webnovel

8 Chapter 7

Chapter 7 

- Finnei's POV - 

Ngayong araw ay busy kami ni kuya. Nakatulong sa amin ang mga regalo sa kanya noong kaarawan nya dahil lahat iyon ay pang-babae at pang-lalaki, o kung hindi naman ay unisex. Masyado din naging maingay ang panganganak ko sa media. 

Naging trending din ang naging post ng mga kaibigan namin lalo na yung mga kapwa ko nasa industriya katulad nila Charmaine, Chanel, Elias, at iba pa. Hindi din nawawalan ng reporter noon sa labas ng kwarto ko. 

At ang laging headline ng balita ay ang panganganak ko din. Madami ang natuwa at marami namang may hindi magandang sinasabi tungkol dito pero hinahayaan nalang namin. Sabi kasi ni kuya, wag nalang daw pansinin dahil ano daw ang silbi ng kuya ko? 

"Mommy, pakiabot nga nyang bote sa may kanan mo, please." Sabi nya na mabilis ko namang ginawa. Nang maiabot ko sa kanya iyon ay agad nya iyong isinubo sa anak namin. Hawak nya kasi ngayon ang anak naming babae. 

'Actually, wala pa kaming naiisip na pangalan ng kambal dahil marami pa kaming inaasikaso.'

Nang mapatulog namin ang kambal ay sabay kaming nahiga. Pareho kaming napagod dahil mahirap na patahanin ngayon ang mga anak namin, parang kahapon lang ay narinig namin ang unang iyak nila. 

"Finnei..." Mahinang tawag nito sa akin. Agad akong humarap at yumakap sa kanya. 

"Anong kailangan ng Daddy ko?" Malambing kong tanong.

"Gusto mo bang lumabas?" biglang tanong nya.

'Ito ba yung tianatawag nilang De javu?'

"Ahhm... Gusto naman. Kaso, mainit pa tayo sa mga media at reporters. At, saan natin iiwan ang mga anak natin? Wala tayong mapag-iiwanan sa kanila." Mahabang sabi ko. Nag-iwas ito ng tingin at parang may malalim na iniisip. "Bakit? May importante bang okasyon?" Tanong ko sa kanya.

"No... Wala naman. Gusto lang kitang yayain. Wala na kasi tayong time, ehh..." Mahinang sabi nya.

"Bonding naman natin ang pag-aalaga sa mga baby natin, ahh?" Nangungumbinsi kong sabi. Humugot lang sya ng malalim na hininga.

"Gusto ko lang naman masolo ka." Parang namumroblemang sabi nya.

"Kahit naman hindi mo ako solohin, ok lang naman ako. At tyaka, mas gusto ko nga na nandito lang tayo sa bahay, ehh." Paliwanag ko. Sakto namang umiyak ang isa sa mga kambal. "Katulad nyan, iyakin ang mga anak natin kaya kailangan natin silang bantayan. At tyaka, gusto ko ding sulitin yung mga panahon na hindi pa ako nagtra-trabaho kasi baka hindi ko na sila mapagtuunan ng pansin kapag nagtra-trabaho na ulit ako." Mahabang dagdag ko.

"Hmm..." Mahinang ungot nya. Ako naman ay tumayo upang kuhanin ang isa naming anak na umiiyak. Pagkabuhat ko dito ay bigla akong niyakap ni Daddy sa likod. Saglit akong napaigtad pero agad din namang nakabawi. 

"Ohh? Naglalambing ka naman ngayon?" Natatawang sabi ko. Hindi nya ako sinagot, sa halip ay ipinatong nya nalang ang ulo nya sa balikat ko at siniksik nya pa ito sa leeg ko. 

"I lo---" Hintay nya na ituloy ang sinasabi nya ng may biglang tumunog na telepono. Nagkatinginan kami tapos bumuntong-hininga nanaman sya. 

"Sagutin mo na yan. Baka importante." Natatawang sabi ko kasi halata sa muhka nya ang inis. Sya naman ay bumuntong-hininga at sinagot ang telepono nya.

- Angelo's POV - 

"Ohh?" Inis kong sabi kay Elias.

"Bro, nabalitaan mo na ba? Bumalik na daw si Alice dyan sa pilipinas."

"Nabalitaan mo na bang may asawa na ako at kakapanganak nya palang?" Sarkastikong sabi ko. 

"Talaga? Kelan ka nag-asawa?" 

"Kakapanganak palang ni Finnei noong nakaraang buwan, wag mo nang ibabalita ang ganyan sa akin dahil ayokong mabinat si Finnei." 

"So, si Finnei pala ang asawa mo?" 

