Chapter 13
Tatawa-tawang naglalakad si Tyrone habang nakikipag-usap sya sa babae nya. Pauwi na sya galing work at walang balak umuwi sa bahay nila. Gusto nyang maghotel ngayon kasma ang babae nya. Pero may nagsasabi sa kanyang umuwi sya.
Naputol ang pag-uusap nila ng biglang may tumawag sa kanya. Sinagot nya iyon at nalamang mama nya iyon. Napakunot ang noo nya dahil hindi naman ito tumatawag ng hindi importante lalo na kapag kanitong oras.
"Ma?"
"Tyrone, umuwi ka na dali."
"Bakit? Anong nangyari?"
"Yung asawa mo, isinugod namin sa ospital."
"Ha?! Anong nangyari sa kanya?"
"Nagkita kasi namin syang nakasabit sa bahay nyo. Anak, nagpapakamatay ang asawa mo habang nagbubuntis sya."
"Buntis sya?"
"Hinndi mo alam?"
"Hindi... Uuwi na ako." Sabi nya tapos agad na sumakay ng kotse at mabilis na nagtungo sa ospital. Natagalan pa sya kasi sobrang traffic. Nang dumating sya ay agad nyang nasalubong ang Mama nya. "Ma, ayos na ba ang asawa ko? anong nangyari sakanya?" Kinakabahan nyang tanong. Umiiyak na umiling ang mama nya at sya naman ay natulala lang sa isang tabi.
___________________________________
"Grabe naman. Kawawa naman yung hayop na yon. Hindi deserve ng asawa nyang mamatay. Mas deserve yon ng hayop na yon." Sabi ni Camille habang masama ang muhka.
"Tumigil ka na nga. Tyaka kahit patayin natin ang lalaking yon, hindi na sila magkikita ng asawa nya. Sa impyerno kasi ang punta nya." Sabi naman ni Scarlett.
"Tumahimik nga kayo." Sabi ni Annie na ikinagulat nilang dalawa.
"Annie?" Gulat ilang tanong. Si Annie naman ay umirap nalang sa hangin, na lalo nilang ikinagulat.
"Pinalagpas nyo na yung asawa ni Ian tapos ngayon, hahayaan nyo ding mabuhay ang hayop na yon?" Mataray na tanong ni Annie sa kanila. Silang dalawa naman ay gulat parin at di makapagsalita. Dahil nagluluksa pa ang isa nilang target, pumunta naman sila sa isa pa nilang target.
Tahimik nilang sinusundan ang susunod nilang target. Si Frank. May kasama itong babae at papasok na ng hotel. Napailing silang tatlo at agad lumapit sa target nila. Takang tumingin sa kanila ang mga ito pero hindi na sila nagsayang ng oras.
Agad nilang binaril ang target nila at pinanood nilang matumba sa lupa ang target nila at lumingon muna sila sa babaeng kasama ni Frank bago umalis. Ang babae naman ay hinimatay dahil akala nya ay papatayin din nila sya.
______________________________________
"Nakikinig ka ba, Erick?" Biglang sabi ng boss nila. Sya naman ay biglang bumalik sa kasalukuyan.
"Sorry po. May iniisip lang." Sabi nya. Ang boss naman nila ay napailing at nagpatuloy na. Nang matapos sila ay lutang parin sya. Hindi nga nya napansing nasa office na sya ng kaibigan nya.
"Nakikinig ka ba?" Tanong nito sa kanya.
"Huh?" Lutang nyang tanong.
"Sabi ko, kilala mo ba ang babaeng to?" Tanong nito sa kanya. May pinakita itong litrato sa kanya at tumango naman sya. "Talaga?" Tanong nito sa kanya.
"Oo nga." Sabi nya pa.
"Anong pangalan nya?" Tanong pa nito.
"Scarlett Hale." Sagot naman nya.
"Sigurado ka?" Tanong pa nito sa kanya.
"Oo nga. Bakit ano bang meron?" Tanong nya pa dito.
"Tingin ko kasi sya ung killer na may gawa ng pagpatay nitong mga nakaraan, ehh. Parang tinatapos na din nya dahil mabilis syang kumilos at hindi din nag-iiwan ngbagas. Maliban lang sa mga hairpin na suot nya." Sabi nito na nakapagpabalik sa kanyang atensyon.
"Tingin mo din?" Tanong nya dito. Tumango naman sa kanya ng kaibigan nya.
"Tignan mo, palagi syang naroon sa mga pinangyarihan ng krimin. Tapos minsan nakikita pa syang nakatingin sa bangkay tapos biglang aalis. Tapos may iba pa akkong napansin sa kanya. Parang may problema din sya sa pag-iisip, para kasing may kinakausap syang hindi natin nakikita. Tignan mo." Sabi nito tapos pinakita ang CCTV footage na parang may kinakausap nga ito.
