Chapter 10
- Arabella's POV -
Kakatapos lang ng PE class namin at papunta na ako ng restroom para magbihis ng may biglang bumangga sa akin. Dahil may kinukuha ako sa bag ko at malakas ang pagkabangga sa akin ay natapon ang ilan kong gamit.
Nag-angat ako ng tingin at nakita kong si Sensui pala iyon. Nang akmang kunin ko na ang gamit at bra ko ay bilang itong kinuha ni Sensui na parang manghang-mangha.
"Hoy, Sensui! Akin na yan!" Sigaw ko at pilit na inaabot sa kanya ang bra ko.
"Hahaha. Ang laki naman nito?!" Natatawang sabi nya habang pilit na itinataas ang bra ko. Dahil matangkad sya ay hindi ko naman ito maabot.
"T*ng*na, Sensui!! Akin na yan!!" Sigaw ko pa.
"Floral pa talaga."
"G*go ka talagang h*nayopak ka!" Sigaw ko pa habang inaabot parin ang bra ko.
"Mr. Hale! Ms. Romero!" Pareho kaming natigilan dahil may biglang sumigaw sa may bandang likod namin. Pareho kaming lumingon doon at nakita namin si Dean.
A Few Moments Later. . .
"Dean! Sya po ang nauna!"
"Dean, wala po akong ginagawa!"
"Shh!" Pagpapatahimik nito sa amin. "Ipapatawag ko ang mga magulang nyo." Sabi niyo.
"Dean, please, wag po." Sabi ni Sensui.
"Dean, please po. Kahit paglinisin nyo pa ako ng buong school year sa cafeteria, wag nyo lang pong ipapatawag ang Daddy ko." Sabi ko naman.
"Sana naiisip nyo yan bago kayo gumawa ng kalokohan. So, that's my final decision." Sabi nya. Pareho naman kami ni Sensui nawalan ng pag-asa. "Unless..." Biglang hirit nito. Agad naman kaming nagkaroon ng pag-asa. "You are going to work a project together." Dagdag ni Dean. Kami naman ni Sensui ay nagkatinginan lang.
A Few Moments Later. . .
"Saan tayo gagawa?" Tanong ko nang makalabas kami ng office ni Dean.
"Ako nalang ang gagawa. Isesend ko nalang sayo ang mga kailangan mo, at sumipot ka nalang sa monday." Sabi nya.
"Ayoko nga!" Sigaw ko at hinawakan ang kamay nya para hilahin pero agad nya itong iniiwas.
"Bakit ba, ha?" Inis nitong tanong.
"Ayoko! Baka iprank mo nanaman ako!" Sigaw kong sagot sa kanya.
"Fine! Pumunta ka sa bahay." Masungit nyang sabi tapos naglakad na at iniwan na akong mag-isa.
A Few Moments Later. . .
"Stop me! Talaga?!" Nakangiting tanong nila.
"Ano namang nakaka-excite doon?" Tanong ko sa kanila.
"Girl, ano ka ba? Manhid ka ba? Alam mo ba kung anong pwedeng mangyari sa bahay nila Devin?" Tanong ni Brigitte sa akin habang abot-tenga ang ngiti at parang kilig na kilig.
"Tsk. Ano bang mangyayari? Gagawa lang naman kami ng project." Sagot ko sa kanila.
"Malay mo...." Sabi nya tapos nagtinginan silang tatlo.
"Naku, tigilan nyo nga ako. Kung ano-ano nanaman ang iniisip nyo." Sabi ko tapos tumayo ulit. Madami kasing costumers ngayon.
"Oh my god!! May laban ang whites at Eagles sa live ni Kyle!" Sigaw ni Brigitte. Agad namang naglabasan ng mga cellphone lahat ng mga tao sa loob ng The Barb.
"Excuse me..." Biglang sabi ni Saylor.
"Yes, miss?" Tanong ko.
"Bell, tara dito!" Sigaw ni Brigitte sa akin.
"Wait lang, uunahin ko muna tong malditang--- ibig kong sabihin, magandang nating costumer..." Sabi ko tapos pilit syang nginitian. Sya naman ay napairap nalang sa hangin.