"Oo nga, bingi ka ba?"

"Sorry na. So... Kailan ang kasal nyo ni Finnei? Ang binyag?"

"Ewan. Basta. Umuwi ka nalang kapag nakahanda na lahat." Sabi ko tapos binabaan na sya. Dahil lumabas ako ng kwarto ay muli akong pumasok doon at nakita ko ang asawa kong natutulog at ang mga anak naming inilagay nya sa tabi nya. 

Napaisip ako kung ano na ang naging buhay ko ngayon kung hindi nakipaghiwalay sa akin si Alice at kami parin ngayon. Paniguradong wala parin akong anak kung nagkataon. Hindi ko kasi alam kung anong trip ni Alice sa buhay at bigla nalang nakipaghiwalay sa akin at umalis ng bansa.

Aaminin kong masaya din ako na ito ang pinili kong gawin. Kahit na alam kong hindi pa naman talaga handa si Finnei magkapamilya, sya ang nag-aadjust ngayon at nakikita ko namang maganda ang naging resulta. 

Kung papipiliin ako kung anong gagawin ko ng gabing iyon, mas pipiliin ko paring samahan si Finnei at hindi habulin si Alice dahil hindi lang mabuting kaibigan si Finnei, mabuuti din syang asawa. Masyado ko na pala syang kilala ng hindi kolang nalalaman. 

"Finnei, sana wag mo na akong iwan. Hindi ako mangangakong hindi kita masasaktan pero sana malaman mo, mahal kita at hinding-hindi na kita ipagpapalit kahit kanino." Pagkausap ko sa tulog kong asawa. 

"Mahal din kita." Mahinang sabi nya tapos biglang bumukas ang mga mata at ngumiti sa akin. "Bakit biglang ganyan nalang sinasabi mo sa akin daddy?" Natatawang sabi nya. Nagbaba ako ng tingin bago sumagot. 

"Bumalik na kasi si Alice." Mahinang sagot ko bago nag-angat ulit ng tingin sa kanya.

"Ganon ba?" Mapait na sabi nya. Pilit ang ngiti at parang tutulo na ang mga luha. "Mahal mo pa ba sya?" Biglang tanong nya. Ngumiti ako tapos umiling.

"Hindi ko na sya mahal." Nakangiting sagot ko sa kanya. Tinitigan nya ako sa mata na para bang inaalam nya kung nagsasabi ako ng totoo. 

"Matulog na tayo." Pilit na ngiti parin nyang sabi. Napabuntong-hininga ako dahil alam kong ganito ang mangyayari kaya ayokong sabihin sa kanya. 

"Good night, I love you." Malambing kong sabi. Pilit nanamang ngiti ang iginanti nya sa akin. Nagtagis ang bagang ko at binuhat sya palabas ng kwarto. 

"Kuya, ibaba mo na ako!" Sigaw nya.  Nang makarating kami ng sala ay agad ko syang ibinaba. "Bakit dinala mo pa ako dito, kuya?" Tanong nya. 

"Gusto kitang makausap ng maayos, Finnei." 

"Pero pwede naman tayong mag-usap ng maayos sa kwarto, ahh?" Angal nya.

"Finnei, maniwala ka sa akin, hindi ko na talaga mahal si Alice. Ikaw ang mahal ko... Kayo ng mga anak ko..." 

"Sorry." Bigla nyang sabi. "Nago-overthink kasi akong baka balikan mo sya at iwan kami ng kambal. O kaya naman hindi mo ako pakasalan at kukunin  mo ang kambal." Malungkot nyang sabi.

"Hindi ko gagawin yon, kagaya ng sinabi ko kanina. Kayo ang mahal ko, kayo nila baby. Mahal ko kayong tatlo. Mahal kita, Finnei." Madamdamin kong sabi.

"Paano kung mahal mo pa pala sya pero kaya ka lang nandito kasi takot kang saluhin ko lahat ng responsibiladad?" Mahina parin nyang tanong.

"Finnei, Wag ka na nga mag-isip ng ganyan. Mahal kita. Ikaw yung taong nagbigay sa akin ng regalong hindi ko inaasaha. Binigyan mo ako  ng rasong mahalin ka lalo." Madamdamin ko paring sabi.

"Talaga?" Tanong nya.

"Oo nga." Natatawang sabi ko.

"Pwede na ba tayong bumalik sa kwarto? Baka magising na ang mga anak natin." Natatawang sabi nya.

"Sige." Natatawa ding sabi ko tapos binuhat ulit sya.

- To Be Continued -

(Sat, June 16, 2021)

Bab berikutnya