webnovel

Chapter 11

"Nandito ka na naman?" sita ni Xym kay Vein ng makita itong nasa sala nila.

"Hey! Xym. Be nice"saway ng mama nya sa kanya "Bisita yan" binigyan sya nito ng matalim na tingin.

"Sorry, mom" malumanay nyang wika.

Inilapag ng Mommy ni Xym ang dala nitong tray na may lamang mga pagkain at isang basong juice.

"Pansensya ka na. ganyan talaga yan minsan" wika ng mommy ni Xym habang ibinababa ang hawak na tray sa center table

"Ayos lang po, Tita" wika ni Vein habang malokong nakatingin kay Xym.

Pinaningkitan naman ito ni Xym ng tingin.

'Fuck you' he mouthed to Vein. He raise his middle finger.

"Xym..." biglang bumaling sa kanya ang mama nya kaya muntikan na syang mahuli nito. Itinago nya ang kamay sa likod

"Po?" agad nyang sagot.

Natawa naman si Vein sa reaction ni Xym.

Nangunot ang noo ni Kettle. "Anong ginagawa mo?" tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa sa pagtataka.

He shook his head immediately. "None".

"Okay." tumuwid ito sa pagkakatayo. "By the way, tawagin mo na si Xam sa taas baka tapos na yun magbihis. sabihin mo nandito na si Vein"

"Bakit?" Naguguluhan nyan tanong. Palipat lipat ang tingin niya sa dalawa.

"Anong bakit?"tumaas ang isang kilay ng mama nya "Sige na. Tawagin mo na ang kapatid mo. Wag ka mag tanong pa"itunulak na sya nito patalikod- papunta sa hagdanan.

Nagtataka man ay napatulak na lang sya dito. he descend to staircase.

Ilang buwan na rin ang nakalipas mula nung nakilala nila si Vein sa 'Welcome party' kono nilang magkakaibigan. Mula noon ay bumibisita na ito sa kanila madalas. Lalo na pag off nito. Minsan ay lumabas ito at si Xam. Hindi lang nya alam kung saan nagpupunta ang mga ito. At kabilang ang araw na to.

"Xam" katok nya sa pinto. "Xam, tapos ka na daw ba?"

"Malapit na. Wait lang" sagot nito mula sa loob.

Sa baba naman, Habang naghihintay si Vein ay kinain na nya ang inihanda para sa kanya ni Kettle.

"Ano masarap ba?"

Halos mapatalon sya ng may biglang nagsalita sa may bandang likuran nya kaya nilingon nya ito.

"Tito, Kayo po pala?" pilit syang tumawa habang nakahawak sa dibdib nya.

"Ayos ka lang, hijo? Nagulat ata kita" nakangiting tanong nito

"Medyo lang po,Tito. hehehe" pilit parin nyang tawa.

Lumapit ito sa tabi nya "Walang flight?" naupo ito sa mahabang sofa na nasa may gilid ng inuupuan nyang single sofa.

"Wala po, Tito"umiling siya "off ko po ngayon"

"Saan punta nyo?"

"Kakain lang po sa labas. Tapos siguro po konting gala.Depende po kay Xam"

Lumapit ito ng bahagya sa kanya. "Nakapagpaalam ka na ba sa kanya mismo"palihim na bulong nito sa kanya.

Napakamot naman sa batok nya si Vein. Sinyales na nahihiya ito sa tanong ni Xander, ang papa nila Xam

Ngumiti sya ng alanganin "H-Hindi pa po...hehehe"

"Sus.....Ang hina mo naman" tudyo sa kanya ni Xander. "Mabait naman yan eh" saka tumawa ng malakas.

"Ano mahina,Pa?"

Napatigil sa pag tawa si Xander bago sabay bumaling sa pinanggalingan ng boses.Kakababa lang ng kambal mula sa taas.

"Anong meron?" si Xym. matalim ang tingin nito sa dalawa

"A-Ahh wala" his dad defensively shook his head " Teka. May gagawin pa pala ako sa opisina. Maiwan ko na kayo"Nagmamadali tumayo ito para makatakas sa matalim na tingin ni Xym.