"Hindi ako siguradong si Scarlett yan" Bigla nyang sabi. Nagtaka namang ang kaibigan nya.
"Bakit? May iba ka pa bang kilala?" Tanong nito.
"Meron." Sabi nya tapos nagsimula nang magtype sa laptop.
A Few Moments Later. . .
Tahimik na natutulog si Erick ng biglang makarinig sya ng magkakasunod na katok. Ang paraan ng pagkatok ay parang pagalit at walang pakialam.
"Sandali!" Sigaw nya tapos tumayo. Nang lumabas sya at binuksan ang pinto ay tumambad sa kanya ang asawa ni Scarlett.
"Anong kailangan mo?" Tanong nya dito.
"Where's Scarlett?" Tanong nito na halata ang galit.
"Ewan ko. Hindi pa sya umuwi simula nung nakaraan. Akala klo nga nasa bahay mo, ehh." Taka nyang sabi.
"Hindi, simul ng araw na yon, hindi pa nya ako pinupuntahan kaya ako na anng pumunta dito." Sabi nito at biglang pumasok. "Scarlett! Scarlett!" Sigaw nito sa boung bahay.
"Ano ba?!! Sinabi nang wala sya, diba?!" Pagpigil nya dito at hinawakan ang likod nito. Bigla itong humarap at bigla syang sinuntok. Agad naman syang humarap at ginantihan ito ng suntok.
Gumanti naman agad ito at sumuntok. Sya din ay gumanti hanggang sa biglang dumating si Scarlett para awatin silang dalawa.
"Ano bang problema nyong dalawa?!" Sigaw nito sa aming dalawa. "Para kayong mga bata, ehh?!" Sigaw pa nya.
"Scarlett, umuwi na tayo sa bahay." Sabi ni Travis. Hinawakan nya sa braso si Scarlett at akmang hihilahin na ng biglang hawakan din sya ni Erick.
"Hindi sya sasama sayo." Malalim na sabi nito. Galit na nilingon sya ni Travis at nagsalita.
"Bitaw." Makapangyarihang sabi nito. Hindi naman sumunod si Erick. "Bitaw!!" Sigaw pa nito.
"Hindi. Sya. Uuwi." Madiing sabi ni Erick.
"Sino ka ba? Ako ang asawa kaya akin sya." Sabi ni Travis na biglang nagpahina kay Erick. Wala kasi syang maipagmamalaki. Kabit lang naman sya ni Scarlett.
Dahan-dahan nyang binitawan si Scarlett at nag-iwas ng tingin. Pero akmang lalabas palang ang dalawa ng mangpumiglas si Scarlett.
"Wala akong sasamahan sa inyong dalawa! Mga isip-bata!" Sigaw nito at lumabas na ng bahay. Si Travis naman ay agad syang sinundan habang si Erick ay kinain nalang ng katahimikan.
_______________________________
Tahimik na pinapanood ni Nash si Annie habang naglalaro ito ng manika. Pasimple nyang iniimahe ang dalaga sa isip habang nakasuot ito ng trahe de bola at naglalakad sa gitna ng simbahan.
Matagal na nyang pangarap makasama ito sa iisang bahay, na nagawa na nila, at magkaroon ng masagana at masayang pamilya. Bigla ay parang gusto na nyang pakasalan ito.
Dahil nakaipon naman na sya at marami na din naman ang savings nya para sa pang-college ng magiging anak nila, nagdesisyon na syang magpakasal dito. Lumapit sya at ngumiti dito habang taka itong nakatingin sa kanya.
"Annie, gusto mo na bang magpakasal?" Tanong nya dito tapos tahimik na inilabas ang singsing na binili nya para dito.
"Kasal?" Takang tanong nito tapos tumango-tango.
"Alam mo ba kung ano yon?" Tanong nya pa dito. Tumango-tango ulit ito tapos ngumiti.
"Talaga?" Naiiyak na nyang sabi tapos kinuha ang kamay nito at sinuot ang singsing.
'Yiee, ikakasal na sila.'
"Ingay." Bulong ni Annie na ipinagtaka ni Nash. Hindi nya alam kung anong sinasabi nito.
'Siguro yung pag-iyak ko?'
"Masaya ka ba?" Tanong nya dito. Agad naman itong tumango at ngumiti. Sya naman ay hindi mapigilan ang sariling maiyak at yakapin ang mapapangasawa.
- To Be Continued -
(Mon, August 30, 2021)