webnovel

DEREF CHAPTER NINE

Hazel POV

Dalawang araw na at bukas ang balik namin sa school.

Dalawang araw naring hindi ko nakakausap si Jairus dahil nasa bundok kami nag-cacamping.

At hindi rin ako nag paalam sa kanya kase alam kong kapag ginawa ko yun magpupumilit sumama yun.

Nakaupo ako dito sa ilalim ng puno kung saan kita ang magandang tanawin.

Kase ngayon ang free day namin para para makapag enjoy kami.

"Lalim ng iniisip ah." Napapitlag ako dahil sa pamilyar na nagsalita. Kaagad kong tinignan at nakangiting Myr ang nakita ko.

"Kamusta? Bakit ka nag iisa?" Tanong nya sabay upo sa tabi ko.

"Ayos lang. Gusto ko lang mag-isa para makapag relax." Sabi ko ng hindi sya tinatapunan ng tingin.

Nakakailang kaya syempre ex ko parin sya.

"Hazel mahal moba si Jairus?" Nagulat naman ako sa tinanong nya. Kaagad akong natahimik at nag-isip.

Mahal ko nga ba si Jairus?

"Sabi ko na nga ba hindi bakit ako parin no?" Natatawa nyang tanong kaagad uminit yung ulo ko dahil sa kayabangan nya.

"Masyado ka namang mahangin sa katawan mo di ka nahihiya no?" Pranka kong sabi.

"Just kidding. Anyway im so sorry sa nagawa ko dati." Sabi nya.

"Huh hindi ko kailangan nyan alam mo yan, matagal nayon at kinalimutan kona yun." Seryoso kong sabi.

"Eh ako ba nakalimutan muna?" Nabigla ako dahil sa tanong nya.

Hindi ko sya sinagot at tumayo na at nag- pagpag at lumakad paalis.

Hindi ko namalayang habang nag lalakad ako umaambon na.

Kaagad ako tumakbo pero hindi pako nakakalayo ng lumakas yung ulan.

Kailangan kong huminto at antaying tumila ang malakas na ulan pero hindi pupwede at baka dito ako abutin ng gabi mahirap na.

Nagulat ako ng may humiltak saakin at nakita kong si Myr iyon at huminto kami sa malaking puno at nanginginig dahil sa lamig.

"Shit kailangan nating antaying tumila yung ulan." Nanginginig na sabi nya.

"Pero hindi tayo pwedeng abutin ng dilim dito." Naiilang kong sabi.

Naglakad na ako palayo sa kanya pero hindi pako nakakalayo ng hinigit na nya ko at naramdaman ko nalang ang malambot nyang labi.

Shit nagpupumiglas lang ako pero hinahapit nya lang ako palapit sa kanya.

Buong pwersa ko syang tinulak at nagtagumpay naman ako.

Kaagad ko syang binigyan ng malutong na sampal.

"TANG IN* MO WALA KANG KARAPATANG HALIKAN AKO KUNG KAILAN MO GUSTO DAHIL HINDI MO NA KO PAG-AARI AT MATAGAL NA TAYONG TAPOS!!!" Sigaw ko sa kanya at tumakbo palayo sa kanya hindi ko alam kung san ako pupunta pero kailangang makalayo ako sa kanya.

Pero kasabay ng pagbuhos ng malakas na ulan sumasabay din ang walang pag hinto ng pagragasa ng luha ko dahil sa sakit na nararamdaman ko.

Lahat ng masasayang ala-ala namin sa loob ng tatlong taon akala ko sya na.

Akala ko hanggang dulo...

Akala ko ako lang...

Pero may iba pa pala...

Lahat ng sakit bumalik saakin.

Pero sabi nila kapag may umalis may biglang darating.

Sana...

Sana ikaw nayon...

Jairus.

Jairus POV

"Oh anak kauuwi mo lang aalis kana-naman?" Tanong ni papa sa'kin.