A Few Moments Later. . .
"Ano ba yan?!" Malakas na sigaw nilang lahat.
"Bakit?" Tanong ko kay Brigitte.
"Natalo ang Eagles." Sabi nya habang parang pinagsakluban ng langit at lupa.
"Tsk." Singhal ko tapos inayos na ang pagtatrabaho ko. Nang sumapit ang oras na napag-usapan namin ni Sensui ay agad kong kinuha ang gamit ko at medyo late na din ako.
"Oyy, salamat sa pagsalo ng shift ko, ha? Next week nalang." Sabi ko tapos kumaway muna sa kanila bago ako lumabas.
"Ingat!" Sigaw nila tapos kumaway din sa akin. Pagdating ko doon ay nasa labas na si Ryan na agad ko namang nilapitan.
"Nasaan sila kuya?" Tanong ko sa kanya.
"Binisita yung isa pa naming bestfriend. Nasa ospital kasi." Sagot nya tapos pinagbuksan ako ng pinto. "Saan tayo?" Tanong nya.
"Sa address na to." Sabi nya tapos pinakita ko ang address na tin-ext sa akin ni Sensui kanina.
"I know that. Malapit yan sa mansion mo." Sabi nya na ikinapula ng muhka ko.
"K-Kailangan mo ba talagang s-sabihin yon?" Nahihiya kong sabi.
"Bella, kailangan masanay ka na. Hanggat hindi napapalitan ang apilyedo mo, ikaw at ikaw parin ang papasahan ng mana ng mga Romero." Pakwento nanaman nya.
"Bakit nga ba puro babae lang ang tagapagmana ng mga Romero?" Tanong ko.
"Traditional na yon. Kaya nga hinahanap ka namin, ehh. Ikaw nalang kasi ang pag-asa ng mga Romero. May posibilidad kasing maagaw ang lahat ng iyon kapag walang tagapagmana." Sabi nya pa.
"Ahh... Pero, bawal bang ibang paraan?" Tanong ko pa.
"Ayaw mo ba?" Tanong nito na ikinagulat ko.
"H-Hindi naman. T-Tinatanong ko lang." Sabi ko habang nakatingin sa kamay ko.
"Bell, hindi ka naman namin papabayaan. Tutulungan ka naman namin, ehh. Habang nag-aaral ka, ayos lang ang lahat. Kaming bahala, basta magfocus ka lang sa pag-aaral mo." Sabi nya tapos hinawakan nya ang mga kamay ko gamit ang isa nyang kamay.
Lumipas ang buong byahe papunta kila Sensui at parang tulala parin ako. Dahil sa pagkalutang ko ay hindi ko na napansing nandoon na kami. Kung hindi pa ako marahang inalog ni Ryan baka tulala parin ako ngayon.
"Susunduin kita, ok?"
"Sige." Nakangiti kong sabi tapos yumakap muna sa kanya at hinalikan ang pisnge nya. "Bye, ingat." Paalam ko sa kanya.
"Byeee..." Sabi nya tapos hinalikan din ang ulo ko. Nang bumitaw sya ay agad akong kumaway at hinintay muna syang makaalis bago ako kumatok sa gate nila.
"Tao po?..." Pagkatok ko sa gate. Maya-maya lang ay may nagbukas na nito at pinapasok ako. Nang makapasok ako ay sandali akong iniwan nung yaya nila.
Sinamantala ko na ang pagkakataon at agad kong pinalibot ang tingin sa buong bahay nila. At nakakamangha ang bawat estraktura nito. Akala ko ang bahay na nila Dad ang pinakamagandang bahay ang nakita ko, hindi pala.
"Hi, Taguro." Nagulat ako ng may biglang nagsalita sa likod ko. Agad akong humarap at nakita ko ang isa pa nilang yaya. Nakangiti ito sa akin na parang nang-aasar.
"Pati ba naman po kayo?" Natatawang sabi ko.
"May problema ba?" Tanong nya sa akin.
