarawan ng papa mo," saad nito.

Tumango naman ako kay Mama. Muli ko silang tinignan at kita ko na halos maluwa-luwa na naman sila.

" si Mama parang 'di susunod doon," sambit ko.

Napangisi nalang ito sa tinuran ko.

After 5 minutes ng pagpapaalam ay kumaway na ito sa amin. Palabas na kasi kami ng gate at naghihintay na ang taxi na sasakyan namin papunta sa istasyon ng Bus.

Muli akong kumaway pagkapasok namin sa Taxi. Wala naman imik si Jace sa loob. Umandar na ang Taxi at dinala kami sa Bus station.

After 20 minutes na nasa loob kami ng sasakyan ay tuluyan na kaming bumama.

"Mom, nandito na po ba tayo sa probinsiya?" tanong ni Jace kaya agad naman akong napatawa.

"No, haha. Nasa bus station palang tayo, Baby" sagot ko.

Ibinaba naman ni Manong ang mga bagahe namin sa may gilid.

"Jace, dito ka nga. Dito ka hawakan mo 'tong dala natin," sambit ko naman kaya agad niyang sinunod.

Magbabayad kasi ako ng Taxi at kinakausap ko pa ang driver kung ano bang bus ang magandang sakyan.

" Manong, ano po ang magandang sakya—"

Hindi ko na natuloy ng bigla akong kalabitin ng anak ko.

"Mom, si Tito" saad nito.

Hindi ko naman ito inintindi saka ipinagpatuloy ang pakikipag-usap Kay Manong.

"Hintay lang kayo dito sakin mamaya. Ako na bahala kumausap sa kundoktor. Doon kasi ang pumipila ang magandang sakyan na bus," sagot nito sabay turo 'di kalayuan.

"Ah, sige po" sambit ko.

Hindi ko pa siya nababayaran dahil ino-offer-an niya pa ako na siya na bahala kung saan kami sasakay.

"Mom, si Tito" muling sabi ng anak ko.

Nilingon ko naman siya dahil hindi na siya tumitigil sa pangungulit. Kinakalabit niya kasi ako at kung minsan ay hinihila ang damit ko para makuha ang atensiyon ko.

"Jace!" tawag ko sa pangalan niya.

Medyo naiirita na kasi ako dahil hindi siya behave.

"Mom !—" muli nitong tawag sa akin.

"Ja—Tristan?"

Imbis na matawag ko siya ay nasambit ko na ang pangalan ni Tristan.

Nakita ko siya na papalapit at may dala ring bag.

"Tito, saan ka pupunta?" pang-uusisa ni Jace.

"Basta," sagot naman nito.

"Aalis pala kayo?" saad ni Tristan kaya tinanguan ko nalang.

"Aalis din ako. Sabay na tayo,"dagdag pa nito.

Bigla naman lumapit si Manong at nagsabi na naka-usap niya na daw ang sasakyan namin.

Agad ko namang kinuha ang bagahe ko at hinawakan si Jace sa kamay.

"Bye!" pagpapaalam ko kay Tristan.

Hinawakan naman ni Tristan ang kaliwang kamay ni Jace.

"Tara na, Jace" aya nito kaya naman namilog ang mata ko sa kaniya.

Binayaran ko naman na si Manong saka ako umakyat ng Bus.

Umupo kami sa tatluhan. Naunang umupo si Jace kaya ang natitirang upuan ay sa akin at kay Tristan.

"Mom, upo kana po. Dito po ako sa may bintana,"sambit nito kaya nginitian ko naman.

Pagkalagay ko ng mga bagahe ay umupo na ako. Si Tristan ay nanatiling nakatayo sa tabi ko.

"Tito, upo kana po," sambit ni Jace.

Tila ba nawalan ako ng lakas dahil sa sinabi ng anak ko.

"Ano ba naman, anak! pahamak ka :< " sa isip-isip ko.

Umupo naman na si Tristan sa tabi ko.

"Sleep ka na muna, Jace. Mahaba pa ang byahe,"sambit ko kaya naman inihilid nito ang ulo niya sa braso ko.

Nabigla naman ako ng ilapat ni Tristan ang ulo niya sa balikat ko.

"Rest" saad nito.

Pinitik ko naman ang kamay niya kaya inalis niya ang ulo niya sa balikat ko. Tinitigan niya naman ako na may halong pagtataka. Tinaasan ko siya ng kilay. Akala ko'y matatakot siya pero hindi. Hinawakan pa nito ang kamay ko saka ulit inihilig ang ulo sa balikat ko.

"Shh! ngayon lang. I want to rest. Pagod ako, Mahal," sambit niya.

Bigla naman lumambot ang puso ko sa sinabi niya. Naramdaman ko na parang asawa niya ako ngayon kung ituring. Hinayaan ko naman ito saka nalang napangiti.

"Happy family na ba?" sa loob-loob ko.

To be continued...

Bab berikutnya