"Jackson hayaan mo na sumaya ang anak natin nakapag paalam na sya sa'kin at pinayagan kona sya." Sabi ni mama at tumingin sa'kin at kumindat.

"Hay ano pa nga bang magagawa ko babe kapag sinabi mo siguradong masusunod." Sabi ni papa.

"Halika nga dito anak sabi." Sabi ni mama at kaagad nya akong niyakap.

Syempre si papa mukang nagselos at nakiyakap narin.

"Teka, teka bat hindi kami kasama dyan ma, pa anak nyo rin kami." Sigaw ni Jasel at kaagad na tumalon buti nalang nasalo ni papa. Si Julienne naman napapailing nalang at yumakap.

...

"Pare ihanda moyan. Dyan, dyan ilagay mo." Sigaw ko kay Kyle.

Kasalukuyan kaming nandito sa bahay nila luvs/Hazel bukas na kase ang uwi nya at naisipan kong sorpresahin sya pagbalik nya.

Nakausap ko naman sila tita, at tito tungkol dito at tuwang-tuwa naman sila lalo na sa kulitan naming mga kengkoy.

"Wow pare ang ganda." Manghang-mangha sabi ni Raymond.

"Ganyan talaga kapag in-love." sabi ni Kyle.

"Mas maganda si Hazel dyan mga pare." Sabi ni Covie at kaagad namin syang pinagbabatukan.

"Kay Jairus yun e-eksena kapa." Natatawang sabi ni Paolo.

"Sigurado akong patay to sa kilig kapag nakita nya yan Jairus." Sabi ni Jhared.

Totoong maganda sya may mga balloon sa kisame na may print na pictures namin ni Hazel. Yung una at nagiisa naming pictures sa mall.

At syempre yung mga crip paper sa dingding syempre may pictures nya din yun.

Tapos yung sa gitna nung crip paper yung balloon na may letra na Welcome back luvs/Hazel.

"Salamat sa tulong guys." Sabi ko at pagkatapos ng bestfriends hug kami.

Sana magustuhan moto Hazel hindi kona maantay ang pagbabalik mo.

...

"Tol tara na antagal mo naman." Sabi ni Paolo. Kasalukuyan kaming hindi pumasok para sa pagsalubong kay luvs/Hazel.

"Baka nag-papagwapo pa." - Kyle.

"Tama na pagkikilay men." Natatawang sabi ni Jhared.

"Baka mas maganda kapa nyan kay Hazel pare." Sabi ni Raymond.

"Baka mas sexy kapa don tara na." Sabi ni Covie.

Kaagad naman kaming nag paalam kila mama at papa.

Nagsuot lang ako ng jeans at nag shirt na kulay itim na may tatak na simple.

"Its time to show!!!" Sigaw ko at kasabay nun ang pagpapaharurot ko ng motor.

Paunahan kaming makapunta duon.

Ako ang nagdadrive ng motor ni Kyle at sya ang naka angkas.

Bale dalawang motor lang tig tatlo kami ng sakay.

Kaagad kong pinreno yung motor at ipinarada namin yun at syempre nandito na ang pinakagwapo at ako yun.

"Magandang umaga po tita." Bati namin at pinatuloy na nya kami sa loob sobrang ganda talaga ng gawa namin tas may mga black rose akong nilagay sa bawat lalakaran ni luvs/Hazel mamaya.

"Tita nasan po si tito?" Tanong ko.

"May trabaho sya ngayon pero wag kang mag alala hahabol daw sya." Sabi ni tita napangiti naman ako dahil dun.

"Tita may tao po sa labas." Sabi ni Kyle.

Napatingin ako at nakita ko ang isang puting van baka sya nayun pero ng bumukas ang van kaagad na naglabasan ang mga hindi pamilyar na muka sa'kin.

"Nagimbita kase ako ng iilang mga kumare ko at mga kumpare ng asawa ko." Sabi ni tita napatango nalang ako dahil dun.