"Ready, Xam?" nag mamadaling aya ni Vein.

"Hmm..." tango ng dalaga

"Let's go" Kinuha ni Vein si Xam sa kamay ni Xym. Dali daling silang lumabas ng bahay. Iniwan si Xym na may matalim pa rin na tingin kay Vein.

Nang makalabas sila ng pinto at mawala sila sa paningin ni Xym ay binagalan na ni Vein ang paglalakad.

"Bakit?"Nagtatakang tanong ni Xam

"Nothing"Natatawa nyang sagot.

Nararamdaman naman ni Xam ang pigil na pagtaas baba ng balikat nito senyales na nagpipigil ito ng tawa kaya di nya ito tinigilan.

"Bakit nga? Nararamdaman ko kaya yung balikat mo. kaya alam kung tumatawa ka"

"Yung kakambal mo kasi highblood na naman" ang kaninang pinipihilang tawa ay tuluyan ng lumabas sa bibig ni Vein"Natatawa lang kasi ako. Paano ba naman nakabusangot na naman ang mukha"saka ipinagpatuloy ang pagtawa

"Hindi ka pa nasanay. Unang punta mo pa lang dito at sinusungitan ka na nyan"

Pati si Xam ay nahawa na rin sa tawa ni Vein. They are super close now. Xam found a new boy bestfriend.

That's how possessive Xym to her. He's always like that when she got closed to men.

Inalalayan ni Vein si Xam sa pagsakay sa passenger seat. Matapos maayos ang seat ni Xam umikot sya para makasakay na at inayos na rin ang seatbelt nya. Nang matapos ay pinaandar na niya ang makina sakay ito pinausad.

"Where are we going?" Tanong ni Xam.

"Let's have our lunch. Then you decide" sagot nya habang inililiko ang sasakyan papunta sa Highway.

"Sige" she enjoyed herself on listening music from Vein's Car stereo while facing  toward the window.

"Where do you want to eat?" nasa Highway na sila at nakikipagsabayan sa bilis ng mga sasakyan

"Hmm?" napalingon si Xam kay Vein.

"I said Where do you want to eat?"

"Ohh...Ahmm"nagiisip kung ano ang gustong kainin habang bahagyang nakatingala "Kahit saan na lang. ikaw na bahala" nakangiting balik ni Xam kay Vein.

Natawa naman si Vein sa sinabi nito. "Ang tagal mo mag-isip tapos yun lang ang sasabihin mo? Akala ko naman kung ano na" saka tumawa ng malakas.

Sinimangutan naman sya si Xam.

"Ang sama mo!...Hmmpp"pagtatampo ni Xam

"Sorry na.okay?" nilingon nya ito ng mabilisan "I'm just teasing you" sabi nya habang pigil pa rin ang tawa. "Oy,Xam"

Hindi sya pinansin nito.

Buti na lang at hindi sya nakikita nito kasi paniguradong mabubugbog sya nito sa inis.

Napag desisyonan nya sa mall na lang sila kakain para hindi na hussle pa.

"We're here" he announced while parking his car in the basement.

Inalis nya ang seatbelt nya at ni Xam saka bumaba para pagbuksan ng pinto si Xam.

"Come on." he guided her while getting out. When Xam came out he closed the door and they walk together.

Nakasimangot pa rin si Xam

"Sorry na. okay?" Nakangiti nyang pagmamakaawa sa dalaga habang ginugulo ang buhok nito.

Tingnan sya ng masama nito. Pikon sa paggulo nya sa buhok nito"Oo na. Oo na" habang tinatapik sa kamay nya. " tigilan mo na ung buhok ko" inis na saway nito.

Agad naman nyang tinigilan ang buhok nito.

"Good"he joyfully said.

"Tss....nagulo na tuloy buhok ko" masungit na bulong pa si Xam habang inaayos ang buhok na ginulo ni Vein.

Makalipas ng ilang minutong paglalakad at paghahanap ng kakainan ay napunta sila sa isang fastfood.

"What do you like?pasta?rice?Chicken?" tanong ni Vein habang nakatingin sa menu

"I'd liked pasta with chicken"

"Drinks?"