"Ahm... Pwede po bang makigamit ng banyo?" Nahihiyang tanong ko sa kanya. Bahagya naman itong natawa.
"Sa study room, unang kwarto, may banyo doon." Sabi nya. "Sige, umakyat ka na."
"Talaga po?" Tanong ko. Nakangiti itong tumango. Agad naman akong umakyat at pag-akyat ko ng kwarto ay andaming pinto ang nasa bawat daanan. May pinto na dito sa harap ko at may pinto naman na nasa kaliwa ko.
Pinag-isipan kong mabuti kung anong pinto ang una kong papasukan dahil nakakahiya kapag ibang kwarto ang napasukan ko. Napairap ako sa hangin at agad na pumasok sa pintong nasa harap ko.
Pagpasok ko ay nakita ko agad ang buong kwarto. Puro jersey na naka-frame at may mga pirma ata. May mga bola din na nasa kabinet na katabi ng kama.
"Hindi naman to study room, ehh." Sabi ko sa sarili ko at umikot pa para may makita pa ang buong kwarto. Maayos ang kwartong iyon at mabango. May mga pictures din ni Sensui at natakot ako dahil baka kwarto nya ito.
Nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto na nasa likod ko. Agad na nanginig ang kalamnan ko dahil baka kung anong isipin ng taong iyon sa akin dahil nandito ako sa kwarto.
Dahan-dahan akong humarap dala ng kaba ko. Sobrang bilis din ng tibok ng puso ko at ng paghinga ko. Pagharap ko ay nakita ko si Sensui. Na walang damit, at ang tanging takip lang sa katawan ay towel.
Parang wala ako sa sarili at bumaba ang tingin ko sa katawan nya. Ang katawan nya ay may pagkataba na payat din. Napalunok ako at hindi ko nalang namalayan nakatakbo na ako.
Dahil sa kaba at takot ay hindi ko na alam kung paano buksan ang pinto. Pilit ko itong pinipihit at nagdadasala na sana wag akong palitan ni Sensui. Patuloy lang yon nang bigla kong naramdaman kong ang paglapit nya.
Muli akong napalunok ng dahil sa kaba dahil nararamdaman ko na ang katawan ni Sensui sa likod ko. Plus, nakikita ko din sa bandang gilid ko ang braso't kamay nya.
Muli akong napalunok at nanginginig talaga ang kalamnan ko habang marahan ulit akong humaharap kay Sensui. Pagkaharap ko ay nakangisi ito sa akin at parang tuwang-tuwa.
Ayon nanaman ang traydor kong mata at bumababa nanaman sa katawan nya at napalunok nanaman ako. Sa wakas ay nagawa ko nang mag-iwas ng tingin sa kanya pero naghahabol parin ng hininga.
"What are you doing here?" Nakangising tanong nya. "Naiihi ka na ba?" Tanong nya sa akin. Wala sa sarili naman akong tumango. "You can use my bathroom." Nakangisi parin nyang sabi tapos itinuro ang banyong nilabasan nya kanina.
Nilingon ko ang banyo nyang nakabukas dahil sa paglabas nya at pagkatapos ay nilingon ko ulit sya. Tinaasan nya nya ako ng dalawang kilay na parang sinasabing gamitin ko na.
Agad akong tumakbo doon at agad na sinara ang pinto. Pagkasara ko ng pinto ay hinihingal ako na parang tumakbo ako ng napakahabang kalye at ngayon lang ako huminto.
- Third Person's POV -
Nasa loob parin ng banyo si Taguro, naghihilamos. Sobrang pula parin ng muhka nya dahil sa nangyaring engkwentro nila ni Sensui. Nakabihis na sya ng damit na dinala nya kanina.
"Ano ba, Bell." Sabi nya sa sarili. "Wala yon, ok? Wala." Sabi nya na parang naiinis pa sa sarili nya. "Kalma, ok? Wala yon. Bakit ka ba namumula?" Tanong nya pa ulit.
Muli syang bumuntong-hininga bago sya kumilos palabas ng banyo ni Sensui. Pero bago sya lumabas ay tumigil muna sya sa may gilid ng pinto dahil baka wala pang damit si Sensui.
