webnovel

Moving to a Home

Chapter 1

- Arabella's POV -

Nakaupo ako sa loob ng kotse habang nakatingin sa labas ng kotse. Papunta kami ngayon sa bahay ng papa ko dito sa Maynila dahil gusto daw nya akong makasama at pag-aralin.

Makakasama daw namin dito ang asawa't anak nya na ok lang naman sa akin. Mas gusto kong makilala ang pamilya nya ngayon dahil gusto ko ding maramdaman ang pakiramdam na may pamilya.

"Nakatulog ka ba ng maayos?" Naiilang na tanong nya sa akin.

"Maayos naman, po." Naiilang ko ding sagot. Natahimik na kami pareho at parehong nagpapakiramdaman.

"Ang ingay po pala dito sa Maynila, ano? Ang traffic din." Naiilang ko paring sabi.

"Oo nga." Tumatango-tangong sabi nya tapos non ay natahimik na agad kami at hindi nanaman nagkibuan. Mabuti nalang ay dumating na kami sa bahay nila.

Inalalayan nya akong makababa sa kotse at nginitian ako. Ginantihan ko nalang din sya ng ngiti dahil alam kong pareho kaming naiilang parin sa isa't isa.

Pagkatapos naming dalawa ay may dalawang babaeng pababa ng hagdanan ako pasalubong sa aming dalawang babae. Nang makita ako ng isang babaeng ay ngumiti ito sa akin.

"You must be Bell?" Nakangiting tanong sa akin ng babaeng parang kasing edad ni Dad.

"Opo..." Naiilang kong sabi tapos pilit na ngumiti. Ngumiti din ito pero base sa nakikita ko sa mata nya ay napipilitan lang sya.

"Heaven, hindi mo ba babatiin ang kapatid mo?" Tanong naman ni Dad sa isa pang babaeng may kinakalikot lang. Itinigil nito ang kung anong ginagawa nya sa phone nya at tinaasan ako ng kilay bago ibinalik ang atensyon sa cellphone nya.

"Hayaan mo na sya." Mahinang sabi ng babaeng muhkang asawa ni Dad. "By the way, I'm Madeline. Just call me Tita Made." Nakangiting sabi nito sa akin.

"Where's Martin?" Tanong ni Dad sa asawa nya.

"I don't know." Sagot nito kay Dad.

MAKALIPAS ang ilang minuto ay nandito na kaming lahat sa harap ng hapag-kainan at kumakain. Habang kumakain kami ay nag-uusap din kami ng mga importanteng bagay.

"May cellphone ka din ba?" Tanong sa akin ni Dad.

"Wala po, ehh. Doon po kasi, hindi po kami pinapayagan bumili ng ganyan. Tyaka, wala din po kaming pangbili." Naiilang kong sabi.

"Oww. I'm sorry to here that. Hayaan mo, bibilhan kita ng phone at ng laptop para may sarili kang gamit." Nakangiting sabi ni Dad.

"What are you doing there for living?" Tanong naman ni Tita Made.

"Nagtra-trabaho po." Sagot ko.

"You're working?" Tanong nila pareho ni Dad.

"Kasi wala naman po kaming makakain kung hindi kami mag-tra-trabaho. Tapos wala din pong nagdodonate sa ampunan kaya mabilis po silang pumayag na ipamigay ako." Mahina kong sabi.

"Ohh, that's sad." Mahinang sabi ni Tita. Napalingon ako sa katabi kong bata at nakangiti ito sa akin. Ngumiti din ako sa kanya dahil medyo cute din ito.

"By the way, tomorrow, magsisimula na pala ang pasokan nyo. Na-enroll na din kita kaya sabay na kayong papasok ni Heaven tomorrow." Biglang sabi ni Kuya. Tumango-tango naman ako at tinapos na ang pagkain ko.

"Heaven, pahiramin mo sya ng damit nya para bukas. Please treat your sister well." Masungit na sabi ni Tita.

"Why do I have to treat her well? She's an outsider from our family." Masungit na sabi ni Heaven. Kahit na naiintindihan ko sya, nagbingi-bingihan nalang ako at nagkunwaring walang naiintindihan.

"Heaven!" Saway ni Tita sa anak nya. Si Dad naman ay umiling-iling na parang hindi din nagustuhan ang inasta ni Heaven. Nang tingnan ko si Heaven ay tinarayan lang ako nito.

KINABUKASAN ay bago kami pumasok ay ibinigay sa akin ni Dad ang Laptop at Cellphone na binili nya. Lihim pa nga akong namangha dahil ang bilis dumating ng Cellphone na binili nya.