"Just water"

"Okay okay" he guided her "we must find a seat first before I order"

Buti na lang ay kaunti lang ang tao sa fastfood kaya mabilis lang silang nakahanap ng Mauupuan.

"Sit here"Pinaupo ni Vein si Xam sa pangdalawahang upuan.

Ang dala nyang bag nito ay inilagay nya sa lamesa "Here's your bag. Wait me hear. I'll be back" he said then walk to the counter again.

Maikli lang ang pila kaya mabilis lang ang pagpila nya.

"What's yours, sir?"the Cashier asked when it is his turn. She has this flirty smile but Vein didn't mind her.

"Two order of Spaghetti with chicken. Two order of Burgersteak with rice" He answered while looking at the menu.

"Drinks, Sir?" Malandi tanong nito.

"Just water" He answered blantly.

"Dine in, Sir?"

"Yes please"

"Okay, Sir. Total is 265 pesos, Sir"

"Here" he gave his ATM Card.

Cashier swiped his card before she gave it back.

"Thank you.Just wait beside, Sir" She gestured with bright smile in her face

Tumango lang sya.

Hindi nagtagal ay naihanda na ang mga order nya.

'Thank you' He mouthed before leaved

"Here's our lunch" he announced while carrying a tray.

Napalingon si Xam sa kanya. Inilapag nya ang tray saka inayos ang mga pagkain.

"Here you go" iniabot nya dito ang tinidor. "Kain na" agad naman nito sinunod iyon.

Umupo na sya para simulan din ang pagkain nya. They enjoy their lunch while talking.

"Nakakatawa kaya"

"Ano naman na kakatawa sa pagkakadulas--" Napatigil siya sa pagsasalita ng makita ang itsura ni Xam. May nagkalat na sauce sa gilid ng labi nito.

Natawa sya lalo dahil itsura nito.

Napatingin naman sa kanya si Xam "Ano tinatawa tawa mo dyan?" tanong nito habang nakakunot ang noo.

"Hahahaha...yung...hahaha...may...hahahahaha" di parin ni Vein mapigilan ang pagtawa.

"Ano tinatawa mo?" natatawa ring tanong nya.

"Yung...Yung"hindi nito natatapos ang sasabihin ay bumalahaw na naman ito ulit ng tawa

"Pwede ba? Itigil mo nga yang pagtawa mo? Hindi kita maintindihan eh" Nangingising tanong nya.

Imbes na sumagot si Vein, Kumaha ito ng tissue na nasa tray saka natatawang pinunasan ang gilid ng labi ni Xam.

"Nagkalat ang sauce sa labi mo" sabi nya matapos punasan ang labi nito.

"Ay...Shit!" Nanlaki ang mata nya "Meron pa ba?"tanong nya habang nakaturo sa mukha.

"Wala na. Naalis ko na lahat" nakangiti niyang sagot.

Pinagtitinginan na sila ng mga taong naroon

Nang matapos silang kumain ay lumabas na rin sila ng Fastfood at naglakad-lakad

"Grabe! Busog na busog ako. Ang dami mo naman kasing inorder eh" reklamo ni Xam

"Pero naubos mo naman" natatawang wika ni Vein

"Syempre, Pagkain yun eh. Masama magtira ng pagkain" Pangangatwiran ni Xam.

"Okay...okay." pagsuko ni Vein "Saan na tayo pupunta ngayon?Ano gusto mo gawin?" Tanong ni Vein kay Xam.

"Arcade tayo!" excited na sagot ni Xam.

"Arcade then"

"Yehey!!" parang batang wika nito na ikinatawa nya.

Inalalayan na nya ito pasakay sa escalator. Nasa pinakataas kasi nag World of Fun dito.

Sinalubong sila ng ingay na nagmulala sa mga rides at Machine na kung saan pwede maglaro. Katamtaman lang ang taong nandoon dahil ang karamihan ay nasa mga restaurant at Fastfood na.

"Saan tayo una?"

"Ano meron?" excited na tanong niya

"May twister, Bomb car at horror trail. tapos may money machine. Public Videoke, Carnival games" inisa isa talaga ni Vein lahat ng nandoon.

