webnovel

Chapter 4

It is only 5:30 in the morning pero nandito na ako sa Penthouse 1, ang hotel room ni Albert. Dadating na daw kasi yung judge na magkakasal sa amin. Kasama din namin si Mang Alfredo, his driver, to be one of our witness. Ang isa pang witness ay ang assisstant ni Albert na si Travis, papunta pa lang siya dito. Si Travis din kasi ang sumundo sa judge.

10 minutes before 6 ng bumukas ang pinto. Unang pumasok ang isang lalaki na nakasalamin, and I think it is Travis.

"Boss, nandito na si Judge Sarmiento." sabi ni Travis at kasunod niyang pumasok ang isang lalaki na nasa edad 60 pataas.

"Good morning, Judge." magalang na bati ni Albert.

"Good morning, Albert. You're too formal. Para namang hindi ka lagi sa bahay mula noong highschool kayo." natatawang saad ni Judge.

"Gumagalang lang po, Judge. Please take a sit."

Umupo kami ni Albert sa may couch. Sa tapat naman namin na couch si Judge Sarmiento, napapagitnaan namin ang isang coffee table. Si Travis naman ay nakaupo sa single couch na nasa kaliwa ko at si Mang Alfredo naman ay nakaupo sa single couch na nasa kanan ni Albert.

Nang nakaupo na kami ay nilingon ako ni Albert. "Judge Arnold Sarmiento is the father of my friend Arianne." tapos ay hinarap niya si Judge Sarmiento. "Judge, this is my wife-to-be, Samantha."

"Good morning po." nahihiyang bati ko.

"Good morning. Ikaw ba ang malas na babae na mapapangasawa ni Albert? Sigurado ka na ba sa desisyon mo, hija." biro ni Judge na nagpatawa sa akin. "Kidding aside, hija, swerte ka dito kay Albert. He is a very responsible young man, mapagmahal sa pamilya at kaibigan, at pamilya ang turing sa mga kasambahay at empleyado. Pagpasensyahan mo na nga lang at napaka-workaholic niya. Magagalitin rin siya at perfectionist lalo na sa trabaho. Most of the time he has cold personality, pero may time naman na hindi siya ganon. Just try to get to know each other's mood and attitude. Kapag mag-asawa na kayo at nagsasama na sa iisang bubong doon n'yo lang malalaman ang tunay na ugali ng isa't isa. Married life is far more different than when you are still dating. I just hope na hindi kayo matulad sa ibang mag-asawa na nauwi sa hiwalayan."

Nagtataka kong tiningnan si Albert. Base kasi sa sinasabi bi Judge, ang alam nito eh matagal na kaming magkarelasyon. But Albert just smiled at me kaya muli kong hinarap si Judge.

"Don't worry, Judge, tatandaan ko po lahat ng sinabi n'yo."

"Aasahan ko iyan." tapos ay ngumiti si Judge. "May hinihintay pa ba tayo?" tanong pa niya kay Albert na umiling lang bilang sagot. "Shall we start?" tanong uli niya na tinanguan lang ni Albert.

Tumayo si Judge kaya tumayo na rin kaming lahat.

It is a simple wedding ceremony pero ramdam ang sinseridad namin ni Albert. We may not love each other but I know that we will both do everything to make this marriage work.

After the wedding ay kumain lang kaming lahat ng breakfast bilang celbration. Pagkatapos kumain ay nagpaalam agad si Judge Sarmiento, madami pa daw kasi siyang gagawin sa opisina.

Nandito ako ngayon sa kotse ni Albert, hinihintay ko siya. Nagbibilin kasi siya kay Travis dahil hindi siya papasok ng ilang araw. Tutulungan daw kasi niya akong maglipat at aayusin din daw namin ang magiging bahay naman.

Inililibot ko ang paningin ko dito sa kotse n'ya. I'm not a fan of cars kaya hindi ko alam ang unit, but his car is a Jaguar at alam kong mamahalin ito.

Busy pa rin ako sa pagmamasid sa kotse ni Albert ng mag-ring ang cellphone ko kaya agad ko itong kinuha. Czarina is calling kaya sinagot ko agad.

"Samantha, ano'ng gagawin ko? Fralanciana Empire emailed me. They are giving me 24 hours to explain kung bakit ko sinubukanh i-hack ang system nila. Or else they will sue me." nagpa-panic na sabi ni Czarina.

Tiningnan ko si Albert at nakita kong pabalik na ito sa kotse.

"Relax, Czarina, I will talk to someone para hindi ka na mamroblema." mahinahon kong saad.

"Sige, I'll wait for your call." huling sabi ni Czarina bago naputol ang tawag.

Mula nang pumasok si Albert sa kotse ay tinitigan ko lang siya kahit noong nakalabas na ng parking lot ang sinasakyan namin. I tried to talk to him pero walang salitang lumalabas sa akin. I guess, I don't know how to start to talk to him about Czarina.

"Is there any problem?" maya-maya ay tanong nito. Hindi na siguro natiis ang paninitig ko.

"Ahm, remember last night, you gave me permission to do a background check on you?" nag-aalangan kong saad.

"Hmm." he humm while nodding.

"Well, I don't have my laptop last night so, I asked my friend Czarina to do it for me. And since you're a very private person, she didn't found so much about you. Kaya naisip n'ya i-hack ang system ng Fralanciana Empire. Because of that, she got an email earlier. Pinag-e-explain siya kung bakit niya ginawa 'yon or else she will be sued. Can you please spare her. Nagawa lang naman niya iyon dahil sa pakiusap ko. I swear, she just want to know more information about you." medyo kinakabahan kong sabi.