"Kumare sino sila?" Turo sa'min nung bisita ni tita. Kaagad namang kaming pinagtinginan dahil sa tanong nun.

"Ahhh manliligaw ng anak ko at mga kaibigan nya Jairus halika dito." Kaagad naman akong lumapit kay tita para magpakilala sa kumare nya.

"Good morning po miss, im Jairus grozen." Sabi ko sakanya.

"Ahh.. Eh pero teka mare hiwalay naba si Myr samson at yung anak mo? Sayang bagay pa naman sila." Para akong binato ng upuan dahil sa sinabi nung kumare ni tita.

Calm down Jairus matanda yan wag mong bigyan ng superman punch yan hindi nya lang alam ang kanyang tinuturan.

Pero bago paman makasagot si tita kaagad na may dumating.

Kinabahan ako ng sobra ng makita ko si Hazelmaluvs at nakaakbay sa kanya si papa este papa nya.

Pero nakapiring sya na inaalalayan ni tito habang naglalakad sila papasok sa bahay.

Pinatigil ni tito si luvs/Hazel para tanggalin yung piring at inaadjust pa ni luvs/Hazel ang kanyang paningin dahil narin sa pagkakapiring.

"Oh my ghad ano to?!" Gulat na gulat at natatawang tanong ni luvs/Hazel.

Magsasalita na sana ako ng biglang may sumulpot na pamilyar na lalaki.

"Ahhh Hazel ako ang may gawa nito sana nagustuhan mo." Sabi ni wolverine naginit kaagad yung ulo ko dahil dun.

At sila tita at tito naman balak pa sana nilang magsalita pero bandang huli tumahimik nalang sila.

Yung mga kaibigan ko naman tinignan ko at nakatingin din sila sakin na may halong pag aalala ngumiti lang ako ng pilit at umiling iling nalang.

"A-ahh dimo naman to kailangang gawin e." Sabi ni Hazel.

"Para sayo yan tara kain na tayo." Sabi ni wolverine.

Ako eto nakatingin ng masama kay wolverine na nakangisi.

"Uhm guys listen pls." Pag agaw ng atensyon sa lahat.

Nagtaka naman kami dun dahil sa sinabi nya at biglang lumapit kay Hazel.

At maya maya hinalikan nya sa labi si hazel.

Anong nangyari...

Papanong...

Hazel POV

Nagulat ako ng halikan ako sa labi ni Myr.

Pagkalayo nya sa'kin nakita ko si Jairus na madilim at malungkot na ekspresyon na nakatingin sa'min.

Shit andito sya...

Nang ibaba ko ang tingin ko sa kamay nya na handa ng manuntok kaagad nyang ipinasok sa bulsa nya yun at yumuko.

Shit what happen...

Gusto kong lapitan sya at mag paliwanag na wala kaming relasyon ni Myr pero hindi ako makatayo.

Wala kong alam, hindi ko to alam.

"ANDYAN NA'KO!" Nagulat kaming lahat dahil sa pagsigaw ni papa.

"O sige-sige tumawag kayo ng ambulance at backup na pulis papunta na'ko." Sabi ni papa sa kausap nya sa phone.

"Teka, teka honey anong nangyayari?" Natatarantang tanong ni mama kay papa.

"Honey may patayang nangyari sa tresmarias apartme-

" TRESMARIAS APARTMENT?! PATAYAN?!" Nagulat kaming lahat dahil sa pagsigaw ni Jairus at kaagad syang tumakbo palabas at sumunod yung mga kaibigan nya.

Pero hinila ko ang isa sa kanila na natataranta.

"ANONG NANGYAYARE?!" Natataranta kong sigaw.

" TE-TRESMARIAS APARTMENT! DUN NAKATIRA SILA JAIRUS!!!" Sigaw nya at kumaripas ng takbo.

Nanlambot ang tuhod ko dahil sa narinig ko.

Ang pamilya nya...

Kaagad kaming sumakay ni mama at papa sa aming kotse at pinaandar iyon.