"Dun muna tayo sa Bomb car."Halata sa mukha nito ang excitement

He chuckled. "Yung totoo? Ilang taon ka na?" Mangha nyang tanong sa dalaga. "Para kang bata" natatawa nyang wika.

"Sige na...Tara na kasi" Pagmamadali batak ni Xam sa kanya.

"Opo. Ito na po"Natatawa syang naglakad papunta sa booth para bumili ng Ticket at ng Token.

"2 Tickets for Bomb car, Twister and Horror train. Then 500 pesos of token"

"Okay, Sir" sagot ng Cashier na halatang nahumaling sa taglay na kagwapuhan na lalaki.

"Miss, Pakibilis. Naghihintay na ang girlfriend ko"bulong nya sabay kindat

Doon nagising ang Teller mula sa pagkakahumaling sa kanya. Binilisan nito ang pagkuha ng ticket at tokens

"800 pesos po, Sir"

Naglabas sya ng isang libo saka iniabot sa teller. Nang makuha nya ang sukli ay Dumiretso na sila sa Bomb car. Tuwang tuwa si Xam pag nararamdaman ang impact ng pakikibangga si Vein. Si Vein ang naging driver nya.

Matapos ang Bomb car, Sinubukan na man nila ang twister. Tawa sila ng tawa dahil pagkabumibilis na ang andar ay sabay silang napapasigaw sa impact ng hanging sumasalubong sa kanila. Pagkababa nila ng twister ay dumeretso na sila sa Horror train.

Wala silang kapagurang naglaro at nagrides. Inubus nila ang toket na binili sa paglalaro ng Claw machine at basketball. Ang dami nilang nakuhang Ticket sa Basketball dahil halos doon na ubos ang token nila.

"May nakuha ka?" Tanong ni Xam kay Vein. Naglalaro sila ngayon ng Claw machine. May dala na syang ibang stuff toy na nakuha sa claw machine

"Malapit na.." sabi ni Vein habang totok na totok sa paglalaro. " Ito na" pininot na nya ang button para makuha ang stufftoy."Gotcha" sigaw nya ng makuha ng claw ang stuff toys.

"Yes!Akin na bilis!"Excited na sabi nya saka nagtatalon sa tuwa si Xam.

"Here's your stuff toy again" Nakangiting bigay nya sa Hello Kitty Stuff toy dito. He felt satisfied.

Ang makitang sobrang saya si Xam na kasama sya ay nagdudulot ng matinding kakaibang kuryenteng gumagapang sa buong katawan nya.

Ginulo na naman nya ang buhok nito "Tara na, Late na it's almost 6 pm na" Tumingin sya sa wrist watch nya"Papalitan na natin yang mga tickets para makakain natayo at maihatid na kita sa inyo" Sabi nya habang naglalakad sila papunta sa papalitan ng mga ticket.

"Saan mo gusto kumain?"

"I like pasta again" she smiled.

"Okay"

Ibinigay nya ang mga ticket na nakuha nila kanina nang makalapit sila sa booth "Papalit na po kami,Kuya"

Kinuha naman ng staff ang mga ticket saka isinalang sa Ticket Counter.

"786 po,Sir"

Tumango sya saka nagtingin sa mga bagay na pwedeng ipalit sa ticket nila.

"Ano gusto mong ipalit? Neck pillow? Mickey Mouse stuff? or Candies?" nilingon nya si Xam

"Ahmmm...Ung Neck Pillow na lang...hehehe"

"Okay" Hinarap ni Vein ulit ang staff "That one,Kuya" Turo nya sa Neck Pillow na Kulay silky pink.

"Ito po,Sir" Abot sa kanya

ni Kuya

"Thank you" sabi nya saka sila sabay naglakad ni Xam paalis dun.

Dumeretso na sila sa basement kung nasaan ang sasakyan ni Vein.

Inalalayan ni Vein na makasakay si Xam sa passenger seat bago siya sumakay din sa driver seat.