Paano kung hindi niya ako pagbigyan? Paano kung hindi siya maniwala sa akin? Ano mangyayari sa kaibigan ko? We may be married but that doesn't mean that he will believe everything I said. We were strangers to each other after all.

"Travis reported about it earlier. And you don't have to worry because-"

Naputol ang pagsasalita ni Albert ni nang muling mag-ring ang cellphone ko, Czarina is calling again. Agad ko iyong sinagot.

"Vruha, ang galing-galing mo. Ano'ng ginawa mo?" tuwang-tuwang sabi nito.

"Ha? Bakit? Ano nangyari?" nagtataka kong tanong.

"Fralanciana Empire called me. And guess what? They apologized to me. At hindi ko na daw kailangan mag-explain at hindi rin nila ako idedemanda." excited pa ring sabi nito. "I guess totoo yung sinasabi ng pinsan ko, hindi lang gwapo, mabait din si Albert Fralanciana."

"Akala ko ba wala kang nakitang kahit isang picture ni Albert, paano mo nasabing gwapo siya?" nagtataka kong tanong.

"Well, remember my cousin Jonald?"

"Yung pinaka-close mong pinsan?"

"Oo, yun na nga. Pumunta kasi ako sa kanila last year. May nakita akong picture nilang magpipinsan on his mother side. One of his cousins caught my attention, sobrang gwapo kasi and he looks so mysterious. Nung tinanong ko si Jonald kung sino 'yon, sabi n'ya si Albert Joshua Fralanciana daw. And you know what, nung nakita ko siya ikaw agad naalala ko."

"Bakit naman ako ang naisip mo?"

"I don't know, maybe because bagay kayong dalawa. Kung wala ka nga lang boyfriend papatulong ako kay Jonald para magkita kayo ni Albert. Makipag-break ka na kaya sa siraulo mong boyfriend. Tas kami na ni Jonald bahala kung paano kayo magkikita ni Albert."

"Para namang mapapapayag mo si Jonald."

"Ako ang bahala do'n. Bagay na bagay talaga kayo ni Albert. Kung siya ang isasama mo sa mga lakad ng barkada, siguradong walang maba-badtrip. Kaya makipag-hiwalay ka na sa mayabang mong boyfriend."

"Hindi ko na kailangang makipag-hiwalay, break na kami. Well, para sa akin break na kami. Hindi pa nga lang niya alam."

"Really? Why? What happened?" gulat pero halatang masayang bulalas ni Czarina.

"I found out na he's cheating with Rina."

"What?! Sabi ko na nga ba hindi talaga mapapagkatiwalaan ang dalawang 'yon. Makipag-hiwalay ka na sa lalaking iyon at putulin mo na lahat ng communication mo sa kanilang dalawa. But knowing that Sherwin, I'm sure hindi iyon papayag na maghiwalay kayo at itatanggi lang niya lahat. Kailangan may ebidensya tayo. At bilang mabait akong kaibigan, ako na ang bahalang maghanap ng mga ebidensya."

"Talagang support na support mo ang pakikipaghiwalay ko kay Sherwin ah."

"Siyempre naman. Para makagawa na tayo ng paraan para maging jowa mo si Albert. Bet na bet ko talaga na maging kayo. I'm sure magaganda at mga gwapo ang mga magiging anak n'yo." wika ni Czarina na nagpapula ng mga pisngi ko.

Hindi ko alam ang gagawin ko dahil sigurado akong narinig lahat ni Albert ang usapan namin ni Czarina. Dahil kahit hindi naka-speaker ang cellphone ko, sa lakas ng pagsasalita ni Czarina na parang sumusigaw na, hindi na ako magtataka kung rinig iyon hanggang sa labas nitong kotse.

"By the way, hindi libre ang paghahanap ko ng ebidensya. Don't worry, hindi naman mahal ang sisingilin ko sa 'yo. Libre mo lang ang buong barkada ng isang meal, lunch or dinner. Siyempre, kasama ang mga plus 1 namin, at ikaw naman ang dapat mong isama ay si Albert Joshua Fralanciana, . O sige na, bye na. Uumpisahan ko na ang paghahanap ng ebidensya."

Hindi na ako nakapagpaalam pa kasi Czarina already ended the call.

"It's good that your friend like me for you." sabi ni Albert dahilan para lalong pumula ang pisngi ko.

"Do you want to do something or you want to go somewhere?" tanong ni Albert makalipas ang ilang sandali.

"Yung totoo?"

"Yeah."

"Hindi ko alam, kasi nalilito ako. I want to take a rest in a peace and quiet place, but at the same time I also want to do something to occupy my mind. Ayaw ko pumunta sa apartment ko pero gusto ko nang ayusin mga gamit ko para maisauli ko na rin kay Sherwin lahat ng mga binigay n'ya sa akin. Gusto ko bisitahin yung business ko pero wala naman ako sa mood. Ewan ko ba. Nalilito na din ako sa sarili ko."

"Well, in that case, let me handle everything, Mrs. Fralanciana."

I am now Mrs. Samantha Archelsea Brianna Cassandra Delatejera Fortaleza-Fralanciana, wife of one of the most successful and youngest businessmen ,Albert Joshua Banasiewicz Fralanciana.

At simula ngayon, hindi na ako papayag na lokohin pang muli ng mga taong nakapaligid sa akin. At pagbabayarin ko ang mga nanakit sa akin.

~sweetbabyrsmwx~

I'm not confident with this chapter pero sana nagustuhan n'yo pa rin. Bawi na lang ako sa mga susunod na chapter...

Sorry sa typos, wrong spelling at wrong grammar. Feel free to criticize, vote and comment. Thank you...

Bab berikutnya