Habang si Sensui naman ay kausap si Billy sa cellphone nya. Nakadamit na ito ng buong-buo at tatawa-tawa pa dahil sa kwento sa kanya ng bestfriend ng kuya nya.
"Hoy, Sensui! A-Ayos ka na ba?" Nauutal na tanong ni Taguro.
"Ayos naman. Nag-abala ka pa magtanong. Ikaw ba?" Pilyong sagot ni Sensui.
"H-Hindi. I-Ibig kong sabihin, n-nakabihis k-ka na ba?" Nauutal paring tanong ni Taguro.
"Hmm? Hindi pa, ehh." Pilyo paring sagot nya.
"M-Magbihis ka na."
"Wait lang. Mga... 10 minutes pa." Nang-aasar na sabi nito.
"Sensui..." Reklamo ni Taguro.
"Ok na." Natatawang sabi ni Sensui. Si Taguro naman ay bumuntong-hininga muna bago nagsalita.
"S-Sige. T-Takpan ko muna ang mata ko, ha?" Sabi nya tapos dahan-dahang humarap. Nang makaharap na sya ay saka nya dahan-dahang binuksan ang mata nya. Nakahinga sya ng maluwag ng makita nyang nakadamit na si Sensui.
"Lapit ka nga dito." Sabi ni Sensui at sinenyasan si Bell na lumapit.
"Heh! Alam ko na yang galawan nyong mga lalaki." Masungit na sabi ni Taguro.
"Anong galawan? Lumapit ka nalang kasi." Sabi nya tapos hinila si Taguro paupo sa tabi nya.
"Ano ba?!" Sigaw ni Taguro sa kanya.
"Wala akong gagawin sayo. Tara, picture muna tayo." Sabi nya tapos itinaas na ang cellphone nya.
"Para saan naman?" Tanong ni Taguro sa kanya.
"Shempre, para may maipakita tayo kay Dean na proof." Sabi nya habang kumukuha na. "Haha. Maganda ka pala." Sabi nya tapos nilingon si Taguro. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay nagkatinginan ang pareho nilang mata.
They felt some magnetic force that attract there both eyes to meet and never leave each other. May nararamdaman silang kakaibang pakiramdam na ngayon palang nila nararamdaman.
Pareho silang umiling at sabay na nag-iwas ng tingin. Pareho silang napalunok at binalot ng awkwardness ang buong paligid at walang nagsalita sa kanilang dalawa.
"Pwede ka nang umuwi." Biglang sabi ni Sensui. Agad naman napaharap sa kanya si Taguro.
"Anong uuwi?" Tanong ni Taguro sa kanya.
"Uuwi ka na. May picture naman na tayo. Bibigyan nalang kita ng babasahin mo, all you have to do ay sumipot bukas." Sabi nya tapos agad na tumayo at lumabas ng kwarto nya. Agad naman syang sinundan ni Taguro.
"Ano? Ayoko nga, diba?" Pagpigil ni Taguro sa kanya.
"Bakit ba ayaw mong umuwi? Do you want to spend more time with me?" Tanong ni Sensui na hindi sinagot ni Taguro. Aksidenteng napalingon sa kung saan at nakita nya ang billiard table nila Sensui.
"Nagbibilyar ka ba?" Tanong ni Taguro sa kanya. Si Sensui naman ay napalingon din sa billiard table nila sa baba.
"Oo, bakit?" Tanong ni Sensui.
"Play tayo. Kapag nanalo ka, ikaw ang masusunod sa project natin. Kapag nanalo ako, ako ang masusunod." Nakangising sabi ni Bell.
"If I win, uuwi ka na. Deal?" Mayabang na tanong ni Sensui tapos inilahad ang kamay nya kay Bell.
"Deal." Pagpayag ni Bell.
"Good luck." Mayabang pang sabi ni Sensui bago sila bumaba. Hindi nalang sya pinansin ni Bell.
- To Be Continued -
(Sun, July 11, 2021)