Kakadating lang namin sa school at kakababa lang namin ng kotse. Si Dad ay hindi na bumaba dahil de-deritso na daw ito sa trabaho nya. Nang mahagip ng mata ko si Heaven ay parang diring-diri ito sa suot ko.

Tiningnan ko naman akong suot ko ngayon. Simpleng sleeveless na itim, ripped jeans, at polo na hindi ko na binutones. Parang ginawa kong jacket yung polo, ganon.

"Heaven, tour around your sister. And, be good. Understand?" Masungit na sabi ni Dad. Umirap naman sa hangin si Heaven bago sumagot.

"Yes, dad." Napipilitang sagot nito. Nginitian ako ni Dad bago nito isinara ang salamin ng sasakyan. Nang makaalis ito ay agad na humarap sa akin si Heaven. "Ikaw nang bahala sa sarili mo, malaki ka na." Mataray na sabi nito.

"Pero hindi---"

"I don't care." Pagputol nito sa sinasabi ko. "Ayokong may makakita sa akin kasama ka. Ayokong isipin nila, at ayokong malaman nilang may kapatid akong katulad mo." Sabi nito. Dahil sa sinabi nya ay kumuyom ang kamao ko at nagtagis ang bagang ko. "Why? You're going to hurt me? Go ahead. Para mawala ka na dito." Sabi nya tapos tinalikuran na ako. Pinanood ko naman syang makalayo sa akin. "Saylor! Charlee!" Sigaw nya. Unti-unti syang nagtakbo-lakad hanggang sa makarating sya sa mga babaeng iyon.

"Who's that girl? Do you know her?" Tanong ng isang babae na medyo maganda, may katangkaran din, mahaba ang buhok pero muhkang masama ang ugali.

"No, she's just asking direction." Sagot ni Heaven.

"Don't talk to her again. Baka mahawa ka ng---" Tinignan ako nito simula ulo hanggang paa. "---ng ka-jeje-han nya." Mataray na sabi naman ng isang babaeng medyo matangkad din pero hindi kasing ganda nung isa.

Yung isa mahinhin syang magsalita at parang anghel kapag napakinggan mo. Pero bago sya magsalita ay muhka syang masungit. Maganda din talaga ito kasi muhkang lip gloss lang ang nasa labi nito tapos pulbo.

Ang isa naman ay medyo may maputi sa kanya. Kung yung isa ay medyo tan, itong isa ay medyo maputi pa sa kanya. Ito yung magsalita at tignan mo masungit na talaga at tatarayan ka pa.

Ang kapatid ko naman ay maputi. Hindi din ito naglalagay ng kulirete sa muhka. Well, kunti lang. I think. Pero maganda talaga sya. Maganda din kasi si Tita Made.

"Yeah. Sure."

"Tsk. Another trash again." Sabi nanaman ng babaeng masungit.

"Let's go, Saylor." Sabi nung babaeng isa.

"Let's go." Sabi ng kapatid ko. Tinignan muna nila akong tatlo bago sila umalis. Ako naman ay napabuga nalang ng hangin dahil sa frustration. Nagsimula na ulit akong maglakad papasok.

"Bahala na nga." Sabi ko sa sarili ko. Naging alisto ako at naghanap ng mga pwedeng signs na magkakatulong sa akin. Sa pag-iikot ng mata ko ay may nahagip na sign ang mata ko.

"To Dean's office..." Pagbasa ko sa sign na may nakaturo pang arrow. Agad kong sinundan iyon at agad ko din namang narating ang Dean's office. Sandali kaming nag-usap at lumabas din agad.

"Since you're new, I assigned a student to accompanying you and... She must be... Here na..." Naiilang nitong sabi tapos lumingon sa paligid.

"Ok lang naman po. De-deritso nalang po ako sa classroom---"

"Sir, wait!" Sigaw galing sa likod namin. Dahil mahina ito, muhkang galing ito sa malayo. Lumingon kami ni Dean at nakita namin ang babaeng papalapit na sa amin.

"Ohh, it's her." Nakangiting sabi nito sa akin. Sandali ko syang nilingon at nginitian tapos lumingon ulit ako sa babaeng malapit na sa amin.

"Hi, you must be Arabella?" Nakangiting sabi nito sa akin. Napapilit na ngiti ako at nilingon ulit si Dean bago tumango.

"Bell." Nakangiting sabi ko.

"Hi, Bell. I'm Brigitte and I'm going to be your new bestfriend." Nakangiti at masiglang sabi nito. Tapos niyakap pa ako.

"Sige. Ikaw na ang bahala kay Ms. Romero." Nakangiting sabi ni Dean.