May mga tinatawagan sya sa cellphone nya habang nag mamaneho at halatang natataranta.

"Ma, pa yung pamilya po ni Jairus." Napahagulgol ako dahil niyakap ako ni mama at inalo.

"Shit andito na tayo!" Sigaw ni papa at sa labas palang madami nang mga tyismosa at mga pulis na nandito.

"TABE PAPASUKIN NYO KO, ANG PAMILYA KO KAILANGAN NILA AKO, KAILANGAN NILA NG TULONG KO!!!" Sigaw ni jairus sa investigator na pumipigil sakanya.

"Hindi pupw-

Nagulat ako ng suntukin nya sa muka yung investigator at bumulagta sa sahig kaagad nya iyong tinalunan at nagmamadaling pumasok sa kabilang bahay.

Kyle POV

Kaagad naming sinundan sa loob si Jairus pero napatakip kaagad kami ng bibig namin at pinipigilang masuka dahil sa nakikita namin.

Yung nanay nya madaming sugat sa ibat ibang parte ng katawan at laslas ang leeg na animoy ginawang baboy na kakatayin.

Yung tatay nya may nakatarak na kutsilyo sa kanya ng sintido.

Yung dalawa nyang kapatid na babae walang mga saplot at may butas sa kanilang mga noo na animoy binaril.

Anong nangyari sino ang gumawa nito?!

Napahagulgol kaming magkakaibigan ng umupo si Jairus sa tabi nung mama nya at kahit ganun ang ityura niyakap nya parin iyon.

"Ma-ma gu-gumising p-po ka-kayo na-nandito na-na'ko pls gumising po kayo." Sigaw ni Jairus habang umiiyak.

Dahan dahan syang tumayo at lumapit sa papa nya.

"PAPA BAKIT? BAKIT ANDAYA MO PINAGTANGGOL KO YUNG DALAWA NATING PRINSESA PERO BAKIT IKAW NAGPATALO SA KANILA?! SINONG MAY GAWA NITO HAAAAA!!!" Sigaw nya at niyakap ng mahigpit ang papa nya.

Ay syempre ang mga prinsesa nila. Si Jasel at Julienne.

"J-JASEL N-NANDITO N-NA S-SI K-KUYA, J-JULIENNE PA-PATAWAD AT NA-NAHULI SI KU-KUYA AH. PA-PATAWAD H-HINDI KAYO NAIPAGTANGGOL NI KU-KUYA!" Sigaw nya habang humahagulgol.

Kaagad namin syang nilapitan at niyakap.

Pero nagpupumiglas sya ng nagtagumpay sya nagulat kami ng kinwelyuhan nya yung isa sa rescue.

"BAT KA NAG-AAKSAYA NG ORAS ILIGTAS NYO SILA!!! MABUBUHAY PA SILA!!!" Sigaw nya dun sa hawak nya at pinipigilan sya ng mga pulis dahil mapapatay nya yung rescue.

Nagulat ako ng pag susuntukin nya yung pumipigil sa kanya at hinawakan nya sa kwelyo yung isang pulis.

"SINONG MAY GAWA NITO?, NASAN YUNG MGA DEMONYONG YUN, PAPATAYIN KO SILA!" Sigaw nya dun sa pulis.

Kaagad kaming lumapit sakanya at inawat sya pero sobrang lakas nya at nakapagpumiglas parin at tumakbo uli sa pamilya nya.

"O-one, t-two, t-three ma ka-kapit kalang sa-sanay akong mag cpr." Sabi nya ganun din ang ginawa nya sa tatay nya at dalawang kapatid pero wala na talaga.

Kaagad syang lumapit sa papa nya at pinagsusuntok ito sa dibdib.

Kaagad kaming lumapit sa kanya at niyakap namin sya.

"Wa-wala na! Hi-hindi na sila humihinga. Wa-wala na na akong pamilya. I-iniwan na nila ko." Pabulong nyang sabi sa'min habang nakayap kami sa kanya.

Bab berikutnya