"Akin na muna yang mga Stuff toys."Kinuha nya isa-isa ang hawak nito saka nilagay sa Backseat ng sasakyan nya."Lagay muna natin sa likod. Mamaya mo na lang kunin pagkahatid ko sayo"

"Sige" halata na ang pagod dito kaya pagkatapos nyang ilagay sa likod ang mga stuff. inilagay nya ang Neck pillow na nakuha nila kanina sa leeg ni Xam. Pagkatapos ay umayos sya ng upo.

"Baka mangalay ulo mo pag nakatulog ka" sabi nya bago pinaausad ang sasakyan.

Lumipas ang ilang minuto bago sila nakarating sa isang hotel kung saan nagpareserve sya ng table kanina. It's roof top restaurant.

Pinatay nya ang makina ng sasakyan ng maipark nya ito sa parking lot. Lumabas sya saka lumapit sa side ni Xam para pagbuksan ito ng pinto.

"Nasaan tayo?" tanong ni Xam ng makalabas ito ng kotse.

"I reserve earlier a table for us" paliwanag nya habang inaalalayan niya si Xam papasok sa hotel patungo sa elevator "it's a rooftop restaurant owned by my friend"

"I see"

Nang makarating sila sa roof top sinalubong sila ng Maitre' de

"Good Evening, Sir Vein, Long time no see" Nakangiti itong sumalubong sa kanila.

"Yeah."Ngumiti rin sya dito "G'Evening too, Clark"

"Good Evening too, Madam" bati ni Clark ng mapansin ang kasama nyang si Xam

"Evening" She shyly greeted back

"Follow me, Sir, Madam" he gestured.

They followed. Nang makarating sila sa pinareserve ni Vein. Inuna nyang paupuin si Xam bago sya pumunta sa kabilang side para dun umupo.

Binigyan sila ng waiter ng menu pero hinsi yun binuklay ni Xam. Hinayaan nyang si Vein na ang umorder

"Two order of Paccheri al Forno and a bottle of Screaming Eagle Cabernet Sauvignon" He ordered

"Is that all, Sir"

"Yes. Thank you"

"Seriously?" manghang wika ni Xam "That wine is so expensive."

"Why? It's not everyday i bought that kind of wine" he shrugged.

"Tss...yabang" bulong pa ni Xam na ikinatawa ni Vein.

Screaming Eagle Cabernet Sauvignon is one of the most expensive wine in the world. it's worth $2,880...for sake

Habang naghihintay ay nag usap muna sila

"I bet the view here is Beautiful as others." wika nya habang dinarama ang malamig na hangin ng gabi. "I wish i could see it now" mahinang wika nya.

Titig na titig naman si Vein sa babaeng nasa harapan nya. May halong awa at paghanga ang pagtingin nya dito.

Kung pwede lang na ako na ang magdonate ng mata ay gagawin ko na. sa isip-isip nya.

"Ich mag dich" wala sa sariling wika nya.

"Ha?"napalingon sa kanya "may sinsabi ka"

Dun sya nagising sa pagkakatulala nya dito.

"Ha? wala" umiling iling sya.

"Ahh...akala ko may sinasabi ka eh"patango-tango pa nitong sabi.

Ilang minuto pa ay dumating na ang order nila. Wala na ni isa sa kanila ang nagsalita pa pagkaserve ng order nila. Naging tahimik ang dinner nila. Dahil na rin siguro sa pagod kaya wala na niisa sa kanila ang nagtangkang magsalita pa.

Nang matapos silang kumain ay inihatid na nya si Xam sa bahay nito. Nasa labas na si Xym ng maipark ni Vein ang sasakyan sa tapat ng bahay nila Xam. Halatang inaabagan ang pag dating nila. Pinagbuksan ni Xym si Xam ng pinto kaya di na sya nag abalang bumaba pa.

"Good Night. Ingat sa pagdridrive." Ngumiti si Xam kay Vein bago bumaba. "Thank you for the today. I enjoy it"

"Good night" Ngumiti rin sya"See you next time, Xam"

"See you" wika nito ng makababa na ito.

Isinara naman ni Xym ang pinto ng passenger seat. Bumusina sya Bago pinaandar ang sasakyan paalis.

'Ich mag dich wirklich, Xam ...but it's not the right time to say it'

to be Continue...

'Blooming love is one of the great Feeling'

Bab berikutnya