"Opo naman po." Nakangiting ding sabi ni Brigitte. Nagsimula na kaming maglakad at napansin kong tinitignan nya ang suot ko ngayon. "Girl, bakit naman ganyan ang suot mo? Alam mo, de-dead-mahin ka ng mga estudyante dito kung ganyan ang porma mo." Sabi nya habang nakangiwi. Taka ko namang tinignan ang suot ko.

"Maayos naman, ahh?" Tanong ko.

"Naku. Ang baduy kaya. Walang papansin sayo dito dahil dyan sa pormahan mo." Sabi nya pa ulit. "Naku, gusto mo bang pahiramin kita ng damit? Marami ako sa bahay. Magaganda lahat yon." Sabi nito agad naman akong umiling.

"Wag na. Ok na ako dito." Sabi ko. Tapos ngumiti sa kanya.

"Alam mo, dapat sumabay ka sa uso. Dapat maganda ang damit mo hindi yung ganyang muhka kang tomboy. Sige ka, walang makakapansin sayong boys dito." Parang nananakot na sabi nito.

"Ehh, ano naman? Nandito ako para mag-aral, hindi para magpapansin sa mga boys na yan. Tsk." Sabi ko habang patuloy parin sya sa paghila sa akin.

"Alam mo, tayo-tayo lang ang pwedeng magtulungan. Kaibigan ka na din namin ngayon, ehh. A isa pa, tayo-tayo lang din ang pwedeng magtulungan kasi hindi tayo tutulungan ng iba." Sabi nya. Napakunot naman ang noo ko.

"Ganon ba talaga dito? Dapat nasa uso ka? Tapos may sariling mundo lang kayo? Tapos wala ding unity?" Tanong ko sa kanya. "Tyaka anong namin?" Dagdag ko pa.

"Nakabase kasi tayo sa fame." Maikli at makahulugang sabi nya.

"Fame?" Mas naguguluhan kong tanong.

"Ang pinakasikat sa school na to, ang Master 4. Sila ang varsity team ng school natin at ang pangalawa naman ay ang circle of friends ni ahm... Basta. Apat din sila. Si Heaven, Charlee, Saylor, at yung isa hindi pwedeng sabihin ang pangalan." Sabi nya.

"Bakit? Confidential? Nakadisguise ba sya?" Tanong ko.

"Haha. Tanga, hindi. Basta bawal lang talaga syang banggitin sa loob ng school lalo na kapag malapit si Devin." Sabi nya.

"Sino naman si Devin?" Tanong ko.

"Sya yung leader ng Master 4." Parang kinikiliting sabi nito. Napangiwi naman ako dahil sa kanya. Naglakad pa kami hanggang sa pumasok kami sa parang cafeteria.

"Speaking of. Ayon na yung mga kaibigan natin, ohh." Sabi nya tapos may ininguso sa kung saan. Hinila nanaman ako ng gaga at nagpaigaya naman ako.

"Regg!" Malakas at matining nitong sigaw habang papalapit sa isang lamesa.

"Brigitte, stop shutting! Ang sakit sa tenga!" Sabi ng isang lalaki na tingin ko ay may pagkababae.

"By the way, sya si Bell. Sya yung new student na sinasabi ko." Nakangiting pakilala nito sa akin. Agad na tumayo ang isang babae at hinila ako paupo.

'Mahilig ba talaga sila mang-hila?'

"Hi, Bell. I'm Anna, and welcome to our school." Nakangiting sabi nito. Sya naman yung babaeng maganda talaga kahit simple lang. Yung wala talagang inilagay sa muhka.

"I'm Reggie, I'm the president council." Nakangiting bati naman nung isa tapos inabot sa akin ang isang kamay nya.

"Arabella. Bell nalang." Nakangiting sabi ko tapos inabot sa kanya ang kamay ko.

"What's with the look?" Parang natatawang sabi nito.

"Ayan nga din ang sabi ko sa kanya. Kapag hindi sya napansin, pagtatawanan naman sya." Natatawang sabi ni Brigitte.

"Naku. Ok lang yan, Bell. Bukas naman mag-u-uniform na sya." Nakangiting sabi ni Anna. "Tikman mo nalang tong cookies na bi-nake ko." Nakangiting sabi ni Anna.

"Oo nga. Try mo." Nakangiting sabi ni Brigitte.

"Yes. Hindi ka magsisisi." Nakangiti ding sabi ni Reggie. Kumuha ako ng isa tapos kumagat.

"Wow! Ang sarap nga!" Nanlalaki ang mga mata dahil sa sarap nung cookies.

"Wow! Talaga? Salamat! Buti na gustohan mo." Tuwang-tuwang sabi nya.

- To Be Continued -

(Sun, July 4, 2021)

Bab berikutnya